Share

Chapter 6

Author: Zyglerx
last update Last Updated: 2024-11-03 21:51:00

Nagsimulang lumubog ang araw at sumapit na ang dilim.

Nakarating na ang dalawa sa mansion ng mga Montealegre. Matapos isama ni Maki ang dalagang si Irene, binigay niya ito sa mga maid upang maasikaso dahil magsisimula na ang seremonya ng kasal.

"Kunin nyo ang babaeng ito at linisin siya," utos ni Maki sa mga kasambahay.

Dali-dali namang tumakbo ang mga katulong upang sundin ang inutos ng young master.

Nilinisan nila ang dalaga, nilagyan ng magandang make-up sa mukha, at sinuotan ng traditional white wedding dress. Sa pagtakip ng veil sa mukha ni Irene, wala siyang ibang makita kung hindi ang maputing see-through na tela. Habang ang ulo niya ay nakayuko, nakita niya ang luxurious leather shoes ng lalaking nasa harapan niya.

Lumakad ito at lumapit, saka nagsalita gamit ang mababa nitong tinig.

"Makipag-cooperate ka lang sa akin. Wala akong gagawing masama sa iyo," saad ni Maki na may commanding voice.

Ang boses na iyon ni Maki ay tila nagpapakalma kay Irene, ngunit nababalot ng mabigat na responsibilidad ang mga salita niya.

Sa mga oras na ito, alam na ng dalaga na wala na siyang magagawa pa. Kahit tumakbo siya o magtago, madali lang siyang mahahanap ng lalaking ito.

"Okay! Fine! Makikipag-cooperate ako sa iyo. After all, ako naman ang nag-first move noong nakaraan. But, Uncle. Kailangan mo akong bigyan ng definite time kung hanggang kailan ako makikipag-cooperate sa iyo, after the expiration date, magkakanya-kanya na tayo," matapang na wika ni Irene sa lalaki.

Tumaas ang kilay ni Maki habang nakatingin sa kanya. Hindi naman talaga ito interesado sa dalaga, kaya marahan siyang tumugon.

"Three months."

Hindi nais ni Maki matali sa babaeng ito nang matagal. Para sa kanya, ang tatlong buwan ay sapat na para gumaling ang kanyang lolo.

"Deal!" matapang na tugon ni Irene. "Let's go! Let's get married," muli niyang wika, saka kinuha ang kamay ni Maki at pinag-intertwined ang kanilang mga daliri.

Tumama ang tingin ni Maki sa kamay nila ni Irene. Ramdam niya ang maliit at malambot na kamay ng dalaga, ngunit ang pinagtataka niya, hindi siya naiilang o naiinis sa paghawak ng dalaga, samantalang siya ang tipo ng lalaking ayaw sa mga babaeng clingy.

***

Isang tradisyonal na kasal ang naganap sa pamilya Montealegre. Tahimik na nakisama si Irene sa mga nangyayari at tuluyang kinasal ang dalawa.

Matapos iyon, sa gabi ng honeymoon ng dalawa. Nakaupo si Irene sa kama at naghihintay sa lalaking napangasawa niya. Si Maki naman ay katatapos lamang maglinis ng katawan at lumabas ng banyo.

Lumapit ang binata sa babae, saka nagsalita.

"Tumayo ka na diyan," malamig at walang emosyong utos ni Maki. Ngunit hindi kumilos ang maliit na babae.

Lumakad si Maki at tuluyang lumapit sa dalaga, doon lang niya napansin na nakatulog ito nang nakaupo. Nang akmang hahawakan niya si Irene, dahan-dahang gumalaw ang katawan ng dalaga at na-out of balance ito, mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Maki, dahilan upang mapasandal ang ulo ni Irene sa binata. Kumunot ang noo ni Irene, ngunit hindi pa rin ito nagising.

Nang tumama ang tingin ni Maki sa mukha ng dalaga, sandali siyang natulala nang makita ang maliit ang maganda nitong mukha. Mas maayos pala ito kapag walang make-up. Hindi maikakaila ni Maki na maging siya ay namangha sa makinis, maliit, at maamo nitong mukha.

Ngunit maya-maya lang, muling kumunot ang noo ni Irene at marahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Sa pagtaas ng kanyang ulo, tumama ang tingin niya sa malamig at matalas na mga mata ni Maki. Halos ilang pulgada lang ang pagitan nila at halos yakapin na siya ng binata sa sobrang lapit ng kanilang katawan.

