تسجيل الدخولCHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TEST
SOFIA'S POV Matapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference. Click. Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol. Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan. Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon. "The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono. Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—" "That changes nothing." Agad na naputol ang ngiti ko. Parang may invisible na karayom na tumusok sa lobo ng pangarap ko. Napanguso ako. "Grabe siya. Wala man lang po ba doon, 'Good job, Sofia' o kaya 'Salamat sa pagpapasaya ng kliyente ko?" "One successful interaction doesn't change my assessment," seryoso niyang saad, sabay bukas ng isang panibagong file sa kaniyang tablet. "You are still under evaluation." "Evaluation? Ano po ako, bago mong empleyado sa kumpanya?" "Yes. Everyone inside this estate must prove their worth." Iniharap niya sa akin ang screen ng tablet, kung saan nakalista ang isang mahabang schematic diagram ng kaniyang personal library sa gilid ng study. "This is your new assignment." Lumapit ako nang kaunti at napakunot ang noo ko habang binabasa ko ang mga instructions. "I-catalog ang mga libro? Alphabetically arrange by author and genre... bawal magkamali kahit isang letra?" "I'll inspect everything later before dinner," malamig niyang dagdag. "If you fail to organize them correctly, you'll be reassigned to the outdoor maintenance. Meaning, general cleaning under the sun." Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong tiningnan ang mga bookshelf na halos abot-kisame ang taas sa dami ng libro. "Exam ulit? May midterms at finals din po ba rito sa mansyon n'yo, Sir?" "Yes," sagot niya nang walang kurap. "And I don't give passing grades to sloppy work. You may start now." Napabuntong-hininga ako at pabagsak na kinuha ang basahan at step ladder sa gilid. Grabe talaga ang bilyonaryong ’to. Walang puso. Walang konsensya. Sobrang perfectionist! Makalipas ang dalawang oras, habang si Sir Gab ay abala sa kaniyang ginagawa sa lamesa at paminsan-minsang lumalabas para sa mga tawag, nagsimula na ako sa aking misyon. Umakyat ako sa step-ladder para abutin ang pinakamataas na shelf ng mga world literature at classic novels. "Normal pa ba 'tong tao na 'to?" bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang binabasa ang mga spine ng libro. "Pati libro, may attendance at seating arrangement. Kung makautos, parang hindi marunong mapagod." Dahil mag-isa lang naman ako sa bahaging ito ng silid at tahimik ang buong paligid, hindi ko na naman mapigilang kausapin ang mga hawak kong libro para hindi ako maboring. Kinuha ko ang isang makapal at lumang leather-bound volume. Binasa ko ang pangalan ng may-akda. "Excuse me po, Mr. William Shakespeare," bulong ko habang marahang pinupunasan ang ibabaw ng libro gamit ang microfiber cloth. "Dito ka muna sa tabi ni Nicholas Sparks, ha? Alam kong medyo magkaiba kayo ng era, eh, pero pareho naman kayong mahilig pumatay ng bida sa dulo ng kuwento, kaya magdamayan na lang kayo riyan." Inilipat ko naman ang tingin ko sa isa pang shelf. "Kayong mga encyclopedia, huwag kayong magulo riyan. Alphabetical kayo, kaya kung ikaw ay letter 'B' para sa Botany, huwag kang tatabi kay 'A' para sa Anatomy. Magkaiba kayo ng departamento." Napakunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na libro na medyo tabingi ang pagkakalagay. Inayos ko ito nang mabuti. "Ayan, pantay na. Baka kapag nakita ka ng boss natin, may akala siyang military general ka. Pati mga libro, gusto naka-line up. Mamaya, ipatapon pa tayong dalawa sa labas ng mansyon." Samantala, sa kabilang dulo ng study room... Dahan-dahang ibinaba ni Gabriel ang kaniyang hawak na fountain pen. Ang kaniyang mga mata ay palihim na lumingon patungo sa direksyon ng kaniyang library. Mula sa kaniyang puwesto, malinaw niyang nakikita si Sofia na kasalukuyang nakatayo sa itaas ng step-ladder. Nakita niyang hindi ito tamad; mabilis at maingat ang bawat pagkilos ng mga kamay nito. Walang librong nababagsak at wala ring anumang bagay na nailalagay sa maling lugar. Ngunit ang hindi niya mapigilang mapansin… ay ang walang tigil na pagbuka ng bibig nito habang kinakausap ang mga walang buhay na libro. Napailing nang bahagya si Gabriel sa kaniyang isip. She's completely absurd. Kahit mag-isa, hindi talaga nito kayang manahimik. Ngunit sa likod ng pagiging madaldal nito, napansin din niya kung paano nito maingat na ibinabalik ang mga mamahaling first-edition volumes na tila ba alam nito ang tunay na halaga ng mga hawak nito. Walang galaw na pabalang. Walang pagmamadali para lang matapos. Tahimik na bumalik si Gabriel sa kaniyang binabasang dokumento, ngunit ang kaniyang mukha ay bahagyang lumambot nang hindi niya namamalayan. Bandang alas sais ng gabi, natapos ko na ang huling shelf. Eksaktong pumasok muli si Sir Gab sa loob ng study room para sa kaniyang inspeksyon. Tumayo ako nang maayos sa tabi ng library habang pinapanood siyang maglakad palapit. Isa-isa niyang tiningnan ang mga label, hinawakan ang mga spine ng libro, at tiningnan kung tama ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ng may-akda mula A hanggang Z. Ilang minuto siyang naglakad-lakad nang walang sinasabi. Pakiramdam ko nga ay gagamit pa siya ng ruler para lang silipin kung pantay ang pagkakasalansan ng mga libro. Pagkatapos ng kaniyang mahabang pagsusuri, huminto siya sa harap ko at inayos ang kaniyang salamin. Tahimik ko siyang tinitigan, kinakabahan. "O, ano po, Sir? Puwede na ba akong maging librarian ng mansyon n'yo?" Tumingin siya sa library, bago muling ibinaling