Share

The Billionaire’s Temporary Wife
The Billionaire’s Temporary Wife
Penulis: Lathala

Unexpected Marriage Offer

Penulis: Lathala
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-15 19:08:50

Tanging tunog ng takong ni Selene ang naririnig sa buong hallway ng condo ng kaniyang fiance na si Seth.

Hindi niya mapigilan ang ngiting namumuo sa kaniyang labi habang naglalakad papunta sa harap ng pinto ng kaniyang kwarto. Excited na siyang surpresahin ito at ipakita ang pagpipiliang wedding gown para sa nalalapit nilang kasal.

Nang makarating sa tapat ng pintuan ay dali-dali niyang inilagay ang passcode nito. Nasa isip niya ay baka natutulog pa si Seth dahil pagod ito sa trabaho.

Pagkabukas niya ng pintuan ay may naririnig siyang bulong na nagmumula sa kwarto ng kasintahan.

“Gising siya?” Tanong ni Selene sa sarili baka nagsimulang maglakad papunta doon. 

Ngunit nagulantang siya nang may madaanang nagkalat na damit kung saan-saan. Alam niyang damit ito nang kasintahan kaya pinulot niya ito.

Labis ang taka ni Selene dahil alam niyang hindi makalat na tao si Seth. Sa dalawang taon nilang magkasintahan ay siya pa nga ang nag-oorganize ng mga gamit nito kung minsan. 

Pinagmasdan niya ang kabuuan nang condo unit pero isang bagay na nakakalat din ang kumuha ng kaniyang pansin.

Red high heels.

Kumalabog ang puso ni Selene nang makita iyon. Sigurado siyang hindi kaniya iyon. Nagtatakong man siya ay hindi kasing taas nang nakita niya. Kailanman ay hindi rin siya nagkaroon ng pula dahil mas gusto niya iyong mga kulay na hindi agaw pansin.

“S-Seth… faster! Ang s-sarap…” 

Nanlaki ang mga mata ni Selene at nanlambot ang tuhod nang marinig ang isang boses ng lalaki na nagmumula sa nakasaradong kwarto.

Nanlalabo na ang paningin ni Selene dahil sa luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Kasabay nang paghakbang niya papunta sa harap ng pinto ay siyang paglakas ng mga ungol.

“F-Fuck! Stay still, Ava!” Boses iyon ni Seth.

“I’m c-cumming… My god! If I only knew you are a monster in bed, matagal na sana kitang inagaw sa kapatid ko!” 

Sa mas lalong paglakas ng kanilang mga ungol at halinghing ay siya ring parang punyal na tumutusok sa puso ni Ava.

Nanginginig niyang pinihit ang door knob at tumambad sa kaniya hubo’t hubad na si Seth na nakapatong sa isang babae.

Tuloy-tuloy pa rin ang gigil na pagbayo ni Seth sa taas nito. Hindi nila napansing bumukas ang pintuan at pinapanood na sila.

“This is a sin, but God… ang sarap!” Pikit matang ungol ni Seth.

“Hmmm… Alam kong hindi mo pa naranasan ito sa kapatid ko. That woman is a bitch na nagpapanggap na demure at conservative,” Dagdag ni Ava.

Mas lalong tumulo ang kaniyang luha. Alam niyang naiinis ang kaniyang stepsister na si Ava sa kaniya, pero kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari ito.

Nanghina ang kamay ni Selene sa nakita at narinig. Nabitawan niya ang dalang handbag na nagsanhi ng tunog.

Kapwa nagulat ang dalawa na tumigil sa kanilang ginagawa. Nanlalaki ang mga mata nilang nagtakip ng kumot sa kanilang mga hubad na katawan.

“S-Selene!” Gulat na sigaw ni Seth. Para itong nakakita ng multo base sa kaniyang reaksyon. Agad itong kumuha ng damit sa nakatabing drawer at natatarantang sinuot ito.

“Seth, paano mo nagawa sa akin ‘to? At sa kapatid ko pa talaga?!” Umiiyak na sigaw ni Selene.

“Please, S-Selene. Let me explain….” Wika ni Seth at unti-unting lumapit sa kaniya.

“Ano pang ipapaliwanag mo, ha?! Kung paanong sayang-saya ka habang binabayo ang kapatid ko?!”

“Oh dear Selene, is this jealousy I’m hearing? Naiinggit ka ba na may nangyari sa amin ni Seth habang ikaw na girlfriend… or should I say fiance ay wala pa?” Nakangising sabat ni Ava.

