Share

Chapter 4

ANGELA

Tulad na pangako ni Ms. Minerva nakabalik ako nang Pilipinas nang ligtas at maayos. After two weeks nang malaman naming buntis ako pinalipad niya na ako pabalik nang Pilipinas. At heto na nga rinig na rinig ko na ang simabi nang crew kaya hudyat nito na nasa Pilipinas na talaga ako.

 

"Ladies and gentlemen, welcome to the Philippines. We are at Manila Airport. Local time is 10:30 a.m, and the temperature is 27'c."

 

"I'd like to thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you onboard again. Have a great day ahead." Wika nang crew.

 

Kanya kanya nang baba nang mga pasahero habang bugso pa ang mga taong nababa hindi mo na ako nakipag sabayan sa mga ito. Bagkus inantay kong umunti sila bago ako bumaba, dahil sa takot na baka mabangga o maipit  kami nang anak ko.

 

Naglakad ako sa lobby nang MIA katatapos ko lang magpa check sa embassy. Naka suot ako nag shades at shawl dahil natatakot akong may maka kita saakin rito at pagkaguluhan pa ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako nang airport at makapasok sa loob nang Van na sumundo saakin. Tauhan iton ni Ms. Minerva, natatandaan ko pa siya, dahil siya anh sinakyan namin noong papunta rin kami nang airport.

 

Kahit hindi ko na sabihin kung saan niya ako ihahatid dahil alam naman niya kung saan ang condo ko rito. Condo iyon ni Ms. Minerva pero ibinigay niya na saakin. Ilang oras lang nakarating kami nang condo, nag patulong ako sa'kaniya sa pagbuhat nang mga dala-dala kong gamit. Halos lahat nang important things ko ay dinala ko, not sure kasi ako after kong manganak if babalik pa ako sa modelling. Naglakad ako papasok nang condo, binati ako nang guard pero dire-diretso lamang ako sa takot na makilala niya ako at ma eskandalo pa ako rito. Nagmamadali akong sumakay nang elevator kasunod ko ang driver.

 

Nang bumukas ang elevator nagmamadali naman akong pumasok sa  loob ng condo. Pinalagay ko lang sa driver ang gamit ko at pinalababas ko na rin siya. Sinalampak ko ang sarili ko sa kama, dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako mag hapon kahit naka upo lamang naman ako.

Naisipan kong tawagan si Ms. Minerva at kaagad naman niyang sinagot.

 

"Hello Ms. kamusta naman po diyan?" tanong ko. Sigurado akong kalat na ang nangyari sa huling events.

 

"Okay naman. Ikaw kamusta na? Alagaan mo ang sarili mo, dahil hindi ka na nag-iisa, dalawa na kayo nang baby mo." ani nito. "Oh! siya marami pa akong ginagawa, update me na lang from time to time." bilin nito. Bago patayin ang tawag ko.

 

Nakaramdam naman ako bigla nang lungkot na 'di ko mawari. Gusto kong maiyak, dahil mag-isa na naman ako. Gustuhin ko man na bumalik sa Palasyo hindi na maaari, dahil kasusuklaman nila ako lalo kapag nalaman nilang disgrasyda ako.

 

"kamusta na kaya ang daddy mo baby, wika ko habang hinihimas ko ang nagsisimulang umumbok na tummy ko. Totoo pala 'yon kapag nalaman mo bigla siyang lalaki, pero kong hindi mo alam ang liit niya lang. Sa five months wala akong kaalam alam na nagdadalantao ako, sa taas nang heels na suot ko kada rampa ko wala naman akong naramdamang kakaiba.

 

'Yong last event lang talaga siya nagparamdam, siguro nga time na daw na malaman ko para mas mag-ingat pa ako lalo.

Bumangon ako sandali dahil walang tigil ang pagkalam nang sikmura ko. Nag check ako sa refrigerator sobrang dami nang laman nun, talagang wala ako masabi sa kabaitan nito.

