Maki tilted his head slightly. Siningkit niya ang kanyang mga mata habang nakatitig sa maliit na balkonahe sa bahay na ‘yon.
Nagtaka si Luke ngunit hindi na nagtangkang magtanong pa sa young master. Kinuway niya ang kanyang kamay at sumenyas sa mga grooms men na pumasok na sa loob.
“Let’s go, sundan nyo ako,” utos ni Luke.
Ang prusisyon ng kasal ng pamilya Montealegre ay hinarang ng mga bridesmaid sa pintuan ng pamilya Smith para humingi ng mga pulang sobre habang nagkakasiyahan.
Wala man lang nakapansin na ang tunay na groom ay lumibot sa likod ng pinto ng Smith family villa.
Lumakad si Irene sa likod ng bahay at hindi ito nagpahalata sa mga taong nandoon upang hindi makaagaw ng atensyon, ngunit matapos ang ilang hakbang at nang tuluyan siyang makalabas sa backdoor, nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa kanyang kuwelyo. Binuhat siya nito na animoy pusa at tinaas ang buong katawan, dahilan upang mabitin sa hangin ang kanyang paa.
“Saan ka pupunta?”
Isang mababang tinig ng lalaki ang narinig ng dalaga. Isang tinig na alam niyang mapanganip.
Sa paglingon ni Irene, hindi na siya nagulat dahil boses palang ng lalaking ito ay alam na niya – It was Maki Montealegre.
Nanlaki ang mga mata ni Maki at gulat na gulat ito nang makita ang mukha ng dalaga, dahilan upang mabitiwan niya si Irene.
Ang babae nasa harapan niya ay may maraming nunal sa mukha, diretso ang kilay, makapal ang lipstick at colorful eyeshadow. Sa madaling sabi, sinadya na naman ni Irene na papangitin ang kanyang mukha.
Nang makita ni Irene na nagbago ang expression ni Maki, pasikreto siyang napangiti. Nagsimula na siyang magpanggap at nagsalita.
“Sir, nandito ka para sunduin ang bride hindi ba? Mali ka ng pintong napuntahan. Doon ka dapat sa maindoor dumaan. Hinihintay ka na ng bride mo sa loob,” sunod-sunod na sambit ni Irene sa lalaki.
Sumingkit ang mga mat ani Maki, saka malamig na tumingin sa pangit na babaeng nasa harapan niya. Maya-maya lang, tumaas ang magkabilang gilid ng labi ng binata.
“Really? Kung ganoon, bakit nasa daliri mo ang engagement ring ng family Montealegre?”
Matapos niyang sabihin iyon, tinaas ni Maki ang kamay ng dalaga at malamig na tumama ang tingin niya sa singsing sa daliri nito.
“Patay na!” bulong ni Irene sa sarili.
Hindi sa nakalimutan niyang tanggalin ang singsing. Pero ang totoo, tila lumalaki sa daliri niya ang singsing na iyon at hindi niya ito matanggal kahit gamitan pa ito ng sabon.
Tiningnan ni Maki ang dalaga gamit ang kanyang malalim at guwapong mga mata, animoy nababasa niya ang mga iniisip ng dalaga sa mga tingin nito.
“Wag ka nang magsayang ng lakas. Hindi mo talaga matatanggal ang singsing na iyan. The ring is made of platinum mixed with special materials. Isang special oil lang din ang pwedeng makatanggal niyan.
Nagngitngit ang mga ngipin ni Irene sa inis. Napagtanto niyang hindi na nga siya makakatakas sa malupit na lalaking ito. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.
“Uncle, ngayong nandito na tayo. Let’s be frank. Alam ko namang hind imo talaga ako gustong pakasalanan, kailangan mo lang talaga ng isang babaeng magpapanggap bilang asawa mo sa hindi ko malamang dahilan, tama?” Hindi tumugon si Maki sa sinabi ng dalaga. Matalinong babae si Irene dahil nakuha agad niya ang bagay na iyon. “Ganito na lang, yung ate ko, si Sarah. Maganda siya at mas sexy sa akin. Sobrang willing din siya na pakasalan ka. Naku! Hindi ka magkakamali sa pagpili mo sa kanya.”
Sumingkit ang guwapong mga mat ani Maki. Ang maliit na batang si Irene ay tila wala talagang planong magpakasal sa kanya. Bago ito para kay Maki. Noon kasi, ang mga kababaihan ay nagkakandarapa upang makuha ang atensyon niya, ngunit ang isang ito ay kakaiba, dahilan upang mas maging interesado siya.
