Share

The Billionaire's Secret Wife
The Billionaire's Secret Wife
Author: Amaryllis

Simula

I was living in a comfortable and contented life not until my mom passed away one month ago.

Our house, cars, properties and our company that was founded by my parent's were all taken away from me and it's all because of my step-father.

Isinugal niya lahat-lahat ang mga ari-arian ng mga magulang ko. It looks like my mom knew about his bad habit, but my mom stayed silent.

Hindi na ako magtataka. Mabait, maunawain at mapagbigay ang mommy ko kaya siguro hinayaan niya lang si tito Henry sa bisyo nito, pero masiyado naman niyang inabuso ang kabutihan ng mommy ko.

Gusto kong pagsalitaan ng mga masasakit na salita si tito Henry, but my mom didn't teach me to be a bad daughter. She always told me to be kind no matter what the situation is. Hindi rin ako sanay na magalit at magtanim ng sama ng loob kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay mag-isip ng paraan kong paano kami makaka-survive sa mga pang-araw-araw na gagastusin namin.

Kakalipat lang namin ngayon sa isang hindi kalakihang apartment. Sa unang naglipatan kasi namin ay masiyadong maingay. I cannot stand with noise dahil nasanay akong tahimik ang paligid ko kaya naghanap ulit ako ng ibang apartment.

I have a step-sister. Her name is Portia. She was six years younger than me at nasa ikaapat na taon na siya sa kolehiyo ngayong taon.

Portia loves luxuries. Lahat ng mga gamit niya ay purong mamahalin at sunod sa uso. She is spoiled, but thank god, she is not a brat.

We differ in personality. We don't have the same taste, likes and preferences, but we get along well.

Parehong maagang namatay ang mama niya at ang papa ko. Sanggol pa lang kami nang mamatay sila kaya hindi namin sila nakilala.

"Ate, ang init. I need an airconditioner." Narinig kong reklamo ni Portia dahilan para bumalik sa kasalukuyan ang isip ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Magkatabi kami at parehong nakahiga. Dalawa lang ang kwarto dito sa inuupahan namin kaya wala kaming choice kung hindi ang mag-hati sa iisang silid. Sa kabilang-silid naman natutulog si tito Henry.

Sinulyapan ko si Portia at hustong nakita ko ang namumuong pawis sa kanyang nuo. Nakaramdam ako ng habag sa kanyang itsura. Centralized ang aircon sa bahay namin dati kaya hindi kami sanay na mainit ang kwarto namin. Kahit gustuhin ko mang palagyan ng aircon dito, wala naman kaming sapat na pera. Lahat kasi ng bank accounts naming tatlo ay naka-freeze kaya hindi ako makapaglabas ng pera.

Hindi ko alam kong gaano kalaki ang utang ni tito Henry at pati sarili naming bank accounts ni Portia ay kailangang i-hold ng bangko. Hindi tuloy namin magamit ang perang naka-imbak doon. Malaki-laki pa naman ang pera namin. Sigurado akong hindi sasampung milyon ang pera ko dahil maliit pa lang ako ay naghuhulog na si mommy sa bank account ko. Hindi ko lang alam kong magkano ang pera ni Portia pero sigurado akong aabot din sa milyon ang pera niya sa kanyang bank account.

"Kahit gustuhin ko mang bumili, wala na tayong sapat na pera Portia. Naubos na ang perang pinagbentahan ko ng aking mamahaling Louis Vuitton bag." Malungkot kong sagot sa kanya.

Nag-advance deposit kasi ako ng anim na buwan dito sa apartment na inuupahan namin ngayon. Buong bahay itong inupahan ko kaya aabot din sa twenty five thousand pesos ang upa kada buwan. May natira pang pitumpu't-libo, pero sa mahal ng mga bilihin ngayon, hindi na aabot sa isang buwan ang pera namin.

Masakit saakin na ibenta ang bag na iyon dahil regalo saakin iyon ni mommy pero sa kalsada naman kami matutulog kapag hindi hindi ko ginawa iyon.

"I can sell my expensive bags too, ate. Iyon na lang ang ipambili natin ng aircon." Suhestiyon niya pero agad ko siyang kinontra.

