로그인Puno ng mga pangarap ang dalagang si Aya. At ang tanging hiling niya ay mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang ina matapos pumanaw ang kanyang ama. Pero ang mga pangarap na iyon ay isa-isang gumuho nang muling umibig at nag-asawa ang kanyang ina, at kasabay no’n, tila tuluyan na rin itong nagbago. Ang dating anak na labis nitong minahal ay unti-unting naging dahilan ng galit at selos. Dahil sa pagmamahal ng kanyang bagong asawa kay Sandra, nagsimulang makita ng kanyang ina ang sariling anak bilang karibal, hanggang sa tuluyan na siyang itaboy sa sarili nilang tahanan. Ngunit hindi roon nagtapos ang kanyang bangungot. Nang tangkain siyang abusuhin ng kanyang stepfather, wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakas. Mag-isang hinarap ni Sandra ang mundo, walang matakbuhan at walang kasiguraduhan kung saan magsisimula ulit. Habang naglalakad sa gitna ng kanyang pinakamadilim na yugto, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang magbabago ng lahat. Sa isang tulay, makikilala niya ang isang misteryosong lalaki, isang estrangherong maaaring maging simula ng kanyang paghilom… o ng panibagong unos sa kanyang buhay.
더 보기Lagpas alas-sais na ng gabi nang dumating si Inay sa may gate ng bahay namin, habang malakas na sumisigaw.
“Aya!”
Dali-dali akong lumabas. Parehong puno ng mga pinamili ang mga kamay niya.
“Bilisan mo nga! Hindi mo ba nakikitang ang bigat-bigat nito?”
Masama na naman ang timpla ni Inay, gaya ng nakasanayan ko. Sigurado akong may nasabi o may nagawa na namang hindi niya nagustuhan si Tito Peter. At gaya ng dati, sa akin na naman niya ibubunton ang inis niya.
“Mga grocery natin 'yan para sa buwang ito. Ilagay mo lahat sa tamang puwesto. Alam mong ayaw ni Tito Peter ng makalat. At isa pa, huwag kang kukuha ng kahit ano nang hindi nagpapaalam. Kapag nagutom ka, sabihin mo sa akin at ipagtatabi kita ng pagkain.”
“Wow. Hindi ba puwedeng kumuha na lang ako ng makakain sa sarili kong bahay?”
“Tumigil ka nga, Aya! Kapag hindi ka tumigil, bubugbugin talaga kita. Akala mo nakakatuwa ang mga biro mo? Wala namang kahit isang sentimo sa mga grocery na 'yan ang galing sa'yo. Wala ka ngang naitutulong sa bahay na ito.”
“Gusto ko naman magtrabaho, pero ako naman ang pinagbabantay n'yo kay Tala.”
Bigla na lang dumapo ang isang malakas na sampal sa pisngi ko. Sanay na sanay na ang mga kamay ni Inay sa pananakit sa akin.
“Huwag mo akong sasagutin, Aya ha! Akala mo ba mga tripa mo lang ang kausap mo? Sobra na ang kawalan mo ng respeto. Nanay mo ako! Kung gusto mong manatili sa bahay na ito, matuto kang gumalang sa nakatatanda at ibaba mo ang yabang mo.”
“E saan naman ako pupunta?” umiiyak kong tanong. Ikalawang beses na akong nasampal sa linggong iyon. “Ikaw na lang ang natitira kong pamilya sa mundong ito, pero pakiramdam ko parang wala pa rin akong kahit na sino. Simula nang maging kayo ni Tito Peter, puro pagpapahirap na lang ang ginawa mo sa akin. Ang mas masakit pa, hinahayaan mo rin siyang gawin din iyon sa akin.”
Apat na taon na ang lumipas mula nang mawala si Papa. Pagkaraan ng isang taon, nagkaroon ng bagong nobyo si Inay.
Hindi pa sila nagtatagal nang dalawang buwan ay nagsama na sila sa iisang bahay dahil buntis na siya kay Tala, ang nakababata kong kapatid. Ako ang nag-aalaga sa kanya para pareho silang makapagtrabaho.
