Share

The Billionaire's Run-Away Bride
The Billionaire's Run-Away Bride
Author: Ms. KIM

Chapter I

Author: Ms. KIM
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-11 10:12:04

"Sa wakas!" Sigaw ko habang mabilis na pinaandar ang kotse na inihanda ko para may magamit ako sa pagtakas sa sarili kong kasal.

Ako si Ysa at mahigpit dalawang taon na naming pinagplanuhan ni Ralph ang kasal namin, bago pa man ako maging ulila. Simula sa simbahan, reception pati sa isusuot namin at ng mga abay. Ang hindi alam ni Ralph, ilang buwan na din akong lihim na nagpaplano kung paano tatakasan ang pinagpaplanuhan naming kasal. Mabait si Ralph, gwapo, matalino at higit sa lahat isang Bilyonaryo pero hindi ko siya kayang pakasalan dahil sa nabunyag ko tungkol sa kanila ng Daddy nya, si Uncle John, Best friend ng mga magulang ko, ilang buwan ang nakakalipas pagkatapos masawi ng mga magulang ko. 

At isa pa kahit na pareho na kaming nasa 20’s na at nasa tamang edad na para ikasal, hindi ko sya lubusang mahal iniisip ko lang ang koneksyon ng mga pamilya namin.

Dalawang taon na akong ulila. Namatay sa car accident ang Daddy at Mommy ko. Hindi iyon simpleng aksidente lang dahil mismong ama ni Ralph ang gumawa nun. Sinira nila ang makina ng kotse para mahulog sa bangin ang mga magulang ko at pinalabas na aksidente iyon. Ginawa nila iyon dahil sa kasakiman. Mag-business partners ang mga magulang namin ni Ralph at simple lang ang rason kung bakit nila iyon nagawa: para maangkin nila nang buong-buo ang Casa Del Sol, ang resort na ilang dekadang pinaglaanan ng mga magulang ko ng dugo't pawis nila para mabigyan ako, ang nag-iisang anak nila, ng maganda at eleganteng buhay. Pero ngayon, lahat iyon puwedeng mawala sa akin dahil sa kasakiman nila. Nawala na sa akin ang mahal kong mga magulang, hinding-hindi ako papayag na pati ang Casa Del Sol ay makuha nila sa akin.

Ilang buwan pagkatapos ng libing ng Mommy at Daddy ko naisip ko sanang kausapin si Ralph at Uncle John na wala na akong balak na ituloy pa ang kasal. Alam ko na ganoon din naman ang gusto ni Ralph. Oo alam ko na mahal nya ako pero bilang kaibigan lang at napilitan lang din sya sa kasal na to dahil yun ang napagkasunduan ng mga magulang namin. 

Balak ko na ding bayaran o bilihin nalang ang shares nila sa Casa Del Sol dahil mas gusto kong mag isa na itong patakbuhin. Ang iba pa naming business ay ibibigay ko na din sa kanilang Mag-ama, kabayaran sa abalang nagawa ko. 

May tatlo pa kaming resorts sa Manila at taos puso ko yung ibibigay sa kanila. Alam kong mas mayaman ang pamilya nila kesa sakin, mas madaming properties and businesses kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila makuntento. 

Kya naman nagpunta ako sa bahay nila Ralph para ipaalam sana ang mga plano ko. Bago pa man ako makarating sa bahay nila at Nakita ko sina Ralph at Uncle John na nakatayo sa tapat ng bahay nila mukhang kakauwi lang din nila. Nagtaka ako dahil dumirecho papasok ng bahay si Ralph at sinundan sya ni Uncle John, hindi nila pinark ang kotse sa garahe nila na tila ba may pinagtatalunan. 

Tumigil ako sa di kalayuan at pinark ang kotse ko, diretso akong lumakad papasok sa gate nila. Bago pa man ko makapasok sa p***o ay narinig ko ang boses ni Uncle John.

