Literal namang nanlaki ang mga mata ni Dolores pagkarinig sa alok ni Devon sa kanya. Para sa isang tao na ilang oras pa lang niya nakikilala, hindi kapani-paniwala ang alok nito. Nabanggit lamang nito na handa itong bayaran ang sinumang papayag na makasal dito, bagay na hindi naman masyadong sineryoso ni Dolores. At hindi ‘man lang ito kumurap matapos bitiwan ang alok nito sa kanya.
"Because you needed money for your brother's surgery, my offer will solve your problem, Lola. This is a win-win situation. Wala ka na ibang iisipin pa dahil ako na ang bahala sa lahat ng pangangailangan inyong magkakapatid. Pwede ka na mag-aral na hindi nangangailangan magtrabaho.” Isa iyong nakakatuksong alok para kay Dolores. Sa paraan ng pagsasalita ni Devon halata na seryoso ito ngunit may pag-aalangan siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. “I actually have the agreement papers here in case you wanted to examine each clause.”What the - he came prepared! Sigaw niya sa isipan. Malinaw na may pera itong si Devon ngunit nag-aalangan pa rin si Dolores kahit pa may kasulatang nilabas na ang binata. Pakikipag-date lamang ang pakay niya ngunit higit pa sa binalak ang kanyang natisod ngayon.“Kung mayroon ka pa gustong ipadagdag, sabihin mo lang. I’m willing to give whatever you demanded,” he generously added.Ikinaway niya ang kamay sa harap nito bilang pagtanggi. “Sapat na sapat na ito,” tugon niya. Isang milyon, Lola. Isang milyon ang nakasulat na perang kabayaran sa kasulatan! Gusto ni Dolores na tumili ng mga oras na iyon. Literal na wala na talaga siyang iisipin kapag napasakamay ang malaking halaga na alok ni Devon. “Payag na ako pero may gusto lang akong linawin sayo.”"Ano ‘yon?"Pinaglapat ni Dolores ang kanyang mga labi at bahagyang lumapit kay Devon. “Hindi ako isang oportunista. Kailangan na kailangan ko lang talaga ng pera ngayon para sa kapatid ko. Hindi ko naman susunggaban ang alok kung walang sakit si River.”Ngumiti si Devon saka tumango. “Naniniwala naman ako sayo,” anito. Doon ay napangiti siya dahil sapat na marinig ang mga salitang iyong mula sa binata. “If you don’t have any question, we’ll proceed now to the signing and the wedding.” Napalunok si Dolores habang si Devon namn ay natawa. “Huwag ka mag-alala, Lola. I will never forced you to do things that could made you feel uncomfortable. Ang kailangan lang natin gawin mapaniwala ang mga kaibigan at pamilya ko na nagmamahalan tayong dalawa. . .”Parang isang panaginip ang nangyari dalawang araw na ang nakalipas. Pero iyon naman ay isang magandang panaginip na nais ni Dolores na balik-balikan. Mabilis ‘man ang nangyari, ang importante ay mayroon silang pagkakaunawaan ni Devon.
“Miss Roman? Miss Roman.” Pukaw na salitang nagpabalik kay Dolores sa realidad na ginagalawan.
Kasalukuyan siyang nasa HR office ng pinagta-trabaho-an niyang publishing house. Ipinatawag siya roon para mag-fill up ng ilang papel na may kinalaman sa kanyang pagiging regular na empleyado. Ilang araw na lang kasi at ga-graduate na siya at inalok siya na maging regular na assistant editor doon. Bagay na tinanggap naman niya agad. Nasa panig niya ang langit kung kaya’t tuloy-tuloy lamang siya sa pag sunggab ng mga oportunidad.
Dalawang araw na rin ang lumipas mula nang huli niya makita si Devon. Ang sabi nito sa kanya noong huli ay may international conference na dadaluhan. Ngunit hindi nabanggit kung kailan babalik. Ayaw naman niya tumawag dito at maging isang nagger na asawa. Hangga’t maaari ay ayaw niya na magtalo silang dalawa dahil isang taon lang naman tatagal ang kanilang kasunduan. Malaking pabor na kung tutuusin binigay sa kanya ni Devon na tinatamasa na ngayon.
“Yes?” Tumingin siya sa kausap at halos matuptop niya ang kanyang bibig. “Sorry, nag-space out ako bigla.” nahihiya niyang sambit.
Natawa iyong HR officer na kausap niya. “Ayos lang. Anyway, you left this section blank. Is there a problem with your marital status?” Kukurap-kurap siya sabay iling. Nakalimutan niya pala sagutan iyon kung kaya naman ay mabilis na niyang pinunan ng sagot ‘yon. “Married?! Kasal ka na?”
Maging siya’y nagulat sa reaksyon ng HR officer.
“Yes, I’m married.” For a year, dugtong niya sa isip.