Simula nang lumipat kami sa bahay ni Tito Peter, hindi na niya ako tinuring na anak. Hindi niya ako kinakausap maliban na lang kung may nawawalang gamit o kung uutusan niya akong magligpit kapag may gamit na wala sa tamang lugar.
Bulag na bulag si Inay sa kanya, sa pagmamahal at sa selos. Pakiramdam ko iyon ang dahilan kung bakit ganito na lang ang trato niya sa akin.
Hindi...
Sigurado pala ako.
Tuwing day off ni Tito Peter, pinapaalis niya ako ng bahay buong maghapon. Makakabalik lang ako kapag nakauwi na siya galing trabaho. Ayaw niyang naiiwan ako na kasama si Tito.
“Ayaw mo ba? Siya ang bumubuhay sa atin at sa bahay na ito, dapat nga araw-araw kang lumuluhod at nagpapasalamat sa kanya. At tungkol d’yan sa drama mo, ubos na ubos na ang natitira kong pasensya. Sige na, umalis ka na sa harap ko at paliguan mo na si Tala dahil aalis pa kami.”
“Saan tayo pupunta?”
“Hindi ka kasama. Kami lang. Nakalimutan mo na bang magulo ang bahay? Habang wala kami, lampasuhin mo ang sahig.”
Palagi na lang ganoon.
Isang araw bago ang day off ni Tito Peter, umaalis silang dalawa nang hindi ako isinasama.
At para bang hindi pa sapat iyon, ako pa ang iniiwan nilang gumawa ng lahat ng gawaing bahay, parang si Cinderella.
“At huwag mong kalilimutan na bukas ang day off mo. Si Tito Peter ang mag-aalaga kay Tala kaya makakapagpahinga ka.”
Sinabi niya pang makakapagpahinga ako. Pero ang totoo, ayaw lang niyang maiwan kaming dalawa ni Tito Peter sa bahay. Hindi dahil natatakot siyang may gawin siya sa akin. Kundi dahil natatakot siyang baka ako ang umakit sa kanya.
Hindi maintindihan ni Inay na sukang-suka ako sa lalaking iyon. Hindi ko matanggap ang pagmumukha niya, lalo na ang palihim niyang pagtitig sa akin sa tuwing nagkakasalubong kami sa bahay.
Isang bagay lang na maganda sa sitwasyon ko, kumikita ako ng kaunting pera. Habang nasa trabaho sina Inay at Tito Peter, gumagawa ako ng mga accessories sa buhok para sa mga bata. Kapag Miyerkules, na siyang day off ni Tito Peter—lumalabas ako para ibenta ang mga iyon.
Naglalakad ako sa paligid ng mga daycare, paaralan, at maternity hospital, at kahit sa mga mall dahil mas maraming tao ron at mas maraming benta ‘pag nagkataon.
Ang kinikita ko ay ipinambibili ko ulit ng materyales, at ang tubo ay iniipon ko. Hindi ako gumagastos kahit isang sentimo.
Nag-iipon ako para sa araw na makaalis ako sa bahay na ito.
Siyempre, wala silang kaalam-alam. Dahil kapag nalaman nila, matagal na nilang kinuha ang lahat ng perang pinaghirapan ko.
No’ng isang beses nga, habang paalis ako ng bahay, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Inay, pero binigyan niya ako ng isang libo at sinabing bumili ako ng kahit anong gusto ko.
Noon ay buntis pa lang siya, napaisip ako. Puwede kong gastusin ang perang iyon sa kung anu-anong bagay at mauubos agad.
O maaari ko itong ipuhunan?
Kaya iyon ang ginawa ko.
Bumili ako ng ribbon, hot glue, mga beads, at natutong gumawa ng hair bow sa tulong ng mga tutorial sa feed app.
Maingat kong itinatago ang lahat ng gamit ko. Kapag lalabas ako, inilalagay ko ang mga iyon sa backpack ko at ibinebenta ang mga nagagawa ko.
