Share

Chapter 6

Author: VelvetProse
last update publish date: 2026-08-01 13:13:53

Maaga ang check-up ni baby ngayon kaya’t ala-sais pa lang ay gising na ‘ko. Nang matapos akong magbihis ay sakto naman na may kumatok sa aming kwarto. Baka si Mr. Enzo na ‘to. 

Bumungad sa akin ang lalaking isa sa mga nagbuhat ng mga pinamili namin kahapon. 

“Magandang umaga, Aya. Pinapunta ako ni Mr. Enzo, ako ang mag-da-drive sainyo papunta sa ospital. At saka, ako pala si Adrian, ako na rin ang na-assign na magiging driver niyo kahit saan po tayo pumunta.” 

“Ah… si Mr. Enzo po?” tanong ko dahil nakakapagtaka na hindi niya nabanggit ang boss niya. 

“Hindi po siya makakasama, maaga po siyang umalis kanina.”  

Nagbago ang aking ekspresyon nang sabihin niya ‘yon. Bakit hindi siya sasama? Eh, check-up ng anak niya ngayon. 

“Sige po. Bibihisan ko lang po si baby tapos bababa na agad kami.” 

Isinara ko ang p***o at agad kong pinaliguan ang baby. Mukhang sobrang komportable siya habang nakababad sa maliit niyang bathtub.

“Ang saya-saya mo naman, little one.” Napangiti ako. “Kung akin ka lang, Ethan ang ipapangalan ko sa’yo.” 

Pagkatapos siyang bihisan, inayos ko ang diaper bag niya. Bumaba kami para mag-almusal habang nakahiga lang siya sa stroller. Nang matapos ako, kinarga ko siya papunta sa sasakyan at maingat siyang isinakay sa infant car seat.

Lumapit sa akin si Adrian. 

“Pinabibigay pala ni boss,” Iniabot niya ang isang folder.

Nang buksan ko ito ay agad na bumungad sa’kin ang mga dokumento ni baby. Habang nasa biyahe kami ay isa-isa kong tiningnan ang mga papel sa loob. Tila ba kuminang ang aking mga mata nang makita ko ang birth certificate niya. 

Ethan Theodore Del Rosario

Napapadyak ako sa tuwa nang makita ko ang pangalan niya. Biruin mo ‘yon, nahulaan ko ang pangalan niya. Pero bagay naman kasi talaga ang pangalang Ethan sa kanya. Bagay na bagay sa gwapo niyang mukha. 

“My God… dapat talaga tumataya ako sa lotto, eh.” Sabi ko sa aking sarili habang abala pa rin sa pagbuklat ng mga dokumento na nasa folder. 

Agad kong hinanap kung saan nakasulat ang pangalan ng mga magulang ni Ethan pero pangalan lang ni Sir ang nakita ko. 

Enzo Del Rosario

Ang tanging nakalagay lang sa space na para sa pangalan ng nanay niya ay N/A o No Answer. 

Napakunot ang aking noo. Ang ibig sabihin ba no’n ay namatay siya nang ipinanganak niya si Ethan? Pero kung gano’n nga ang nangyari, hindi ba’t dapat isinama pa rin ang pangalan niya sa birth certificate?

Teka… lalo yata akong naguluhan. Ibig sabihin ba no’n, hindi niya kilala ang nanay ni Ethan? Anak niya ba talaga si Ethan o inampon niya lang?

Kahapon naman, masaya siyang namimili ng mga gamit niya. Sinabi niya pa sa’kin na kunin ko ang mga pinaka-mahal at branded na gamit para kay Ethan. Pero hindi man lang niya dinalaw o kinamusta ang bata kahapon?

Napailing na lang ako habang binabalik ang mga dokumento sa folder. Masisiraan yata ako ng ulo kakaisip. Nang ilapag ko ang folder sa tabi ni Ethan ay napagtanto kong kanina pa pala nakatingin sa akin si Adrian. Nahiya naman ako’t napakamot sa aking ulo. 

“Sorry…” 

Ngumisi lang siya at bahagyang napailing. Nasobrahan ata ang reaction ko.

Nang makarating kami sa bayan ay dumiretso agad kami sa Eastbridge Medical Institute, isang malaking private hospital dito. Ilang palapag ang taas nito at halos puno ang parking area. Kahit maaga pa, marami nang pasyente.

Pagkababa namin ng sasakyan, agad kong kinarga si Ethan. Mahimbing pa rin siyang natutulog, marahil dahil napagod siya sa biyahe. Dumiretso kami sa reception. Lumapit agad ang medical secretary at ngumiti. 

"Good morning, ma'am. May I have your ID, please?"

Wala naman akong pag-aalinlangang inilabas ang ID ko at iniabot iyon sa kanya. Ilang segundo niya iyong tiningnan bago bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa bago ibinalik sa akin ang ID.

“I’m sorry, miss, pero hindi kami tumatanggap ng minor bilang companion.”

Pareho kaming napatingin ni Adrian sa medical assistant. Halatang nagulat siya sa sinabi no’ng babae kaya’t lumayo ako nang kaunti sa counter at tinawag siya.