 

Mabilis na lumipas ang ilang linggo  ngayong ang araw nang check up ko. Kailangan kong malaman kong anong lagay niya sa loob nang tummy ko. Maaga pa lang nasa ospital na ako at inaantay ang ob-gyne ko.

 

Hinimas himas ko ang tummy ko dahil kanina pa siya naglilumikot sa loob.

 

"Anak behave ka lang diyan ha. Malapit na natin malaman gender mo." bulong ko. Napaka masunurin naman nang anak ko, bigla siyang tumigil sa paglilikot.

 

Mga ilang minuto lang pumasok na ang ob-gyne na hinihintay ko. Pumasok na rin ako sa loob nang tawagin ako nang assistant nito.

 

Pinahiga niya ako at nilagyan nang gel ang tummy ko. Habang may isang aparatu siya na pinaikot ikot sa ibabaw nang tummy ko, marami pa siyang sinasabi at napaluha ako dahil kahit late ko na nalaman ang lahat healthy pa rin ang baby ko. Hanggang sa sinabi niyang girl ang baby na pinag bubuntis ko kaya masayang masaya ako. Binigyan niya ako nang ilang reseta para sa mga vitamins na iinumin ko hanggang manganak ako.

 

Masayang masaya akong umuwi nang condo at ibinalita kay Ms. Minerva ang lahat.

 

"Hello po." bungad na bati ko rito.

 

"Hello Angela, kamusta kana diyan." tanong nito.

 

"Mabuti naman po Ms. heto kakagaling lang sa ospital at alam niyo po bang babae ang baby ko." excited na ibinalita ko ito sakaniya.

 

"Wow! I'm sure she's pretty much like her mom." ani nito.

 

"Thank you po Ms. Keep safe and see you when I see you." wika nito.

 

Ibinaba ko na ang tawag, dahil alam kong busy masiyado ito lalo na ngayon ay magpapasko. Kaliwa't kanan ang pa events sa London kapag ganitong seasons, at first time kong mag pasko na dalawa kami nang baby ko.

Four Months Later

It's my 9th month of my pregnancy and my baby is ready to deliver in a few moments.  Magpapa check up lang sana muna ako pero ayon sa ob-gyne ko malapit na akong manganak, dahil open cervix na and almost 5 centimeters na siya. Kaya pinalakad lakad na lang muna ako, tinawagan ko na lang ang driver ko para siya na ang kumuha nang mga gamit namin ni baby. Buti na lang talaga na pack ko na lahat nang kailangan namin.

 

Halos manakit na ang balakang ko kakalakad ko hanggang sa may pumutok na kong ano sa loob ko at naglabasan ang tubig, sobra akong natakot na hindi ko maipaliwanag. Sumigaw ako para may makapansin saakin.

 

"Nurse! Nurse!" tawag ko. Kaagad naman nila akong nilapitan at pinaupo sa wheelchair at tinulak papasok nang delivery room area.

 

Habang nakahiga ako sa kama inaayos naman nang doctor ang gamit niya.

 

Abot-abot ang kaba ko nag sandaling 'yon at humihingi ako nang gabay mula sa kay Lord na sana pagkaingatan niya ako ngayong araw. Marahil malaki ang baby ko kaya hindi ko raw siya mai- no-normal kaya automatic caesarean delivery ako.

 

Kaagad akong tinurukan nang anesthesia hanggang sa nag paikot ikot ang paningin ko na nandidilim hanggang sa makatulog na ako.

 

KINABUKASAN

Nagising na lang ako na nasa tabi ko na ang baby ko. At pinangalanan ko siyang baby Alexa Crisostomo, siyempre sinunod ko sa apilyido ko ang pangalan niya, dahil hindi ko naman alam at lubusang kilala ang daddy niya. At wala rin naman akong balak na ipaalam pa sakaniya ang lahat. Papalakihin ko ang anak ko nang mag-isa sa abot nang makakaya ko, at bubusugin ko siya nang pagmamahal para hindi niya maisip na wala siyang daddy. Kaming dalawa lang ang magsasama. Pangako niya sa kaniyang baby na ngayon ay nahihimbing na natutulog sa tabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status