LOGIN"Ysa, right here" sigaw ni Ralph ng makita akong pumasok sa loob ng restaurant.
Palapit ako sa lamesa nila habang inaayos ang buhok at damit ko. "Anong nangyari sayo? bakit madumi ang gilid ng damit mo?" tanong nya habang tinutulungan akong umupo.
"Aah may bumangga kasi saking lalake kanina habang hinahanap ko tong resto. Pero ok lang, nag sorry naman sya sa akin." sagot ko. "Sige umpisahan na natin magplano". dagdag ko.
Mahabang usapan ang nangyari at sa huli kahit na napakamahal ng professional f*e para sa make up artist na yun ay binook padin ito ni Ralph. Sa katunayan si Ralph lang naman ang madaming tanong at ako sumasang-ayon lang sa lahat.
"Wala naman akong balak na magpaganda sa binabalak nyong wedding. hmmp" sigaw ko sa isip ko habang nakatingin kina Ralph at sa makeup artist.
Pagtapos ng meeting ay nagpaiwan muna kami ni Ralph sa resto, may sorpresa daw sya sa akin. Hindi na ako nagulat dahil ganoon naman lagi si Ralph mahilig sya sa mga sorpresa, isa yon sa nagustuhan ko sa kanya kaya kahit na hindi ko sya ganon kamahal ay pumayag ako sa plano ng mga magulang namin na ipakasal kami sa isa't isa. Alam ko na mabuting tao si Ralph, pero noon yun nung hindi ko pa naririnig ang mga kasamaan nila ng Daddy nya.
Maya maya pa ay may lumapit samin at nagpatugtog ng violin, sabay abot sa akin ni Ralph ng bouquet of flower. "Para saan to" tanong ko. "Gusto ko lang bigyan ng bulaklak ang magiging asawa ko. Sorry Ysa. Aahh ibig kong sabihin Thank you. Thank you for making me happy" sambit nya na nakangiti pero hindi ko maipaliwag dahil iba ang ngiti nya na yun tila may kasamang lungkot.
"Nagsisisi kaya sya sa nagawa ng Daddy nya sa mga magulang ko? o nagpapanggap lang sya?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Ralph.
Simula ng nalaman ko ang mga ginawa ni Uncle John sa mga magulang ko ay nag focus na lang ako na maghanap ng ebidensya laban sa kanila pero dahil na rin sa dami ng mga inaasikaso namin ni Ralph para sa kasal naging limitado ang oras ko. Isa pa hindi nila dapat malaman o maghinala man lang na may balak akong hindi ituloy ang kasal namin kaya naging maingat ako, nagkunwari akong normal lang ang lahat.
Dumating ang araw ng kasal namin ni Ralph. Napakagarbo ng ayos ng simbahan. May red carpet pa simula sa labas ng simbhan hanggang sa altar. Hindi maipagkakaila na isang Bilyonaryo ang ikakasal.
Abala ang lahat, habang ako tahimik na nakaupo sa magarbong wedding car namin.
Lumapit si Uncle John sa sasakyan kaya binaba ko ng bahagya ang bintana. "Ysa hija congratulations!! Ilang minuto na lang ay magiging ganap na kitang manugang!." pagbati nya na may mataas na tono.
"Thank you po" maikli kong sagot na wala man lang ngiti. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya., hindi ngayon.
"O sya hija iwan muna kita dyan papasok na ako sa loob. Mag ready ka na sa grand entrance mo." Nakangiti pa ding sabi ni Uncle John.
Ang hindi alam ng lahat, pagkasara ng p***o ng simba ay ang hudyat para sa akin na tumakas. Pagkabukas muli ng p***o ng simbahan ay wala na silang nakitang bride at ni isa sa kanila ay hindi alam kung saan ako nagpunta.
---Pagtakas--
Pinark ko ang kotse sa isang simple at maliit na hotel sa Baguio, na binook ko isang buwan na ang nakalipas. Hindi ito kilalang hotel. Gusto kong makasigurado na hindi ako agad mahahanap nila Ralph kaya mas pinili kong mag-book sa simpleng hotel na ito. Pagkatapos mag-park, kinuha ko ang maliit kong bag na naglalaman ng mahahalagang papeles at konting mga damit ko.
Lumapit agad ako sa front desk. "Excuse me po, nagpa-reserve po ako ng room via online," wika ko sa receptionist na kaharap ko.
"Yes, Ma'am. Patingin na lang po ng ID ninyo," sabi ng receptionist.
Bago ko pa makuha ang ID ko sa bag, biglang nagkalat sa sahig ang laman ng bag ko dahil may bumunggo sa akin mula sa likuran ko.
