LOGINHindi ko na pinansin iyon at sinara na lang ang p***o ng kwarto niya. Baka may mga nagsusunog lang ng basura sa labas. Sinimulan ko na rin ayusin ang mga gamit niya sa closet, sinama ko rin ang ilan din niyang laruan sa pag aayos.
Habang abala ako sa pag-aayos ng gamit ni baby, nalalanghap ko na naman iyong nasusunog na amoy. Hindi pa masyadong nakakabahala iyong amoy kanina pero ngayon parang makakaapekto na siya kay baby.
Agad akong tumayo para isara ang bintana dahil masama iyon sa baga ng bata pero agad akong natigilan nang makita ko si Mr. Enzo.
May mga papel at damit siyang inihahagis sa loob ng malaking drum para sunugin.
Napakunot-noo ako.
Kanino kaya ang mga damit na iyon?
At bakit kailangan pa niyang sunugin?
Natakot akong makita niya ako kaya agad kong isinara ang bintana. Marahan akong lumapit kay baby at umupo sa tabi niya.
“Sino ba kasing mommy mo?” aniko habang inaayos ang tela na nakabalot sa kanya.Hindi ko maiwasan ang maawa kasi ito ‘yung mga panahon na dapat kasama niya ang nanay niya. Dapat nanay niya ang nag-aalaga sa kanya. Dapat galing sa kanyang ina ang gatas na iniinom niya hindi iyong mga formula milk na nabibili lang sa kung grocery store.
…
Kinatok ako ng isa sa mga kasambahay para maghapunan. Medyo marami ang nakain ko pero mag-isa pa rin ako sa dining kanina. Nasaan ba si Mr. Enzo at parang hindi siya kumakain? Nang makababa ako ay agad ko na rin kinuha ang mga damit ni baby. Tuyo na ang mga iyon kaya’t pinalantsa ko na rin bago ko ayusin iyon sa closet.
Kung ano-ano na namang teorya ang pumapasok sa isip ko kahit anong pilit kong ‘wag isipin ang tungkol sa baby na ‘to at sa daddy niyang si Enzo.
Hindi ko pa naa-assemble ang crib, at dahil alas-nuwebe na ng gabi, napagdesisyunan kong bukas na lang iyon gawin. Mukha namang komportable si baby sa malambot at malaki niyang kama, kaya wala naman sigurong masama kung isang gabi muna siyang doon matulog. Isa pa, pagod na rin ang katawan ko sa dami ng nangyari buong araw. Hindi ko na rin sigurado kung kakayanin ko pang magbasa ng manual at magbuo ng crib nang ganitong oras.
Naglakad ako papunta sa banyo upang maligo. Hinayaan kong dumaloy ang maligamgam na tubig sa katawan ko, para bang unti-unti nitong hinuhugasan ang pagod at tensiyong naramdaman ko simula pa kaninang umaga. Pagkatapos ay isinuot ko ang bago kong pajama na binili ko ilang araw pa lang ang nakalipas. Malambot iyon sa balat at sapat para maging komportable ako sa pagtulog.
Paglabas ko ng banyo, dumiretso ako sa kama kung saan mahimbing na natutulog si baby. Dahil wala pa siyang crib, napagpasyahan kong katabi ko muna siyang matulog ngayong gabi. Maingat kong inayos ang kumot niya at siniguradong maayos ang pagkakahiga niya bago ako naupo sa gilid ng kama.
Napabuntong-hininga ako nang mapatingin sa bintana. Madilim na ang paligid at tanging liwanag ng buwan ang bahagyang sumisilip sa loob ng silid. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Ano kaya talaga ang mga sinusunog ni Mr. Enzo? At bakit kailangan niya iyong gawin nang palihim? Mas lalong gumulo ang isip ko nang maalala kong maghapon siyang hindi bumisita kay baby. Ni hindi man lang niya sinilip kung maayos ba ang kalagayan nito. Parang wala siyang interes sa sarili niyang anak.
Napailing ako upang itaboy ang mga iniisip ko. Wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay niya, pero hindi ko maiwasang magtaka. May kung anong misteryo sa lalaking iyon na hindi ko pa maintindihan.
Nang sumapit ang alas-diyes ng gabi, pinatay ko na ang ilaw. Ang tanging naiwan ay ang mahinang liwanag ng lampshade sa tabi ng kama. Marahan akong humiga sa tabi ni baby upang hindi siya magising.
Lumapit ako sa kaniya at marahang hinalikan ang maliit niyang noo. Napangiti ako nang bahagya nang makita kong kumunot ang noo niya na para bang naramdaman niya ang halik ko, pero agad din siyang bumalik sa mahimbing na pagtulog.
"Good night, little one," pabulong kong sabi.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero kahit ilang oras pa lang kaming magkasama, pakiramdam ko ay mahal na mahal ko na agad siya. Parang may kung anong kakaibang koneksiyon na nabuo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko man siya tunay na anak, kusa akong napapaisip kung nakakain ba siya nang sapat, kung komportable ba siya, o kung giniginaw ba siya.
Habang tahimik ko siyang pinagmamasdan, lalo kong napansin ang payapa niyang mukha. Napakaliit ng mga kamay niya, mahahaba ang pilikmata. Napangiti ako nang hindi namamalayan.
Ngunit kasabay ng pag ngiting iyon ay ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko'y may kakaiba sa batang ito.
Hindi iyon dahil sa itsura niya. May kung anong bagay na hindi ko maipaliwanag—parang may lihim na nakatago sa likod ng inosente niyang mukha. At sa hindi ko maunawaang dahilan, pakiramdam ko ay ang pagdating niya sa buhay ko ay hindi basta nagkataon lamang.