"Ralph tandaan mo ako ang nagpalaki sayo kaya malaki ang utang na loob mo sa akin, kung hindi dahil sakin ay wala ka sanang maayos na buhay ngayon. Iniwan ka ng Mommy mo at ako na lang ang pamilya mo. Wag na wag mong balakin na ipagkanulo ako dahil hindi kita mapapatawad." Pagalit na Sabi ni Uncle John. 

"Yes Dad, walang makakaalam ng lihim mo na ikaw ang nagutos na sirain ang makina ng sasakyan ng mga magulang ni Ysa para maghulog sila sa bangin. Napakadali lang sayo gawin yun at wala ni isang nag-isip na hindi yun aksidente." Sagot ni Ralph. 

"Sympre ako si John Borja at lahat ng gusto ko magagawa ko, walang pwedeng pumigil sakin na kahit na sino!! Ngayon ang dapat natin pagtuunan ng pansin at ang kasal nyo ni Ysa. Pagkasal na kayo mas madali na nating malilipat sa pangalan mo lahat ng ari-arian nila." Nakangising wika ni Uncle John.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Tama ba ang narinig ko, ang best friend ng mga magulang ko sinadya nyang sirain ang makina ng kotse para maaksidente sila?" Tanong ko sa sarili ko.

Napahawak ako sa gilid ng p***o ng bahay nila, nanlalamig ang kamay ko at tila naninigas ang mga paa ko. Hindi ko pa naproproseso sa utak ko ang mga narinig ko pero alam Kong kailangan ko ng umalis sa kinatatayuan ko, hindi nila ko pwedeng makita at hindi nila pwedeng malaman na narinig ko ang usapan nila. Kahit halos hindi ako makalakad ay pinilit ko pa rin makarating sa kotse ko, agad kong pinaandar yun para makalayo agad.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive simula sa bahay nila Ralph papunta sa tapat ng bahay namin. Nanginginig pa din ako at hindi makapaniwala sa mga narinig ko, bigla na lang akong naiyak habang nakahawak sa manibela. “Ang sasama nila!!! napakayaman na nila pero hindi padin sila nakukontento sa dami ng pera nila. Bakit kailngan pa nilang wakasan ang buhay ng mga magulang ko para sa pera.!!!” malakas kong sigaw habang mag isa sa loob ng sasakyan.

Mga ilang minuto din akong umiiyak ng biglang mag ring ang cellphone ko, lumabas sa screen ang pangalan at number ni Ralph. "Bakit kaya sya tumatawag? Hindi kaya nalaman nila na narinig ko ang mga pinagusapan nila." Tanong ko sa sarili ko habang malakas ang pagkalabog ng dibdib ko.

 Kahit kabado ay kailangan kong sagutin ang tawag para malaman ko. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag. "He- hello" maikli kong sagot. 

"Hi Ysa, nasaan ka na?" Malambing na tanong ni Ralph. "Nasa bahay, bakit? Nalilitong sagot ko. "Bakit nandyan ka pa, hindi ba may appointment tayo sa makeup artist na balak mong ihire natin sa kasal natin." Sagot ni Ralph. 

"Naku oo nga pala sige papunta na ako." Napahinga ako ng malalim, mukhang wala namang alam si Ralph na nasa bahay nila ako kanina at narinig ko ang usapan nilang Mag-ama. Sa ngayon, magpanggap muna ko na walang alam kailangan kong makahanap ng ibedensyang magpapabagsak sa kanila. "Hindi ko hahayaang hindi kayo magbayad sa ginawa Nyo sa mga magulang ko, pananagutin ko kayo at babawiin ng dapat ng Sakin." Bulong ko sa aking sarili. 

Magpapanggap ako na abala para sa kasal Pero sisiguraduhing kong walang kasal na mangyayari sa pagitan namin ni Ralph, iiwan ko sya sa altar.