"Sorry, Miss. Hindi ko kayo agad nakita. Ako na po ang pupulot ng mga gamit ninyo," bigkas ng lalaking nasa likuran ko.
"Wag na! Kaya ko na 'to. Sa susunod, puwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakakaabala!" Pasigaw kong sinabi habang pinupulot ang mga gamit ko sa sahig.
Tumayo ako para kausapin at pagsabihan ang lalaki ngunit pagharap ko sa kanya, hindi agad ako nakapagsalita. Una kong nakita ang maamo niyang mukha. Nakatitig siya sa akin, may takot sa mga mata niya siguro dahil sa sinigawan ko siya, pero hindi maipagkakaila na perpekto ang itsura niya mula sa mata, ilong at lalo na sa labi niyang mamula-mula.
Sa halip na sigawan siya uli, napalunok na lang ako sabay sabing, "Mag-iingat ka na lang sa susunod." Ngayon, mas mababa at malambing na ang boses ko.
Ngumiti siya at nagsabi, "Sorry ulit, Miss."
Parang natulala ako nang sandali habang nakatitig sa mukha niya.
"Miss, okay ka lang ba?"
"Aah, eh, oo. Okay lang ako," sambit ko habang ramdam kong uminit nang bahagya ang pisngi ko. Nakakahiya. Bakit ba ganoon ang naging reaksyon ko?
"Excuse me po, Ma'am. Eto na po ang susi ng kwarto ninyo. Room 202 po. Kaliwa lang po kayo sa hallway, may hagdanan po diyan papunta sa second floor. Enjoy your stay!" Biglang sambit ng receptionist sa akin habang inaabot ang susi ng kwarto ko.
"Thank you po," wika ko.
Lumakad na ako agad patungo sa hagdan at hindi na nilingon ang lalaking kausap ko kanina, pero sumunod siya sa akin.
"Miss, kung hindi mo mamasamain, ihahatid na kita sa kwarto mo. Just a peace offering dahil nabangga kita kanina," nakangiting sabi ng lalaki sa akin.
Hindi ako sumagot kaya sumunod na lang siya sa akin. Kinuha na rin niya ang bag ko para buhatin.
Nang makarating na kami sa kwarto ko, "Eto ang bag mo. Sorry ulit kanina. Kung may kailangan ka, magkatapat lang tayo ng room. Room 209 ako. Tom nga pala." Nakangiti siya habang nakaakma ang kamay para makipag-shake hands sa akin.
"Okay na 'yon, walang problema. I'm Ysa," nakangiti ko ring sabi.
"Nice to meet you, Ysa. And see you around. May atraso pa rin ako sa'yo kaya kung may kailangan ka, wag ka mahihiyang magsabi sa akin ah. Bye for now," malambing niyang wika bago tumalikod at pumunta sa kwarto niya.
"Ang gwapo niya!!!" Una kong nabanggit pagkasara ko ng p***o ng kwarto ko. Hindi ko mapigilan pero iba ang dating niya sa akin pero.."parang nakita ko na sya kung saan?"
Pagkaalis ko sa hotel ay nagpasya akong bumalik muna sa Maynila. Alam ko kasi na mas mapapadali ang paghahanap ko ng ebidensya pag nasa Maynila ako., oo mas nakakatakot dahil mas malapit ako kila Ralph pero wala akong magagawa kundi mag-ingat na lang na wag nila akong makita Mag-ama pati na ng mga alagad nila. Dumiretso ako sa bahay ng mga magulang ko pag balik ko ng Maynila. Kailangan kong kumuha ng iilang damit at may mga papeles ako na dapat dalhin. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng bahay ay nakita na agad ako ng isa sa mga katulong naming. “Maam Ysa nagbalik kayo.” Maluha luhang nyang sambit habang inaalalayan ako papasok ng pinto.“Maam nag-ayos na po ako ng iilang damit nyo, nakalagay po sa garahe. Kung may iba pa po kayong kailngan ay kunin nyo na po. Wag po kayong magtagal dito Maam. Halos araw araw pong dumadaan dito sina Sir John at Sir Ralph, hinahanap po nila kayo. Mukha pong galit nag alit sila kaya natakot na po ang ibang katulong at nagpasya na lang na umalis. Hininta
