LOGINCHAPTER 6 — THE FOREIGN INVESTORS MET THE MAID
SOFIA'S POV Click. Marahang sumara ang pinto ng study room sa likod ko. Pakiramdam ko, kasabay ng tunog na iyon ay ang tuluyang pagsara ng natitira kong pag-asa na makaligtas sa sermon ng seryosong bilyonaryong ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang gilid ng tray habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang mesa. Hindi agad nagsalita si Sir Gab. Tahimik lang siyang bumalik sa kaniyang ergonomic high-back chair, inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket, at pinindot ang isang button sa kaniyang keyless mechanical keyboard. Sa isang iglap, bumalik ang audio at video feed ng kaniyang conference call. "Ladies and gentlemen," malamig at swabe niyang panimula, na tila ba walang naganap na biglaang folk-song concert sa labas ng kaniyang pinto kanina. "Thank you for waiting. Let's resume the session." Napatingin ako sa napakalaking monitor na nakasabit sa pader. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang screen. Lima?! Limang banyaga na may iba’t ibang nasyonalidad ang sabay-sabay na nakatingin sa camera ngayon. Batay sa mga flag icons at pangalan sa gilid ng screen, may isang matandang Amerikano galing sa New York, isang babaeng French, isang lalaking German, isang British, at isang mukhang Italian. At ang mas malala… lahat sila nakatingin nang diretso sa akin. Ay, Diyos ko. Gusto ko na lang maging bula at matunaw sa kinatatayuan ko. Ang matandang Amerikano ang unang bumasag sa katahimikan habang bahagyang nakangiti. "So... you're the singer from the hallway." Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?" Natawa nang mahina ang babaeng French investor mula sa kabilang screen. "The vegetable song. The audio picked it up clearly before Mr. Monteverde muted his line." Ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Unti-unting umiinit ang magkabilang pisngi ko sa tindi ng hiya. Pati pala sila, narinig ang buong lyrics ng kantang pambata! Dahan-dahan akong napayuko habang hawak pa rin ang tray. "I'm... I'm very sorry, everyone. I didn't mean to disrupt your important meeting." Akala ko, pagkatapos kong humingi ng paumanhin ay lalamunin na ako ng seryosong titig ni Sir Gab. Pero sa halip na pagalitan ako, biglang humalakhak ang matandang Amerikano. "Oh, don't be sorry! It was actually delightful," wika niya habang sumasandal sa kaniyang upuan. "It made this dry financial review a lot more memorable." "I agree," tumango rin ang British investor. "I've never heard that specific rhythm before. What was it called again?" Napakurap ako. Unti-unting nawawala ang kaba nang mapansing tila mababait naman sila. "Ah... Bahay Kubo po." "Baha...y... Kubo?" Sinubukan pa itong ulitin ng German investor, ngunit bahagyang na-twist ang dila nito. Hindi ko napigilang matawa nang mahina dahil sa cute nilang accent. "Opo. It is a traditional Filipino folk song about a small nipa hut surrounded by various local vegetables." Lalong natuwa ang mga banyaga sa screen. "Fascinating. Would you mind translating the lyrics for us someday?" Napakamot ako sa aking ulo. Nakalimutan kong katabi ko pa pala si Satanas—este, ang masungit kong boss. Mabilis akong sumulyap kay Sir Gab. "...Puwede naman po, kung... kung papayagan po ako ni Sir." Tahimik kong hinintay na magsalita si Sir Gab. Nanatili pa rin ang poker face niya, walang anumang emosyon habang nakahalukipkip sa kaniyang upuan. "This meeting," bahagya siyang huminto at tumingin sa screen, "is strictly about business." Agad akong tumuwid nang tayo na parang sundalo. "Opo, Sir. Sabi ko nga po, quiet na ako." Akala ko ay tuluyan nang babalik ang lahat sa seryosong usapan, pero muling nagsalita ang matandang Amerikanong investor. "Mr. Monteverde, you have quite an interesting employee there. She has good energy." Hindi agad sumagot si Gabriel. Lumipas ang isa… dalawa… tatlong segundo ng nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Pagkatapos ay malamig at seryoso niyang tiningnan ang monitor, bago dahan-dahang ibinaling ang kaniyang tingin sa akin. "She is... still under observation." Napakurap ako. Observation? Ano ako rito, laboratory specimen? O endangered species sa zoo na binabantayan kung mangangagat? "Am I still under observation, Sir?