Share

The Billionaire's Secretary
The Billionaire's Secretary
Author: ANN LEE PEN

CHAPTER 1: "GWAPO KA LANG, MAHIRAP AKO!"

“Nakita ko na siya,”  napabulalas ni Solenne sa wireless earpiece portable radio ng makita ang isang pigura ng lalaking tila perpekto sa tinatarget nila.

“Ohhhh Solenne, alam mo na ang gagawin mo sa target natin ha. Marcus Walton, bachelor at apo ng one of the biggest tycoon sa bansa.  Mahalagang maakit mo siya ayon sa request ng kliyente.”

“oo na, easy!”pagyayabang pa nito sa kausap sa kabilang linya. 

“Ano ang cue?” makulit pang pagtatanong ng kausap.

“Awww” pagkumpirma pa ni Solenn sa lalaking kausap. Alam na alam nya ang gagawin. Inaral nyang mabuti ang mga iyon para hindi mapahiya ang kaybigan na nagpasok sa kanya sa bagong raket nyang ito. Mahalaga ang presence of mind sa trabaho na yon, kabilin bilinan ng kaybigan si Buboy.

Madali lang naman ang first mission na nakuha nya. I caught in the act ang binatang bilyonaryo na nilalandi siya nito at nasa mainit na tagpo.Kung ano ang dahilan ng kalokohang ito ay hindi na nya alam at wala siyang pakialam. Una nyang misyon ito at dapat plakado. Kailangan na kailangan nya ng pera ngayon at ito na ata ang pinakamadaling offer na naibigay sa kanya. Easy money ika nga ng iba. 

Hindi mahirap para sa kanya ang pinapagawa lalo nat alam na alam nyang very attractive siya with or without mask. Paigtingin pa ng napakaganda nyang dress na ipinasuot sa kanya na nagbigay ng mas makurbang  katawan para sa dalaga.

Sa palagay ni Solenne  Maputi at makinis ang balat at mukhang mistisuhin ang tinatarget nila. straight ang buhok nito na itim na itim. Ang tangkad ay  parang nasa 5'9 ang height. Mapungay  din ang mga mata nito at kaakit akit kahit na nakatago pa ang mukha sa likod ng maskara. Higit sa lahat umaalingasaw ang bango kahit di pa siya nakakalapit dito. Di pa niya gaano nalalapitan ang lalaki pero alam na alam nya na sa istilo ng pagkilos,  pagkumpas ng mga daliri at kamay, paghawak nito sa baso at ultimo pagtayo. Hindi maikakaila na di ito kabilang sa social status na kinabibilangan nya, mayaman ang lalaki.Super yaman.

Ganito pala ang mga legit na mayayaman, naisip nya. Hindi katulad ng mga kapitbahay nilang mukhang mayaman at feeling mayaman lang sa pagpapainom sa mga barkada kahit utang pa sa kabilang tindahan ang sandamakmak nitong beer at gin na pinamumudmod sa mga party party nilang pinagkakagastusan.

Dito chill chill lang ang pag inom. Hindi tagay tagay. Lalong walang gin bulag na inaapuyan. Ibang iba nga ang kultura dito. 

Softer ang choice of music at hindi puro rakista at rapper na nagmumurahan ang tema na lagi mong naririnig kahit umaga sa kanto.

Nasa isang malaking salu salo siya ngayon at ginaganahan siyang pasimpleng nag oobserba ng bagong paligid na nakikita nya. Sa sobrang ganda at classy ng paligid ay napapa wow na siya sa isipan nya.  di  naman lingid sa kanyang kaalaman na mayayaman ang mga invited sa party na yun. Pero alam nya, Di lang mayaman, amoy mayaman at kilos mayaman ang isang to. Lehitimong bilyonaryo mula ulo hanggang paa kahit hindi pa nya tignan ang profile nito. 

Tumungo si Solenne sa Bar at muling nag request ng maiinom sa bartender. Eto na ang simula ng kanyang drama, konting pagpitik ng kanyang balakang habang naglalakad, pagpilantik ng kanyang mga daliri at pagkislot ng kanyang mga labi . Lahat ng kanyang mga pagkilos ay de numero at pinag aralan nya ang lahat ng yon ng makuha ang misyon na ito. Hindi pwedeng mahalatang nakikiparty lang siya kaya she definitely needs to blend. Aaminin nya, mukhang naparami rami na rin sya ng nainom na alak sa kakaikot ikot sa event place.Medyo mahirap kasi hanapin ang pinapahanap nila, maliban sa madilim, sobrang ingay  pa ng gathering. 

