Share

Chapter 4

Author: Craiah
last update Last Updated: 2025-07-06 00:43:21

Someone's Pov

Marriage, isang relationship na hanggang kamatayan, nagsumpaan sa harapan ng altar at aalagaan ang isa't isa, isa yan sa pangarap ko, ang maikasal sa lalaking mahal ko.

Pero ang nakakatawa? Tinanggihan niya ang hiling ko dahil lang sa isang mababang tao, tinanggihan niya ako dahil may mahal na siyang iba. Naunahan ako, sobrang tanga ko sa part na ‘yon.

Napakuyom ako sa sobrang galit.

Ang taong dapat na nakatakda sa akin ay nagpa-abot ng invitation letter for their wedding. Oo, galit ako dahil dapat ako ang nasa puwesto ng babaeng ‘yon, dapat ako ang ikakasal sa kanya, ako dapat ang makakasama niya habang buhay.

Ginusot-gusot ko ang invitation letter sa sobrang galit.

Kailangan ko gumawa ng plano para hindi maituloy ang kasal, kailangan sa ‘kin siya maikasal. Ako lang dapat.

Mabibigat ang hakbang akong pumunta sa opisina ng ama ko. Pagkarating ko ay binuksan ito, naabutan siyang may binabasa sa kamay habang may sigarilyo sa bibig.

“What do you want this time?” Hindi niya inaalis ang mata sa binabasa.

Umayos ako ng tayo at ngumisi, ngising may binabalak.

Alam kong papayag si Daddy sa gusto ko, lahat ng gusto ko ibinibigay niya, ganon niya ako kamahal.

“Isaac invite me to attend to their wedding 2 months from now on,” panimula ko. Mukhang nakuha ko ang attention niya nang ibaba nito ang hawak na papel.

“I want to stop their wedding, Daddy.”

Kusa akong umupo sa mamahalin naming couch at nag-cross leg. Alam kong papayag si Daddy sa sasabihin ko, hindi siya tatanggi.

“Anak, ikakasal na sila’t hindi ka pa rin tumitigil?”

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ko sa sinabi niya. Tama ba narinig ko?

“Dad-”

“Stop whatever you're planning to do, Kanzas.” Umiling siya na parang disappointed.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ngayon lang niya ako tinanggihan ng ganito at ang mas nakakainis ay pinapatapos niya muna ako bago siya magsalita.

Sa mga sumunod na araw ay kinulit ko siya nang kinulit pero wala pa rin, tinatanggihan niya pa rin at ayaw ako tulungan sa plano ko.

Madalas siyang nagkukulong sa opisina at hindi na ako kinausap pa. Napa irap ako sa ere. Edi huwag! Ako nalang gagawa mismo ng sarili kong plano, ang ganda diba?

Ngayon ang araw na may pupuntahan akong tao, mga taong gagawa sa plano ko. Syempre, hindi ko sasabihin kay Daddy baka hindi maituloy ang plano.

Maarte akong pumasok sa lumang bahay kung saan kikitain ko sila. Napatakip ako sa ilong. Wala ba silang taste? Ang cheap na nga tignan, ang baho pa ng paligid.

Kumuha ako ng tissue sa bag at inilagay ‘yon sa doorknob bago ko buksan.

“Umayos kayo! Nandyan na si boss!”

Napataas ang kilay ko sa mga taong nasa loob. Hindi na masama, mahigit sampo sila, sakto lang para maging tauhan ko. Imbes na dumihan ang kamay ko, naghanap nalang ako ng mga taong magtatrabaho para sakin. Ang galing ko talaga.

“Lahat na ba nandito?” tanong ko at inisa-isa silang tinignan. Karamihan sa kanila ay mga binata, kakaunti lang ang may edad na pero halata mo pa rin ang kakisigan. May mga tattoo rin sila.

“Makinig ng mabuti dahil hindi ko uulitin ang sasabihin ko, malinaw ba?” Ngumisi ako.

“Yes, boss!” sabay sabay nilang sigaw.

Napangisi ako, pera lang ang katapat ng mga mahihirap para mapasunod sila na parang mga hayop. Napatawa ako sa naisip.

“Pero bago ang lahat, nasisiguro ko ba ang katapatan niyo sa akin?” tanong ko.

Gusto kong makasiguro na lahat sila tapat sa akin kung hindi ay napipilitan akong patahimikin sila ng habang buhay. Ayoko sa lahat ang traydor.

Lahat sila ay natahimik sa sinabi ko, marahil ay tinatansya kung seryuso ba ako o hindi. Napa irap ako.

“Ano?! Hindi kayo magsasalita?!” bulyaw ko sa kanila. May mga nagulat pa sa biglaan kong pagsigaw pero hindi ko ito pinagtuonan ng pansin.