Araw-araw kaming magkasabay ni Tom kumain. Nagpromise ako sa kanya na hanggang nandito kami sa hotel ay hindi ko hahayaan na kumain sya ng walang kasama. "Tom sabi mo dba dito ang hometown mo. So nandito ang bahay ng mga parents mo?" paguusisa ko.Sandaling tumahimik si Tom at hindi agad sumagot. "Aah wala na ee nabenta na." maikli nyang sagot.Ilang araw na din kaming magkasama pero madami pa akong hindi alam sa kanya tila may tinatago sya na hindi ko maintindihan o tamang hinala lang talaga ako. Napansin ko kasi na naging mapaghinala na ako sa mga tao simula ng nalaman ko ang tunay na kulay nila Uncle John. Totoo pala talagang pwedeng mag iba ang tao pag nasaktan. Palagi namin napagkkwentuhan ang mga pangarap namin sa buhay pero ni minsan hindi pa namin napagkwentuhan ang pamilya ng isa't isa. Hindi ko alam pero hindi ko yun masyado tinatanong hindi ko din kasi alam kung paano magkkwento tungkol sa mga magulang ko. "Ysa mahilig ka ba manood ng movie?" tanong ni Tom"Oo naman, per
Pagpasok ko sa kwarto ng binook kong hotel ay umupo agad ako sa kama at binuksan ang phone ko, pinindot ang email ko at inopen ang isang mensahe na naglalaman ng isang video. Ilang araw bago ang kasal namin ay nag hire ako ng isa pang videographer, hindi para irecord ang masasayang mangyayari sa kasal kundi para idokumentaryo ang magiging ganap pagkatapos malaman ng mga tao ang pag alis ko. Hindi ko pwedeng palampansin ang eksenang yon, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon ni Uncle John, Ralph at maging ng mga bisita. "Nawawala ang Brideeeee!! sigaw ng mga wedding coordinators na kanina lang ay ang lalaki ng mga ngiti bago nila bukasan ang pinto ng simbahan. "Ano? Bakit? Nasaan si Ysa?" sunod sunod na tanong ni Uncle John habang naglalakad papalabas ng simbahan. "Hanapin nyo sya baka hindi pa sya nakakalayo." utos pa nya sa mga bodyguard nya habang niluluwagan ang kurbata nya, halata ang inis sa mukha nya. Habang ang mga bisita ay nagbubulungan, sabi pa ng isa. "Ano t
"Ysa, right here" sigaw ni Ralph ng makita akong pumasok sa loob ng restaurant. Palapit ako sa lamesa nila habang inaayos ang buhok at damit ko. "Anong nangyari sayo? bakit madumi ang gilid ng damit mo?" tanong nya habang tinutulungan akong umupo. "Aah may bumangga kasi saking lalake kanina habang hinahanap ko tong resto. Pero ok lang, nag sorry naman sya sa akin." sagot ko. "Sige umpisahan na natin magplano". dagdag ko. Mahabang usapan ang nangyari at sa huli kahit na napakamahal ng professional fee para sa make up artist na yun ay binook padin ito ni Ralph. Sa katunayan si Ralph lang naman ang madaming tanong at ako sumasang-ayon lang sa lahat. "Wala naman akong balak na magpaganda sa binabalak nyong wedding. hmmp" sigaw ko sa isip ko habang nakatingin kina Ralph at sa makeup artist. Pagtapos ng meeting ay nagpaiwan muna kami ni Ralph sa resto, may sorpresa daw sya sa akin. Hindi na ako nagulat dahil ganoon naman lagi si Ralph mahilig sya sa mga sorpresa, isa yon sa nagustuhan
"Sa wakas!" Sigaw ko habang mabilis na pinaandar ang kotse na inihanda ko para may magamit ako sa pagtakas sa sarili kong kasal.Ako si Ysa at mahigpit dalawang taon na naming pinagplanuhan ni Ralph ang kasal namin, bago pa man ako maging ulila. Simula sa simbahan, reception pati sa isusuot namin at ng mga abay. Ang hindi alam ni Ralph, ilang buwan na din akong lihim na nagpaplano kung paano tatakasan ang pinagpaplanuhan naming kasal. Mabait si Ralph, gwapo, matalino at higit sa lahat isang Bilyonaryo pero hindi ko siya kayang pakasalan dahil sa nabunyag ko tungkol sa kanila ng Daddy nya, si Uncle John, Best friend ng mga magulang ko, ilang buwan ang nakakalipas pagkatapos masawi ng mga magulang ko. At isa pa kahit na pareho na kaming nasa 20’s na at nasa tamang edad na para ikasal, hindi ko sya lubusang mahal iniisip ko lang ang koneksyon ng mga pamilya namin.Dalawang taon na akong ulila. Namatay sa car accident ang Daddy at Mommy ko. Hindi iyon simpleng aksidente lang dahil mismon