Konti na lang at Mukhang nakuha na nya ang atensyon ng mailap na lalaki. Napapansin niyang Nadadala na ito sa paikot ikot, pa cute at konting pasayaw sayaw nya sa tugtugan. Lagi nyang nahuhuling nakatingin ito sa kanya kahit na may kausap pang iba o di naman ay nakatitig na rito habang nag sisip ng alak sa wine glass.

"You look so stunning!" Bati ng target nya sa kanya ng naupo na siya after umindak ng konti sa trance music na pinatugtog sa bar. “Walakang kasama?”

Ayan na. Ayan na!  Excited nyang pagsasabi sa sarili.

Hindi mapigil ni Soleen ang mapangiti sa pagpuri sa kanya ng lalaki. 

Pera na to, bulong  pa  nya sa isip. 

Baritone at malaki  ang boses nito.Tamang tama para marinig ng babae ang sinasabi nito sa kanya.Mas maganda ang mga labi sa malapitan at naks… hanep ang mga ngipin. Parang walang tartar. Maputi ito na tila ba kayang magningning sa madilim na bulwagan. 

"Of course,Thank you" pasosyal pang wika ni Soleen sa lalaki. Dikit na dikit halos sa kanya ang mukha ng target na binata. Mukhang marami rami na rin itong naiinom sa sapantaha nya. Nangangamoy alak na rin ang hininga nito.

Mas madali nyang magagawa ang misyon nya.

“Do you want to drink more?” friendly pa nitong pag alok sa kanya na pinaunlakan naman ni Soleen. 

Mas mapapabilis ang dapat nyang gawin at umaayon ang lahat sa kagustuhan nya.

“Soleen, yung pill. Need mong ilagay sa inumin nya.”  utos ng nasa kabilang linya ng marinig ang pagsang ayon niya sa alok na alak nito. 

Umorder ng isang mamahaling  bote ng red wine ang lalaki sa bartender. Isinerve ito na nakapaloob sa isang bucket ng yelo. 

At ibinagsak pa sa kanilang harapan ang dalawang wine glass at nilagyan ng bartender ng matantyang lumamig lamig na ng bahagya ang laman ng boteng yun.

“Soleen yung pill. Don’t forget.” paalalang muli ng kaybigan.

Ang kulit naman ni Buboy. Sa isip nya at naiinis na siya dahil sa dami ng nangyayari. Maingay ang paligid, may kwento ang lalaki at may boses na bigla na lang sumisingit sa gitna ng mga ibat ibang ingay na yon. Di nya tuloy maintindihan ang kwinekwento ni Marcus. 

“Anong sabi mo?” pagtatanong ni Solenn sa lalaki ng di maintindihan ang huli.

“Sabi ko, I wonder kung gaano kaganda ang mukha mo sa likod ng maskarang yan.”

Napatawa si Solenn sa narinig. Maaaring pambobola lang yun ng binata pero aaminin nya, swabe ang datingan na yun. 

Siguro madaming babae tong lalaking to, sa isip nya. Bolero eh.

“Bakit ka natatawa? Hindi ba totoo na mas maganda ang mukha mo sa personal…?

“Gaya mo mukhang gwapo ka din, “ biro ni Soleen. “Pwede bang makita?” 

Alam nya ang kanyang ginagawa. Kinukuha nya ang loob ng lalaki para mas madali sa kanya na mailagay ang gamot na yun sa inuminan nya. 

Ramdam din nyang unti unting nagiging komportable ang lalaki sa kanya. Mukhang tumitindi na ang tama nito at masyadong nagiging touchy. 

Maya maya ay inalis na ng lalaki ang maskara nya sa harapan nya at muling ibinalik iyon. And she is shocked.Hindi nya maitatatwang kakaiba ang karisma ng lalaki. Nakakalunod ! Para ba siyang natulala sa lalaking tumambad sa harapan niya. 

Ang kaninang akala nyang gwapong lalaki ay sobrang gwapo pala.Mas mahiwaga pala ang mukha sa likod ng maskara na yon. 

“I’m Marcus Walton and you are…pasensya ka na kanina pa tayo nag uusap pero ngayon ko lang naalalang magpakilala.Honestly, you look so interesting. Medyo nawala ako sa tamang proseso ng introducing oneself. My apology.” 

Sa kada salitang sinasabi nya ay para bang natutunaw ang puso ni Soleen. Starstruck ang kagwapuhan nito para sa kanya. Pero di siya pwede palinlang. Trabaho ang ipinunta nya rito. 