Matalim na lumingon si Selene sa direksyon ng kapatid, “Shut up, Ava! Isa ka pa! Paano mo nagawa sa akin ito? Kapatid mo ko!”

“Do you think I care, Selene?! Sa akin naman talaga si Seth! Gusto siya para sa akin ni Mommy at Daddy! Hindi ko nga alam kung anong gayuma ang binigay mo sa kaniya ——” 

Hindi na natuloy ni Ava ang sasabihin dahil agad nagsalita si Seth, “Ava, stop it! Please, Selene. This is a mistake! Let’s settle this.”

“Settle? Gago ka ba? You fucked my stepsister a week before our wedding and your solution is to settle?” Sarkastikong sabi ni Selene.

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Galit, inis, sakit, panghihinayang. 

Hinawakan ni Seth ang kamay na Selene na para bang nagsusumamo, pero agad itong iwinaksi ni Selene. Tila ba may mikrobyong dala ang kamay nito.

“Nandidiri ako sayo, Seth. You did this because you can’t have me, right?! Ang sabi ko sayo ay ‘pag nagpakasal tayo ay maibibigay ko na ang gusto mo. We were almost there! Pero sinayang mo!”

“Please, let’s fix this, babe—-”

“No! Let’s cancel our wedding! Hindi ko kayang masikmura na ikaw ang papakasalan ko.” May diin ang bawat salita ni Selene kahit durog na durog na siya.

“What?! No, Selene! Hindi pwede. Hindi mo kaya.”

Natawa si Selene dahil sa sinabi ni Seth, “Hindi ko kaya?! At bakit naman? Sa tingin mo ay ikaw lang ang lalaki sa mundo?”

“Your family would be disappointed in you na hindi ako ang papakasalan mo!” Huminto ito saglit na para bang may iniisip at muling nagpatuloy, “And your g-grandmother! She was expecting you to introduce someone to her. Hindi ba ay ipapakilala mo ako sa araw ng kasal natin?”

Nagpanting ang tenga ni Selene nang marinig ang walang kwentang rason ni Seth.

“Don’t you ever involve my grandmother in this! Buo na ang desisyon ko. Hindi ako magpapakasal sayo!”

“At sino ang ipapakilala mong mapapangasawa mo sa pamilya mo? Hindi pwedeng itigil ang kasal, handa na ang lahat!”

“Me. I’ll be her groom.” 

Lahat sila ay napalingon sa baritonong boses na narinig. Kitang-kita ni Selene kung paanong nagulat si Ava dahil dito.

Napansin ni Selene ang lalaking naka-formal attire. Hindi alam ni Selene kung bakit prang tumigil ang kaniyang mundo ng makita ito. Marahil dahil sa karisma na taglay nito.

Mula sa kaniyang makakapal na kilay, kulay tsokolateng mata, mahabang pilikmata, magandang hugis ng panga at pulang labi. Para bang inukit siya para maging perpekto.

“L-Levi! What are you doing here?! And what are you saying?” Tumaas ang tono ng boses ni Ava.

Naglakad palapit sa kanila ang lalaki, “This lovely lady left the door open. And shouldn’t I be the one asking you that, Ava? Anong ginagawa mo sa kwarto ng ibang lalaki when we are scheduled to meet my parents today? Kung hindi pa kita pinasundan ay hindi ko malalamang nagloloko ka rito?” 

“I-I’m sorry… I forgot! Let’s go!” Lumapit si Ava sa kaniya at tinangkang hilahin siya palabas pero hindi natinag ang lalaki.

“Do you think I would like a cheating woman as my wife? Ikakahiya ka ng pamilya ko.” Malamig na sabi ng lalaki na tinawag nilang Levi.

“Levi, this is a misunderstanding. Tara na! Let’s get out of here.” Muling pilit ni Ava.

“Didn’t you hear what I said? This woman right here would be my wife.” 

Tumingin si Levi kay Selene. Parang napaso ang huli sa mga titig ng binata kaya agad itong umiwas at tumikhim.

“Bro, are you crazy? Selene is my fiancee.” Sabat ni Seth.

“Selene, huh…” Tila nag-isip ang lalaki, “Would you want this cheating bastard as your fiance?”

“Hindi mo ba narinig na makikipaghiwalay na nga ako sa kaniya?” Masungit na tanong ni Selene.

“Feisty.” Umangat ang sulok ng labi ni Levi. “So, what do you think about my proposition, Miss? Parehas tayong makikinabang. You need a groom to avoid humiliation and I need a wife for my inheritance.”

