Share

Chapter III

Author: Ms. KIM
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-11 10:14:00

Pagpasok ko sa kwarto ng binook kong hotel ay umupo agad ako sa kama at binuksan ang phone ko, pinindot ang email ko at inopen ang isang mensahe na naglalaman ng isang video. 

Ilang araw bago ang kasal namin ay nag hire ako ng isa pang videographer, hindi para irecord ang masasayang mangyayari sa kasal kundi para idokumentaryo ang magiging ganap pagkatapos malaman ng mga tao ang pag alis ko. Hindi ko pwedeng palampansin ang eksenang yon, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon ni Uncle John, Ralph at maging ng mga bisita. 

"Nawawala ang Brideeeee!! sigaw ng mga wedding coordinators na kanina lang ay ang lalaki ng mga ngiti bago nila bukasan ang p***o ng simbahan.

"Ano? Bakit? Nasaan si Ysa?" sunod sunod na tanong ni Uncle John habang naglalakad papalabas ng simbahan. "Hanapin nyo sya baka hindi pa sya nakakalayo." utos pa nya sa mga bodyguard nya habang niluluwagan ang kurbata nya, halata ang inis sa mukha nya. 

Habang ang mga bisita ay nagbubulungan, sabi pa ng isa. "Ano to, mala pelikula naman to. Runaway bride? sa pelikula ko lang yun nakikita aah." tila nangaasar na sabi nito. “Bakit umalis ang bride lugi pa ba sya na Bilyonaryo ang mapapangasawa nya? Hay sayang naman ang garbo pa naman ng kasal nila” wika ng isa pang bisita. Umikot ang lente ng camera sa reaksyon ng iba't ibang bisita. May naiiyak, may tila natatawa at nangaasar pa at meron ding mga tumungo sa labas para tumulong na hanapin ako. 

Maya maya pa ay nabaling ang lente ng camera sa pwesto ni Ralph. Parang estatwa si Ralph na nakatayo sa gilid ng altar, may mga lumapit sa kanya na bisita para damayan sya pero wala syang reaksyon. 

Biglang lumapit si Uncle John sa kanya at nagulat ang lahat ng bisita. Kahit ako na nanonood lang sa cellphone ko ay nagulat. 

PAK!! Isang malakas na suntok ang pinatama ni Uncle John sa mukha ni Ralph. "Alam mo ba ang balak na ito ni Ysa? Ha Ralph? Bakit bigla syang nawal? Plinano nyo ba to?' galit na tanong ni Uncle John.

“Hindi Dad, nagulat din ako sa mga nangyari. Hindi ko to alam. Hindi ko alam kung bakit umalis na lang bigla si Ysa." pagpapaliwag ni Ralph habang hawak ang pisngi na sinuntok ng Ama nya. 

Sa parteng yun ay bahagya akong naawa kay Ralph, dahil nakita ko na mas mahalaga talaga sa Ama nya ang kayamanan kaysa sa sarili nyang anak.

Pagkatapos mapanood ang video ay inayos ko lang sa gilid ng kama ang bag ko. Gusto ko ng humiga sa kama para magpahinga. Masyadong mahaba ang araw na 'to para sa akin. Kanina lang nakasakay ako sa wedding car para ikasal pero dahil sa napagplanuhan kong pagtakas, naging madali na lang para sa aking iwan sa altar si Ralph.

Nang isara ang p***o ng simbahan bago ang grand entrance ng bride, palihim akong lumabas ng wedding car at lumipat sa kotse na inihanda ko para makatakas. Nagpalit ng damit at pinaandar ko na agad ang kotse.

Ngayon na lang uli ako makakapagpahinga pagkatapos ng ilang buwan na pagpapanggap na normal lang ang lahat. 