Dahil doon, nakaipon na ako ng singkwenta mil. Dalawang bagay na lang ang hinihintay ko, ang makaipon pa at ang mag-diyesotso. Kapag nangyari iyon, aalis na ako rito. Lilipat ako sa ibang lugar. Maghahanap ng trabaho.
Maghahanap ng matitirhan at susubukan na makapasok ng college para kahit papaano ay magkaroon ako ng diploma. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng iyon. Pero wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sumugal.
Kung mananatili ako rito, hinding-hindi ako makakapag-aral o magkakaroon ng trabahong may sahod. Hindi ko naman hahayaan na hanggang dito na lang ang buhay ko.
Para kina Inay at Tito Peter, sapat nang kabayaran sa lahat ng ginagawa ko ang may natitirahan at mapakain ako.
Nang makaalis silang lahat kinagabihan, agad kong inilagay sa backpack ko ang mga paninda ko pati na rin ang lahat ng naipon kong pera.
Mapanganib man ang maholdap sa daan, mas natatakot akong manakawan sa sarili naming bahay. Pakiramdam ko kasi, tuwing umaalis ako, kinakalkal ni Inay ang mga gamit ko.
Matapos kong maihanda ang lahat, tinawagan ko ang nag-iisa kong kaibigan.
“Hi, Ria. Kumusta na ang paghahanda mo sa pag-alis mo?”
Lilipat na si Ria sa ibang estado upang manirahan sa tiyahin niya matapos siyang mabigyan ng scholarship sa isa sa pinakamahusay na medical school sa bansa. Magkaibigan na kami simula pa noong elementarya. At mula noon, hindi na kami nagkahiwalay.
Pareho naming pinangarap na mag-college nang magkasama. Pero noong nakaraang taon, pagkatapos kong makatapos ng high school, hindi ako pinayagan ni Inay na kumuha ng entrance exam. Kailangan ko raw alagaan si Tala.
Sayang lang daw ang pambayad sa babysitter kung may anak naman siyang nasa bahay lang.
Sobrang nasaktan ako. Sa totoo lang, pakiramdam ko noon ay gumuho ang mundo ko. Alam kong kaya ko ring makakuha ng scholarship. Masipag akong mag-aral. Palagi akong mataas ang grado.
Mula nang mawala si Papa, iisa lang ang pangarap ko. Makapag-aral. Maging doktor. At mabigyan ng magandang buhay si Inay.
Pero dumating si Tito Peter at tuluyan nang nagbago ang lahat.
Ang pagmamahal na dati niyang ibinibigay sa akin ay napalitan ng pang-iinsulto, pananakit, at kawalan ng respeto. Lahat iyon dahil sa isang selos na hindi niya man aminin, kitang-kita ko naman sa bawat malamig niyang pakikitungo sa akin.
“Handa na ang lahat. Nakaimpake na ang maleta ko. Bukas, alas-kuwatro ng hapon ang alis ko. Pupunta ka para magpaalam, 'di ba?”
“Siyempre. Day off ko bukas ‘no. Hindi ako mawawala.” sarkastiko kong sagot.
“Ang lungkot isipin na hindi na tayo magkasama. Pangarap ko pa namang sabay tayong mag-college.”
“Huwag mo na akong isipin. Masaya ako para sa'yo. Sigurado akong magiging mahusay kang Doktor.”
“Nalulungkot ako para sa'yo, Aya. Sana kapag dumating ‘yung tamang panahon na hinihintay mo, makaalis ka na d’yan. Sobra na ang nararanasan mo kay Tito at Tita. Hindi na tama ‘yan…”
“Humahanap lang ako ng pagkakataon at aalis na ako dito.”
“Saan ka naman pupunta?”
“Hindi ko pa alam. Basta kailangan kong makaalis dito, Ria, ‘pag hindi, ikamamatay ko. Hindi ko man alam kung anong naghihintay sa akin sa lugar na pupuntahan ko pero nakakasigurado akong mas mabuti na ‘yon kaysa manatili ako rito.”
