Share

Chapter Fifty-three

MALAKAS na umungol ang lalaki nang sambitin niya ang pangalan nito. Lalo pa itong nagpumiglas at pilit kumawala sa mahigpit na pagkakatali rito.

Nilapitan niya ito at marahas na inalis ang busal mula sa bibig nito. Malalim na huminga ang lalaki at saka malakas na nagsisigaw.

"Mga tarantado kayo! Sino ba kayo, ha! Ano'ng nagawa ko sa inyo!"

May ilang minuto pa niya itong tinitigan mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng kupas na pantalon at simpleng pulang stripe shirt.

"Pakawalan n'yo ako! Wala akong kasalanan sa inyo! Nakapagbayad na ako ng mga utang ko! Sino ba kayo!"

Bumaling siya sa malayo at huminga nang malalim. Kumuyom nang mariin ang mga kamao niya bago muling tinitigan ang binata, at saka tuluyang inalis ang telang nakapiring sa mga mata nito.

Mabilis itong natigilan nang matuon sa kaniya ang paningin. May ilang minuto pang namilog ang mga mata nito bago sumilay roon ang galit.

"Hayop ka! Sino ka ba, ha!" Nanginig sa galit ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status