Pagdating ko sa meetup place namin ng makeup artist. Palinga-linga ako para hanapin si Ralph pero bigla akong natumba ng may bumanga sa akin mula sa likuran ko. "Sorry Miss nagmamadali kasi ako." Sambit ng lalake na nakabangga sa akin. "I'm really sorry namamadali lang talaga ko kailangan ko ng umalis, sorry talaga." Dagdag pa nya at bigla ng umalis. Hindi na ako nakasagot sa kanya. "Ang gwapo nya.......Sino ang lalakeng Yun." Sambit ko na lang sa sarili habang nakatingin sa kanya na papalayo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XVI

    Mahabang katahimikan ang naglaro sa bawat sulok ng storage room na pinagtataguan namin ni Tom. Madami kaming tanong na gusto naming mabigyan agad ng kasagutan at hindi namin yun makukuha kung mauupo lang kaming dalawa at maghihintay sa wala. "Magsimula na tayo." matapang kong bigkas. "Tama! Magtulungan tayo Ysa." malakas na loob na sambit ni Tom. "Pero may request lang sana ako sayo. Hindi kita masasamahan na mag-ayos ngayon dito. Kailangan kong lumabas, naiwan ko sa hotel ang isa kong bag nandun ang ibang importanteng gamit ko. Kailangan kong makuha yun agad kaya babalik ako sa hotel. Gusto man kitang isama pero mainit pa ang mata ng publiko sayo kailangan nating mag ingat." "Walang problema naiintindihan ko Tom. Hayaan mo pagbalik mo dito sisiguraduhin kong may nahanap na akong ebidensya o kahit clue man lang." "Aalis na ako ngayon para makabalik agad ako. Mga walong Oras din ang byahe ko pabalik dito. Nag lagay na ako ng mga pagkain sa ref magluto ka na lang. Wag kang magpagut

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XV : Connections

    "Balak mong linisan tong storage room dba?" Tanong ni Tom habang tumango naman ako. "Dito tayo maguumpisa. Isa sa pinakaiingatang kwarto ng parents ko ang storage room na to. Halos lahat ng mga mahahalaga at importanteng papeles at gamit nila tinatago nila dito. Kaya malakas ang kutob ko may makukuha tayong clue sa loob nito." wika ni Tom "Pero Tom hindi ko maintidihan. Kung may Makita man tayong mahalagang bagay na pagmamay Ari ng mga magulang mo, ano ang koneksyon nun sa pamilya ko at sa pamilya ni Ralph? pati na sa sitwasyon ko ngayon?" patuloy pa din akong naguguluhan sa pangyayari. "Hindi ko to sinabi sayo agad gusto ko sanang makasigurado muna pero may pakiramdam ako na may koneksyon ang pamilya nating tatlo. Hindi pa ako sigurado, Wala pa akong pruweba pero iba ang kutob ko Ysa" seryosong tono ni Tom. "Ano ba yun Tom? Kailangan ko bang kabahan?" pagaalala ko. "Remember the first time we've met? Remember nabangga kita? I was rushing because I think I saw someone na mata

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XIV : Ysa's POV

    Napakaganda ng gising ko ngayong araw. Nagising ako sa amoy ng nilulutong almusal ni Tom. Ang saya gumising ng ganito, naalala ko tuloy ang Mommy ko pareho kaming mahilig sa Tosilog (Tocino, sinangag at itlog). Nung bata pa ako sinasama nila ako ni Daddy palagi sa palengke tuwing Linggo para bumili ng home made tocino sa suki nila. Paguwi namin magluluto na agad ng sinangag si Mommy, nagpapasobra talaga sya ng luto ng rice every Saturday night para kasi sa amin mas masarap ang fried rice pag yun ang ginagamit. Every Sunday ang family day namin, lagi kong nilolook forward and araw na yun dahil isang beses lang talaga sa isang Linggo kami kung mag bonding. Madalas na busy sa mga negosyo ang parents ko pero they make sure na Sunday is for me. Nilulutuan nila ako ng favorite kong food or kakain kami sa labas tapos pupunta kung saan ko gustong mamasyal. My childhood is really special, every time I look back puros happy memories lang ang naalala ko. My parents raised me in a healthy env

