Share

Chapter 2

ANGELA

 

Dahil sa labis na kahihiyan at sa wala na akong mukha pang ihaharap rito, nag desisyon akong lisanin ang lugar at magpaka layo-layo sakanilang lahat. Sa pag layo hindi ko akalain na makilala ako si Mrs. Minerva at madi-discover. Sa una ayaw kong pumayag dahil sa takot na baka masundan ako nila. Ngunit makalipas ang ilang linggo nag migrate kami sa London.

 

Si Mrs. Minerva ay isa ring modelo noong panahon niya at ngayon naman siya ay sikat na fashion designer sa fashion industry maging sa showbiz. Nag train ako nang maraming beses bago ako maging isang sikat na modelo.

 

Sa una ay sobrang lungkot ng aking buhay pero hindi kinalaunan na sanay na rin ako sa mundong aking ginagalawan. Wala nang bakas sa Angela na disi otso anyos, sapagkat kung kumilos ako parang hindi na ako disi-otso. Natutuwa ako sa layo nang narating ko, bagamat baguhan lamang ako sa larangang ito nagpapasalamat ako sa mga humahanga at nagmamahal saakin.

 

Akalain mo 'yon sa pagtakas ko pala may magandang mangyayari sa buhay ko. Hindi 'yong naka kulong ako nang labing walong taon sa apat na sulok ng kuwarto ko at sa lawak ng loob ng Mansiyon. Kung ibang tao sana ako at hindi namulat sa karangyaan mas gugustuhin kong tumira roon, kaso hindi ako sila. Ibang-iba ang0 gusto ko, pagod na akong makulong sa Mansiyon. Gusto ko namang maging malaya. Kaya nang nakatakas ako sa poder nila napaka saya ko sobra. Lalo nang makilala ko siya, nakakatuwa siyang lokohin, buruin mo naniwala siyang may boyfriend ako. Bigla ko tuloy namiss ang lalaking 'yon. Kamusta na kaya siya, kung hinahanap niya ba ako o hindi na.

 

Nahinto ako sa pag-iisip ng biglang kumatok sa pintuan si Mrs. Minerva.

 

"Please come in," saad ko at bumungad ito sa'aking harapan at nag tanong tungkol sa events na pupuntahan namin mamaya.

 

"Are you ready now?" tanong niya, sapagkat may fashion events pala kaming dadaluhan kasama ako. Muntik nang mawala ito sa isipan ko.

 

"Not really, but I almost done," saad ko, sabay apply ng light make-up at unting lip gloss para mag shine ang labi ko.

 

"Okay dear. If ever matapos kaaagad diyan sa ginagawa mo  sumunod ka agad saakin," bilin nito bago isara ang pintuan.

 

Tinapos ko na ang pag-aayos, sapagkat ayaw ko rin naman na  ma late sa  events na 'yon. Dahil isa ito sa pinaka sikat na fashion industry sa buong bansa. Malaki ang mawawala sa'akin kung nagkataong hindi ako makakadalo. Sinipat ko muna ang aking sarili bago ako lumabas ng dressing room.

 

Pababa ako ng hagdan nang masilayan ko siya na prenteng nakaupo, ang aking  manager na kanina pang nag aantay sa pagbaba ko at bigla itong napatayo pagkakita saakin maya maya nakarinig na lang ako nang sinabi niyang. "Perfect! Let's go?" saad niya at nag lakad na palabas ng bahay nito at sumunod na lang rin ako sa'kaniya.

 

Sumakay kami ng lamborghini nito at mabilis namang pinasibat ng driver ang sasakyan. Sa byahe namin halos antukin at ma-boring ako. Ang ayaw ko talaga sa lahat ang mag byahe ng napakalayo, but I have no choice hindi ko puwedeng suwayin ito dahil malaki ang utang na loob ko sa'kaniya.

 

Siya ang tumulong sa'kin para makilala ako sa mundong aking ginagalawan ngayon. Marahil malayo na ako sa dati kong buhay pero ako pa rin naman si Angela, na mas kilala sa pangalang. Ysabella. Para iwas bagot kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng shoulder bag at sinuot ang earphone para makinig ng music, nang sa gayon malibang ako sa tagal ng byahe namin.

 

Nasa London kami ngayon naka stay at wala na akong balak na bumalik pa ng Pilipinas, sapagkat binaon ko na sa limot ang lahat-lahat.

 

"How are you dear?" tanong ni Mrs. Minerva napansin niya yatang nababagot na ako.

 

"I'm fine and nothing to worry about," sagot ko para makampanti na rin siya.

 

"Okay dear, just tell if you need anything." saad nito bago tuluyan akong tantanan sa kakatanong at naalibadbaran na rin ako.

 

Tinuon ko ang sarili ko sa pag tingin tingin nang mga tanawin sa labas ulit hanggang sa makarating kami sa pupuntahan. As usual paglabas ko pa lang ng kotse hinarang na kami nang media. Pero nag takip ako nang shawl dahil wala ako sa mood sumagot sa mga tanong nila. Dire- diretso akong pumasok ng hotel kung saan gaganapin ang events. Maraming tao ang dumalo sa events na 'to pawang mga sikat, at may sinabi sa buhay.

 

Naupo na ako katabi nang ilang models at isa-isa na kaming tinatanong nang media. Nang napunta saakin ang tanong, gusto sanang sumagot kaso naunahan ako nang manager ko, tutal gusto naman niya sige siya na ang bahala kaya nakipag usap na lang ako sa ilang models na mga naging kaibigan ko na din rito.

 

Nang natapos ang event, nilapitan ako ng isang co-model ko na lantaran kong magpakita saakin nang pagka gusto, bagamat wala pa saaking isipan ang mga ganiyang bagay, dahil masaya ako sa mga na achieved sa kaunting panahon lamang, baka masira ang career ko kapag nalaman nila na nakikipag date ako o may boyfriend na ako. At isa pa iwas ako talaga sa media lalo kapag hindi ako naka maskara, dahil natatakot ako na baka matunton nila daddy at mommy kung nasaan ako.

 

Hindi pa ako handang makipag kita sakanila, dahil isa lang naman ang mangyayari kapag nakita nila ako. Ipapakasal lang naman nila ako sa hindi ko kilala at mas lalong hindi ko mahal. Kaya mas mabuting malayo ako sakanila, atlis nagagawa ko ang lahat nang gusto ko at malaya akong mag desisyon para sa sarili ko.

 

Sa dami nang taong dumalo hindi namalayan ni Mrs. Minerva na lumabas ako sandali para makasagap man lang nang sariwang hangin. Medyo malamig na ang klima nang panahon sa labas, dahil nagsisimula na ang winter. Wala ring katao tao sa labas kaya kitang kita ko ang bawat pag bagsak nang snow, nang nakaramdam ako nang sobrang lamig bumalik na ako sa loob at naka salubong ko naman ang isang reporter. May itatanong pa sana ito saakin, pero maagap si Mrs. Minerva kaya mabilis pa sa alas-kuwatro na napigilan niyang ma interview ako nang mga ito.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status