Magsasalita pa sana ako nang may magtaas ng kamay. Huminga ako ng malalim para kumalma. Mukhang itong binata na ‘to ang pinakabata sa kanila kung hindi ako nagkakamali base on his features.

“Ano po bang trabaho ang gagawin namin? Hindi kasi ako nasabihan eh,” Napakamot siya sa batok at nahihiyang yumuko.

Galit kong tiningnan ang leader nila. Hindi ba’t nasabihan ko na siya na sabihin sa kanila ang totoong trabahong gagawin nila? Mukhang may nadamay pang inosenting tao pero di bali na.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Gwapo siya, hindi mo mahahalata na binata pa dahil hindi akma ang pangangatawan niya sa edad nito.

“Pag ba sinabi ko uurong ka ba?” Ngumisi ako ng umiwas siya ng titig sa ‘kin. Hmm, pwede ko siyang gawing spy.

“S-sabihin mo na lang,” matapang siyang tumitig sa ‘kin, kitang kita sa mukha niya ang pagiging desperado. Mukhang gusto ko ang isang ‘to.

“May ipapa-patay ako sa inyong tao,” pagsisimula ko. Ramdam ko ang tensyon sa bawat isa sa kanila, mukhang gulat rin.

Napalunok siya sa sinabi ko.

Magaling, magtapang-tapangan ka. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya bago yun pakawalan.

“Bibigyan ko kayo ng armas na gagamitin niyo ayon sa plano ko, ang hindi pa sanay humawak ay tuturuan ko.” Mariin kong sabi. Lahat sila taimtim na nakikinig, ni hindi pumipikit ang iba sa kanila kasali na ang binata kanina.

Hindi madali ang ipapagawa ko sa kanila at masyadong delikado pero wala akong paki, ang sa ‘kin lang ay masiguro kong magagawa nila ang trabaho ng maayos.

2 weeks before the wedding ay tinipon ko ang lahat sa kanila sa dati naming lugar. Ngayon ibang-iba na sila kumpara sa nauna. Ang binatang si Quino ang nangingibabaw sa kanilang lahat, magaling siya at matalino. Sa isang buwan at kalahati ay nagawa niyang itago ang emosyon, naging mas malaki ang katawan. Kahanga-hangang binata.

“Ito na ang takdang oras na sasabihin ko ang plano, lahat naman siguro sa inyo ay naging handa na?” Tumindig ako sa harapan nila.

“Yes, boss!”

“Mabuti, ngayon makinig kayo ng maayos sa plano ko.”

Malapit na ang kasal, handa na ang mga tauhan ko, sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya pagkatapos nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Temporary Wife    Chapter 14

    After namin mamasyal ay umuwi rin kami kinagabihan. Gusto ko sanang magtagal pa—gusto kong damhin pa ‘yung aliwalas ng labas, ‘yung paglalakad naming dalawa ni Isaac na tila ba walang ibang mundo kundi kami lang. Pero pinili kong tumigil na rin. Nakakahiya naman sa kanya. Baka pagod na rin siya at hindi lang niya sinasabi.Pagkarating namin, siya na agad ang nag-volunteer na magluto.“Ako na, upo ka na lang,” aniya habang tinatanggal ang relo sa pulso niya.Nag-alok naman ako. Gusto ko sanang makatulong kahit konti, pero agad siyang tumanggi. Siya na raw ang bahala.“Ayaw ko munang mapagod ka,” dagdag pa niya.Hindi ko na lang ipinilit. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa kusina. Napaka-natural niya sa ginagawa niya, parang sanay na sanay mag-alaga ng tao.Pagkatapos niyang magluto, nilapitan niya ako.“I’ll go out for a while,” mahina niyang sabi.Tumango lang ako. “Okay.”Wala naman akong karapatang pigilan siya. Hindi ko siya asawa. Hindi ko siya boyfriend. At lalong

  • The Billionaire's Temporary Wife    Chapter 13

    Hawak kamay kaming naglalakad ni Isaac sa gitna ng napakaraming tao. Tanghali na nang napagdesisyunan naming lumabas para mamili ng souvenirs—pang-regalo sa pamilya, sa ilang kaibigan, at siyempre… para sa amin din. Para may alaala.Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang simoy ng hangin. Kontra sa init sa Pilipinas, dito parang kahit maghapon kang maglakad, hindi ka pawisan.Habang naglalakad, napansin kong madalas kaming tingnan ng mga tao. Lalo na ‘yung matatanda, para bang ini-scan kami mula ulo hanggang paa. Pero hindi ako nainis, mas naging curious ako.“Do you want to eat ramen?” tanong ni Isaac habang nakatingin sa kaliwa’t kanan, tila ba may hinahanap.“Kakain na lang siguro sa hotel. Hindi ako sanay sa maraming tao,” sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid—ang mga taong busy sa kani-kanilang buhay, sa kani-kanilang chismisan.Napansin ko, bihira akong makakita ng mga bata. Halos lahat ay may edad na. Bigla kong naalala ang nabasa ko—na sa Japan, mas marami na raw ang mat