Gotcha.  Ipinagsisigawan nya sa utak niya. Gwapo ka lang, mahirap ako. Need ko ng pera Marcus.   habang successul nyang nailagay ang tabletang yun habang nakikipag shake hands ang binata.  

“I’m Catrina.” Pagsisinungaling pa niya. Tumikhim pa siya para mag signal na nailagay na niya ang tableta sa baso ng lalaki ngunit himalang walang makulit na buboy na umeeksena kahit na nagbigay pa siya ng tamang hudyat para dito na ready na sila sa next step. “ Toast.” habang itinaas pa nya ang kopita nya. 

“Take mine and bottoms it up” habang inaalok ni Marcus ang sariling wine glass kay Soleen.

“At bakit ko naman gagawin yan, Marcus?” patawang pagkabanggit ni Soleen at palihim na napalunok

“How can I trust you?”

“Hindi mo naman need na pagkatiwalaan ako agad agad.” pagdepensa nya while trying to compose herself.

She’s in trouble now. Pano nya maiiwasan ang pag inom. She has to do something.

“You’re right, pero I want to trust you. Kaya lang I just saw in my peripheral vision na parang may inilagay ka sa inumin ko. Prove to me that I am wrong.” at muling iniabot sa kanya ang kopita. 

“pinagbibintangan mo ba ako?” angil ni Soleen. Wala sa hinagap nyang ganito kasigurista ang lalaki. 

“Prove it to me!” muling pag chachallenge ng binata sa dalaga. “Bottoms up” dugtong pa ng huli.

Tinitigan ni Soleen ang basong nasa harapan nya. Dahan dahan niyang hinawakan iyon. Sa pakiramdam nya ay nanginginig ang kanyang mga daliri ngunit pinipilit nyang kontrolin ito at baka mas lalong magduda ang lalaki.

Nasaan na ba kayo buboy. Dumating na kayo. panalangin pa nya.

O any instruction man lang??? dugto pa nya sa panalangin.  

Nakakaramdam na siya ng inis kung bakit ba sa oras na kailangan nyang marinig ang boses ng kaybigan o ninuman sa ka team niya ay wala siyang marinig. Umaasa siyang may darating na tulong alinman sa oras na to .Kagaya ng napag usapan nila una pa lang. 

“Drink it up.” pang eengganyo pa ni Marcus na may ngiti sa labi. 

Itinaas ni Soleen ang tingin mula sa hawak na kopita papunta sa kanya. “Of course.” sabay pekeng pagngiti nito.

Konti na lamang ang alak na nasa wine glass na hawak hawak nya. 

May trust issue pala ang gago, naisip nya.  Naisip na lang nyang dayain ito at kunwariy nilagok. 

Kitang kita nyang ngumiti  ang binata sa kanya. At ng padabog ng mailapag ni Soleen ang baso ay tuluyan na nyang nilayasan ang binata at tumungo  ng powder room para idura ang alak na nasa bibig pa nya. Umirap pa ito bago umalis.

Isang mahigpit na hawak ang nagpatigil sa kanyang paglalakad at hinila siya paharap nito na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso at aksidenteng paglunok.

Nalunok nya ang alak ng di sinasadya? Butil butil ang pawis na namumuo sa noo nya kahit sa pakiramdam nya ay todo naman ang aircon ng lugar.

Buboy lintek asan ka na?  

Kung Lason ba yon tabletang yun ay di nya  alam. Walang instruksyon na ibinigay para sa kanya dagdag utos lang yun nung huli. 

Mamamatay na ba ako?tanong nya sa sarili. Tila nawala ang kaninang kompyansa nya sa ginagawa. 

Hinila siya ni marcus sa isang sulok at naging sunud sunuran siya dito. Taimtiman siyang tinitigan ng lalaki sa gulat na gulat na mga mata ni Soleen. 

“Ano masaya ka na? Akala mo ba papatayin kita? Mukha ba kong mamatay tao?”at umikot ikot pa to sa harap ng lalaki.” “See?Buhay na buhay pa ko oh!” pagsusungit pa ni Soleen sa lalaking pinagdudahan siya.

Hanggang sa huling sandali ay umaarte siya kung para saan ay hindi nya alam.

Nakaramdam siya ng tila takot sa kaharap na binata ngunit hindi nya ipinahalata. At walang anu anoy ikinabigla lalo ni Soleen ang kilos ng bilyonaryong lalaki ng isinandig siya sa dingding nito at biglaang siniil ng halik. Malambot ang mga labi ng  lalaki at mabango din ang hininga. Hindi niya alam kung bakit siniil siya ng halik nito pero sa halik na yun ay  Tila mauubusan ng lakas si Soleen. 

