Wow! Gulat akoooo, thank youuuu so much po sa nagbigay ng gem huhu. First time ko kaya ang saya sa feeling hahahaha
NAKAPATONG ang ulo ni Xandra sa balikat ni Nathan habang nasa byahe silang apat pauwi sa bahay ng babae. Si Ashton ang nasa driver's seat at ang katabi naman nito roon ay si May, habang ang dalawa ay nakapuwesto sa kanilang likuran.Nathan has caught May's meaningful glare at him numerous times already. Noong una ay hindi niya iyon pinansin pero kalaunan ay napapadalas na talaga ang paglingon nito sa rearview mirror kaya pinuna na niya iyon. He did feel uneasy about it."Is there any problem, Miss?" tanong niya nang hindi na nakapagpigil pa. Bahagyang nabigla ito, hindi inaasahang magsasalita ang dating asawa ni Xandra. Pero hindi rin naman nagtagal ay nakabawi rin siya kaya napatawa ito nang wala sa oras.Napakunot ang noo ng lalaki kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang kilay, hindi nito alam kung ano ang nakakatawa sa simpleng tanong niya. By that time, he thought that the woman was already crazy, given her weird actions.Si Ashton naman ay nadala sa nakakahawang tawa ng babae
NAPASULYAP si Nathan sa natutulog na si Xandra nang naramdaman niyang gumalaw ang kamay nito. Pero natuon ding muli ang kaniyang atensyon sa harapan sapagkat kailangan niyang linawin ang bagay na iyon."Hey, look. It is not what you think it is. I and Caroline are just good friends. Magtigil na kayo riyan at baka magising pa si Xandra," suway nito. Pinunasan niya ang kaniyang labi dahil sa kaunting natapon na tubig kanina ro'n.Ashton groaned. "Dine-deny mo na ngayon si Caroline? Akala ko ba ay girlfriend mo siya? Bakit biglang naging good friends na lang?" seryoso nitong katanungan, wala nang kahit na anong panunukso na mababakasan pa sa kaniyang mukha. "Kasasabi lang din ni May na nakita niya kayong dalawa na nag-aanuhan sa rest room. Ano ang tawag mo ro'n? Friends with benefits?" Mas humigpit ang hawak nito sa manibela, halatang wala na talaga sa huwisyo.Malalim na napabuntong hininga si Nathan. Dapat sana nilang pag-usapan na lang ito nang silang dalawa lang pero dahil nandito na
WALA PANG alas sais ng umaga ay pumasok na si Xandra sa trabaho kasama ng kaniyang bukod tanging kaibigan. Sa katunayan ay alas tres pa lang kanina ay nambulabog na ito sa kanilang bahay upang gisingin siya. Gano'n ka-excited si May sa unang araw ng kaniyang trabaho. Naglilibot pa nga siya ng kaniyang tingin sa bawat sulok ng kompanya at talagang mapagmamasdan sa mga mata niya ang labis na paghanga. Bawat empleyadong nakakasalubong din nila ay binabati niya na parang matagal na niya itong kakilala. Meanwhile, Xandra's attention was drawn by someone. They both diverted their gaze to that specific person. "Cassandra, ipakilala mo naman kami sa kasama mo," anang ng isang lalaking empleyado. Hindi na niya kailangan pang magsalita dahil tama ang kaniyang hinuha na kusang si May na ang magsisimulang mag-ingay para ipahayag ang kaniyang pagkakakilanlan. Maarte pa nitong nilagay ang kaniyang buhok sa likuran ng tainga nito. "Huy, enebe, 'to naman. Nahiya ka pa talagang diretso na sa ak
PINAGBUKSAN ng pinto ni Nathan si Xandra. Likas na rito ang pagiging gentleman nito simula pa noon mapakahit sino pa man 'yan. Awkward na napangiti ang dalaga sa inasal nito dahil dapat ay siya ang magbukas niyon para sa boss niya subalit kabaliktaran ang nangyari.Nagpasalamat na lang ito, at akmang papasok na sana sa shotgun seat nang may biglang kumalabit sa damit niya. Nagulat pa ito nang una pero nang makabawi ay hinarap nito ang pulubing babae na may katandaan na rin kung oobserbahan.Napangiti siya rito at tuwid na napatayo. "Hello po, Lola," bati niya na napayuko pa nang kaunti bilang paggalang. "Teka lang po." She looked inside her wallet.May nakita siya roon na singkuwenta pesos pero naalala niya ang kaniyang mga anak. Baka kasi walang kakainin ang mga ito mamaya kung sakaling ibibigay niya iyon sa matanda.Nahihiyang napakamot ito sa kaniyang tainga. The man behind her made a sound when she was about to tell the old woman that she couldn't lend any help.Napabaling kay Nat