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Yes." Hindi ko napigilang mapasimangot sa kaniya at umirap nang bahagya nang hindi niya nakikita. Ngunit sa screen, tahimik na natawa ang tatlo sa mga banyaga. Mukhang malinaw na malinaw nilang napansin ang naging reaksiyon ko sa sinabi ng kanilang CEO. "She's highly expressive," commented the French woman. "Very honest. I like her personality," dagdag naman ng Italian investor. Tumikhim nang malakas si Gabriel para bawiin ang kontrol sa sitwasyon. "We'll continue with the Q4 projections now." "Of course, Mr. Monteverde." Bago tuluyang bumalik ang seryosong mukha ng matandang Amerikano, palihim pa siyang kumindat sa akin sa camera. "Good luck to you, young lady." Ngumiti ako nang alanganin at bahagyang yumukod. "Thank you po..." Tahimik akong umatras at sumandal sa gilid ng pader ng silid, malayo sa range ng camera niya. Habang nagpapatuloy ang kanilang diskusyon tungkol sa mga bilyun-bilyong halaga ng shares, napabuntong-hininga ako nang malalim. Akala ko talaga ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Hindi ko akalaing sa halip na mapatalsik sa mansyon ay magkakaroon pa ako ng mga international supporters sa loob lang ng limang minuto. Napatingin ako kay Sir Gab mula sa aking puwesto. Seryoso pa rin siya, tuwid ang likod, at walang kaano-anong emosyon habang nagpapaliwanag ng mga graphs sa monitor. Parang walang anomang nangyaring pambihira kanina. Pero may isang bagay akong hindi napansin habang ipinagpapatuloy niya ang kaniyang presentation. Sa tuwing magsasalita ang mga banyaga para magtanong… ang kaniyang mga mata ay paminsan-minsan at palihim na sumusulyap sa direksyon ko kung saan ako tahimik na nakatayo. Matapos ang halos isang oras, dahan-dahang ibinaba ni Sir Gab ang kaniyang mga dokumento. "If there are no further adjustments, I believe we can conclude this session here. Thank you for your time, everyone." Papalapit na sana ang kamay niya sa turn-off button ng camera, nang biglang itinaas ng matandang Amerikanong investor ang kaniyang kamay. "Mr. Monteverde, wait. Before we officially end this call..." Bahagyang ngumiti ang matanda at tumingin sa anggulo ng kwarto kung saan ako naroroon. "...we'd like to meet your housemaid properly." Tumingin sa akin si Sir Gab. "Come here." Lumapit ako sa tabi niya kung saan makikita ng camera ang mukha ko. "What's your name?" tanong ng French investor. "Sofia Montereal po." "Sofia..." ulit ng British investor. "Lovely name." "Thank you, po." Biglang nagsalita si Sir Gab. Malamig. Diretso. "The introduction is over." Ngunit bago tuluyang matapos ang usapan, muling ngumiti ang Amerikang investor. "Mr. Monteverde... You should keep her." Makalipas ang ilang segundo… wala sa mood na sumagot siya. "I hired her to work. Not to entertain." Bahagyang natawa ang mga Amerikang investor. "Sometimes... those are the same thing." Muling natahimik ang silid. At sa kauna-unahang pagkakataon.. Parang wala ring mahanap na isasagot si Sir Gab. "Meeting adjourned." Click. Nawala ang lahat ng mukha sa monitor. Bumalot ang katahimikan sa buong study room. At ang bagay na iyon ang mas nakakatakot kaysa sa sermon. Maya-maya lang, dahan-dahan niyang inaangat ang tingin sa akin. "... Sofia... Your singing has reached five countries today." Nakamamatay at seryosong mukha pa rin ang sabi niya sa akin.CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That
