MATAGAL na nakatulala si Russel sa mukha ng lalaki matapos ng mga narinig mula rito. Nagbalik sa kaniya ang mga panahon kung kailan binasura ng korte ang kasong sinampa ng pamilyang Santos laban sa kaniya.
Tandang-tanda niya ang mga hiyaw at pagtangis ng ina ni Jandra Santos nang tuluyan silang makasakay ng kotse. Ilang araw rin itong nanatili sa labas ng mansiyon nila at paulit-ulit na nagwawala at humihiyaw habang humihingi ng katarungan.
Mariin siyang lumunok. "Imposibleng hindi mo alam na asawa ko si Megara. Bakit kailangan mo pang lapitan ang asawa ko? Hindi pa ba sapat ang sampung milyon para sa pagtahimik mo!"
"Kahit kailan, walang perang makatutumbas sa panaghoy ng konsensiya na gabi-gabing bumabagabag sa amin!"
Galit niya itong kinuwelyuhan gamit ang isang kamay at malakas na hinila papalapit sa kaniya. "Puwes, ano pang kailangan mo! Bakit mo ba ito ginagawa!"
"Wala! Sinabi ko na, hindi ba? Kinailangan ni Megara ang serbisiyon ko! Hanggang
MATAGAL na nakatitig si Russel sa pinto ng apartment ni Megara habang iniisip ang mga dapat gawin at sabihin. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng lalaking si Kane Agsunta, tila lumulutang na sa ere ang utak niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Simula nang makita niyang lumabas si Meg mula sa isang hotel room kasama ang lalaking si Roy, isang bagay lang ang inisip niya, pinagtaksilan siya ng asawa. Pero ngayon, matapos malaman ang sitwasiyon nito, at pagkatapos ng mga bagay na narinig mula sa lalaking imbistigador, hindi na niya alam kung paano haharapin ang babae. Napakalaki ng kasalanan niya rito.Huminga siya nang malalim bago itinaas ang isang kamay at kumatok sa pinto. Malamlam ang mga mata niya habang hinihintay ang pagbukas ng pintuan. Lahat ng minimorya niyang salita at kung anu-ano pang mga bagay na binalak gawin, mabilis na naglaho ngayong segundo na lang ang hinihintay para sa muli nilang pagkikita.Nang tuluyang bumukas ang pintuan, bumunga
ILANG beses na lumunok si Megara matapos marinig ang sinabi ni Russel. Hindi magawang magsalitang tinitigan niya ang buong mukha nito. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng lalaki.Huminga siya nang malalim bago nag-iwas ng tingin. Pilit niyang iniisip ang mga sinabi nito sa kaniya, lalo na ang sakit na tinutukoy nito.Napapailing siyang muling nag-angat ng mukha sa asawa. "I don't understand."Mariin itong pumikit saka humugot ng malalim na hangin. Muli nitong kinuha ang kamay niya at malungkot iyong tinitigan. Halata na nahihirapan itong magsalita—hirap na hirap sa pagsasabi sa kaniya ng totoo."I was a teenager back then. Isang taon bago ako tuluyang iniwan ni Papa, I met a girl named Jandra Santos. She was a nursing student, a few years older than me. Naging girlfriend ko siya at ilang beses may nangyari sa amin bago ko tuluyang nasabi sa kaniya ang tungkol sa kondisiyon ko."Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Nakita niya ang pamumula
NAKAUPO sa harap ng maliit na dining table nito si Megara habang nakatulala at patuloy na iniisip ang mga bagay na nalaman niya.Nagsalin siya ng alcohol sa baso niya na puno ng ice cubes. Matagal niya iyong tinitigan bago nilingon ang ibabaw ng kama kung saan naroon ang isang bouquet ng mga bulaklak ng peonies, isang middle size na teddy bear, at isang box ng expensive chocolate.Kanina lang ay natanggap niya ang mga ito mula sa isang delivery guy. Galing kay Russel ang mga ito. Nalaman niya iyon dahil sa maliit na card na kalakip ng mga bulaklak.Nagbuga siya ng hangin bago binawi ang tingin at diretsong nilagok ang alak na laman ng baso niya. Nakasulat sa card na babalik ito mamayang gabi.Marahas niyang ibinaba ang baso at matalim na tumitig sa kawalan. Iniisip niya kung ano ang puwedeng gawin para makaganti sa asawa at sa kabit nito. Gusto niyang mag-iwan ng isang alaala na hindi malilimutan ng dalawa bago siya tuluyang umalis.Aaminin niya, a
