“Ma! Aalis na po kami!” Kumaway ako sa kanila at nag flying kiss. Natawa si Mama sa inakto ko.
Pupunta kami ngayon ni Isaac sa bahay nila para pormal na ipakilala ako. Kinakabahan nga ako, eh. What if suplada yung magulang niya? Wag naman sana, baka mapa-away ako ng wala sa oras. Hawak-kamay kaming naglakad ni Isaac, hindi ko alam kung anong sasakyan namin, tricycle ba or what? Naglakad na ako, suot yung light pink na dress na may floral prints — yung parang may watercolor na bulaklak na soft lang sa mata. Mahaba siya hanggang binti, tapos may manipis na sinturon sa bewang na lalong nagbigay hug sa katawan ko. Yung sleeves, puffed at medyo sheer, kaya kahit simple lang, ang feminine ng dating. Ang gaan sa pakiramdam. Parang ako lang, kasama ng hangin, at yung sundress kong parang galing sa isang kwento. Walang destination. Gusto ko lang maramdaman na minsan… sapat na pala yung ganitong mga sandali. “Saan na ba yung sasakyan natin na tricycle?” tanong ko kay Isaac. Sinulyapan niya ako. “Tricycle? No, kotse ang gagamitin natin.” Sinuot niya ang salamin na nakasabit sa damit niya. Tahimik kaming naglakad papunta kung nasaan ang kotse niya, ramdam ko rin yung kabog ng dibdib ko. Hawak niya yung kamay ko — steady, firm, pero hindi pilit. Yung tipong hawak na may kasamang pang-iingat. Naka-white knit polo siya at black slacks, simple lang pero ang linis niyang tingnan. Parang lalaking laging may plano. Yung tipong kahit hindi niya sabihin, alam mong safe ka. "Okay ka lang?" tanong niya, habang binubuksan niya 'yung pinto ng kotse. Tumango lang ako, pero hindi ko mabura 'yung ngiti ko. Kasi totoo, okay lang ako. At sa bawat hakbang papunta sa kotse niya, pakiramdam ko... papunta na rin ako sa isang bagong simula kasama siya. Nang mapakasok ako ng tuluyan ay siya na ang nagsara ng pinto. Pinilit kong huwag ipakita ang ngiti. Nagiging comfortable na ‘ko sa kanya, tama pa ba ‘to? “A-ano,” Natutop ang bibig ko ng lumapit siya sa ‘kin para ilagay ang seatbelt, nagkatitigan kami ng ilang segundo kaya umiwas ako ng tingin habang siya naman ay umayos ng upo. Nagsimula na siya magmaneho, kinakain na rin kami ng katahimikan, nakakabingi. I secretly looked at him. Magulo ang buhok niya, halatang bagong ligo. Biglang sumagi sa isip ko ang halik. That's my first kiss, pero hindi ko sasabihin sa kanya yun. Agad uminit ang pisngi ko ng sumulyap siya pabalik. “May problema ba?” nag-aalala niyang sabi, ibinalik kaagad ang tingin sa unahan. Umiling ako. Pagkatapos non ay hindi na nasundan pa. Kainis, hindi ako mapakali pag malapit siya sa ‘kin, yung puso ko ang bilis ng tibok. “Eve, wake up.” “Hey sleeping beauty,” “Hm,” Nakatulog pala ako? Agad kong tinakpan ang mukha. Hala what if may tuyong laway ako sa mukha? “Don't worry, you don't have.” He chuckled. Alam niya siguro kung bakit ako nagtakip. Agad akong nag-ayos bago lumabas. Lumapit ako Isaac at kumapit sa braso niya. Ang laki pala ng bahay nila, no wonder apo ng Mayor. Hawak kamay kaming pumasok, agad bumungad samin ang sobrang lawak at ganda ng loob. Wala akong masabi, normal bang kita nila ‘to o may iba pa silang trabaho? I heard someone clear her throat, base sa boses niya babae siya. “Magandang umaga po, nakahanda na ang pagkain sa kusina. Ikaw na lang ang inaantay,” the girl said, I think katulong siya dahil sa damit. “Thanks,” sagot sa kanya ni Isaac. Nakasunod lang samin ang babae habang papunta sa kusina. Kinabahan ako. What if may itanong sila sa ‘kin? Anong gagawin ko? Bumungad sa ‘min ang hindi kahabaang lamesa, punong-puno ng mga pagkain. May dalawang babae at isang lalaki, tingin ko siya ang ama ni Isaac habang ang dalawa ay ina at kapatid niya. “Maupo kayo,” malamig na sabi ng lalaki. Nagsimulang manlamig ang kamay ko. Napansin yun ni Isaac kaya agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, hindi nakatakas sa ‘kin ang pagsulyap nila sa kamay namin. Pina-upo ako ni Isaac at tumabi siya sa ‘kin. Ibinaba ko ang kamay para itago ang panginginig. Ang