“Adrian, pwede bang ikaw na lang muna ang mag-register sa kanya?”

“Minor ka, Aya, hindi kumukuha si boss ng mga menor de edad.” 

“Please, mahabang kwento, Adrian.”

“Nagsisinungaling ka sa kanya?”

“Oo at alam kong mali ‘yon. Dalawang buwan na lang naman, mag-e-eighteen na ‘ko. Kailangan ko lang talaga ng trabaho kaya sinabi kong nasa legal age na ‘ko.”

“Pero kailangan ni boss ng mga dokumento mo ‘pag aayusin na niya ang employment contract mo,” Nag-aalalang sabi ni Adrian sa akin. 

“Alam ko. Basta… gagawa na lang ako ng paraan para hindi niya agad ayusin ‘yon. Basta ‘wag mo na munang sasabihin sa kanya kasi kailangan na kailangan ko ang trabahong ‘to.” 

Napabuntong-hininga si Adrian bago siya nagsalita, “Okay, sige. Pero hindi ko ‘to gagawin para sa’yo. Gagawin ko ‘to dahil kailangan ng bata ang medical care at ayokong masayang lang ang punta natin dito.” 

“Yes, para kay Ethan…” Sagot ko sa kanya at hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. 

“Pero babalaan na kita ngayon. Galit si boss sa mga taong sinungaling. Kaya kung ako sa’yo, sasabihin ko na agad sa kanya ang totoo bago pa niya malaman sa iba. Mabait naman si sir, sigurado akong maiintindihan ka niya. Dalawang buwan na lang din naman ang kailangan mong hintayin… at saka, kailangan niya ng mag-aalaga sa anak niya.” 

Pinawi ko ang mga luhang nagbadya sa aking pisngi nang marinig ko iyon kay Adrian.

“Basta sasabihin mo sa kanya agad, ha? Kasi ‘pag nalaman niya na nagsisinungaling ka, tatanggalin ka niya agad.” 

Huminga siya nang malalim bago ako tapikin sa aking balikat. Halatado sa kanyang mga mata na hindi niya rin gugustuhin na mawawalan ako ng trabaho. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, eh, alam kong naiintindihan niya ako.

Iniwan niya ako at bumalik sa help desk para i-register si Ethan. 

Natapos ang lahat ng required tests ni Ethan. Nagpatingin din kami sa pediatrician, pero halos wala akong maisagot sa mga tanong nito dahil wala naman talaga akong alam tungkol sa pamilya ng bata. Naintindihan naman ako ng doctor dahil sinabi kong babysitter lang ako ni Ethan. 

Bago kami umalis, nagpa-schedule na rin kami ng monthly checkup niya.

Tahimik lang ang naging biyahe namin pauwi. Pakiramdam ko’y iniiwasan ako ni Adrian. Alam kong ayaw niya rin madamay sa sitwasyon ko. Halatado rin sa kanya na marami siyang iniisip. 

Nakatulog na si Ethan matapos umiyak nang sobra dahil sa mga tests na ginawa sa kanya kanina. Habang pinapanood ko siya sa kanyang pagtulog, hindi ko maiwasan na mapangiti–para siyang anghel. 

Kahit tatlong araw pa lang siya sa mundo, kitang-kita na agad ang pagkakahawig niya kay Mr. Enzo. Parehong-pareho sila. 

Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa katahimikan sa loob ng kotse kaya’t hindi ko na napigilan na tanungin si Adrian. 

“Nasaan po ang mama niya?”

Napatingin si Adrian sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror bago niya muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

Hindi siya nagsalita. 

Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit pinili niyang manahimik.

Sa tuwing walang sumasagot sa tanong ko, mas lalo lang akong nagiging curious. Hindi ko alam kung bakit parang bawal pag-usapan ang tungkol sa pamilya ni Ethan. Nakakalungkot lang isipin na buong araw kong kasama ang inosenteng batang ito, pero wala sa tabi niya ang kanyang nanay. Mas masakit pa roon, buhay naman ang tatay niya, pero ni minsan ay hindi man lang siya pinuntahan o kinarga. Parang wala talaga siyang mga magulang at habang mas tumatagal akong kasama si Ethan, mas lalo kong nararamdaman na may malalim na dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 37

    A few days earlier…ENZO’S P.O.VPagpasok ko ng kwarto, saka pa lang nag-sink in sa’kin ang ginawa ko."Damn it. Hinalikan ko si Aya."Napahawak ako sa noo ko at napailing."I can't believe I did that."Pero kasi, sobrang lapit ni Aya habang kinakausap ako. Madilim na madilim pa, and for a second, I thought she was Hera.Kahit gaano karaming sakit ang naidulot sa akin ng babaeng iyon, she was still the woman who had owned my heart for years.Well...Maybe not anymore.The way Aya kissed me—it awakened somethin

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 36 (Part Two)

    “Ha? Anong ibig mong sabihin?”Nagtataka kong tanong. Hindi ko talaga siya maintindihan.“Wala, wala…”Tumatawa pa rin siya at napipikon ako sa tawa niya.“Ano nga?”Umiling siya at bahagyang napasandal.“Kaibigan ni Sir ‘yung attending physician mo, ‘di ba?”Tumango ako.“Tumawag siya kay Sir Enzo. Sabi niya, discharge ka na raw. Tinanong niya si Tito kung tumawag ka sa kanya pero sabi ni Tito, wala siyang natatanggap na tawag galing sa’yo.”