Tumawa siya at sumandal sa sofa. “Do you know what she did? She admitted that she liked you, pero hindi raw sapat ’yon para makipagkompetensiya sa akin, lalo na’t may anak tayo. She simply told me she was leaving.” “You’re lying.” Napailing ako, pilit na inuunawa ang mga sinasabi niya. “Kilala ko si Aya. She would never leave without talking to me first.” “Then let’s see how well you really know her.” Ngumisi siya. “Tell me, Enzo, nasaan siya ngayon? Ha? Where is she? Bakit wala siya rito kung hindi siya umalis?” “You must have said or done something terrible to her. Umamin ka!” sigaw ko. “If you think I did something wrong, then call her. Kausapin mo siya mismo at alamin mo ang totoo.” Nagkibit-balikat siya, tila walang pakialam sa kaguluhang idinudulot ng mga salita niya sa akin. “I only told her my side of the story, and apparently, your little sweetheart doesn’t l
Hindi na normal ang kilos niya. Para siyang isang taong unti-unting nilalamon ng sarili niyang galit at desperation, hanggang sa hindi na niya malaman kung alin sa mga iniisip niya ang dapat niyang sundin at paniwalaan. “Anak ko siya, Enzo!” sigaw niya. “Pero pinagkaitan mo ako ng karapatang makita siya! Do you honestly think that’s fair?” Muli siyang napailing, at nang magsalita siya ulit, halos hindi na magkasunod-sunod ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. “Mas hinahayaan mo pa ang babaeng ’yon na hawakan ang anak ko! Na yakapin siya, alagaan siya, at makasama siya araw-araw!” Itinuro niya ako gamit ang nanginginig niyang daliri. “Samantalang ako? Ako ang nanay niya, Enzo! Ako ang tunay na nanay niya!” Bigla siyang napatawa. Isang maikli at mapait na tawa na agad ding napalitan ng hikbi. Napahawak siya sa ulo niya at ilang beses na umiling, na para bang pilit niyang itinataboy ang isang bagay na s
Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng selda, naghihintay ng update mula kay Chase. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakakulong dito. Ang tanging gusto ko na lang ay makalabas agad. Sobrang baho sa lugar na ’to. I could barely stand it anymore. Gusto ko nang makaalis dito at makalanghap man lang ng sariwang hangin. “Mr. Enzo, laya na po kayo.” Agad akong napakunot ng noo sa narinig, pero ilang segundo lang ang lumipas ay napalitan din iyon ng isang ngiti. Hindi na ako nagtanong pa. I knew Chase wouldn’t let me down. Binuksan ng pulis ang rehas ng selda kung saan ako nakakulong. Pagkalabas ko, nakita ko agad si Chase na naghihintay sa akin. “You really are a great lawyer, huh?” Salubong ko sa kanya. “Hera dropped all the charges,” Seryoso niyang sagot sa akin. Nagdikit ang mga kilay ko, “What do you mean?” “I don’t know, man, pero something doesn’t feel right. First, biglang nagpakita si Aya,
Agad niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng salamin kung saan nakalagay ang mga cellphone na halatang may mga gasgas na rin. Naglabas siya ng apat na phone at bakas sa mga ‘yon na talagang nagamit na. “Itong mga ‘to, pwede na sa isang libo lang.” Namili ako sa apat na inilabas niya. Pinili ko ‘yong medyo kakaunti pa lang ang gasgas at hindi pa sobrang halata na secondhand. “Ito na lang po,” Tinuro ko ‘yong nagustuhan ko. “Isang sim card na rin po sana,” Dagdag ko. Pagkatapos kong magbayad, nakiusap ako sa nagtitinda na baka pwedeng maki-charge na rin ako sa kanila. Nag-lo-load din sila kaya nagpa-load na rin ako at nag-download ng mga apps na kailangan ko habang nakiki-charge ako.“Ma’am, may alam po ba kayong malapit na hotel dito?” “Mag motel ka na lang, miss.” Itinuro niya ang kanto sa kabilang kalye. “Lampas lang ng dalawang kanto mula sa tindahan na ‘yon.”Tumango ako habang tinitingnan iyong sinasabi niya. “Probinsyana ka, ‘no
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.