New York...
MATAMAN na nakatuon ang mata ni Juaquen sa kadadating lang na mensahe sa kanyang e-mail.Lee,"We are inviting you to celebrate the day when we take our next large step in the relationship. We promise you that the wedding will be magnificent. We would be incredibly grateful if you came to celebrate our love together with us!"Emena and AriesNang mabasa ang mensahe isang buntong-hininga ang pinakawala ni Juaquen. Matamlay niyang sinara ang laptop."Hindi niya ako nahintay dapit huli," mahinang bulong niya sa hangin. Kinuha niya ang kanyang mamahaling camera at saka tumalikod at iniwan ang malaking silid."YOU may now kiss the bride," si Father Rosales nang magtapos ang seremonya ng kasal.Puno nang kagalakan at sensiridad ang bumakas sa mata ni Aries habang sinuyod ako ng tingin."You look so beautiful in my eyes, my wife," puri nito na maingat na hinawi at itinaas ang belo na nakataping saNAGISING ako sa kalagitnaan ng madaling araw dahil gumagalaw na naman ang kambal namin ni Aries. Medyo nahihirapan akong makatulog dahil sa bigat at laki ng tiyan ko. Nasa pangatlong trimister na ako ng pagbubuntis ng kambal naming panganay.Hindi mapakaling bumangon ako't hinimas at pinakiramdaman ang munting anghel sa aking sinapupunan. Sobrang makukulit at galaw nang galaw dahilan upang mapadaing ako minsan dahil masakit."My wife," si Aries nang marinig ang d***g ko. Nagising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sumunod itong bumangon. "May masakit ba?"Malambing akong tumango na hinimas ang tiyan ko. "Gising na naman ang mga anak natin."Inangat ng asawa ko ang palad upang pakiramdaman ang tiyan ko. "Shhh, 'wag masyadong magalaw, little treasures nahihirapan si mommy," saway nitong inilapit ang labi sa tiyan ko saka hinalikan.Saglit ay humupa ang galaw sa tiyan ko. "Good, it seems they're smart like their dad," pagmamalaki nito.Napangiti ako saka ko piningot ang ilong ng asawa
LAGITGIT ng napunit na tela ang umigting sa aking tainga.Ibig lumugwa ang mata ko nang mapagtanto kong unti-unting napunit ang suot kong palda.Nanggagalaiti na sinundan ko ng tingin kung sino man ang salarin. Halos umusok ang ilong kong sinundan ang palda kong unti-unting nauubos. 'Yon pala na-ipit sa nakasarang pintuan ng magarang kotse ang laylayan niyon.Paunti-unti na akong nahuhubaran habang papalayo nang papalayo ang kotse mula sa kinatatayuan ko."Anak ng!" bulyaw ko nang tuluyan ng dinala ng kotse ang ukay-ukay kong palda. Naiwan akong nahubaran at lantad ang maiksi kong itim na short na sobrang short.Tuloy lahat ng mga mata ng tao sa kalye ay tumingin sa direksyon ko.Samo't saring reaksiyon ang nakita ko sa mga tao. Naaawa, nandidiri o naglalaway ay parang ganun na nga. Parang mababastos pa ako sa eksinang to'."Wow," singit pa ng adik sa kanto. Sumisipol pa itong sinulyapan ang mga hita ko.Kung alam ko lang na mahuhubaran ako sa araw na to' e di sana ang pangmalakasan
TAGAKTAK ang pawis at habol ang hininga. Napaungol pa ako sa tinding pagka-unat ng aking kalamnan. "Sige pa isagad mo pa, Menang!" diin kong bulyaw na hiningal.Mainam nang mag-iihersisyo bago maglako sa eskinita.Sinusundan ko ang yoga tutorial sa youtube video na naka play sa phone ko. Pinag-uunat ko ang aking mga binti at braso. Hindi ko alam kong seksi ba akong tingnan sa pinagagawa kong to'. Ah basta...Bago ko pa natapos ang video ay nagloading na ang youtube ko. Ubos na pala ang data ko. Tang ina naman!Padabog kong pinagpipindot pindot ang screen ng cell phone, sobrang loading. Second hand lang kasi to' nang mabili sa kalapit na pawnshop diyan sa kanto. Naku, naman siguradong sinanla ito ng mandurukot na adik.Napabuntong hininga nalang akong tinigilan ang pagpipindot ko sa pipitsyuging kong android phone.Ako nga pala ay si Emena Paleria dalawang pu'ng taong nabubuhay sa mundo. Kadalasan ay tinatawag ako ng aking mga suki't kapitbahay bilang Menang.Kasi nga ki-ganda ganda
ARAW na naman ng sabado wala akong pasok, maaga palang ay nagsimula na akong maglako. Inagahan ko dahil may bago akong destinasyon, doon sa kung saan nagtatrabaho ang isa kong kaibigang si Althea.Sabi kasi nitong papatok daw ang bibingka ko pang meryinda ng mga kasamahan nito dahil nagsasawa na daw ang mga ito sa pagkaing canteen. Ayos! At makapagbenta ako ng marami at madagdagan ang ipon ko para sa aking final.Hiyang hiya na ako, palagi na lang akong nakapromissory note. Halos wala na akong mukhang ihaharap sa treasury dahil sa kulang palagi ang bayad ko. Kaya sagarin ko na ang opportunidad na ito.Kinabahan ata ako, unang beses pa lang kase akong makapasok sa pinagtatrabahuan ng kaibigan ko. Isa iyon sa malaking kompanya Pilipinas.Sa eskinita ko lang nakagawiang maglako tapos susugod ako sa isang bigating kompanya. Bumaba ako sa harap ng isang napakatayog na gusali. Pinagpawisan ako ng malamig.