"Kung ibebenta mo man ang mga iyon, hindi mo iyon ipambibili ng aircon. Alalahanin mong malapit na ang pasukan niyo. Ang mahal ng tuition fee mo sa pinapasukan mong skwelahan. Kailangan mo pa ng baon araw-araw at paano ang iba mo pang babayaran sa school niyo?"

Portia heaved a deep and dissappointed sigh.

"I don't know why this is happening to us. The last time I checked, we are living a very luxurious life and then suddenly, bigla na lang tayong maghihirap. I am not prepared for this kind of life. Kasalanan ito ni daddy. If only he didn't gamble everything that we have." Paninisi niya sa kanyang ama.

Napabuntunghininga na lang ako.

I am not prepared for this kind of life too, but we need to adjust if we want to live. Kahit sisihin namin ng sisihin si tito Henry, hindi na maibabalik ang mga nawala saamin. All we need to do now, is to accept the reality that we are no longer rich.

Nagluluksa pa ako sa pagkawala ni mommy pero pakiramdam ko ngayon, parang wala na akong karapatang magluksa dahil sa mga patong-patong na problemang kinakaharap namin.

If only my mom was still alive when this happened, atleast, hindi ako ganito magiging kaproblemado. Nasanay akong palaging nakadepende sa kanya kaya isang malaking kawalan talaga saakin ngayong wala na siya.

Minsan, gusto ko ring sisihin si mommy kung bakit maaga siyang nawala. If only, she told us early that she had a brain tumor, baka naagapan pa ng mga doktor ang kanyang sakit. But she choose to keep her sickness to herself. Nalaman na lang namin ang kanyang sakit ng lumala na ito at wala nang lunas.

Pinunasan ko ang luhang bigla na lang naglandas saaking pisngi bago pa iyon makita ni Portia. Naalala ko kasi ang itsura ni mommy noong kanyang mga huling sandali. Her face is full of pain but she still manage to gave me smile before she took her last breath.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na gustong umalpas mula sa aking bibig. I don't want to show Portia that I am crying at baka

mag-iyakan na lang kami dito imbes na mag-isip kami ng paraan kong paano namin masosolusyonan ang mga problema namin.

I need to be strong for her dahil wala na kaming maaasahan pa kay tito Henry.

"I will sell my Diamond Forever Chanel bag today. Do you want to come with me?"

Napasinghap ng malakas si Portia. Napabalikwas pa siya ng bangon dahil sa sinabi ko.

"Ate, you must be kidding me. That is the most expensive bag Chanel have ever designed. You cannot sell it." Mariin niyang protesta habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

I let out a deep breath. Bumangon din ako at umupo sa kama.

"Aanhin ko ang bag kong wala naman tayong kakainin? Besides, kailangan natin ng extra na pera habang hindi pa ako nakakahanap ng trabaho."

Napasinghap nanaman ng malakas si Portia. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Ate, hindi ka sanay magtrabaho. Ano ang trabahong papasukan mo? Yes, you graduated in Harvard, but that was five years ago. You don't have any experience dahil hindi ka naman nagtrabaho. May kukuha kaya saiyo?" Nag-aalang tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Portia is right. I should have applied for a job after I graduated, but my mom didn't let me to. Hindi rin niya ako hinayaang magtrabaho sa kumpanya namin. Literal na sa edad kong dalawampu't anim ay nakadepende parin ako sa kanya kaya lumaki akong walang kahit na anong trabahong kayang gawin.

"I have to try this time. Kung hindi ako magtatrabaho, pare-pareho tayong magugutom." Malungkot na sagot ko.

Mahigpit akong niyakap ni Portia.

"Ate, what if I stop going to school so I could help you for the meantime?" Suhestiyon niya.

Sa narinig ko ay humulagpos ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang-balikat at pinanliitan siya ng mga mata.

"You are already graduating. I won't allow you to stop schooling." Mariin kong sagot sa kanya.

She pouted her lips. Tinanggal niya ang aking mga kamay na nasa kanyang balikat at pinagsalikop ang aming mga daliri.

"But ate, you don't have to bear all the problems alone. Makapaghihintay ang aking pag-aaral. I can just stop for one year. Magtrabaho tayong dalawa at kapag nakaipon na tayo, tsaka na lang ako mag-aaral ulit. What do you think?" Itinaas-baba niya ang kanyang mga kilay at ngumiti pero pinandilatan ko siya ng mga mata.