"Deserve ko to" nakangiti kong sabi sa sarili habang naka higa sa kama. Kahit na masaya ay kabado at takot pa din ako. Paano kung mahanap ako agad ni Ralph at Uncle John? hindi yun imposible dahil sa dami ng koneksyon nila. Napakayaman nila para hindi ako mahanap agad. “Hindi ako susuko!! magtatago ako habang naghahanap ng ebidensya laban sa kanila. Kaya mo yan Ysa!!” sambit ko sa sarili, kailngan kong magisip ng positibo.

Kinaumagahan ay nagising ako sa alarm ng cellphone ko. 7am na pla, sakto dahil 6am-11am ang free breakfast ng hotel. Mabilis akong naligo at nagayos ng sarili bago bumaba sa restaurant ng hotel at mag almusal. 

"Good morning Ysa" napakalumanay ng boses na yun tila ba hinehele ako habang binibigkas ang pangalan ko. "Pwede ba ako mag breakfast kasama ka?" nakangiti nyang sabi habang hawak ang isang tasa ng kape.

"Tom ikaw pala yan, sige sabay na tayong mag almusal." nakangiti ko ding sabi . Napasabi na lang ako sa sarili ko na"talaga nga namang good ang morning ko" Buruin mo kahapon lang ang dami dami kong problema at pagod sa buong araw. Ngayon naman umaga pa lang gwapong mukha na ni Tom ang makikita ko. 

"Uhmm Ysa gusto ko lang pala magsorry"

"Okay na yun , ano kaba diba nagsorry ka na sakin kahapon."

"Hindi, gusto kong magsorry sa unang time na nabangga kita. Remember sa tapat ng isang restaurant sa Manila, dun kita unang nabangga I really felt so clumsy. Kaya pala familiar ang face mo sakin nagkita na pala tayo dati." kwento ni Tom

"OMG ikaw pala yun? Kya palaaa." sagot ko

"Kaya pala? Kaya pala ano? Tanong nya. "Aah wala, what a small world noh." sambit ko pero ang gusto ko talaga sabi ay, aah kaya pala napatulala ako sa kgwapuhan nya sa pngalawang pagkakataon. Natatawa kong sabi sa sarili ko.

" So bakit ka nandito? Ang layo nito sa Manila" tanong nya

"Uhm exploring lang. Gusto ko lang magbakasyon sa iba't ibang part ng Pilipinas. Tsaka dito napatahimik hindi tulad sa Manila." hindi ko masabi ang totoo kay Tom. Hindi ko pa sya gaanong kakilala. "Ikaw? bakit ka naman napadpad dito?"

"Actually hometown ko to." nakangiting sabi ni Tom

"So bakit ka nasa Manila nung unang beses na magkita tayo? paguusisa ko

Bago pa sumagot si Tom ay biglang nag ring ang phone nya. "Excuse me sasagutin ko lang ang tawag na to." tumango lang ako sa sinabi nya.

Sa isang sulok ng restaurant ay pinagmamasdan ko si Tom kita sa mukha nya na naiinis sya. Maya maya pa ay bumalik na sya sa lamesa namin.

"Ayos ka lang? parang nag-iba ang mood mo." malungkot kong tanong

"Ahh wala yun, yung tumawag kasi sa akin may bad news syang binalita pero hayaan mo na. kumain na tayo masamang pinaghihintay ang pagkain."

Tahimik kaming kumain habang pinagmamasdsan ko si Tom. Kahapon pa lang kami nagkakilala at hindi ko pa sya lubusang kilala pero bakit apektado ako sa bad news na natanggap nya kahit na hindi ko naman alam kung anong balita yun.

Pagkatapos naming kumain ay nagsalita si Tom "Thank you Ysa, masarap pala talagang kumain na may kasabay. Alam mo kasi, ilang taon na din akong kumakain mag isa. Salamat ha."