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XIII : Tom's POV

    Namamadali akong nag drive pabalik Kay Ysa. Kailangan ko pang asikasuhin ang almusal namin bago sya magising ngunit habang nag drive ay inaalala ko din ang balita na narinig ko sa TV ng convenient store. "Isang milyon" mahina kong bigkas sa sarili habang bahagyang napangiwi.Naisip ko iba talaga ang pamilya ng mga Bilyonaryo kaya nilang paikutin ang sitwasyon sa mga palad nila. Kaya nilang makalikom ng madaming alagad na tutulong sa kanila upang mahanap agad si Ysa gamit lang ang Pera nila. At kaya nilang pagmukaing mabuting tao sila sa harap ng marami pero ang totoo mga d*monyo sila na nagpapanggap na tao. Lalo na si John Borja, walang pusong nilalang na kayang sirain ang buhay ng iba makuha lang ang nais nya. Ang mas masaklap pa ay kaya nyang kumitil ng buhay ng iba para lang ang kamayanan at negosyo.Ganyang-ganyan ang ginawa nya sa mga magulang ko. Hindi ko pa man naikwekwento ito Kay Ysa dahil sa bilis ng pangyayari. Pero marami akong natuklasan ng bigla akong umalis sa hotel n

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XII : Tom's POV

    Bago matulog ay nag set ako ng alarm sa aking cellphone para makasiguro na magigising ako ng maaga kinabukasan. Unang ring pa lang ng alarm sa cellphone ko ay agad na akong bumangon at in-oof ang alarm. Ayokong pati si Ysa ay magising dahil sa alarm na yun. Dahil sa pagod kagabi ay pareho kaming natulog ng gutom, hindi na namin nagawang magasikaso ng makakain at mas pinili na lang na magpahinga. Alam namin na kailangan ng katawan namin ng pahinga, mahaba habang pagsubok pa ang haharapin namin sa mga susunod na araw. Pagkabangon ay dumeretso na ako sa CR at naligo. Habang nasa loob ng shower room ay iniisip ko kung anong lulutuin para sa agahan namin ni Ysa. Hindi ko sya nagawang tanungin kagabi bago matulog ng gusto nyang almusal kaya sa tingin ko ay magluluto na lang ako ng sinangag, pritong itlog at tocino. Yun Kasi ang madalas na kinakain ni Ysa sa almusal nung nakastay pa kami sa isang hotel. Mga ilang minuto lang ang itinagal ko sa CR at nagmadali na akong magbihis. Gusto na

  • The Billionaire's Run-Away Bride    Chapter XI : Ralph's POV

    BANGG!!! Sa pangalawang pagkakataon ay narinig kong may nabasa na bagay sa gilid ko pero sa pagkakataong ito ay mas malakas ang tunog. Mas may diin at mas may galit.Pagkatapos pala ibato ni Daddy ang shot glass nya ay hindi pa sya nakuntento. Ngayon naman ay hinagis nya ang mismong bote ng iniinom nyang alak. PAKKK!! Isa pang malakas na tunog pero sa pagkakataong ito hindi ko lang yun narinig kundi naramdam ko pa. Walang pagtitimping nagpakawala si Daddy ng isang malakas na suntok sa mukha ko. Suntok sa nagiisa nyang anak. Suntok na ramdam kong walang pagsisisi.Eto ang unang pagkakataong sinaktan ako ni Daddy ng pisikal. Sanay na sanay na ako sa verbal na pananakit nya sa akin simula pa pagkabata. Halos araw-araw nya akong tinatawag na Tang* at walang kwenta. Pabigat sa buhay nya at kung ano ano pa. Nung bata ako akala ko normal lang na tinatawag ng mga magulang ang anak nila ng ganon pero nung lumaki ako at magkaisip ay nalaman ko na iba pala ang pagpapalaki sa akin ni Daddy. N

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status