Share

Chapter Seventeen

NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Russel bago nilingon ang asawang nakaupo sa ibabaw ng kama. Mabilis nitong binawi ang tingin pero nahuli niya ang mga mata nitong puno ng pagtataka habang nakatitig sa mukha niya.

Mariin siyang lumunok. Mahigpit niyang hinawakan ang selpon bago nakangiting binalingan ang babae. "Baby, give me a minute. Request mula sa VIP client ang file na ipinadala sa akin ni Aliyah. I just need to check this."

Nang-uunawang ngumiti si Megara bago tumango sa kaniya. "Sure, baby. Take your time."

Tumalikod siya at lumabas ng kuwarto nila. Mula sa itaas ay bumaba siya patungo sa kusina at doon binuksan ang bidyo na ipinadala ni Narissa.

Lalong humigpit ang paghawak niya sa selpon nang bumungad sa kaniya ang sariling bidyo ng dalaga. Nakaupo ito sa gitna ng isang malambot na kulay rosas na kama. Walang itong kasuotan sa katawan pero natatabunan ng manipis na puting tela ang dibdib nito pababa sa gitna ng dalawang hita. Maliban

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
Naguguluhan kana Russel..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status