ang kaniyang malamig na mga mata sa akin. "Acceptable." Iyon lang ang sinabi niya bago tumalikod at bumalik sa kaniyang desk. Napakurap ako sa tindi ng pagkadismaya. Napanguso ako at hindi napigilang magdabog nang bahagya sa aking isip. "Acceptable lang? Matapos kong makipag-usap kay Shakespeare at halos mapigtas ang litid ko sa pag-abot sa taas, 'Acceptable' lang ang nakuha ko?!" Padabog kong kinuha ang tray at ang aking mga gamit sa paglilinis bago mabilis na lumabas ng study room. Sobrang kuripot sa compliment ng bilyonaryong ’to! GABRIEL'S POV Nang marinig ko ang marahang paglapat ng pinto matapos lumabas si Sofia, dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga mata mula sa tablet. Lumingon ako muli sa direksyon ng aking library. Lumakad ako palapit at hinawakan ang isa sa mga shelf na kaniyang inayos. Tiningnan ko ang pagkakasunod-sunod ng bawat pamagat ng libro at ang perpektong distansya ng bawat isa. Isang mahaba at marahang paghinga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa kaniyang gawa. No mistakes. Ito ang unang pagkakataon na may bagong staff na nakagawa ng task na ito nang walang kahit isang pagkakamali sa aking personal na library. Hindi ko alam kung anong uri ng enerhiya ang mayroon ang babaeng iyon, ngunit sa likod ng kaniyang nakakairitang kadaldalan… mayroon siyang kakayahan na hindi ko inaasahan. Dahan-dahan kong ibinalik ang aking kamay sa bulsa ng aking pantalon at bumalik sa aking mesa. Mukhang hindi nga magiging madali ang paghahanap ng dahilan para paalisin siya rito sa aking mansyon.CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That
CHAPTER 6 — THE FOREIGN INVESTORS MET THE MAID SOFIA'S POV Click. Marahang sumara ang pinto ng study room sa likod ko. Pakiramdam ko, kasabay ng tunog na iyon ay ang tuluyang pagsara ng natitira kong pag-asa na makaligtas sa sermon ng seryosong bilyonaryong ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang gilid ng tray habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang mesa. Hindi agad nagsalita si Sir Gab. Tahimik lang siyang bumalik sa kaniyang ergonomic high-back chair, inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket, at pinindot ang isang button sa kaniyang keyless mechanical keyboard. Sa isang iglap, bumalik ang audio at video feed ng kaniyang conference call. "Ladies and gentlemen," malamig at swabe niyang panimula, na tila ba walang naganap na biglaang folk-song concert sa labas ng kaniyang pinto kanina. "Thank you for waiting. Let's resume the session." Napatingin ako sa napakalaking monitor na nakasabit sa pader. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang screen. Lima?! Liman
CHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOORSOFIA'S POVTatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito.At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako."Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh."Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid."Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab."Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?"Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at
CHAPTER 4 — THE PUNISHMENT PROTOCOLSOFIA'S POV"Magdasal ka na." Iyon ang huling salitang iniwan sa akin ni Nanay Matet bago niya ako tuluyang iniwang nakatulala sa labas ng study room. Napakamot ako sa aking ulo habang dahan-dahang sumusunod sa kaniya pabalik sa kusina. "Grabe naman po… nagsabi lang naman ako ng totoo. Masama na ba ang maging matapat ngayon?"Pagpasok namin sa kusina, parang may biglang dumaan na anghel. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang lahat ng staff. May nagpipigil ng hininga, may mga napapikit, at may isa pang palihim na nag-sign of the cross habang nakatingin sa akin.Napakurap ako. "Bakit po kayo ganyan tumingin? Parang ihahatid n'yo ako sa sementeryo, ah."Tahimik. Walang sumagot.Hanggang sa ang isang matandang kusinero ang marahang nag-angat ng tingin mula sa kaniyang hinahalo. "Ilang taon na akong nagtatrabaho rito sa mga Monteverde, Sofia… pero ikaw pa lang ang nakita kong unang nangahas na sumagot kay Sir Gab."Napakamot ulit ako sa ulo ko. "Talaga
CHAPTER 3 — FINISHED? SOFIA'S POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ang buong Monteverde Mansion. Ako? Kanina pa gising. Hindi dahil masipag ako o ganado sa unang opisyal na araw ko ng pagtatrabaho. Kundi dahil naligaw lang naman ako kagabi papunta sa banyo sa dulo ng quarters namin. "Huwag kang tatawa, Sophie," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa malawak na pasilyo patungo sa kusina. "Isang barangay ba naman ang laki ng bahay na 'to, natural lang na mawalan ka ng direksyon." Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang ilang staff na seryosong abala sa paghahanda ng almusal. "Good morning po," masigla kong bati. Halos sabay-sabay silang tumango, pero walang nagsalita. Parang natatakot silang ngumiti o gumawa ng kahit anong emosyon. Grabe, sa ganda ng mansyong ito, parang may multo yata sa takot ng mga tao rito. "Magandang umaga," seryosong bati rin ni Nanay Matet habang papalapit sa akin. "Magandang umaga po, Nanay Matet." Tinanguan niya ako at itinuro ang isang tr
CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS SOFIA's POV Tahimik. Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay. Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa. Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman. Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..." Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?" "Bawal po bang huminga nang malakas dito?" Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi." Napangiti ako. "Ay, buti naman po." Napapiki