CHAPTER 6 — THE FOREIGN INVESTORS MET THE MAID SOFIA'S POV Click. Marahang sumara ang pinto ng study room sa likod ko. Pakiramdam ko, kasabay ng tunog na iyon ay ang tuluyang pagsara ng natitira kong pag-asa na makaligtas sa sermon ng seryosong bilyonaryong ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang gilid ng tray habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang mesa. Hindi agad nagsalita si Sir Gab. Tahimik lang siyang bumalik sa kaniyang ergonomic high-back chair, inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket, at pinindot ang isang button sa kaniyang keyless mechanical keyboard. Sa isang iglap, bumalik ang audio at video feed ng kaniyang conference call. "Ladies and gentlemen," malamig at swabe niyang panimula, na tila ba walang naganap na biglaang folk-song concert sa labas ng kaniyang pinto kanina. "Thank you for waiting. Let's resume the session." Napatingin ako sa napakalaking monitor na nakasabit sa pader. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang screen. Lima?! Liman
CHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOORSOFIA'S POVTatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito.At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako."Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh."Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid."Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab."Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?"Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at
CHAPTER 4 — THE PUNISHMENT PROTOCOLSOFIA'S POV"Magdasal ka na." Iyon ang huling salitang iniwan sa akin ni Nanay Matet bago niya ako tuluyang iniwang nakatulala sa labas ng study room. Napakamot ako sa aking ulo habang dahan-dahang sumusunod sa kaniya pabalik sa kusina. "Grabe naman po… nagsabi lang naman ako ng totoo. Masama na ba ang maging matapat ngayon?"Pagpasok namin sa kusina, parang may biglang dumaan na anghel. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang lahat ng staff. May nagpipigil ng hininga, may mga napapikit, at may isa pang palihim na nag-sign of the cross habang nakatingin sa akin.Napakurap ako. "Bakit po kayo ganyan tumingin? Parang ihahatid n'yo ako sa sementeryo, ah."Tahimik. Walang sumagot.Hanggang sa ang isang matandang kusinero ang marahang nag-angat ng tingin mula sa kaniyang hinahalo. "Ilang taon na akong nagtatrabaho rito sa mga Monteverde, Sofia… pero ikaw pa lang ang nakita kong unang nangahas na sumagot kay Sir Gab."Napakamot ulit ako sa ulo ko. "Talaga
CHAPTER 3 — FINISHED? SOFIA'S POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ang buong Monteverde Mansion. Ako? Kanina pa gising. Hindi dahil masipag ako o ganado sa unang opisyal na araw ko ng pagtatrabaho. Kundi dahil naligaw lang naman ako kagabi papunta sa banyo sa dulo ng quarters namin. "Huwag kang tatawa, Sophie," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa malawak na pasilyo patungo sa kusina. "Isang barangay ba naman ang laki ng bahay na 'to, natural lang na mawalan ka ng direksyon." Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang ilang staff na seryosong abala sa paghahanda ng almusal. "Good morning po," masigla kong bati. Halos sabay-sabay silang tumango, pero walang nagsalita. Parang natatakot silang ngumiti o gumawa ng kahit anong emosyon. Grabe, sa ganda ng mansyong ito, parang may multo yata sa takot ng mga tao rito. "Magandang umaga," seryosong bati rin ni Nanay Matet habang papalapit sa akin. "Magandang umaga po, Nanay Matet." Tinanguan niya ako at itinuro ang isang tr
CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS SOFIA's POV Tahimik. Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay. Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa. Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman. Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..." Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?" "Bawal po bang huminga nang malakas dito?" Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi." Napangiti ako. "Ay, buti naman po." Napapiki