A few days earlier…ENZO’S P.O.VPagpasok ko ng kwarto, saka pa lang nag-sink in sa’kin ang ginawa ko."Damn it. Hinalikan ko si Aya."Napahawak ako sa noo ko at napailing."I can't believe I did that."Pero kasi, sobrang lapit ni Aya habang kinakausap ako. Madilim na madilim pa, and for a second, I thought she was Hera.Kahit gaano karaming sakit ang naidulot sa akin ng babaeng iyon, she was still the woman who had owned my heart for years.Well...Maybe not anymore.The way Aya kissed me—it awakened somethin
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”Nagtataka kong tanong. Hindi ko talaga siya maintindihan.“Wala, wala…”Tumatawa pa rin siya at napipikon ako sa tawa niya.“Ano nga?”Umiling siya at bahagyang napasandal.“Kaibigan ni Sir ‘yung attending physician mo, ‘di ba?”Tumango ako.“Tumawag siya kay Sir Enzo. Sabi niya, discharge ka na raw. Tinanong niya si Tito kung tumawag ka sa kanya pero sabi ni Tito, wala siyang natatanggap na tawag galing sa’yo.”
Nagising ako sa tunog ng pag-ikot ng doorknob. Naghintay ako na may pumasok, pero ilang segundo ang lumipas at walang nagbukas ng pinto. Napabangon ako at lumapit para tingnan kung sino ang nasa labas.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, isang malaking bag ang nakita kong nakasabit sa doorknob. Kinuha ko iyon at binuksan.May isang kahon sa loob, kasama ang isang maliit na note."Aya, take this as a gift. Dahil matagal din naman kitang hindi na-swelduhan, sa'yo na 'tong laptop ko. This should be useful once you start your studies. Na-reset ko na rin—pwede mo na siyang gamitin.P.S. Don't feel special. Pinaglumaan ko na 'yan. Nanghinayang lang akong itapon dahil bumili na 'ko ng bago. ‘Wag kang feeling.” Napangiti ako sa nabasa ko at natawa naman ako nang mabasa ko ang sinabi niya sa dulo. Kahit kailan talaga, hindi niya kayang maging sweet sa akin. Bumalik ako sa loob ng kwarto at binuksan ang kahon. Perfect condition pa ang laptop. At kung hindi ako nagkakamali, mamahalin ‘tong brand d
Natigilan ako at agad na tinalikuran siya. Ayokong makita niyang umiiyak ako. “Why are you just standing there? Do you not see the faucet’s still running?”Naramdaman ko ang paglapit niya at siya mismo ang pumatay ng gripo. Bakit ba sobrang tahimik ng yabag ng lalaking ‘to? Hindi ko man lang narinig ang pagbaba niya ng hagdan at ang pagdating niya dito. “Sorry…” Bulong ko pero sapat ang lakas no’n para marinig niya. Basag pa ang boses ko nang sabihin ko ‘yon kaya’t alam kong mahahalata niya. “Lagi ka na lang nag-so-sorry.” Hindi pa rin niya ako iniiwan. Gusto ko na sanang umakyat at dalhin ang tubig ko pero nakaharang siya sa dadaanan ko. Kapag ginawa ko ‘yun, makikita niya ang mukha ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Tinuon niya ang isang braso niya sa lababo at nang balak ko siyang iwasan ay magkabila na niyang inilagay ang braso niya sa lababo. Dahilan para ma-trap ako sa pagitan niya at ng counter. "Turn around and face me, Aya."Hindi ko man siya gu
Tahimik kaming kumain. Sa sobrang tahimik namin dalawa, pakiramdam ko’y pako ang nilulunok ko. Ang sakit sa lalamunan. Kinakabahan ako. Sobrang awkward talaga kapag kasama ko ‘tong masungit na ‘to lalo na kailangan kong kapain kung anong mood niya. Minsan, okay siya. Minsan naman, ang sungit.Hindi ko alam kung alin sa dalawang version niya ang haharap sa akin sa tuwing magkikita kami."This month, hindi mo kailangang mag-alala kay Ethan. Tutulungan ka ni Mia. I want you to focus on yourself para mabilis kang maka-recover."Tinapunan ko siya ng tingin. Nakakahiya. Sa halip na nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko, kinakailangan ko pang maka-istorbo sa kanila. “Sorry talaga, Enzo, laking abala pa tuloy ako sainyo.” Kahit ayokong malaman ng amo ko ang mga personal kong problema, wala naman akong magagawa. Nakakahiya. Pakiramdam ko, naubos na ang dignidad ko. Tinitigan ako ni Enzo at malalim na bumuntong-hininga.Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko rin mabasa ang mga expre
Naging tahimik lang ang byahe namin pauwi. Masyado yata kami maraming napag-usapan kaya naubos na ang energy namin pareho. Nang makarating kami sa hacienda, agad na sumalubong sa amin si Mia para yakapin ako. “Happy birthday!” “Thank you, Mia!” Sagot ko naman nang kumalas siya. Sinilip ko rin agad si Ethan na mahimbing na natutulog. Samantalang si Enzo naman ay dumiretso agad sa office niya. Marami pa raw kasi siyang gagawin.“Kamusta ka naman, Aya? Buti nakalabas ka na ngayon at talagang tinaon pang birthday mo.” “Kaya nga, eh.” Tumawa ako. “Maayos naman ang pakiramdam ko. Maayos na maayos na.” Sinaway ko pa si Mia nang ayusin niya ang kama na hihigaan ko. Pero wala rin akong nagawa. Kailangan ko raw sumunod sa kanya dahil baka mabinat ako. “Kamusta pala siya, Mia?” “Okay naman, Aya. Hindi naman niya kami pinahirapan.” Napangiti si Mia."Alam mo ba, para mapatulog ko siya, kinailangan ko pang ilagay sa tabi niya ang unan mo.”