"Dun nga pla sa tanong mo kanina kung bakit ako namamadali nung una tayong nagkita. Meron kasi akong hinahanap na tao at nung araw na yun hindi ako sigurado kung sya ba talaga yung nakita ko, dahil nung nabangga kita nawala sya sa paningin ko. Yung bad news naman kanina na natanggap ko ee sabi ng nahire kong maghanap sa kanya ay wala pa din daw lead." kwento ni Tom.

"Sinasabi ko to sayo kasi nahalata kong parang apektado ka sa pag iba ng mood ko, Wag kang mag alala okay lang ako." nakangiting sambit ni Tom.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XVI

    Mahabang katahimikan ang naglaro sa bawat sulok ng storage room na pinagtataguan namin ni Tom. Madami kaming tanong na gusto naming mabigyan agad ng kasagutan at hindi namin yun makukuha kung mauupo lang kaming dalawa at maghihintay sa wala. "Magsimula na tayo." matapang kong bigkas. "Tama! Magtulungan tayo Ysa." malakas na loob na sambit ni Tom. "Pero may request lang sana ako sayo. Hindi kita masasamahan na mag-ayos ngayon dito. Kailangan kong lumabas, naiwan ko sa hotel ang isa kong bag nandun ang ibang importanteng gamit ko. Kailangan kong makuha yun agad kaya babalik ako sa hotel. Gusto man kitang isama pero mainit pa ang mata ng publiko sayo kailangan nating mag ingat." "Walang problema naiintindihan ko Tom. Hayaan mo pagbalik mo dito sisiguraduhin kong may nahanap na akong ebidensya o kahit clue man lang." "Aalis na ako ngayon para makabalik agad ako. Mga walong Oras din ang byahe ko pabalik dito. Nag lagay na ako ng mga pagkain sa ref magluto ka na lang. Wag kang magpagut

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XV : Connections

    "Balak mong linisan tong storage room dba?" Tanong ni Tom habang tumango naman ako. "Dito tayo maguumpisa. Isa sa pinakaiingatang kwarto ng parents ko ang storage room na to. Halos lahat ng mga mahahalaga at importanteng papeles at gamit nila tinatago nila dito. Kaya malakas ang kutob ko may makukuha tayong clue sa loob nito." wika ni Tom "Pero Tom hindi ko maintidihan. Kung may Makita man tayong mahalagang bagay na pagmamay Ari ng mga magulang mo, ano ang koneksyon nun sa pamilya ko at sa pamilya ni Ralph? pati na sa sitwasyon ko ngayon?" patuloy pa din akong naguguluhan sa pangyayari. "Hindi ko to sinabi sayo agad gusto ko sanang makasigurado muna pero may pakiramdam ako na may koneksyon ang pamilya nating tatlo. Hindi pa ako sigurado, Wala pa akong pruweba pero iba ang kutob ko Ysa" seryosong tono ni Tom. "Ano ba yun Tom? Kailangan ko bang kabahan?" pagaalala ko. "Remember the first time we've met? Remember nabangga kita? I was rushing because I think I saw someone na mata

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XIV : Ysa's POV

    Napakaganda ng gising ko ngayong araw. Nagising ako sa amoy ng nilulutong almusal ni Tom. Ang saya gumising ng ganito, naalala ko tuloy ang Mommy ko pareho kaming mahilig sa Tosilog (Tocino, sinangag at itlog). Nung bata pa ako sinasama nila ako ni Daddy palagi sa palengke tuwing Linggo para bumili ng home made tocino sa suki nila. Paguwi namin magluluto na agad ng sinangag si Mommy, nagpapasobra talaga sya ng luto ng rice every Saturday night para kasi sa amin mas masarap ang fried rice pag yun ang ginagamit. Every Sunday ang family day namin, lagi kong nilolook forward and araw na yun dahil isang beses lang talaga sa isang Linggo kami kung mag bonding. Madalas na busy sa mga negosyo ang parents ko pero they make sure na Sunday is for me. Nilulutuan nila ako ng favorite kong food or kakain kami sa labas tapos pupunta kung saan ko gustong mamasyal. My childhood is really special, every time I look back puros happy memories lang ang naalala ko. My parents raised me in a healthy env