“Awww.” ang wala sa loob na namutawi sa bibig ng dalaga.Pabulong yun ngunit katamtaman ang lakas para marinig ng lalaki. Gusto nyang humingi ng tulong sa mga kasamahan.Dahil ramdam nya ang paninigas ng mga tuhod nya sa ginawa ng lalaki.  Mission failed na to at baka kung ano ang maging epekto ng gamot sa kanya. Natakot din siyang baka habang hinahalikan siya ng lalaki ay pinagpyepyestahan na sila ng mga nasa kabilang linya. 

Damn, gawin nyo ang trabaho nyo, Buboy! Galit pa nyang pag iisip towards her friend. “Awww.” mahinang pagbibigay signal nya pa sa kabila.

Ngumisi pa si Marcus sa kanya ng marinig ito.”Rawr!” ganti pa nito na lalong ikinagulat ni Soleen. Akala nya ata ay nakikipaglaro siya.  

Baliw ata tong lalaking to. 

Ramdam na ng dalaga na kailangan na kailangan na nito ang dagliang pagdedesisyon. Nag iiba na ang kanyang pakiramdam. Malayo pa naman sa pakiramdam na babawian siya ng buhay pero ramdam nya ang tila kakaibang init sa kanyang katawan. Sa palagay nya, kung isa ba siyang aswang, ay nalalapit na ang kanyang pag tra-transform. 

“Can you take off your mask?” masuyong pagrerequest pa ni Marcus sa kanya.  “I want to see you.” Habang hinahawi ang wavy nyang buhok papuntang likod ng tenga. Biglang napaigtad si Soleen sa narinig. Wala sa usapan ang pag rereveal nya ng face sa lalaki.

Ngunit tila ba mas naapektuhan si Soleen sa init na katawan na nararamdaman nya ngayon. Hindi siya mapakali.  Mas tumitindi iyon habang mas tumatagal niyang kasama ang lalaki. Hinigpitan nya ang hawak sa kanyang purse at tila napapakagat pa siya ng kanyang ilalim na labi. Ang bawat dikit ng kanyang balat sa lalaki ay nagbibigay ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan.

Ang madilim dilim na lugar na yun ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang konting liwanang na tumatama sa mukha ng lalaki ay mas lalong tumitingkad sa kanyang pandama. 

Hindi nya mapigil ang sarili at dahan dahan nyang  hinawakan ang kanyang leeg habang nakatitig naman ang lalaki sa kanya.

“Marcus, I want to go home. I’m not feeling well.” pagpapaalam nya dahil sa kakatwang pagkabalisa nya. Bago yun sa kanyang pakiramdam that caused her uneasy.

But Marcus ignored what was said. Tinignan nya ang babae sa mata at sa labi, at sa labi papuntang mata at sa kabuuang hitsura nito habang hawak hawak ang ilalim ng baba ng  kaakit akit na si Soleen. at walang anu anoy isang muling pagnakaw ng halik ang ginawad sa kanya ng lalaki .

“I want you to stay.” at muling banayad na hinalikan nito ang labi ni Soleen. Para bang sirang appliances si Soleen ng mga pagkakataong yun, nag iinit pero palsipikado. She can’t even kiss him back. She doesn’t know how. First time nya. At ang sarap sarap sa pakiramdam.

“First time mo?” Pilyong tanong ni Marcus sa kanya habang titig na titig sa mga mata na nasa likod ng maskara.

Ngunit hindi na hinintay ni Marcus ang sagot ng babae sa tanong na yun.Sa pakiwari ni Marcus ay hindi sanay ang babae sa pakikipaghalikan. Maaring umaarte o maaring wala talagang alam at aminado siyang interesado siyang malaman. 

Hindi tinanggihan ni Soleen ang mga sunod na sunod na halik na yun ng lalaki sa kanya. Wala siyang lakas ng loob tanggihan ang magnetong nagkokonek sa kanilang dalawa. Ang bawat halik ni Marcus ay tila ba isang matamis na pagkaing nakakaadik na ayaw nya ring tantanan at mawala. Sinundan unti unti ni Soleen ang mga bawat paggalaw ng labi ng lalaki. 

Tila nadadarang na sila ng init ng kani kanilang mga katawan. Hindi na namamalayan ng dalaga na kung saan saan na dumadako ang kamay ng binata. Unti unti na nitong hinihilis ang slit ng kanyang suot suot na damit at dahan dahang iniangat ang kanyang hita para ikalong ng balakang ng binata. 

“I like you. “ kinagat naman ang likod ng tenga ni Soleen matapos sabihin yon ng may paglalambing  sa babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status