Share

The Billionaire's Substitute Wife
The Billionaire's Substitute Wife
Author: AeinWrites

Chapter One

“AERIS please, utang na loob maawa ka! Tulungan mo ako please!” pagmamakawa ni Sierra sa kaibigang si Aeris. Kausap niya ito sa cellphone.

Bumuntong hininga si Aeris, “Oo na. Susubukan kong tanungin si Maru kung may alam ba siyang ekstrang trabaho. Bakit ka kasi natanggal sa trabaho mo? Ano na naman ginawa mong babae ka?

Ngumuso si Sierra, “Kasi naman hinawakan pwet ko! Waitress ako di prosti, ‘tang inang ‘yun! Mukha lang akong p****k pero virgin pa ‘ko! Kaya ayun nasapak ko, napalakas yata at nahimatay.”

“Minsan talaga yang init ng ulo mo ang nagpapahamak sa ‘yo. M*****a ka talaga pero pagdating ‘dun sa mga bwisit mong pinsan at tiyahin marupok ka. Pagtrabahuin mo nga ang mga iyon, hindi iyong umaasa sila sa padala mo buwan-buwan. Buti sana kung mayaman ka rito sa Japan! Eh, isang kahig isang tuka ka rin!”

Napangiwi si Sierra, dahil sa litanya ng kaibigan si Aeris. Kagaya niya ay isa rin itong pinay na nakipagsapalaran dito sa Japan. Matagal na rin niya itong kaibigan, mahigit walong taon na. At siyam na taon na rin siya rito sa Japan, matapos niya kasing grumaduate sa vocational course niya ay nangibang bansa siya.

“H’wag kang mag-alala blinock ko na silang lahat,” wika niya pa saka napasandal sa headboard ng kama niya.

“Aba’y mabuti kung ganoon! Sapat na siguro iyong siyam na taon mong pagbabayad sa utang na loob mo sa kanila. Kung tutuusin wala kang utang na loob sa kanila kasi inalila ka nila.”

“Oo na. Kaya tama na please, h’wag mo na akong lintanyahan. Ang kailangan ko trabaho, kahit ano pa ‘yan. Papatusin ko.”

Kailangan na kailangan niya na mag ipon dahil may balak siyang umuwi ng Pilipinas at doon na manirahan at magkaroon ng negosyo. Kaso nabawasan ang naipon niyang pera ay naipadala niya sa tiyahin niya, naawa kasi siya dahil nagkasakit ang anak ng pinsan niya. Nalaman na lang niya na niloloko siya ng tiyahin niya nang may makita post sa social media. Na nalulong uli ito sa sugal at maraming inutangan, this time hindi na siya magpapaloko pa. Kaya lahat ng mga pinsan niya na anak ng tiyahin niya ay blinock niya sa lahat ng social media account niya.

Expected na naman niya iyon pero, ewan. Umaasa pa rin siya na kahit katiting man lang ay itinuring siya nitong pamilya. Dahil ito rin ang kumupkop sa kanya matapos niyang maulila, namatay ang tatay niya  na isang konductor ng bus matapos sumabog ang sinasakyang bus. Napadpad siya sa puder ng tiyahin noong sampung taong gulang pa lang siya. Bumukod lang siya noong napagpasyahan na niyang mangibang bansa.

“Hay naku. Ewan ko sa ‘yo. Tawagan kita mamaya. Kakausapin ko iyong si Mommy Oni, baka may alam na raket iyon. Subukan ko rin si Maru.”

“Thank you friend! Hulog ka talaga ng langit! Mabuhay ka hangga’t gusto mo!”

“Gago!”

Napahagikgik silang pareho, matapos iyon ay pinatay niya ang tawag at napagpasyahan na lumbas upang bumili ng pagkain sa convenience store na malapit sa tinitirhan niya. Nagpalit siya ng damit, dahil medyo malamig ang temperatura ngayon. Kahit na matagal na siya sa Japan ay hindi pa rin siya sanay sa klima rito. Iba pa rin talaga sa Pinas, kaya gusto niya talagang makapag ipon ng malaki at makauwi na ng Pinas. Saka gusto niyang dalawin ang puntod ng tatay niya.

