Share

The Billionaire's Secret Daughter
The Billionaire's Secret Daughter
Author: Bratinela17

Chapter 1

PETERSON

Isang gabi sa maliwanag na buwan at sobrang tahimik ng paligid sa hindi inaasahang pagkakataon ay may babae akong makikilala. Sa tantiya ko nasa disi- otso anyos pa lamang ito at kanina ko pa siya pinag namasdan sa malayo, dahil na aaliw ako sa pagsasayaw niya sa ilalim nang bilog na  buwan. Gusto ko man sana siyang lapitan kaso nga lang umandar nanaman ang pagka torpe ko at bigla na lang akong nahiya rito at isa pa baka pagkamalan pa niya akong manyak, mahirap na at mapa away pa ako.

Wala pa rin siyang tigil sa pag sasayaw hanggang sa lapitan na lang siya nang tatlong lalaki at pilit siyang pinapa sama sakanila at nakikita ko naman ang kaniyang pag piglas. Kahit medyo nakainom ako pero alam ko pa rin ang nangyayari sa'aking paligid. Hanggang sa narinig ko ang pag sigaw nito.

"Help! Please Help me," sigaw nito. Kaya wala na akong inaksayang oras at tinakbo ko ang kinaroroonan niya.

"Let me go, ayokong sumama sainyo," dagdag pa nito.

Nagtataka man pero bigla ko na lang pinagsasapak ang tatlong lalaki at bumulagta ito sa harapan ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa dalaga.

"Oo ayos lang ako, please sir ilayo niyo ako sa lugar na 'to," pagmamakaawa niya.

Napansin kung paika-ika kung siya ay mag lakad kaya binuhat ko siya at tumakbo ako ng mabilis palayo sa mga lalaki.

Nang makalayo na kami ibinaba ko siya sa may batuhan. Medyo madilim na at wala nang halos katao tao sa resort na 'to.

"Sino ba 'yong mga humahabol sa'yo?" nagtatakang tanong ko.

"Ah! sila ba, mga tauhan iyon ni daddy. Pinapahanap kasi niya ako at pilit na pinapasama sakanila. Ayaw ko kasing sumama sa America at ayaw kong iwan ang boyfriend ko rito, sagot nito.

"Boyfriend? Ilang taon ka na nga?" nagtatakang tanong ko.

"Eighteen years old kuya," wika nito  sabay ngiti lumabas tuloy ang dalawang biloy niya sa mukha. Ang cute tingnan naaliw ako sa kadaldalan niya.

"Kuya ka diyan, twenty-five years old lang ako. Ikaw may boyfriend samantalang ako wala.

"Hmmm pihikan ka siguro kuya, o kaya baka bakla ka," pang-aasar pa nito.

"Hoy bata ka, sinong bakla,

?" tanong ko.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw," sagot niya. "Ikaw ang bakla," dagdag pa nito.

"Ah! bakla pala," wika ko. Sa inis ko bigla ko siyang hinalikan. Bigla naman niya akong tinulak at isang malakas na sampal ang dumapo saakin.

"Sorry," bigla kong sambit.

"Sorry rin nabigla lang ako," wika nito.

"Saan ka pala pupunta niyan? Mag gagabi na, wala ka bang kamag-anak na mapupuntahan?" seryosong tanong ko.

"Hmmm! wala eh' at kung meron man malalaman rin ni daddy, kaya huwag na lang," sambit nito, kasabay na malalim na buntong hininga. Bigla naman akong naawa sa'kaniya kaya nag offer na lamang ako na sumama siya sa'akin sa Manila.

"Hmm! Kung ganoon baka gusto mong sumama sa'kin sa Manila, pabalik na kasi ako bukas," alok ko rito.

Nakita kong napahawak siya sa'kaniyang ulo at nag isip-isip.

"Hmmm! okay sige, basta malayo lang ako sa lugar na ito," sagot niya.

"Great, madami pa kasing maid na kailangan sa mansiyon," wika ko.

"Ano? maid, seryoso ka diyan kuya? ni hindi nga ako pinag lalaba ng daddy ko," maktol nito.

"Oo, seryoso ako. Kung ayaw mo nang maid, puwede nang P.A ko," sagot ko sa tanong niya.

"P.A huh? ano 'yon kuya?" inosenteng tanong nito.

"Personal alalay," wika ko. At bigla siyang napanganga.

"Okay," sagot niya.

"Tinatanggap mo?" tanong ko rito.

"Oo naman madali lang naman siguro 'yon 'di ba kuya?" tanong nitong muli.

"Oo naman madali lang," wika ko na pinipilit na hindi matawa.

"Saan pala ako matutulog ngayon kuya?" tanong nito. Hindi ko alam bakit ganoon na lang ang tiwala niya sa'akin. Inosente pa talaga siya.

"Tara may mga kubo doon, diyan ang mga kuwarto," sagot ko. Kasabay nang pag hawak ko ng kamay niya at nag lakad kaming sabay sa ilalim ng buwan.

Sino bang mag aakala nang sa gabing 'yon biglang magbabago ang aking buhay.

Dalawa lang kami sa kubo at dahil sa taglay niyang kulit kinuha niya ang pinaka matapang na alak na naka display sa kubo at walang pasabi na nilagok niya itong bigla. Pilit ko itong inaagaw sa'kaniya pero ang kulit niya hanggang sa tumalab na ang epekto ng alak sa'kaniyang katawan. Bigla na lang itong nag sayaw saaking harapan at nag tanggal nang damit niya isa-isa at biglang hinagis sa'kin. Pinipilit ko siyang isuot niya ang mga damit na hinubad niya pero ang kulit niya.

"Hoy lasing ka na, itigil mo 'yan," asar na wika ko. Totoong naasar ako sa pinag gagawa niya.

"Ano ba ang kulit mo tara shayaw tayo," sambit nito na hinihila ang kamay ko.

"Lasing ka na matulog ka na nga," wika ko at binuhat ko na lang siya ng bigla at dinala  sa kuwarto ko pero wala naman akong intesyon na iba sa'kaniya nang gabing 'yon. Kaso ang kulit niya lang talaga halos pag pawisan ako nang lumihis ang dress niya at nahantad sa'kin ang mapuputi niyang legs. Ibinaba ko ito ngunit nalihis na naman ito dahil sa kalikutan niya.

Palabas na sana ako nang kuwarto nang bigla niya akong hilahin. Napaibabaw ako sa'kaniya at bigla na lang niya akong ninakawan ng halik at nangyari ang hindi na dapat naganap.

Nagising na lang ako kinabukasan at wala na siya saaking tabi. Tanging pulang mantsa na lamang ang naiwang bakas ng masayang gabi saaming dalawa. Halos mapasabunot ako nang makita ko ang pulang mantsa sa kubre kama, hindi naman ako musmos at inosente na walang alam sa ganiyang bagay. Ang babae ay birhen, at saang lupalop ko siya hahanapin. Sumasakit lalo ang ulo ko. Kaya nga ako nag bakasyon dahil masyado akong pini-pressure ni dad sa pamamahala ng kumpanya niyang ipapamana niya saakin kung sakaling pumanaw na siya.

Nandito nga ako sa isa sa resort namin para makapag relax dahil sobrang stressed na ako sa paninipula ng aking mga magulang. Kaso mas sasakit pa pala ang ulo ko, dahil sa babaeng 'yon. Paano at saan ko siya hahanapin kahit pangalan man lang ay hindi ko nakuha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status