“I want you to pretend to be my wife,” pangungusap niyang sabi.
“Hah! Huwag ako ang pagtripan mo, humanap ka ng iba,” gigil kong saad. Gusto ko siyang sapakin sa sinabi niya. Akala ko pa naman magso-sorry siya pero ang malala, nag offer pa na magpanggap akong asawa niya, hibang ba siya? “I'll do anything you wanted, gagawin ko lahat ng gusto mo pumayag ka lang.” Hinawakan niya ang kamay ko na agad kong iwinaksi. “I'll give you money also,” dugtong pa niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Pwede kong gawin kahit anong gusto ko at bibigyan ng pera? Napangisi ako sa naisip. Pwede ako gumanti sa pang-aalipusta niya sa ‘kin. “Gaano kalaking pera?” curious na tanong ko. Makakaganti rin sa wakas. Magpapanggap lang naman ako, madali lang yan pero gagantihan ko siya sa ginawa niya sa ‘kin at ito ang pinakamagandang t’yempo. Luck is on my side. “Million, anything you wanted.” Umigting ang panga niya. Ba’t parang galit siya? Teka nga, ba’t bigla-bigla na lang siya mag-o-offer? Ngayon ko lang naisip ‘to. “My grandfather and father wants me to get married,” pagsisimula niya. “But I declined, I told them I already have a girlfriend and now they want me to bring you to our house para patunayan ‘yon,” litanya niya. Napaisip ako, so magbe-benefit kami both side, huh? Oh well, wala akong paki sa problema nila. Ang akin lang makaganti ako sa pangtitrip niya sa ‘kin noon. “Fine, pretend then.” Ilang araw na simula no’ng napag-usapan namin yun pero ramdam ko pa rin yung bilis ng tibok ng puso ko. Pumayag ako sa usapan dahil na rin sa pera, kailangan ko yun para sa pagpapagamot kay Mama at Papa. “Nak, labhan mo na yung mga maruruming damit doon,” sabi ni Mama habang pinapakain si Papa. Tumayo ako, wala rin naman akong ginagawa. Dumiretso ako sa labas ng kusina, nandoon ang poso. Nagsimula na akong maglaba. Makalipas ang ilang oras ay nagsampay na ‘ko sa bakuran. Basang-basa ako pero okay lang. Pumasok ako pagkatapos at nadatnan na nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Ako nalang inaantay. Umupo ako, nagsimula na rin magdasal si Mama pagkatapos ay nagsimula na kami kumain. Akma sana akong susubo nang may kumatok sa pintuan namin. Huminga ako ng malalim sa pagkainis, istorbo naman. “Sino ba kasi itong istorb-” “Hi?” Tumambol ng pagka lakas-lakas ang puso ko. He's here, Isaac, standing in front of me. Agad ko siyang pinapasok. “Ma, si Isaac po.” Lumapit ako sa kanila at itinuro si Isaac na nakatayo malapit sa pintuan. Nagtataka man ay tumango siya. “Pakainin muna natin dito, anak.” Tumango ako. Agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin ni Mama kaya lumapit siya at kusang umupo malapit sa ‘kin. “Naparito ka, hijo?” tanong ni mama. Ngumiti lang si Isaac at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. “Nandito po ako para sana hingiin ang permiso niyo.” Yumuko ako. Bakit ang init ng mukha ko? Hindi ko naman yan crush pero grabe ang nangyayari sa ‘kin. Tumingin sa ‘kin si Mama bago nag sign language kay Papa. “Ang alam namin ng Papa mo wala ka pang boyfriend?” Natahimik ako. Anong sasabihin ko? Na inalok niya ako ng pera? Isaac clear his throat. “Matagal na po kaming magkasintahan ng anak niyo,” sabi niya at ngumiti. Nag sign language ulit si Mama kay Papa. Nakita ko pa kung paano maguluhan si Isaac kaya tinapakan ko ang paa niya. Ang slow naman nitong lalaking ‘to. “Pumapayag daw siya, ikaw binata, alagaan mo ang dalaga namin.” seryusong sabi ni Mama habang nakatingin sa ‘ming dalawa. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko hindi papayag si Mama at Papa. Nagsimula na akong kumain, sila nagkukwentuhan na habang ako tahimik lang. Sinulyapan ko siya. Pumasok siya na parang wala lang—pero grabe ‘yung dating. Simpleng black shirt lang, pero ang ganda ng fit. Nakalapat sa katawan niya na parang sinukat talaga. Tapos tucked in sa puting pantalon na sobrang linis tignan, may itim na sinturon pa na nagdadagdag ng konting formal vibes. May suot siyang relo—hindi flashy, pero classy. ‘Yung tipong tahimik lang pero may impact. Hindi mo alam kung bakit, pero kahit simple lang siya, hindi mo mapigilang hindi mapatingin. Sobrang gwapo, tas ako naka short lang at oversized na pink t-shirt, magulo pa ang buhok. Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko ang kinain pagkatapos ay sinabihan si Isaac na lumabas muna kami. “Can I ask?” Umayos siya ng upo sa mahabang silya na gawa sa kahoy, naka connect yun sa malaking puno namin. “Ano?” mahinhin kong sabi habang tinatanaw ang papalubog na araw. Sobrang ganda, dagdag pa ang mga ibon na lumilipad. “Your father-” “He's deaf,” Natahimik siya pero kalaunan ay tumikhim at mas lalong lumapit sa ‘kin. “They're great parents, they loved you so much.” Hindi ako makagalaw ng umakbay siya sakin. Amoy na amoy ko ang pabango niya, sobrang bango. “Tanggalin mo yan,” Itinuro ko ang kamay niya. Umiling siya at lumapit sakin para bumulong. “They're watching us, baka nagtataka sila?” Umangat ang kilay ko. Malamang, no boyfriend since birth ako. Sumulyap ako sa likod at tama nga siya, nakatingin sa ‘min si Mama at Papa mula sa binatana namin. Malayo kami pero alam kong nakikita niya kami ng malinaw. Kinurot ko ang tagiliran niya. “Ouch! Hey stop it!” I chuckled. Hindi ko alam pero gusto kong nakikita siyang ganito. Baliw na ata ako. “You smiled,” Natigilan ako. Bakit? “ I never saw you smiling, ang ganda mo pag ganyan.” Tumitig siya sa mata ko. Para bang natutuwa siyang makita akong nakangiti. Nagtaka ako ng bigla siyang lumapit ulit at bumulong. “I think alam ko na kung paano sila mapaniwala na girlfriend kita,” Naramdaman ko ang labi niya sa tenga ko, nakakakiliti. Nagtaka ako sa ideya niya. Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa utak niya? Tiningnan ko siya kaya nakita ko ang pag ngisi niya. Nginingisi-ngisi nito? Burahin ko kaya yan ng permanent? “Wha-” Nanlaki ang mata ko bago pa matapos ang sasabihin. This jerk kissed me! In front of my parents! I can't move for damn sake!After namin mamasyal ay umuwi rin kami kinagabihan. Gusto ko sanang magtagal pa—gusto kong damhin pa ‘yung aliwalas ng labas, ‘yung paglalakad naming dalawa ni Isaac na tila ba walang ibang mundo kundi kami lang. Pero pinili kong tumigil na rin. Nakakahiya naman sa kanya. Baka pagod na rin siya at hindi lang niya sinasabi.Pagkarating namin, siya na agad ang nag-volunteer na magluto.“Ako na, upo ka na lang,” aniya habang tinatanggal ang relo sa pulso niya.Nag-alok naman ako. Gusto ko sanang makatulong kahit konti, pero agad siyang tumanggi. Siya na raw ang bahala.“Ayaw ko munang mapagod ka,” dagdag pa niya.Hindi ko na lang ipinilit. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa kusina. Napaka-natural niya sa ginagawa niya, parang sanay na sanay mag-alaga ng tao.Pagkatapos niyang magluto, nilapitan niya ako.“I’ll go out for a while,” mahina niyang sabi.Tumango lang ako. “Okay.”Wala naman akong karapatang pigilan siya. Hindi ko siya asawa. Hindi ko siya boyfriend. At lalong
Hawak kamay kaming naglalakad ni Isaac sa gitna ng napakaraming tao. Tanghali na nang napagdesisyunan naming lumabas para mamili ng souvenirs—pang-regalo sa pamilya, sa ilang kaibigan, at siyempre… para sa amin din. Para may alaala.Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang simoy ng hangin. Kontra sa init sa Pilipinas, dito parang kahit maghapon kang maglakad, hindi ka pawisan.Habang naglalakad, napansin kong madalas kaming tingnan ng mga tao. Lalo na ‘yung matatanda, para bang ini-scan kami mula ulo hanggang paa. Pero hindi ako nainis, mas naging curious ako.“Do you want to eat ramen?” tanong ni Isaac habang nakatingin sa kaliwa’t kanan, tila ba may hinahanap.“Kakain na lang siguro sa hotel. Hindi ako sanay sa maraming tao,” sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid—ang mga taong busy sa kani-kanilang buhay, sa kani-kanilang chismisan.Napansin ko, bihira akong makakita ng mga bata. Halos lahat ay may edad na. Bigla kong naalala ang nabasa ko—na sa Japan, mas marami na raw ang mat