Nakarating siya sa convenience store, agad siyang kumuha ng instant noodles at onigiri.Iyon lang naman ang afford niya. Matapos mag bayad ay naisipan niyang umupo sa labas ng  tindihan kung saan may mga upuan at mesa.

Nagumpisa siyang kumain habang pinagmamasdan ang mga taong dumaraan. Napangiwi siya nang mapansin na halos magkasintahan ang dumaraan.

“Mama!”

Isang matinis na tinig ang nagpabalik sa ulirat ni Sierra, kumunot ang noo niya nang may batang lalaki na tayo sa harap niya. Sa tansiya niya ay nasa limang taong gulang pa lang ito.

“Hello, Baby. Asa’n ang magulang mo?” ani niya sa wikang nihongo.

Bigla siya nitong tinuro at ngumiti ang bata nang napakatamis, “Mama!”

Napaubo si Sierra, “Huh? Hindi ako ang nanay mo.” Umiling siya at nginitian ang bata, “I am not your Mama.” Ani niya ulit sa wikang nihongo.

“No, you’re my Mama!”

Namilog ang mga mata ni Sierra sa narinig at mabilis na umiling, “Beh. Hindi kita anak. H’wag kang ganyan! Single na single ako!”

“Yumakap ang bata sa kanya kaya mas lalong nanigas sa takot si Sierra, baka mapagkamalan pa siyang nangunguha ng bata. Kaya nagpalinga-linga siya, nagbabakasakaling mahanap ang mga magulang nitong bubwit.

“Mama, miss na miss kita!” malambing wika ng paslit  sa wikang nihongo pa rin habang nakayakap pa rin kay Sierra.

Tumunog ang cellphone ni Sierra kaya agad na sinagot ang tawag, “Hello?”

“Congrats! May trabaho ka na!”

“Talaga ba?! Hulog ka talaga ng langit, Aeris. Kaya ang ikaw pinakamatalik kong kaibigan!” pambobola pa niya sabay hagikgik.

“As if naman marami kang kaibigan. Dalawa lang kaming kaibigan mo. Nang-uuto ka pa!”

“Ito naman, oh! Pero thank you talaga. Kaya love na love ko kayong dalawa ni Maru.”

“Mama!”

“Hoy ba’t may bata akong naririnig? May anak ka na? May hindi ka ba sinasabi sa amin?  Kaninong bata iyang? Teka asan ka ba ba’t may bata?”

Napangiwi siya, sinulyapan niya saglit ang bata. “Hindi ko rin alam. Andito ako sa Convi, kumakain biglang lumapit ang batang hapon na ‘to. Tinatawag akong nanay. Mukha ba akong nanay? Mukha ba akong may asawa na!”

“I-report mo yan sa staion. Baka naiwan lang ng magulang, baka mapagkamalan ka pang kidnapper. O’sya, baba ko na ‘to. Magpeperform pa ‘ko. Babush!”

“Mama!” pag-uulit ng bata na nagpastress lalo kay Sierra.

She couldn’t help but roll her eyes, she likes kids. Kaya hindi niya magawang mainis sa bata. But she hates the parents for neglecting the kid. Paano kung masama siyang tao? Paano kung hindi siya ang nakahanap sa bata at mapagtripan ito ng mga lokoloko? The world now is different, maraming halang ang bituka.

She caresses the child’s face, “Baby. You understand English right?”

The kid nodded in response, he was smiling from ears to ears. Kulang na lang mapuknat na ang labi nito sa sobrang laki ng ngiti nito, he was even showing his incomplete set of teeth. Bungal ang harapan nito kaya mas lalo tuloy nakucute-an si Sierra.

“Mama, I miss you! Please come home, Yuto misses you so much!” nakalabing wika ng paslit.

“Yuto is your name?” she whispered and brushed his hair with her fingers.

“You don’t remember my name, Mama?”

She gulped, she doesn’t know what to do. Hindi naman talaga siya ang nanay ng bata, kanina niya pa tinatanggi pero sa pagkakataong ‘to gusto niyang sabihin na siya ang nanay nito. Hindi niya maatim na saktan ang bata lalo pa’t bakas sa mukha nito ang tuwa.

“You see--”

Bago pa matapos magsalita si Sierra ay may biglang tumakip sa ilong niya at sumunod noon ay nawalan siya ng ulirat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status