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 36

    Nagising ako sa tunog ng pag-ikot ng doorknob. Naghintay ako na may pumasok, pero ilang segundo ang lumipas at walang nagbukas ng pinto. Napabangon ako at lumapit para tingnan kung sino ang nasa labas.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, isang malaking bag ang nakita kong nakasabit sa doorknob. Kinuha ko iyon at binuksan.May isang kahon sa loob, kasama ang isang maliit na note."Aya, take this as a gift. Dahil matagal din naman kitang hindi na-swelduhan, sa'yo na 'tong laptop ko. This should be useful once you start your studies. Na-reset ko na rin—pwede mo na siyang gamitin.P.S. Don't feel special. Pinaglumaan ko na 'yan. Nanghinayang lang akong itapon dahil bumili na 'ko ng bago. ‘Wag kang feeling.” Napangiti ako sa nabasa ko at natawa naman ako nang mabasa ko ang sinabi niya sa dulo. Kahit kailan talaga, hindi niya kayang maging sweet sa akin. Bumalik ako sa loob ng kwarto at binuksan ang kahon. Perfect condition pa ang laptop. At kung hindi ako nagkakamali, mamahalin ‘tong brand d

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 35 (Part Two)

    Natigilan ako at agad na tinalikuran siya. Ayokong makita niyang umiiyak ako. “Why are you just standing there? Do you not see the faucet’s still running?”Naramdaman ko ang paglapit niya at siya mismo ang pumatay ng gripo. Bakit ba sobrang tahimik ng yabag ng lalaking ‘to? Hindi ko man lang narinig ang pagbaba niya ng hagdan at ang pagdating niya dito. “Sorry…” Bulong ko pero sapat ang lakas no’n para marinig niya. Basag pa ang boses ko nang sabihin ko ‘yon kaya’t alam kong mahahalata niya. “Lagi ka na lang nag-so-sorry.” Hindi pa rin niya ako iniiwan. Gusto ko na sanang umakyat at dalhin ang tubig ko pero nakaharang siya sa dadaanan ko. Kapag ginawa ko ‘yun, makikita niya ang mukha ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Tinuon niya ang isang braso niya sa lababo at nang balak ko siyang iwasan ay magkabila na niyang inilagay ang braso niya sa lababo. Dahilan para ma-trap ako sa pagitan niya at ng counter. "Turn around and face me, Aya."Hindi ko man siya gu

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 35

    Tahimik kaming kumain. Sa sobrang tahimik namin dalawa, pakiramdam ko’y pako ang nilulunok ko. Ang sakit sa lalamunan. Kinakabahan ako. Sobrang awkward talaga kapag kasama ko ‘tong masungit na ‘to lalo na kailangan kong kapain kung anong mood niya. Minsan, okay siya. Minsan naman, ang sungit.Hindi ko alam kung alin sa dalawang version niya ang haharap sa akin sa tuwing magkikita kami."This month, hindi mo kailangang mag-alala kay Ethan. Tutulungan ka ni Mia. I want you to focus on yourself para mabilis kang maka-recover."Tinapunan ko siya ng tingin. Nakakahiya. Sa halip na nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko, kinakailangan ko pang maka-istorbo sa kanila. “Sorry talaga, Enzo, laking abala pa tuloy ako sainyo.” Kahit ayokong malaman ng amo ko ang mga personal kong problema, wala naman akong magagawa. Nakakahiya. Pakiramdam ko, naubos na ang dignidad ko. Tinitigan ako ni Enzo at malalim na bumuntong-hininga.Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko rin mabasa ang mga expre

  • The Billionaire’s Runaway Nanny   Chapter 34 (Part Two)

    Naging tahimik lang ang byahe namin pauwi. Masyado yata kami maraming napag-usapan kaya naubos na ang energy namin pareho. Nang makarating kami sa hacienda, agad na sumalubong sa amin si Mia para yakapin ako. “Happy birthday!” “Thank you, Mia!” Sagot ko naman nang kumalas siya. Sinilip ko rin agad si Ethan na mahimbing na natutulog. Samantalang si Enzo naman ay dumiretso agad sa office niya. Marami pa raw kasi siyang gagawin.“Kamusta ka naman, Aya? Buti nakalabas ka na ngayon at talagang tinaon pang birthday mo.” “Kaya nga, eh.” Tumawa ako. “Maayos naman ang pakiramdam ko. Maayos na maayos na.” Sinaway ko pa si Mia nang ayusin niya ang kama na hihigaan ko. Pero wala rin akong nagawa. Kailangan ko raw sumunod sa kanya dahil baka mabinat ako. “Kamusta pala siya, Mia?” “Okay naman, Aya. Hindi naman niya kami pinahirapan.” Napangiti si Mia."Alam mo ba, para mapatulog ko siya, kinailangan ko pang ilagay sa tabi niya ang unan mo.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status