  • The Billionaire's Temporary Wife    Chapter 12

    I woke up feeling drained. Parang tumakbo ako ng ilang araw sa sobrang pagod ng katawan ko. Kahit isang daliri ko, hindi ko maigalaw nang maayos.Napapikit ako ng mariin.Kagabi…“Bwisit,” bulong ko sa sarili ko habang sinisikap alalahanin ang lahat.Agad kong tiningnan ang sarili ko. I'm completely naked. Tanging comforter lang ang nakabalot sa katawan ko—at pati na rin sa natitirang dignidad ko.Sumubok akong umupo pero—“Shit!” Napakapit ako bigla sa comforter nang maramdaman ko ang matinding kirot sa pagitan ng mga hita ko. Para bang pinunit ako mula loob hanggang labas.He's a damn monster.Literal na hindi ako makakalakad, gaya ng babala niya. And the worst part? My virginity is gone. I'm no longer the same. Hindi na ako inosente.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang nangyari kagabi o ang totoo: Ginusto ko rin naman.At sa tuwing babalik sa isip ko kung paano siya naging mapangahas, mapaglaro, at sobra sa pagiging dominante—nam

  • The Billionaire's Temporary Wife    Chapter 11

    “I’ll be gentle, don’t you scream.”Bumilis ang pintig ng puso ko. Parang sasabog. Parang may malakas na sigawan sa loob ng dibdib ko pero sa labas ay tahimik ako—nanginginig lang, takot, sabik, nalilito.Muli niya akong hinalikan, this time, mas mabagal. Mas banayad. Hindi na kagaya kanina na parang mauubos niya ang hangin ko. Ngayon ay para bang sinasamba niya ako sa bawat dampi ng kanyang labi.Isaac’s touch wasn’t rushed this time. It felt like he was trying to memorize me, like he was exploring parts of me he’d been curious about for too long but never dared to touch—until now.Huminga ako nang malalim habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko gustong dalhin ‘to, pero hindi ko rin kayang tumanggi. Hindi ko kayang sabihing huwag habang ang katawan ko ay nagsusumigaw ng oo.Naramdaman kong unti-unti niyang tinataas ang damit ko, pero nang umabot na iyon sa dibdib ko ay bigla akong napapikit.“Wait,” mahina kong sabi.Huminto siya. Lumingon siya sa akin,

  • The Billionaire's Temporary Wife    Chapter 10

    Nakarating kami sa hotel kung saan kami tutuloy ni Isaac at ang masasabi ko lang at sobrang ganda ng napilitan niya. Isa ito sa mga pinaka-mamahaling hotel sa Japan–located at ‘The Ritz-Carlton, Tokyo’ Currently nasa 53rd floor kami.I look around while fixing my clothes and his. This hotel screams luxurious. Tila ba ginawa ito para lang sa mga mayayaman.Nakakapagtaka, sobrang yaman naman nila Isaac para ma-afford ‘to. Umiling ako. Hindi ko na dapat pang isipin pa ‘yon.Nag-unat ako pagkatapos at huminga ng malalim.Okay lang naman 'yung room. Malinis at maayos naman. Maganda 'yung view sa labas, kita mo 'yung city. Comfortable 'yung kama, mukhang malambot. Simple lang 'yung design, pero elegante. Okay na okay na rin 'yung size ng kwarto. Pwede na. Actually, ang luwag pa nga para sa aming dalawa.“Eve?” Isaac called from the kitchen.Dumating kami pero gabi na, obviously he's making the dinner. Guilty tuloy ako. I pout. I act like a baby, tsk.Dali-dali akong pumunta sa kusina a

  • The Billionaire's Temporary Wife    Chapter 9

    Nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Literal akong napalunok ng laway. Ang daming gustong itanong ng isip ko pero parang nalunod ang lahat ng salita."Isaac..."Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. “Don’t say anything. I’m not asking you to love me back. Hindi ko hinihingi ‘yon.”Napapikit ako. Ang init ng kamay niya sa balat ko. Ang bawat hawak niya, bawat salita niya—parang sumisiksik sa pader na itinayo ko."Ayokong kamuhian mo ako. Pero ayokong pilitin ka rin."Nagbukas ako ng bibig, pero wala akong masabi. Tiningnan ko lang siya. Pilit kong hinahanap kung saan ko siya ilalagay sa puso ko. Pero paano kung sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko andun na siya?Bumaba ang tingin niya sa labi ko."Pwede ba?" tanong niya.Natigilan ako. Hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang tinutukoy niya. Hindi rin ako sigurado kung ano ang isasagot ko. Pero hindi ako umiwas.Tumango ako—mahina lang.Dahan-dahan siyang yumuko. Hindi siya nagmad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status