Nagtitigan sila ni Levi. Hindi niya alam kung seryoso ba talaga ang lalaki na ‘to. Paanong bigla na lamang siyang susulpot at mag-aalok ng kasal?

Nakita niya ang disgusto sa mukha ni Seth at takot sa mukha ni Ava dahil sa sinabi ng lalaki. Nanaig na naman ang galit na nararamdaman ni Selene nang maaalala ang nakita kanina.

Marahil dahil sa sakit ay napangunahan ang mga desisyon niya. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas para magsalita. 

“Pumapayag ako. I will be your wife. Magpakasal tayo.” 

“What?! Selene, hindi pwede!”

“No! Levi, tayo ang dapat magpakasal! Ako ang papakasalan mo!”

Hindi pinansin ni Levi ang hindi pagpayag ni Seth at Ava. Kay Selene lamang ang kaniyang tingin. Natutuwa siyang makita kung paanong itinatago ni Selene ang kaba.

“Then, it’s settled. Walang lalabas na kahit anong impormasyon tungkol sa pag-uusap na ito kung ayaw niyong ilabas ko ang video na nagtatalik kayo. I have my connections,” Tumingin ito kay Seth at Ava, “And Ava, don’t show your face to me ever again.” Matalim na sabi nito.

Akala niya ay aalis na ang lalaki ngunit nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya at hinapit ang kaniyang bewang.

“Your ex’s loss is my gain. Akin ka na ngayon… Selene.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
chuchu
Bka isang pag hihiganti na naman haha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Temporary Wife   SELENE & LEVI - WAKAS

    Sa kabuuan ng kwento, malinaw na ang pinakamahalaga sa buhay ay hindi nasusukat sa kayamanan, kapangyarihan, o sa kung gaano kataas ang status sa lipunan. Kahit sina Selene at Levi na mayaman at may kakayahang protektahan ang kanilang sarili, marami pa rin silang naranasang pagsubok at panganib.Pero sa huli, natutunan nila na ang tunay na yaman ay nasa pagmamahal, pagtutulungan, at presensya ng pamilya. Ang kwento nila ay nagpapaalala sa atin na sa bawat hirap at problema, ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa ang nagiging sandigan para malampasan ang lahat ng unos.Isa pang mahalagang aral ay ang kahalagahan ng pagpapatawad. Maraming karakter sa kwento ang nagkamali, nasaktan, o nagkulang. Maging si Ava, Seth, at maging ang mga nakapaligid sa kanila. Ngunit sa kabila nito, natutunan nilang magpatawad at palayain ang sama ng loob. Hindi lamang ito para sa kapwa nila, kundi para sa kanilang sariling kapayapaan. Ipinakita rin na ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang nakakalimot s

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Say “Baby Number Three!”

    Habang natatapos na ang seremonya at unti-unti nang lumilipat ang mga bisita sa garden para sa picture taking, naramdaman ni Selene ang isang kakaibang saya na pumapalibot sa kanya. Ang araw ay mainit ngunit komportable, at ang mga bulaklak sa paligid ay nagdadala ng kulay at bango na para bang sumasabay sa kagalakan ng lahat. Hawak-hawak ni Levi ang kanyang kamay, at si Kiel at Luna ay nakatayo sa tabi nila, abala sa kanilang sariling kasiyahan—kumikislap ang mga mata ni Luna sa tuwa at halos hindi mapigilan ang halakhak, habang si Kiel ay abala sa pagtuturo sa kanyang maliit na kapatid ng mga pose sa litrato.“Smile tayo dyan, everyone!” sigaw ng photographer, sabay ituro sa kanilang direksyon. “Okay, look at the camera, and—cheese!”Ngunit sa halip na sundin ang tipikal na pose, napatingin si Selene kay Levi na may liwanag sa mata at nagdilat sa mga labi. “Baby number three!!” sigaw niya, halatang excited at may halong katyawan, sabay turo sa kanyang tiyan.Nagulat ang lahat ng nar

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Mrs. Thompson… Again!