SILENCE HAS enveloped them. Si Xandra ay nag-i-scroll lang sa pasira na nitong cellphone upang aralin ang mga dapat pa nitong malaman tungkol sa Alvarez's Company. Patapik-tapik naman ang daliri ni Nathan sa ibabaw ng lamesa at base sa kaniyang hitsura ay parang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung paano iyon sisimulan.Tubig pa lang ang nakalatag sa kanilang harapan dahil hindi pa sila nag-o-order ng kahit na ano. Wala ring ibang taong naroon maliban sa kanilang dalawa at sa mga stuffs. Naka-reserved kasi ang lugar sa kanila. "Excuse me, Sir Nathan." Agaran ang paglingon niya kay Xandra nang tawagin siya nito. "Nag-notify sa akin na darating na si Mr. Guzman after thirty minutes." Any business related ay sa sekretarya talaga nakatalagang mag-iwan ng mensahe ang kahit na sino dahil madalas ay hindi nagbubukas ng cellphone si Nathan. Kung important urgent matter naman ay kay Xandra pa rin iyon ipapadala kaya essential talaga na mapagkakatiwalaan dapat ang taong nasa posisy
PANSIN ANG pagnanakaw ng tingin ni Nathan sa babae nang makasakay na ulit sila sa sasakyan. Gusto niya itong kausapin pero nirerespeto naman niya ang nais ng dalaga na maging pormal sila sa isa't isa kaya sa huli ay tahimik na lamang siyang nagmaneho.Nanginginig pa rin ang kamay nito dahil sa nangyari kanina. Ayaw nitong nahahawakan siya ng kahit na sino pa mang lalaki iyan dahil sa nangyari sa kaniyang nakaraan."What time is my next scheduled appointment?" tanong niya. Nang una ay wala siyang tugon na natanggap. Tila naglalakbay na naman ang isipan ng babae. "Ms. Fumidor?" agaw niya sa atensyon nito. Akala niya nang una ay tulala lang ito sa bintana pero kalaunan ay roon lamang niya napansing nakaidlip pala ang dalaga. Hinayaan na lamang niya ito para naman makapagpahinga kahit na papaano. Siguro kung ibang empleyado niya iyon ay tatanggalin na agad niya sa trabaho. Gano'n siya kaistrikto, ngunit pagdating sa dalaga ay hindi siya maghihigpit. May bias na kung may bias. Tahimik na
HINDI NA inalala pa ni Nathan ang mga katagang binitawan ng babae kanina. He didn't want to ruin the mood, so he acted like nothing happened, like it didn't affect the hell out of him. Habang siya ay naglalakad ay may biglang nakaagaw sa kaniyang atensyon. Mula sa shop na nasa gilid lamang niya ay may natanaw siyang necklace na ang disenyo nito ay isang sanggol na anghel.Napangiti siya dahil sa lungkot nang maalala niya ang kanilang anak ni Xandra noon. Patay na ito dahil sa kaniyang kapabayaan. Noong mga panahong iyon ay wala pang halaga ang babae sa kaniya. Ikinama lamang niya ito kapalit ng perang panggamot daw sa tatay nitong may sakit. Pero hindi niya inakalang magbubunga ang kanilang mga pagtatalik na dapat ay hanggang katuwaan lang sana.Dumating ang araw na nagmakaawa ang babae sa kaniya na bigyan siya nito ng pera para panggamot sa anak nilang kasalukuyang inaapoy ng lagnat. Ngunit tinawanan niya lang ito kasama ng kaniyang mga barkada noon. Hindi na nakayanan pa ng bata an
HINDI MATIGIL sa pag-iyak si Xander at maging ang kapatid nitong apat na taong gulang na si Sarah ay napapaluha na rin. Si May na ang umalo sa bunsong anak ni Xandra.Nasasaktan ito na makitang nasa gano'ng kalagayan sila. Masakit iyon para sa bawat ina dahil hangga't maaari ay mas gugustuhin nilang maging masaya ang kanilang mga anak. Ang mga ngiti ng mga ito ay sapat na bilang gamot nila o 'di kaya naman ay pampatanggal ng kanilang pagod."Here. Take this, kid." Napalingon si Sarah sa kadarating lang na si Nathan matapos nitong umalis kanina. Naglaho na ang kalungkutan nito at napalitan ng kaligayahan nang abutin niya ang malaking teddy bear na kulay pink. May disenyo pa itong ribbon na nakalagay sa bandang leeg niyon. Niyakap niya ito nang mahigpit.Ngumiti ang bata sa kaniya. "Tensu po!" nagagalak nitong sambit. Lumapit si Xandra sa kanila pati na rin ang anak nitong si Xander nang medyo tumahan na. "Sir Nathan...""How about you, kid? Ano'ng gusto mo?" nakangiting baling nito sa