Muling tumaas ang labi ni Maki at malamig na nagsalita, “Kung sino man ang may suot ng singsing, iyon ang pakakasalan ko.”
Kumunot ang no oni Irene, “ang dali naman nito! Ibigay mo lang sa akin ang special oil at tatanggalin ko tong singsing, tapos ibigay mo kay Sarah,” walang takot n autos ni Irene sa lalaking matikas na nakatayo sa kanyang harapan.
“Wala sa akin ng oil.”
“Eh ‘Di bumili ka!”
“It’s lost. Hindi mo mabibili ang ganoon.”
“Oh! Is that so?”
Muli na namang nagngitngit sa inis ang mga ngipin ni Irene. Hanggang sa maya-maya lang, tinaas niya ang kanyang kamay at tinuro ang isang bagay na nasa likod ng lalaki.
“Uncle, tingnan mo! May makulay na baboy!” sigaw ni Irene na animoy bata.
Walang emosyong tiningnan lang siya ni Maki at dahan-dahang tumataas ang manipis nitong labi. “Childish…” mahinang bulong ng lalaki.
Tatakbo palang sana si Irene nang mabilis na mahawakan ni Maki ang kuwelyo niya at muli siya nitong binuhat na animoy sako ng bigas. Sinusubukan pa ring lumaban ni Irene ngunit tila wala itong saysay.
Sa kabilang banda, kapapasok lang ni Luke kasama ang nagguwa-guwapuhang mga groomsmen sa bahay ng mga Smith nang makatanggap siya ng tawag mula sa young master. Matapos siyang tumigil sa paglalakad at sagutin ang telepono, tumalikod siya habang may naguguluhang expression at lumakad palabas ng bahay kasama ang mga groomsmen.
Nang makita it oni Tasha, sandal siyang nagulat at agad na hinabot si Luke upang tanungin.
“Assistant Luke, nasa loob po ang bride at naghihintay. Saan kayo pupunta?” tanong ni Tasha.
“My young master is already with the bride,” tugon ni Luke habang malamig na nakatingin sa babae.
“Kasama na niya? Imposible! Ang anak kong si Sarah ay nasa kuwarto pa!”
Kumunot ang no oni Luke sa bagay na narinig.
“Sarah? Madame, baka nagkakamali kayo ng pagkakaintindi. Ang babaeng nais pakasalanan ng aking young master ay hindi Sarah ang pangalan.”
Matapos iyon, muling lumakad si Luke at nilagpasan ang nakatulalang babae. Hindi na siya muling lumingon pa.
Animoy binuhusan naman ng malamig na tubig ang katawan ni Tasha at natulala sa mga bagay na nangyari.
‘A-Ano raw? Nagkakamali ako?’ sambit ni Tasha sa isip.
Bumalot ang bulungan sa paligid. Ang mga tao ay nagsimulang pag-usapan ang mga nangyayari. Nakaramdam ng kahihiyan si Ben dahil nakatingin ang mga bisita sa kanila at tila kinukutya sila nito sa kanilang isip.
“Tasha, anong nangyayari? Akala ko ba ay gustong pakasalan ni Mr. Maki ang anak nating si Sarah?” inis na tanong ni Ben sa babae.
“H-Hindi ko alam kung bakit ito nangyari! Nang bumisita rito ang Montealaegre Family, ang sabi nila ay nais daw ng young master na pakasalan ang ating anak. Nagpadala pa sila ng mga regalo. Ben! Nakita mo rin iyon, hindi ba?” mangiyak-ngiyak na sambit ni Tasha sa asawa.
Dahil sa galit, marahas na naglakad si Ben at sinampal si Tasha nang malakas.
“Gumawa ka ng blind arrangement na hindi man lang inaalam ang totoo! Nagdala ka pa ng kahihiyan sa ating pamilya!” galit na galit na wika ni Ben.
Dahil sa narinig na ingay, nagpasya nang lumabas si Sarah mula sa silid kung saan siya naghihintay para sa kanyang groom.
“Dad, Mom. Anong ginagawa nyo? Nasaan ang mapapangasawa ko? Si Mr Maki?” inosenteng tanong ng dalaga.
“S-Sarah, sabi ng assistant ni Sir Maki, nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan at kasama na raw nila ang totoong bride,” nakayukong pagtatapat ni Tasha na halos hindi makatingin sa anak niya dahil sa hiya.