    Sa harap ng altar, hawak ang kamay ng isa’t isa, naramdaman nina Selene at Levi ang bigat ng sandali—hindi sa kaba, kundi sa lalim ng damdaming bumabalot sa kanila. Ang araw ay maliwanag, tila nagdiriwang kasama nila, at ang simoy ng hangin ay banayad, sumasabay sa bawat tibok ng kanilang mga puso. Lahat ng taong mahal nila ay naroroon—ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at ang pinakamahalaga sa kanila, sina Kiel at Luna, ang kanilang mga anak. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa kanila, ngunit para kay Selene at Levi, tila mundo lang nila ang bawat isa.Tumango si Selene sa maliit na senyas ni Levi, at nagsimula silang magpahayag ng kanilang mga vows. Ang boses ni Selene ay bahagyang nanginginig, ngunit punong-puno ng katatagan at pagmamahal. “Levi, noong una tayong nagkakilala, hindi ko inakala na darating tayo sa araw na ito. Pero heto tayo, sa harap ng Diyos at ng mga mahal natin sa buhay, ipinapangako ko sa iyo ang lahat ng pagmamahal ko, hindi lang sa magagandang araw, kundi la

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Ikalawang Kasal

    Araw ng kanilang kasal. Isa itong espesyal na araw na matagal nilang hinihintay, hindi lang dahil ito ay simbolo ng pagmamahalan nila ni Levi, kundi dahil ito rin ay pagdiriwang ng kanilang pamilya, ng kanilang bagong buhay, at ng lahat ng pinagsamahan nilang hirap, saya, at pag-ibig.Huminga nang malalim si Selene bago niya buksan ang pinto at simulan ang paglakad patungo sa altar. Ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib, ang bawat tibok ay parang nagbibilang ng segundo hanggang sa sandaling iyon. Ngunit sa kabila ng kaba, ramdam din niya ang kagalakan—isang malalim, tahimik na kagalakan na punong-puno ng pag-asa at pagmamahal.Sa bawat hakbang niya sa aisle, ang mata niya ay nakatuon kay Levi. Ang lalaki, nakatayo sa altar, nakasuot ng puting tuxedo na akma sa kanyang mala-modelong pangitsura. Ang kanyang mga mata ay nagliliwanag sa tuwa at pagmamahal, at halata sa bawat pagkikindat ng kanyang mga mata at sa malumanay niyang ngiti kung gaano niya kamahal si Selene. Hindi niya napigil

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Second Proposal

    Isang taon na ang lumipas mula nang matagumpay na maisilang si Luna, at ramdam ni Selene ang pagbabago sa buhay nila. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila—mula sa panganib, takot, at pagkabahala sa kanilang pamilya—ngayon ay masaya at payapa na ang kanilang mundo. Ngayong araw, may naka-schedule silang munting bakasyon sa isla na pag-aari ni Selene—akala nila simpleng getaway lang ito, para sa pamilya, para makapag-relax at magsaya kasama si Levi, si Kiel, at syempre, si baby Luna.Habang papalapit na sila sa isla, ramdam ni Selene ang excitement sa loob niya. Nakita niya si Levi na nakatingin sa kanya, may ngiti sa labi na laging nagbibigay sa kanya ng kapanatagan at saya. Si Kiel naman ay abala sa pagsulyap sa paligid mula sa helicopter, halatang sabik sa adventure. At si Luna, naka-baby carrier sa harap ni Selene, ay tahimik ngunit ramdam na ramdam ang kagalakan sa paligid.“Mommy… ang ganda ng paligid! Parang picture lang!” sambit ni Kiel, sabik sa bawat sandali habang tinitingn

  • The Billionaire’s Temporary Wife   Luna Yechezkel

    Matapos ang matinding tensyon at kaba sa ospital, sa wakas ay narinig na ni Levi ang malakas at malinaw na iyak ng kanilang anak. Halos hindi siya makapaniwala na ligtas na silang dalawa, si Selene at ang baby nila. Ramdam niya agad ang pag-angat ng puso niya, puno ng ginhawa at sobrang saya. Dahan-dahan niyang tiningnan si Selene, nakahiga sa kama, pawis pa rin sa noo at medyo namumula sa pagod, ngunit ang ngiti niya ay sapat na para maiparamdam kay Levi na lahat ng hirap ay nagbalik ng saya.“Sel… Selene… safe na tayo… safe na ang baby natin,” bulong ni Levi, halos nanginginig sa emosyon habang hinahawakan ang kamay niya at pinisil ito nang mahigpit. Nakita niya ang luha sa mata ni Selene, at halos hindi na niya matiis ang damdamin niya.“Levi… ang baby natin… napakaganda…,” bulong ni Selene, ramdam ang pagod ngunit ramdam rin ang sobrang saya na parang hindi kayang sukatin ng salita. Dahan-dahang inilapit ng nurse ang baby sa dibdib ni Selene, at sa unang pagkakataon ay nakita ni S

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status