Share

Chapter 3

Nasa loob ako nang dressing room katatapos pa lang akong ayusan nang make-up artist at medyo nakakaramdam na ako nang hilo. Pero iwinaksi ko na lamang ito, marahil dala lang ito nang pagod kaya itutulog ko muna, mamaya pa naman ang event kaya puwede pa akong makatulog.

 

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at panay katok na nang manager ko, dahil malapit nang mag simula ang events.

 

"Isabella, come outside the events is starting. Isabella do you hear me?" tawag nito.

 

Medyo naalimpungatan ako nang marinig ko ang katok at boses nito, nagmamadali akong nag ayos nang aking sarili lalo na sa nagulong buhok ko, gawa nang pagkaka idlip ko.

 

"Yes coming, wait for a while." sagot ko. Dahil kilala ko siya ayaw na ayaw niya sa lahat na pinag hihintay siya nang matagal.

 

"Okay," sagot nito. Bago ko marinig ang mga yabag nito na papalayo. Nakahinga ako nang maluwag at mabilisan akong nag retouch dahil ayaw rin nito na haharap ako sa media na maputla at walang kabuhay buhay. Isinuot ko na ang stilleto ko at isang tingin pa sa salamin bago ako lumabas nang dressing room.

 

Sa pag pasok ko nang convention hall, sobrang ingay at dami nang tao kaya biglang umikot ang paningin ko at any time matutumba na ako, kaya napa kapit ako sa gilid nang mga estante at nagpahinga muna bago nag lakad patungong waiting room area kung saan kami tatawagin.

 

Naririnig ko na ang ingay nang musika na galing sa loob at ang ingay nang mga taong kanina pang nag-aantay sa pag labas namin. Naglakad na ako at kahit medyo nahihilo linakasan ko ang loob ko na makakaya ko. Nagsimula nang mag tawag ang host;

 

"Ladies and gentleman I wanted to present to you the face of La Bella Fashion wear. Let's give them a big round of applause." sigaw nito.

 

Sabay sabay kaming pumunta sa gitna nang stage at isa-isa nang naglakad, dahil ako ang star of the night at ang pinaka paborito raw ni Ms. Minerva ayon sa mga kasamahan kong inggetera sa ganda ko. Nang matapos silang rumampa muling nag salita ang host;

 

"Are you having fun?" tanong nito.

 

Then the crowded says, Yesssss! yesssss!

 

"Are you ready to see the elite beauty of La Bella?" muling tanong ng host.

 

And the crowded says, Yess for the second time. I think guiz you are all ready, so now I want to introduced you Ms. Isabella. Let's give her a big round of applause, nagpalakpakan ang mga tao at ako naman ay nag simulang mag lakad kahit ramdam ko ang pagkahilo, panay kaway at ngiti pa rin ako para hindi nila mapansin ang nangyayari saakin nang sandaling 'yon. Hanggang malapit na ako sa gitna nang stage at nag simulang nag pa gewang-gewang na ang lakad ko at nakikita ko na ang  pagtataka nang mga tao sa kinikilos ko sa itaas nang stage hanggang sa tuluyang nag dilim na ang paningin ko at natumba ako. Huling narinig ko pa ang sigawan nang mga tao bago ako tuluyang mawalan nang ulirat.

 

Agad dinaluhan ni Ms. Minerva si Isabella, nag sisigaw ito na tumawag nang medic. Habang nag hihintay panay bulong ito kung ayos lang siya, pero nanatiling wala siyang malay. Ilang minuto rin bago dumating ang mga ito at kaagad siyang binuhat at isinakay sa ambulance, sumama naman si Ms. Minerva sa mga ito patunging ospital.

 

Samantalang bali balita na sa London at maging sa Pilipinas ang nangyari sa'kaniya.

 

Makalipas ang dalawang oras. Pumasok ang doctor at nag  check sakaniya.

 

Maya maya nagising na rin ako sa pagkakatulog. Pakiramdam ko na regain ang energy ko. Pero mukha ni Ms. Minerva ay hindi maipinta naka salubong ang kilay nito at nag aantay sa pag gising ko. Kaaaad naman niya akong linapitan at kinamusta.

 

"Iha, ayos ka lang ba? may masakit ba sayo? Bakit hindi ka naman nag sabi na masama ang pakiramdam mo." tanong nito.

 

"Sorry po Ms. hindi na rin ako nakapag sabi akala ko kasi mawawala ang hilo ko. Ano po bang sabi nang doktor." curious na tanong ko.

 

"Wala pang findings, siguro mamaya babalik 'yon.

 

"Sige po mabuti pang hintayin na lang po muna natin ang doctor medyo hilo pa po ako." wika ko habang hawak ko ang ulo ko.

 

Maya maya pumasok na rin ang doctor na nag check-up saakin. Halos magulat at manlamig ako sa narinig ko, lalo na ang huling sinabi niya.

 

"Congratulations. Your five months pregnant." nakangiting wika nito.

 

"W-what did you say. I'am pregnant?" ulit kong tanong. Sabay tayo ni Ms. Minerva.

 

"Yah you heard it right. Your pregnant, so becareful." sagot nito.

 

Nakita ko ang pagkunot nang noo ni Ms. Minerva, na papalapit saakin.

 

"I have to go." pagpapaalam ng doctor.

 

"Buntis ka paano? at limang buwan na. Alam mo ba 'to? sinong tatay nang anak mo?" sunod sunod na tanong nito.

 

"Ahmm hindi ko alam na buntis ako. At 'yong ama hindi ko rin lubos na kilala. Sorry Ms. Minerva." naiiyak kong sambit.

 

"Sssssh! Paano yan ngayong alam muna. Anong plano mo? ilang buwan lalaki na rin yan." tanong nitong muli.

 

"Hindi ko po alam Ms. Minerva pero kung papayag po kayo, babalik na lang muna ako nang Pilipinas?" wika ko. Sana'y pumayag siya. Sumasakit ang ulo ko sobra sa gulong pinasok ko, pero nandyan na 'yan. Kailangan kong panindigan ang maging isang ina. Lalayo ko ang anak ko sa magulong buhay nang showbiz industry.

 

"Okay, ikaw ang bahala. Dalangin kung maging maayos ang buhay mo. Bukas na bukas rin ipapa ayos ko ang mga papers mo. Kapag may kailangan ka magsabi ka lanag ha. wika nito.

 

Hindi ko expected na ganiyan ang sasabihin niya sakabila nang kamaliang nagawa ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at nag pasalamat sakaniya.

 

"Pasensya na hindi kita masasamahan pag balik nang Pilipinas. Alam mo naman hindi ko puwede basta bastang iwan ang trabaho at business ko rito. I hope you'll understand." dagdag na wika nito.

 

Napaiyak na lang ako sa tuwa lalo may inabot siya saaking cheque halos malula ako sa laki nang kabuuan nang pera na 'yon. She gave mo two million pesos. Kaya sa labis na galak hindi ko maiwasang umiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status