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos nitong maupo sa dulo ng kama nila ni Russel. Iginala niya ang tingin sa buong silid at hindi naiwasang hindi makaramdam ng paninikip ng dibdib.Pumayag siyang makipagbalikan dito sa kondisiyon na magkahiwalay sila ng tutulugan. Pumayag naman ito sa gusto niya. Sa ngayon, nasa sala ito at doon matutulog hanggang sa tuluyan silang magkaayos dalawa.Mapait siyang ngumiti. Alam naman niyang hindi na talaga sila magkakaayos. Kahit nandoon siya, ginagawa niya lang iyon para gawin ang paghihiganti rito, at hindi para isalba ang kasal nila.Malungkot siya. Kung puwede nga lang makipagbalikan dito at ayusin ang pagsasama nila, pero hindi na niya kaya. Naniniwala siya, na oras na niloko ka na ng isang lalaki, paulit-ulit ka na nilang lolokohin. At isa pa, matapos ng mga nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Russel, tila mas lalo siyang itinulak niyon palayo. May sakit ito, at hindi na nito mapipigilan ang kagustuh
MALAKAS na umungol ang lalaki nang sambitin niya ang pangalan nito. Lalo pa itong nagpumiglas at pilit kumawala sa mahigpit na pagkakatali rito.Nilapitan niya ito at marahas na inalis ang busal mula sa bibig nito. Malalim na huminga ang lalaki at saka malakas na nagsisigaw."Mga tarantado kayo! Sino ba kayo, ha! Ano'ng nagawa ko sa inyo!"May ilang minuto pa niya itong tinitigan mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng kupas na pantalon at simpleng pulang stripe shirt."Pakawalan n'yo ako! Wala akong kasalanan sa inyo! Nakapagbayad na ako ng mga utang ko! Sino ba kayo!"Bumaling siya sa malayo at huminga nang malalim. Kumuyom nang mariin ang mga kamao niya bago muling tinitigan ang binata, at saka tuluyang inalis ang telang nakapiring sa mga mata nito.Mabilis itong natigilan nang matuon sa kaniya ang paningin. May ilang minuto pang namilog ang mga mata nito bago sumilay roon ang galit."Hayop ka! Sino ka ba, ha!" Nanginig sa galit ang
NAGMAMALAKING ngumiti si Russel habang nakatanaw sa asawang si Megara. Nakaupo pa rin ang babae sa VIP table at sunod-sunod na uminom ng alak habang nakatuon ang tingin sa cell phone nito. Hindi niya mapigilang hindi hilingin na sana ay siya ang gustong tawagan o text-an ng asawa. Pero sino bang binibiro niya? Galit pa rin ito kaya malamang, kung may padadalhan nga ito ng text ay ang imbistigador iyon at hindi siya. Hindi nga siya nagkamali. Maya-maya lang ay nakatanggap na siya ng text mula sa lalaking si Kane. F-in-orward nito sa kaniya ang text mula kay Meg. "Lalasingin ko ang sarili ko. Ikaw na ang bahala sa akin." Huminga siya nang malalim sa nabasa. Muli siyang um-order ng isang baso ng alak bago muling tinanaw ang babae. Bahagya siyang nakaramdam ng pag-aalala nang makita kung paano uminom si Megara. Ngayon niya lang ito nakitang ganoon. Hindi naman marunong maglasing ang babae, natuto lang itong uminom noong nagrerebelde na sa kaniya d
MATAGAL na tinitigan ni Megara ang nangingislap na mga mata ni Russel. Puno ng emosiyon ang mga iyon at nagsusumamo sa kaniya.Sa loob nang ilang segundo, aaminin niyang gusto niyang bumigay sa mga sinabi nito. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig ng lalaki, pero hindi niya magawang tanggapin na lang ang lahat. Hindi niya kayang sabihin at aminin dito ang mga itinatago ng puso niya.Huminga siya nang malalim at mariin na lumunok. "I-I need to go."Akmang tatayo siya subalit mabilis siyang pinigilan ni Russel. "No, Meg. Stay. Hangga't hindi natin napag-uusapan ito, hindi ka puwedeng umalis.""Puwede ba, Russel? G-gusto ko nang maligo! Nagugutom na rin ako!""May shower dito! If you want, we can just order foods!"Mariin siyang lumunok habang nakatitig sa mukha ni Russel. Ayaw niyang tuluyang pumayag sa gusto nitong mangyari. Nararamdaman niyang ilang sandali na lang, bibigay na siya rito.Ayaw niya. Hindi na kakampi kundi kalaban ang tu
NAKANGITING ibinaba ni Megara ang dalawang plato ng fried shrimp at grilled chicken breast, saka tuluyang umupo sa upuang katapat ng lalaking si Kane.Katatapos niya lang magluto para sa lunch. Doon kakain ang imbistigador dahil may pag-uusapang mahalaga ang dalawa. Ayon kay Russel, may binabalak ang mga itong gawin para mahuli ang lalaking si Rinhu Tianok. Napag-alaman niyang iyon pala ang pangalan ng lalaking sumusunod at nagmamatyag sa kaniya.Nag-umpisa silang kumain habang nag-uusapan sina Russel at Kane. Hindi siya sumingit sa usapan ng mga ito. Nanatili siyang tahimik habang may sariling iniisip."Ano? May hinala ka na kung sino ang nasa likod nito?" nakuha ng imbistigador ang atensiyon niya nang marinig ang sinabi ng lalaki.Nabungaran niya itong seryosong nakatingin sa asawa niya. Nang balingan naman niya si Russel, tumingin din ito sa kaniya at may maliit na ngiti sa mga labi nang hawakan ang kamay niya.Muli itong bumaling sa imbistigado