LAGLAG balikat na naglakad ako sa gilid ng kalye. Nakasuot pa ako ng aking school uniform. Katatapos lang kase ng aking klase. Kasalukuyan kong binabay ang daan patungo sa aming munting tahanan. Nakanguso ang aking labi sabay sadsad ng sapatos ko sa aspaltong kalsada.Sunod sunod na buntong hininga ang aking pinakawala.Pinuproblema ko na naman kase ang aking matrikula. Kahit anong benta ko ng bibingka kulang parin. Kainis naman 'tong buhay to. Bakit pa kasi ipinanganak akong mahirap?Okey lang din swerte naman ako sa nanay ko. Kaya kailangan go lang ako nang go. Mapasaan man at makakamit ko rin ang pangarap ko, basta mapupursige lang ako.Patuloy kong sinadsad ang aking sapatos sa semento. Mabibigat ang aking mga hakbang.Nakalimutan ko tuloy na medyo nakanganga na ang talampakan ng sapatos ko. Kaya ayon sa ginawa ko, ilang saglit lang naiwan ang talampakan ng sapatos kong pipityugin. "Putik!" bulyaw ko nang mapansin kong wala ng talampakan ang sapatos na suot ko at talagang talamp
KAHIT tulog ang kalahati ng diwa ko ay ramdam ko parin na may na-upo sa gilid ng malambot na kama. Patay! Baka bukas wala na akong trabaho dahil sa ginagawa kong paghiga sa kama ng amo ko.Dali kong minulat ang aking mga mata. Ewan pero parang tulog pa rin ako at nasa mundo ng panaginip.Talagang nasa panaginip ako dahil bumungad sa aking paningin ang asungot na lalaki noong isang araw.Ang lalaking mapangahas na sumira ng aking palda at ang lalaking pinilantik ang noo ko."Anak ng! Nanaginip ba talaga ako?" kunot noong napatanong ako sa aking sarili. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang siguraduhin kung panaginip lang ba talaga?Ayon! Nanatiling nakatitig sa akin ang gwapong mukha nito? Malamlam ang mapupungay nitong mga matang sinuyod ang aking mukha. May maliit na ngiti sa labi.Bakit ko naman napapanaginipan ang hinayupak na iyon? Hindi ito isang panaginip kundi isang napakasamang
MAINGAT na pinihit ko ang pinto ng master's bedroom. Maaga palang ay dumating na ako sa malaking bahay. Kasi nga marami akong gagawin. Magbe-breakfast in bed daw ang asungot kong amo.Kaya bilang personal maid nito ay kailangan ko din na maging maaga. Pagtitiyagaan ko na lang muna ito. Kung hindi lang ako nangangailangan ng trabaho, hinding hindi ako babalik dito. Makikita ko na naman ang asungot, bastos at antipatiko kong amo. Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo para sa aming dalawa at muli kaming nitong pinagtagpo? Ang saklap nagiging amo ko pa.Pigil hiningang humakbang ako papasok sa loob ng silid. Nagsalubong ang aking kilay sabay linga sa buong lugar. Lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ay nakabukas at sobrang liwanag. Baka gising na ito—nang tinalunton ko ang kinaroroonan ng malaking kama ay nakita kong mahimbing pa itong natutulog, na parang isang sanggol. Nakadapa.Walang suot na damit pang-itaas
ARAWng linggo ay nadatnan ko ang amo kong gising na at gaya ng inaasahan ay nakatuon na naman ang atensyon nito sa harap ng laptop."Magandang umaga po, seniorito," bati ko nang makapasok ako ng silid.Tumango lang ito na hindi ako binalingan at seryoso ang mukhang kinulikot na naman ang mga dokumento.Nagkibit balikat nalang akong muling lumabas. Bumaba ako upang kuhanin ang agahan nito.Gaya ng inaasahan ay nagtanong na naman to' kung kumain naba ako. Agad akong tumangoDinala ko ang pagkain nito sa veranda. Hinayaan ko ang amo kong kumain doon saka ako bumalik sa loob ng silid upang palitan ang bedsheet ta's hinawi ko ang puting kurtin