Share

CHAPTER 18: " Mas maganda ka sa umaga!"

"Magandang umaga Mrs. and Mr. Gutierrez!"masiglang pagsalubong pa ni Solenn sa mag-asawa habang ngiting ngiti at winawagayway pa ang feather duster na hawak hawak nya.

Tulala si Mrs. Gutierrez sa pagkabungad sa dalaga at para ba itong hindi mapakali kakanguso na tila ba sinasabing manahimik ka.

Para bang nagmistulang estatwa si Solenn na mata lang ang kayang igalaw.

Hindi nya maintindihan kung bakit parang gulat na gulat ang mag asawa at pigil ang mga labing nakatitig sa kanya eh samantalang lagi naman nyang binabati ng ganun ang mga yun sa tagal ng pag raraket nya sa mag asawa.

"WELCOME BACK!!!" tila pag cheer pang pagbati nito sa dalawa ng di ito natinig sa pagkakatitig sa kanya. "Kamusta ang..." dugtong pa ni Solenn ngunit di na nya itinuloy dahil sa di sinasadyang pagkatanaw nya sa papasok na bisita mula sa likuran ng mag asawa.

Si George...

at si Marcus...

Napakunot ang noo ni Solenn sa harap ni Mrs. Gutierrez at pigil ang pagtatanong ng mahinahon "Anong ginagawa nila dito?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marietta Base
update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status