tahimik. “Siya ba ang tinutukoy mo?” ibinaba ng ama niya ang hawak na kutsara at tinidor. Napayuko ako. Parang hindi natutuwa ang ama niya. “Yes, she's my girlfriend.” Isaac answered. “Is she-” he didn't finished his words nang biglang nagsalita ang nanay ni Isaac. “Pagpasensyahan mo na, Hija. Kumain ka muna at huwag mahiya,” Nag-angat ako ng tingin. Nakangiti ng matamis sakin ang ina ni Isaac, nakahinga ako ng maluwag. Medyo nabawasan yung takot ko. “O-opo,” sagot ko. Biglang tumawa ang babaeng katabi ng ina ni Isaac. “Huwag ka matakot, ako nga pala si Azuremi, remi nalang for short.” Kumaway pa sakin ng babae, nahihiyang kumaway ako pabalik. Ang gaan nila sa pakiramdam, ang ipinagtataka ko ay bakit parang hindi ako makapakali sa ama ni Isaac. “Mag-isa ka lang dito?” Napalingon ako sa nagsalita, si Remi pala. Nag-usap muna ang mag-ama, hindi na ako sumama kasi baka mahimatay ako sa sobrang kaba. Hindi ko kinakaya ang presensya ng Papa niya. “Ah, oo eh.” Napakamot ako sa batok. Tumabi siya sa ‘kin ng upo, at hinawakan ang kamay ko. “Feel ko mahal mo talaga ang kuya ko ng totoo,” nagtaka ako sa sinabi niya. “Alam mo kasi, yung mga nagkagusto sa kanya dati, pera lang ang habol sa kanya.” Tumingin siya sa kawalan. Kaya pala ganon na lang makatingin ang Papa nila sa ‘kin dahil ba sa akala niya pera ang habol ko? Pero hindi nila alam na pera talaga ang nagtulak sa ‘kin na magpanggap bilang girlfriend niya. “Ganon ba?” Napayuko ako. I'm after the money too, magkatulad pa rin yun. “Daddy arranged someone to marry Kuya,” Natawa siya. “But he declined, nagkasagutan rin sila ni Lolo dahil sa pagtanggi niya.” dugtong pa ni Remi. Huminga siya ng malalim at tinapik ako sa braso. “He fight for you, sana ipaglaban mo rin siya pagdating ng panahon.” Tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo. Nagtataka ako sa huling salita niya. Sana ipaglaban ko rin siya? Anong ibig niyang sabihin? Habang papatagal ay naguguluhan ako, hindi ko pa kilala ng lubusan si Isaac.“I’ll be gentle, don’t you scream.”Bumilis ang pintig ng puso ko. Parang sasabog. Parang may malakas na sigawan sa loob ng dibdib ko pero sa labas ay tahimik ako—nanginginig lang, takot, sabik, nalilito.Muli niya akong hinalikan, this time, mas mabagal. Mas banayad. Hindi na kagaya kanina na parang mauubos niya ang hangin ko. Ngayon ay para bang sinasamba niya ako sa bawat dampi ng kanyang labi.Isaac’s touch wasn’t rushed this time. It felt like he was trying to memorize me, like he was exploring parts of me he’d been curious about for too long but never dared to touch—until now.Huminga ako nang malalim habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko gustong dalhin ‘to, pero hindi ko rin kayang tumanggi. Hindi ko kayang sabihing huwag habang ang katawan ko ay nagsusumigaw ng oo.Naramdaman kong unti-unti niyang tinataas ang damit ko, pero nang umabot na iyon sa dibdib ko ay bigla akong napapikit.“Wait,” mahina kong sabi.Huminto siya. Lumingon siya sa akin,
Nakarating kami sa hotel kung saan kami tutuloy ni Isaac at ang masasabi ko lang at sobrang ganda ng napilitan niya. Isa ito sa mga pinaka-mamahaling hotel sa Japan–located at ‘The Ritz-Carlton, Tokyo’ Currently nasa 53rd floor kami.I look around while fixing my clothes and his. This hotel screams luxurious. Tila ba ginawa ito para lang sa mga mayayaman.Nakakapagtaka, sobrang yaman naman nila Isaac para ma-afford ‘to. Umiling ako. Hindi ko na dapat pang isipin pa ‘yon.Nag-unat ako pagkatapos at huminga ng malalim.Okay lang naman 'yung room. Malinis at maayos naman. Maganda 'yung view sa labas, kita mo 'yung city. Comfortable 'yung kama, mukhang malambot. Simple lang 'yung design, pero elegante. Okay na okay na rin 'yung size ng kwarto. Pwede na. Actually, ang luwag pa nga para sa aming dalawa.“Eve?” Isaac called from the kitchen.Dumating kami pero gabi na, obviously he's making the dinner. Guilty tuloy ako. I pout. I act like a baby, tsk.Dali-dali akong pumunta sa kusina a
Nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Literal akong napalunok ng laway. Ang daming gustong itanong ng isip ko pero parang nalunod ang lahat ng salita."Isaac..."Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. “Don’t say anything. I’m not asking you to love me back. Hindi ko hinihingi ‘yon.”Napapikit ako. Ang init ng kamay niya sa balat ko. Ang bawat hawak niya, bawat salita niya—parang sumisiksik sa pader na itinayo ko."Ayokong kamuhian mo ako. Pero ayokong pilitin ka rin."Nagbukas ako ng bibig, pero wala akong masabi. Tiningnan ko lang siya. Pilit kong hinahanap kung saan ko siya ilalagay sa puso ko. Pero paano kung sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko andun na siya?Bumaba ang tingin niya sa labi ko."Pwede ba?" tanong niya.Natigilan ako. Hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang tinutukoy niya. Hindi rin ako sigurado kung ano ang isasagot ko. Pero hindi ako umiwas.Tumango ako—mahina lang.Dahan-dahan siyang yumuko. Hindi siya nagmad
Pagkarating namin sa bahay nina Isaac ay mahigpit na yakap ang bumungad sa akin kay Remi, oo dito muna kami dumiretso tsaka na daw kami pupunta kay Mama at Papa. Pumayag naman ako para kahit papaano ay hindi mag-alala si Mama sa mga pasa ko, baka sabihin niyang pinabayaan ako ni Isaac.Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Isaac na kwarto na rin namin, kasama ko si Remi na pinapatayo ang buhok ko.Naabutan niya kasi akong hirap I blower ang buhok kaya ayon.“Medyo kaya mo na igalaw ang katawan mo?” she asked.Tumango ako at nginitian siya through mirror. Nakaharap kasi kami sa salamin kaya nakikita ko siya.Si Isaac lumabas muna para kumuha ng makakain namin. Hindi ko kasi kayang bumaba sa hagdan dahil wala pang lakas ang mga binti ko, binuhat na nga lang niya ako papunta dito sa kwarto.“Medyo lang, baka lumagapak lang mukha ko sa hagdan,” Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Mahampas pa ako ni Remi ng hindi sinasadya pero agad ding humingi ng tawad.“Okay lang, ganyan din kami minsan ng k
“Maayos na ba siya?”“I don't see, hindi na siya makilala sa mukha niya.”“Good thing nakita mo siya, thank you so much.”“S-she moved her fingers,” someone said.I slowly open my eyes, I adjusted my vision for a moment until I can see clearly.I think nasa hospital ako ngayon, but how? sino nakakita sa akin? ang hirap paniwalaan lalo na’t satingin ko ay sa masukal nila ako itinapon. But after all, I'm thankful.I blink twice bago makilala ang lumapit sa akin babae. It's Janine!“J-ja-”“Shh, don't force yourself to speak,” Hinaplos niya ang mukha ko. Halata rin ang namumuong luha sa mata niya.I look around, madaming tao at hindi ko makilala ang iba. Hindi na ako maka-klaro sa malayo. Dahil ba sa nangyari?Nanginig ako sa takot. They tortured me. Nagsimulang umagos ang luha ko.“T-they a-a-almot killed m-me,” I cried while holding Janine’s hands.Naging balisa silang lahat sa pag-iyak ko at agad akong pinalibutan. Halos hindi ko sila makilala sa panlalabo ng mata.“S-shhh, we're here
I woke up feeling dizzy, ramdam ko rin kung gaano kasakit ang katawan ko. My vision is spinning, hindi ako makakita ng maayos. What happened?Ang tanging naaalala ko ay natapos ang kasal ng maayos at walang problema, pagkatapos non umuwi kami… wait. Napa aray ako ng kumirot ang kanang bahagi ng ulo ko, blood is dripping from my forehead to my eyes. Tama! Habang pauwi kami biglang sumunod sa ‘ming mga armadong lalaki pagkatapos non pinagbabaril ang sasakyan namin at… tumagilid at gumulong ang sinasakyan namin after that wala na akong maalala pa, hanggang dun lang.Ipinit ko ang ang isang mata at iginala ang paningin. Nasaan ako? bahay ba ‘to ni Isaac? pero mukhang luma. Isaac, saan siya? Tatayo sana ako nang mapansing nakatali ako sa isang silya, mahigpit na nakatali ang mga kamay at paa.Hingal akong sumandal, pag gumagalaw ako mas lalo lang ako nasasaktan sa tali, wala ring silbi kahit magpumilit akong gumalaw.“Ah, your awake na pala.” May naaninag akong pigura ng tao na papalapi