Share

Chapter Eight

MARAHAS na nagbuga ng hangin si Russel bago mabilis na hinawakan ang kamay ni Narissa at pilit iyong inaalis mula sa nakaumbok niyang pantalon.

"Stop this, Miss Castelar. Hindi na ako natutuwa."

Ngumiti lang ito sa sinabi niya. Binawi nito ang kamay at bahagya pa iyong itinaas bago nakaarko ang mga kilay na umiling.

"Okay, but in one condition."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit ba napakahilig mo sa mga kundisiyon?"

Nagkibit ito ng balikat, naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. "Let's play. Bored ako."

"Maglaro ka kung gusto mo. Aalis na ako." Tinalikuran niya ito pero muli siyang pinigilan ng babae sa braso.

Humakbang ito patungo sa harap niya at makahulugang ngumiti. Tila naglalaro lang ito nang pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at nagpipigil ng ngiting tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

"I get it. Natatakot ka siguro, right?"

"Natatakot?" Sa pagkakataong iyon, halata na ang inis sa bose

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status