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XIII : Tom's POV

    Namamadali akong nag drive pabalik Kay Ysa. Kailangan ko pang asikasuhin ang almusal namin bago sya magising ngunit habang nag drive ay inaalala ko din ang balita na narinig ko sa TV ng convenient store. "Isang milyon" mahina kong bigkas sa sarili habang bahagyang napangiwi.Naisip ko iba talaga ang pamilya ng mga Bilyonaryo kaya nilang paikutin ang sitwasyon sa mga palad nila. Kaya nilang makalikom ng madaming alagad na tutulong sa kanila upang mahanap agad si Ysa gamit lang ang Pera nila. At kaya nilang pagmukaing mabuting tao sila sa harap ng marami pero ang totoo mga d*monyo sila na nagpapanggap na tao. Lalo na si John Borja, walang pusong nilalang na kayang sirain ang buhay ng iba makuha lang ang nais nya. Ang mas masaklap pa ay kaya nyang kumitil ng buhay ng iba para lang ang kamayanan at negosyo.Ganyang-ganyan ang ginawa nya sa mga magulang ko. Hindi ko pa man naikwekwento ito Kay Ysa dahil sa bilis ng pangyayari. Pero marami akong natuklasan ng bigla akong umalis sa hotel n

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XII : Tom's POV

    Bago matulog ay nag set ako ng alarm sa aking cellphone para makasiguro na magigising ako ng maaga kinabukasan. Unang ring pa lang ng alarm sa cellphone ko ay agad na akong bumangon at in-oof ang alarm. Ayokong pati si Ysa ay magising dahil sa alarm na yun. Dahil sa pagod kagabi ay pareho kaming natulog ng gutom, hindi na namin nagawang magasikaso ng makakain at mas pinili na lang na magpahinga. Alam namin na kailangan ng katawan namin ng pahinga, mahaba habang pagsubok pa ang haharapin namin sa mga susunod na araw. Pagkabangon ay dumeretso na ako sa CR at naligo. Habang nasa loob ng shower room ay iniisip ko kung anong lulutuin para sa agahan namin ni Ysa. Hindi ko sya nagawang tanungin kagabi bago matulog ng gusto nyang almusal kaya sa tingin ko ay magluluto na lang ako ng sinangag, pritong itlog at tocino. Yun Kasi ang madalas na kinakain ni Ysa sa almusal nung nakastay pa kami sa isang hotel. Mga ilang minuto lang ang itinagal ko sa CR at nagmadali na akong magbihis. Gusto na

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XI : Ralph's POV

    BANGG!!! Sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong may nabasa na bagay sa gilid ko pero sa pagkakataong ito ay mas malakas ang tunog. Mas may diin at mas may galit.Pagkatapos pala ibato ni Daddy ang shot glass nya ay hindi pa sya nakuntento. Ngayon naman ay hinagis nya ang mismong bote ng iniinom nyang alak. PAKKK!! Isa pang malakas na tunog pero sa pagkakataong ito hindi ko lang yun narinig kundi naramdam ko pa. Walang pagtitimping nagpakawala si Daddy ng isang malakas na suntok sa mukha ko. Suntok sa nagiisa nyang anak. Suntok na ramdam kong walang pagsisisi.Eto ang unang pagkakataong sinaktan ako ni Daddy ng pisikal. Sanay na sanay na ako sa verbal na pananakit nya sa akin simula pa pagkabata. Halos araw-araw nya akong tinatawag na Tang* at walang kwenta. Pabigat sa buhay nya at kung ano ano pa. Nung bata ako akala ko normal lang na tinatawag ng mga magulang ang anak nila ng ganon pero nung lumaki ako at magkaisip ay nalaman ko na iba pala ang pagpapalaki sa akin ni Daddy. N

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status