I woke up feeling drained. Parang tumakbo ako ng ilang araw sa sobrang pagod ng katawan ko. Kahit isang daliri ko, hindi ko maigalaw nang maayos.Napapikit ako ng mariin.Kagabi…“Bwisit,” bulong ko sa sarili ko habang sinisikap alalahanin ang lahat.Agad kong tiningnan ang sarili ko. I'm completely naked. Tanging comforter lang ang nakabalot sa katawan ko—at pati na rin sa natitirang dignidad ko.Sumubok akong umupo pero—“Shit!” Napakapit ako bigla sa comforter nang maramdaman ko ang matinding kirot sa pagitan ng mga hita ko. Para bang pinunit ako mula loob hanggang labas.He's a damn monster.Literal na hindi ako makakalakad, gaya ng babala niya. And the worst part? My virginity is gone. I'm no longer the same. Hindi na ako inosente.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang nangyari kagabi o ang totoo: Ginusto ko rin naman.At sa tuwing babalik sa isip ko kung paano siya naging mapangahas, mapaglaro, at sobra sa pagiging dominante—nam
“I’ll be gentle, don’t you scream.”Bumilis ang pintig ng puso ko. Parang sasabog. Parang may malakas na sigawan sa loob ng dibdib ko pero sa labas ay tahimik ako—nanginginig lang, takot, sabik, nalilito.Muli niya akong hinalikan, this time, mas mabagal. Mas banayad. Hindi na kagaya kanina na parang mauubos niya ang hangin ko. Ngayon ay para bang sinasamba niya ako sa bawat dampi ng kanyang labi.Isaac’s touch wasn’t rushed this time. It felt like he was trying to memorize me, like he was exploring parts of me he’d been curious about for too long but never dared to touch—until now.Huminga ako nang malalim habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko gustong dalhin ‘to, pero hindi ko rin kayang tumanggi. Hindi ko kayang sabihing huwag habang ang katawan ko ay nagsusumigaw ng oo.Naramdaman kong unti-unti niyang tinataas ang damit ko, pero nang umabot na iyon sa dibdib ko ay bigla akong napapikit.“Wait,” mahina kong sabi.Huminto siya. Lumingon siya sa akin,
Nakarating kami sa hotel kung saan kami tutuloy ni Isaac at ang masasabi ko lang at sobrang ganda ng napilitan niya. Isa ito sa mga pinaka-mamahaling hotel sa Japan–located at ‘The Ritz-Carlton, Tokyo’ Currently nasa 53rd floor kami.I look around while fixing my clothes and his. This hotel screams luxurious. Tila ba ginawa ito para lang sa mga mayayaman.Nakakapagtaka, sobrang yaman naman nila Isaac para ma-afford ‘to. Umiling ako. Hindi ko na dapat pang isipin pa ‘yon.Nag-unat ako pagkatapos at huminga ng malalim.Okay lang naman 'yung room. Malinis at maayos naman. Maganda 'yung view sa labas, kita mo 'yung city. Comfortable 'yung kama, mukhang malambot. Simple lang 'yung design, pero elegante. Okay na okay na rin 'yung size ng kwarto. Pwede na. Actually, ang luwag pa nga para sa aming dalawa.“Eve?” Isaac called from the kitchen.Dumating kami pero gabi na, obviously he's making the dinner. Guilty tuloy ako. I pout. I act like a baby, tsk.Dali-dali akong pumunta sa kusina a
Nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Literal akong napalunok ng laway. Ang daming gustong itanong ng isip ko pero parang nalunod ang lahat ng salita."Isaac..."Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. “Don’t say anything. I’m not asking you to love me back. Hindi ko hinihingi ‘yon.”Napapikit ako. Ang init ng kamay niya sa balat ko. Ang bawat hawak niya, bawat salita niya—parang sumisiksik sa pader na itinayo ko."Ayokong kamuhian mo ako. Pero ayokong pilitin ka rin."Nagbukas ako ng bibig, pero wala akong masabi. Tiningnan ko lang siya. Pilit kong hinahanap kung saan ko siya ilalagay sa puso ko. Pero paano kung sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko andun na siya?Bumaba ang tingin niya sa labi ko."Pwede ba?" tanong niya.Natigilan ako. Hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang tinutukoy niya. Hindi rin ako sigurado kung ano ang isasagot ko. Pero hindi ako umiwas.Tumango ako—mahina lang.Dahan-dahan siyang yumuko. Hindi siya nagmad