Agad na nagulat si Irene at lumayo kay Maki.

"U-Uncle! Anong ginagawa mo sa 'kin? Binabalaan kita! May pagkakaiba ang babae at lalaki, ha? At tayong dalawa, nasa contract marriage lang ang usapan natin!" sunod-sunod na pagbabanta ni Irene kay Maki.

"Sinong nagsabi sa iyo na isang kontrata lang ang kasal natin?" tugon naman ni Maki habang nakangisi ang mga labi.

Kumunot ang noo ni Irene sa tinuran ng binata.

"U-Uncle! Balak mo bang sumira sa kasunduan natin? Hindi ba sinabi mo na three months lang ang itatagal ng kasal na to?" Mariing napalunok si Irene.

"Yes! I said that. Pero wala naman akong sinabing sa loob ng taltong buwan, walang mangyayari sa 'tin."

Ang manipis at mapulang labi ni Maki at ay nagbigay ng kakaibang pagngisi. Unti-unti siyang lumapit kay Irene at diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga, dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ni Irene dahil sa kaba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24.1

    Sa SNOW box.Bagaman tinawag itong box, ang loob ay parang isang malaking flat stage na napakaluwag.Mayroong magandang ilaw ngunit malabo, habang tumutugtog ang isang live band.Nakasuot ng magagandang damit ang mga tao, umiinom at nag-uusap sa kani-kanilang mga barkada.Pinagmasdan ni Irene ang mga tao sa paligid, hinahanap si Angela.Maya-maya lang, biglang may lumabas sa pinto na may kulay Barbie pink na buhok patungo sa kanya, “Tita...”Inunat ni Irene ang isang daliri at pinindot ang mga labi ni Angela, pinatahimik ang huling salita na “Tita,” at sinabi: “Kapag nasa labas tayo, tawagin mo ko sa pangalan ko.”Ngumimik si Angela, “Ah, sige! Irene...”Bahagyang nakasimangot si Irene at sinuri mula ulo hanggang paa kung may mga sugat ang babaeng kaharap, “Anong nangyari sa’yo? Tinawag mo ako para humingi ng tulong?”Hindi kumportable na niyakap ni Angela ang braso ni Irene, lumingon siya at itinuro ang likod niya, “Sila yon! Minamaltrato nila ko!”Itinaas ni Irene ang kanyang mga ma

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 24

    Ang ikalawang palapag ng Twilight ay isang high-end na pribadong kuwarto, na hindi naririnig ang ingay mula sa bar sa ibaba at tila ibang mundo.Tinawagan ni Irene si Angela ngunit walang sumagot, at hindi niya alam kung saang pribadong kuwarto ito naroroon.Napansin siya ng general manager ng Twilight at lumapit ito nang may paggalang, "Miss Smith, hinahanap mo ba si Sir Dave?"Dahan-dahang umiling si Irene at nagtanong, "Nakita mo ba kung saang pribadong kuwarto nandoon ang panganay na babae ng pamilya Han?"Sabi ng manager, "Hindi po, walang tao mula sa pamilya Han ang naasikaso sa itaas ngayon."Nagtangka si Angela na hanapin si Maki nang palihim kaya hindi siya dumaan sa karaniwang proseso ng bar.Pinag-isipan ni Irene ito at muling nagtanong, "Saang private room pumasok si Maki?"Matapat na sumagot ang manager, "Miss Smith, si Ginoong Maki ay nasa SNOW."Ang SNOW ang pinakamalaki at pinaka-luxurious private room sa bar na iyon, eksklusibo para sa mga nakatataas sa lipunan.Haban

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 23

    Tumaas ang ulo ni Irene at tiningnan ang salamin na corridor sa second floor kung saan nakaturo si Angela. Sumingkit ang mga mata ng dalaga nang mapatunayang si Maki nga ang lalaking ito na may payat at malamig na pigura. Sa likuran ni Maki, naroon ang isang Magandang babae, matangkad, payat ang baywang, mahaba ang binti at kulot na buhok. Sinusundan nito ang lalaking si Maki.Ibinalik ni Irene ang tingin niya, kalmado ang kanyang ekspresyon, at magaan ang tono, "Huwag mo siyang isipin."Nagtaka si Angela sa sinabi ni Irene, "Tita, ang asawa mo ay lihim na nakikipagkita sa ibang babae sa taas, at wala kang pakialam?"Walang pakialam na uminom si Irene ng juice gamit ang straw, "Wala akong pakialam."Kaka-break lang ni Angela sa isang lalaking manloloko, at lasing pa siya, kaya hindi niya matiis ang ganitong bagay."Hindi! Tita, hindi ka man lang nagagalit sa tito ko? Huhulihin ko siya sa panloloko para sa iyo! Humph, may asawa na siya, pero kasama pa rin niya ang ibang babae. Sobrang