"No! You need to graduate now no matter what happens. Don't worry about money. Ako na ang bahala." Assurance ko sa kanya.

Nalaglag ang kanyang balikat.

"Bahala ka. Basta ha? Kapag kailangan mo pa ng pera, we can always sell my signature bags and shoes. Huwag mo na akong alalahanin. Bibili na lang ulit ako kapag nakagraduate ako at nakahanap ng trabaho."

I smiled warmly at Portia pagkuwa'y, niyakap ko siya ng mahigpit. It looks like Portia is now beginning to mature.

Pumunta nga kaming dalawa sa botique na pinagbentahan ko rin noong nakaraang buwan at ibinenta ang Chanel bag ko.

"Ate naman, why did you sell your Chanel bag for only 1 million? It's worth was fourteen times higher from the money she gave you. It was very clear that she took advantage of you, but you let her." Portia ranted nang makalabas kami sa botique na pinaggalingan namin.

"Hayaan mo na. We badly needed money right now. Wala tayo sa pwesto upang magreklamo."

She stomped her feet on the floor. "OMG! I so hate that kind of people. Masiyado silang gahaman. I hope their botique will go bankcrupt." Naiinis na sagot niya.

Tipid akong napangiti. I can feel her frustrations. Masakit din sa loob ko, pero tulad nga ng sinabi ko wala kami sa pwesto upang magreklamo. Nangangailangan kami ng pera ngayon kaya tatanggapin ko anumang presyo ang kaya nilang ialok.

"Don't bother to make a fuss about it. We better head to the mall to buy the things we need in our apartment. Marami pa tayong kulang na gamit."

She snorted pero hindi na sinubukang magreklamo pa. Nilakad na lang namin ang papuntang mall since malapit lang naman ito mula sa pinanggalingan namin. We are both wearing flat sandals kaya hindi kami mahihirapang maglakad.

Mag-aalastres na ng hapon pero nasa katirikan parin ang araw. Wala pa kaming dalang payong kaya pinagpapawisan tuloy kaming dalawa. Mabuti na lang at may dala kaming panyo kaya iyon ang ipinam-punas namin sa mga pawis na tumutulo sa nuo namin.

I never imagine myself that I will walk in the streets under the heat of the sun dahil lumaki akong may naghahatid at nagsusundo saakin saan man ako pumunta.

Panay ang reklamo ni Portia na mainit habang naglalakad kami. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. Huminto lang siya nang makapasok kami sa loob ng mall dahil siguro sa malamig na dito.

Wala kaming sinayang na sandali. Nagderetso agad kami sa appliances section at binili ang mga kagamitan na wala pa saamin. Inuna ko ang ref at kumuha na rin ng dalawang aircon. Hindi sana ako bibili ng aircon pero naaawa ako kay Portia. Hindi siya nagsasalita pero panay naman ang tingin niya sa aircon kanina kaya bumili na lang ako. Nang sa tingin ko ay nabili ko na ang mga importanteng gamit na kailangan namin ay nagbayad na ako gamit ang nag-iisang card na natira saakin pagkatapos ay ipinadeliver ko lahat sa apartment namin.

Nang matapos kami ay sa grocery section naman kami dumiretso. Inuna namin ang mga personal na gamit namin dahil pati ang mga iyon ay hindi namin naisama nang lumipat kami.

Ura-urada kasi kaming pinaalis at hindi man lang kami binigyan ng kahit isang araw man lang na palugit upang makapag-empake ng mga gamit namin. Ang ending tuloy, ang mga damit lang namin at iba pang mahahalagang gamit ang tanging nadala namin.

"Ate, nagugutom na ako." Reklamo ni Portia ng mabayaran namin ang mga groceries na binili namin.

Ako rin. Kanina pa nagugutom at nauuhaw. Hindi ko pa alam kong paano magluto kaya mas mabuti sigurong kumain na muna kami bago kami umuwi. Magtetake-out na lang kami para kay Tito Henry.

"Sige. Kumain muna tayo." Sagot ko bago ko binalingan ang cashier upang tanungin kong pwedeng ipadeliver na lang sa apartment namin ang mga binili namin. Nang umuo siya ay ibinigay ko ang address namin at nagdagdag ng delivery fee's.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko kay Portia.

"Kahit anong kainan na lang. Iyong afford natin."