The late afternoon sun poured golden light into Devon and Dolores's hotel room, casting long shadows across the wooden floor. Wala silang lakad ngayon dahil masama na naman ang pakiramdam ng lola ni Devon. Pero sa isipan ni Dolores, nagawa lang ang matanda ng dahilan para lagi silang magkasama ni Devon gaya ngayon. It was as if Devon would let something develop between them. Iyong nangyari noong unang gabi nila sa Singapore shouldn’t have meaning at all. Kapwa lang sila nadarang dali na rin ng mga pinagdaanan nila pareho. Dolores sat curled up on the edge of his couch, her fingers lightly tracing the rim of her mug. Devon stood by the window, watching the city wind into the evening. “Dev, sumagi ba sa isip mo na humanap ng tamang babae para sayo at hindi na magpanggap?” tanong ni Dolores, her voice almost a whisper. Para rin walang makarinig at maka-alam sa totoong set-up nila. Devon turned, the light catching the tired lines beneath his eyes. “I did try, so I used a dating app. H
“Sure ka bang safe ‘to?” Dolores asked, gripping the edge of the small boat as it bobbed on the water. Nang sabihin ni Devon na may gusto itong puntahan, hindi siya tumanggi at agad na sumama sa asawa niya. Hindi rin naman sumagot si Devon sa tanong niya.Devon focused on rowing, glanced at her with a rare, boyish smirk. “I’ve done this a hundred times. If anything goes wrong, I know how to swim.”“Eh ako? Paano kung nalunod ako?” Aminado si Dolores na hindi siya marunong lumangoy. That’s the least talent she wished to have. Hindi talaga siya mahilig mag-swimming kahit napaka-init ng panahon sa Pilipinas.“I’ll save you.” She rolled her eyes, but a laugh escaped her lips. “Ang confident mo naman.”“It’s not my confidence speaking,” he said, gaze shifting briefly to the horizon. “Sure lang ako na kaya kita iligtas sakaling magka-problema itong bangka.”The words lingered between them, like the salty air caught in the wind. Dolores didn’t know what to say, so she looked into the sea, a
“Are you mad at me?” tanong na pumukaw kay Devon. Kasalukuyan siyang tahimik na nangingisda ngayon at inaabangan na may kumagat sa pain na nilagay niya. “Ano ba’ng pumasok sa isip mo at naitanong mo iyan?” Balik tanong niya kay Dolores. Para itong bata na hindi nagustuhan ang binalik niyang tanong. Mukhang hindi rin naman ito sasagot. “Huwag mo isipin na ang pananahimik ko ay galit. Minsan nag-iisip lang ako o ‘di kaya wala sa mood na magsalita.” “Ganyan ka ba talaga lagi? Kahit noong kayo pa ni Hannah?” Kumunot agad ang noo ni Devon. “Nagtatanong lang ako. Nakasimangot ka na agad dyan.” Mas lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo. This woman is so unbelievable, sa isip-isip ni Devon. Kanina lang ay panay ang lagay nito ng boundaries sa pagitan. Ngayon naman ay parang ito na ang tumitibag sa mga pader na itinayo. “I’m not mad, okay?” Dolores scoffed and Devon didn’t expect it. “Lagi ka umiiwas kapag nababanggit ko na ang pangalan niya.” Ayaw na ni Devon na patulan pa Dolores. Bak
Awkward. Iyon sila ni Devon matapos ang naging pag-uusap nilang dalawa kani-kanina lang. Hindi na alam ni Dolores kung paano sila aakto na normal pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kagabi, parang wala siyang problema at hindi rin nalulungkot na wala si River. Maganda at maayos pa nga ang tulog niya habang nakayakap kay Devon. And it’s all in her memory now.Pinili niya kasi na hindi palalimin ang lahat kaysa patuloy na mahulog sa kanyang asawa sa papel. Pakiramdam niya kasi na baka kapag nasanay siya ay mahihirapan siya bandang huli. Paano kung hulog na hulog na siya tapos hindi masuklian?Malalim na huminga si Dolores at tiningnan ang medicine organizer na hawak niya. Inside that thing was her birth control pills. Kaka-inom pa lang niya ngayon at nangangamba na baka hindi iyon tumalab dahil maraming oras na ang lumipas mula nang may mangyari sa kanila ni Devon. Sa sobrang sidhi ng kanilang damdamin at pusok, nakalimutan na nila ang gumamit ng proteksyon.It’s not that she didn’t want
The smell of coffee drifted through the hotel room where they were. It was warm and bitter. Dolores sat at the edge of the bed, shirt half-buttoned, staring at the small window where sunlight filtered through the now-clear sky. Ikalawang araw nila sa Singapore at may mga naka-plano na sila gawin kasama ang lola ni Devon. At dinner last night, Devon’s grandmother told them to dress modestly today, for they would meet some nuns and monks taking care of Mrs. Valderama’s charity beneficiaries.Excited na siya na kinakabahan. Kaya naman mula sa bintana, nalipat ang tingin niya sa kamang kinauupuan. Behind her was Devon stirred under the blanket, looking at her which she could feel.“You okay?” he asked, voice rough from sleep. Iba talaga ang tama ng boses nito sa puso niya. Kaya noon pabilisin ang tibok ng kanyang puso kahit maikling salita lang ang nabigkas.She nodded, but didn’t turn her head completely. Nasa kama pa rin ang kanyang tingin at alam na niya kung bakit. Marahil ay alam na
Hindi na nila alam kung gaano katagal silang nagkatitigan—wala nang konsepto ng oras sa gitna ng ulan, apoy, at init ng katawan. Devon’s hand moved slowly, deliberately, tracing a line from Dolores’s wrist up to her elbow, like he was memorizing every inch of her.“Okay ka lang?” bulong nito sa kanya, boses niya mababa, parang takot na baka masira ang sandali kung magsalita siya ng mas malakas pa ro’n.Dolores nodded, swallowing softly. “Oo naman. Ikaw ba?”Para silang nabuhusan ng malamig ng tubig pagkatapos ng halik na kanilang pinagsaluhan. Hindi na nila alam kung ano ba ang dapat gawin ngayon. Would she dodge Devon’s stare or remain sitting beside him, staring directly to his eyes.Devon smiled, almost a smirk, but gentler. “I’ve never been this okay in a long time.” Si Dolores din naman. Kailan ba ang huli na naging ganito siya kalapit sa isang lalaki? Ayaw na niya alalahanin ang nakaraan at masyado rin abala ang isip niya sa pag-iisip kung ano ba ang gagawin.Not until Devon made