Share

The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]
The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]
Author: S.B.S

Prologo

LAGITGIT ng napunit na tela ang umigting sa aking tainga.

Ibig lumugwa ang mata ko nang mapagtanto kong unti-unting napunit ang suot kong palda.

Nanggagalaiti na sinundan ko ng tingin kung sino man ang salarin. Halos umusok ang ilong kong sinundan ang palda kong unti-unting nauubos. 'Yon pala na-ipit sa nakasarang pintuan ng magarang kotse ang laylayan niyon.

Paunti-unti na akong nahuhubaran habang papalayo nang papalayo ang kotse mula sa kinatatayuan ko.

"Anak ng!" bulyaw ko nang tuluyan ng dinala ng kotse ang ukay-ukay kong palda.

Naiwan akong nahubaran at lantad ang maiksi kong itim na short na sobrang short.

Tuloy lahat ng mga mata ng tao sa kalye ay tumingin sa direksyon ko.

Samo't saring reaksiyon ang nakita ko sa mga tao. Naaawa, nandidiri o naglalaway ay parang ganun na nga. Parang mababastos pa ako sa eksinang to'.

"Wow," singit pa ng adik sa kanto. Sumisipol pa itong sinulyapan ang mga hita ko.

Kung alam ko lang na mahuhubaran ako sa araw na to' e di sana ang pangmalakasan kong panty, na inutang ko pa sa Avon ng kapitbahay namin ang sinuot ko.

Tang inang buhay to' pagminalas ka nga naman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status