Tumango-tango ako. Alam kong napipilitan lang si Portia dahil kung mayaman pa kami hindi ganyan ang isasagot niya. Mapili kasi siya sa mga pagkain kaya hindi mo talaga siya mapapakain sa kung saan-saan lang.

Nagtingin-tingin kami sa paligid kong may malapit bang restaurant sa floor na kinaroroonan namin pero mukhang walang kainan dito kaya dumiretso kami sa third floor upang doon maghanap.

Malapit na kaming makarating sa itaas nang masulyapan ko ang isang lalaking naglalakad patungo sa direksiyon namin ni Portia. He looks like he came from a business meeting dahil naka coat and tie pa ito. Sa likod nito ay ang dalawang bodyguard niya na palagi kong nakikitang nakasunod sa kanya kapag napapanood ko siya sa tv.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gumalaw ang kanyang ulo upang tumingin sa direksiyon namin.

Hindi ako mahilig magmura pero napamura ako ng wala sa oras.

Yumuko kaagad ako. Nagtago ako sa likuran ng lalaking nasa harapan ko. Hindi pa ako nakuntento at tinakpan ko pa ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Ate, what are you doing?" Angal ni Portia nang pwersahan kong iyuko ang kanyang ulo.

"Basta yumuko ka lang. Huwag mong iaangat ang ulo mo hanggang hindi ko sinasabi." Mariin kong utos sa kanya.

"Mamaya ka na magtanong." Pahabol na dagdag ko pa bago pa siya humirit ulit.

Masunurin si Portia ngayon dahil hindi nga siya nagtanong.

Mula sa likod ng taong nasa harapan ko, isinilip ko ang mukha ko upang tignan kong wala na ba ang mga lalaking nakita ko kanina. Iginala ko pa ang tingin ko para masiguradong wala na nga sila. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko sila makita.

Nang makarating kami sa third floor ay hinawakan ko ang kamay ni Portia at mabibilis ang mga hakbang na inakay ko siya patungo sa kaliwang direksiyon ng mall. Doon kasi sa kanang direksiyon ang nakita kong tinungo nila kanina.

"Ate, Ano ba talaga ang nangyayari?" Naguguluhang tanong niya saakin habang akay-akay ko siya.

"Can we just eat somewhere else? Baka hindi masarap ang pagkain nila dito. Mapili ka pa naman sa mga kinakain mo." Pag-iiba ko ng usapan.

"It's okay ate. I don't think I can still afford to become picky. I can eat whatever food they are serving here. Huwag mo na akong alalahanin."

Napapikit ako sa kanyang isinagot. Kung kailan naman kailangan ko ang kanyang kooperasiyon, tska naman siya nagpapaka-matured diyan.

"But I don't like the food here."

"Teka lang ate." Pinigilan ako ng kanyang isang kamay kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Why?"

Nagpalinga-linga ulit ako sa paligid at baka bigla silang bumalik.

"Kailan ka pa naging mapili sa pagkain?"

Bumalik ang tingin ko kay Portia

"Ngayon lang?" Patanong na sagot ko.

Hindi pa ako sigurado sa sagot ko dahil hindi naman talaga ako mapili sa pagkain.

"Huh? At ako pa talaga ang lolokohin mo? Never kang naging mapili sa pagkain so don't pull that prank on me. Gutom na ako ate kaya pakiusap, kahit sa food court na tayo kumain. Hindi ako magrereklamo."

Umiling ako. Kahit gusto ko siyang pagbigyan ay hindi maaari.

"Kahit orderin mo na ang pinakamahal na pagkain, hindi ako magrereklamo basta sa iba na lang tayo kumain.

"Luh. Sigurado ka? Sinabi mo iyan ha?"

"Oo nga, kaya tara na."

"Tsssk. Ang weird mo ngayon. Pero wala na talagang bawian iyan."

Tumango ako at nagpatiuna nang maglakad.

Nasa kalsada na kami at naghihintay nang jeep na masasakyan nang biglang may humintong isang mamahaling sports car sa harapan namin.

Hindi ko sana ito papansinin kung hindi lang unti-unting bumaba ang bintana sa may bandang likuran ng kotse. I watched how the mirror slowly slide down until the sideview of the man sitting at the back revealed before my eyes.

I don't know if I would widen my eyes or gasp in shock. Isa lang ang sigurado ako, I need to get away from him even if it means running away until I lost my last breath.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status