Nanlaki ang mga mat ani Sarah dahil sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
“A-Ano? Mom! P-Paanong hindi pagkakaunawaan? Hindi ba gusto akong pakasalan ni Sir Maki?”
“Anak, huwag mo sana kong sisihin. Naguguluhan din kasi ako sa nangyayari,” tugon ni Tasha habang hawak ang pisngi niyang sinampal ni Ben.
“Just think about it, paano nga naman magpapakasal ang isang mayamang lalaki sa isang artistang puro eskandalo?” sambit ng isang kamag-anak ng pamilya Smith na nakidalo sa pagtitipong iyon, saka nito pinaikot ang baso sa kamay at ngumisi.
“Tama ka!” pagsang-ayon naman ng isa pa nilang relative.
“Sa tingin ko bumalik ka na lang sap ag-arte, Sarah! After all, sa pelikula ka na lang naman naipapakasal sa mayaman.”
Nagsimulang mabalot ng tawanan ang paligid na nagbigay ng labis na kahihiyan kay Sarah. Hindi kinaya ng dalaga ang mga bagay na naririnig kaya nagmadali itong bumalik sa kuwarto kung saan siya galing at doon ay nagtago.
“Mga hayop talaga ang mga ‘yon!” sambit ni Sarah habang humihikbi sa kuwarto. “Hindi ba binigyan naman talaga ako ng singsing ni Sir Maki? Kaya paanong misunderstanding?” muling wika ni Sarah saka mariing pinahiran ang luha sa kanyang mga mata.
Umupo siya at sandalling nag-isip.
“Hindi! May mali sa mga nangyayari! Anong klaseng babae naman ang aagaw sa aking si Maki?”
“Sino siya? Smith din ba ang surname niya?”
Sa SNOW box.Bagaman tinawag itong box, ang loob ay parang isang malaking flat stage na napakaluwag.Mayroong magandang ilaw ngunit malabo, habang tumutugtog ang isang live band.Nakasuot ng magagandang damit ang mga tao, umiinom at nag-uusap sa kani-kanilang mga barkada.Pinagmasdan ni Irene ang mga tao sa paligid, hinahanap si Angela.Maya-maya lang, biglang may lumabas sa pinto na may kulay Barbie pink na buhok patungo sa kanya, “Tita...”Inunat ni Irene ang isang daliri at pinindot ang mga labi ni Angela, pinatahimik ang huling salita na “Tita,” at sinabi: “Kapag nasa labas tayo, tawagin mo ko sa pangalan ko.”Ngumimik si Angela, “Ah, sige! Irene...”Bahagyang nakasimangot si Irene at sinuri mula ulo hanggang paa kung may mga sugat ang babaeng kaharap, “Anong nangyari sa’yo? Tinawag mo ako para humingi ng tulong?”Hindi kumportable na niyakap ni Angela ang braso ni Irene, lumingon siya at itinuro ang likod niya, “Sila yon! Minamaltrato nila ko!”Itinaas ni Irene ang kanyang mga ma
Ang ikalawang palapag ng Twilight ay isang high-end na pribadong kuwarto, na hindi naririnig ang ingay mula sa bar sa ibaba at tila ibang mundo.Tinawagan ni Irene si Angela ngunit walang sumagot, at hindi niya alam kung saang pribadong kuwarto ito naroroon.Napansin siya ng general manager ng Twilight at lumapit ito nang may paggalang, "Miss Smith, hinahanap mo ba si Sir Dave?"Dahan-dahang umiling si Irene at nagtanong, "Nakita mo ba kung saang pribadong kuwarto nandoon ang panganay na babae ng pamilya Han?"Sabi ng manager, "Hindi po, walang tao mula sa pamilya Han ang naasikaso sa itaas ngayon."Nagtangka si Angela na hanapin si Maki nang palihim kaya hindi siya dumaan sa karaniwang proseso ng bar.Pinag-isipan ni Irene ito at muling nagtanong, "Saang private room pumasok si Maki?"Matapat na sumagot ang manager, "Miss Smith, si Ginoong Maki ay nasa SNOW."Ang SNOW ang pinakamalaki at pinaka-luxurious private room sa bar na iyon, eksklusibo para sa mga nakatataas sa lipunan.Haban