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 22

    Walang ganang umirap si Irene saka tumugon, "Oo at hindi."Nakayuko pa rin si Maki at saka nilipat ang pahina sa dokumento na hawak niya."Totoo ba o hindi?"Sinabi ni Irene ang totoo, "Nilagay ng babaeng iyon ang video, pero ang tunog ay nirecord ko gamit ang aking phone at idinagdag doon sa video."Bumuntong-hininga si Maki nang mahina, "I asked you to be a bridesmaid, pero sinamantala mo ang pagkakataon para sirain ang kasal ng iba. Paano mo ipapaliwanag iyon?"Kumunot ang noo ni Irene, "Uncle, honestly speaking, negosyo ito ng inyong pamilya, hindi sana ako dapat makialam! Pero, ang mga walanghiya ay mga kaaway ng lipunan, may obligasyon akong patayin ang isa kapag nakakita ako ng isa."Bahagyang itinaas ni Maki ang kanyang labi na may halong pagngisi, "Hindi ko alam na si Miss Irene ay isang messenger of justice."Medyo nagalit si Irene, "Ang lalaking iyon na si Yuan, hindi lang niloko si Angela, kundi sinamantala rin niya ang pagkakataon na hawakan ang kamay ko nang magkita kami

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 21

    "Napakawalang hiya mo!"Itinaas ni Angela ang kamay niya para sampalin si Yuan, pero nahawakan agad ng binata ang kamay nito.Hindi nagalit si Yuan, bagkus ay tumawa pa, "Angela, mas mabuting sumunod ka na lang at pakasalan mo ako. Huwag mo akong suwayin, dahil alam mo na kung ano ang mangayayari."Nanaginip ka! Hindi kita pakakasalan kahit mamatay pa ako!" Namumula sa galit ang mga mata ni Angela. Nakita na niya ang tunay na kulay ni Yuan at nadidiri siya. Gusto na niyang bugbugin ito hanggang sa mamatay.Ngunit mahigpit na hawak ng binata ang pulso niya. Hindi niya mahila o maalis ang kamay niya.Mayabang na tumawa si Yuan, "Hindi ka ba natatakot na ang magaganda mong litrato na halos wala nang saplot ay ia-upload sa mga social media platforms, at saka..."Pack!Biglang may isang sampal ang lumipad sa ere at tumama nang malakas sa mukha ni Yuan.Napaikot si Yuan at tumama sa mural sa koridor.Walang gana na inalis ni Irene ang alikabok sa kanyang mga kamay."Basura!" inis na sambit

  • The Billionaire's Sassy Fiancée   Chapter 20

    Nagsimulang mamutla ang mukha ni Yuan at agad na tiningnan si Charice. Sigurado siya na ito ay may kagagawan ng mga nangyayari.Samantala, unti-unti namang nagbago ang expression ni Angela, ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Halos hindi na ito makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakita.Lumingon si Angela kay Yuan na nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala.“Y-Yuan, A-Anong relasyon mo sa babaeng ‘yan?” nauutal na tanong ni Angela.Agad na hinawakan ni Yuan ang balikat ni Angela. “Angela, listen to me. Mali ang inaakala mo. ‘Yang mga oras na ‘yan, lumapit sa akin ang bridesmaid at sinabing masama ang pakiramdam niya. She asked for my help kaya sinamahan ko siya sa storage room. Sino ang mag-aakala na maghuhubad siya sa harapan ko at aakitin ako? Maniwala ka, Angela, wala akong ginagawang masama,” sunod-sunod na paliwanag ni Yuan at pilit nitong pagsisinungaling.Tinulak ni Angela si Yuan at mabilis na lumakad patungo sa kinaroroonan ng mga bridesmaid. “Si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status