Tumaas ang ulo ni Irene at tiningnan ang salamin na corridor sa second floor kung saan nakaturo si Angela. Sumingkit ang mga mata ng dalaga nang mapatunayang si Maki nga ang lalaking ito na may payat at malamig na pigura. Sa likuran ni Maki, naroon ang isang Magandang babae, matangkad, payat ang baywang, mahaba ang binti at kulot na buhok. Sinusundan nito ang lalaking si Maki.Ibinalik ni Irene ang tingin niya, kalmado ang kanyang ekspresyon, at magaan ang tono, "Huwag mo siyang isipin."Nagtaka si Angela sa sinabi ni Irene, "Tita, ang asawa mo ay lihim na nakikipagkita sa ibang babae sa taas, at wala kang pakialam?"Walang pakialam na uminom si Irene ng juice gamit ang straw, "Wala akong pakialam."Kaka-break lang ni Angela sa isang lalaking manloloko, at lasing pa siya, kaya hindi niya matiis ang ganitong bagay."Hindi! Tita, hindi ka man lang nagagalit sa tito ko? Huhulihin ko siya sa panloloko para sa iyo! Humph, may asawa na siya, pero kasama pa rin niya ang ibang babae. Sobrang
Walang ganang umirap si Irene saka tumugon, "Oo at hindi."Nakayuko pa rin si Maki at saka nilipat ang pahina sa dokumento na hawak niya."Totoo ba o hindi?"Sinabi ni Irene ang totoo, "Nilagay ng babaeng iyon ang video, pero ang tunog ay nirecord ko gamit ang aking phone at idinagdag doon sa video."Bumuntong-hininga si Maki nang mahina, "I asked you to be a bridesmaid, pero sinamantala mo ang pagkakataon para sirain ang kasal ng iba. Paano mo ipapaliwanag iyon?"Kumunot ang noo ni Irene, "Uncle, honestly speaking, negosyo ito ng inyong pamilya, hindi sana ako dapat makialam! Pero, ang mga walanghiya ay mga kaaway ng lipunan, may obligasyon akong patayin ang isa kapag nakakita ako ng isa."Bahagyang itinaas ni Maki ang kanyang labi na may halong pagngisi, "Hindi ko alam na si Miss Irene ay isang messenger of justice."Medyo nagalit si Irene, "Ang lalaking iyon na si Yuan, hindi lang niloko si Angela, kundi sinamantala rin niya ang pagkakataon na hawakan ang kamay ko nang magkita kami
"Napakawalang hiya mo!"Itinaas ni Angela ang kamay niya para sampalin si Yuan, pero nahawakan agad ng binata ang kamay nito.Hindi nagalit si Yuan, bagkus ay tumawa pa, "Angela, mas mabuting sumunod ka na lang at pakasalan mo ako. Huwag mo akong suwayin, dahil alam mo na kung ano ang mangayayari."Nanaginip ka! Hindi kita pakakasalan kahit mamatay pa ako!" Namumula sa galit ang mga mata ni Angela. Nakita na niya ang tunay na kulay ni Yuan at nadidiri siya. Gusto na niyang bugbugin ito hanggang sa mamatay.Ngunit mahigpit na hawak ng binata ang pulso niya. Hindi niya mahila o maalis ang kamay niya.Mayabang na tumawa si Yuan, "Hindi ka ba natatakot na ang magaganda mong litrato na halos wala nang saplot ay ia-upload sa mga social media platforms, at saka..."Pack!Biglang may isang sampal ang lumipad sa ere at tumama nang malakas sa mukha ni Yuan.Napaikot si Yuan at tumama sa mural sa koridor.Walang gana na inalis ni Irene ang alikabok sa kanyang mga kamay."Basura!" inis na sambit
Nagsimulang mamutla ang mukha ni Yuan at agad na tiningnan si Charice. Sigurado siya na ito ay may kagagawan ng mga nangyayari.Samantala, unti-unti namang nagbago ang expression ni Angela, ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakita.Lumingon si Angela kay Yuan na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.“Y-Yuan, A-Anong relasyon mo sa babaeng ‘yan?” nauutal na tanong ni Angela.Agad na hinawakan ni Yuan ang balikat ni Angela. “Angela, listen to me. Mali ang inaakala mo. ‘Yang mga oras na ‘yan, lumapit sa akin ang bridesmaid at sinabing masama ang pakiramdam niya. She asked for my help kaya sinamahan ko siya sa storage room. Sino ang mag-aakala na maghuhubad siya sa harapan ko at aakitin ako? Maniwala ka, Angela, wala akong ginagawang masama,” sunod-sunod na paliwanag ni Yuan at pilit nitong pagsisinungaling.Tinulak ni Angela si Yuan at mabilis na lumakad patungo sa kinaroroonan ng mga bridesmaid. “Si