"Salamat Kaeden," ani Kelly kay Kaeden nang maihatid na siya nito sa tapat ng building ng hotel na tinutuluyan niya.
"Lunch siguro sapat nang bayad," anito habang hinimas pa ang tiyan.
Oo nga pala may ka-meeting ito sa restaurant pero hindi natuloy dahil hinatid siya nito.
"Sige, masarap ang pagkain sa restaurant malapit dito," alok ni Kelly kay Kaeden na kaagad namang ngumiti.
Dahil malapit lang ang restaurant kaya naglakad na lang sila.
"Yan lang ang kakainin mo?" tanong nito nang makitang salad at iced tea lang ang lunch ni Kelly. "Baka masobrahan ka naman sa diet. Kaya siguro pumayat ka nang ganyan. Ang cute mo noong medyo chubby ka pa."
"Ah... talaga, pero ang hirap rin kumilos kapag sobrang taba. Mas tumaba kasi ako noong nag-18 ako. Ayaw ko nang bumalik sa ganoong katawan kaya..."
"Kelly, hindi naman dahil kumain ka nang marami tataba ka na. Sabi ni Tess hormonal imbalance ang dahilan ng pagtaba mo noon kaya I'm sure, maiingatan mo ang sarili mo nang hindi mo dinidipribe ang sarili mo sa pagkaing gusto mo," paalala ni Kaeden.
"Sige tatandaan ko 'yan. Pero nag-early lunch kasi ako kanina kaya ito lang kakainin ko ngayon. Kain ka na rin," alok ni Kelly.
Naging magana ang pagkain ni Kaeden at pansin niyang panay ang sulyap nito sa kanya at namumula rin bahagya ang mukha nito sa tuwing titiganan siya ni Kelly. Tanda ni Kelly kung gaano kabait si Kaeden. Nang biglang lumobo ang katawan niya kahit hindi naman siya malakas kumain noon, akala niya magbabago ang pakikitungo nito sa kanya.
Dalawang taon noon sa high school na siya ang Miss Campus representative, pero noong nagsimulang lumaki ang katawan niya, maraming nanuya sa kanya na para bang kasalanan niyang bigla siyang tumaba. Nadepress siya noon, pero si Kaeden hindi nagbago ng pakikitungo sa kanya. Kaya lang lalo siyang na-bully noon. Kaya noong isang taon na lang bago siya magtapos sa high shool ay pinilit niya ng Lolo Wilfred niya na mag-homeschooling na lang. Si Tess at si Kaeden lang ang alam niyang totoo sa kanya noon.
"Bakit ka nga ba biglang umalis noon, Kaeden?" usisa niya. "Buti na lang hindi ako iniwan ni Tess, kaya pati sa New Zealand sinundan niya talaga ako. Ang suwerte ko na may bestfriend akong tulad niya," pagmamalaking sabi ni Kelly.
"Dapat lang na hindi ka niya iwan," seryosong saad nito.
"Ano?" kunot-noong tanong ni Kelly na ikinatawa nito.
"Ang ibig kong sabihin, ganun talaga dapat ang mag-bestfriend," anito sabay iwas ng tingin.
"Ah basta si Tess pa rin ang pinaka-the best sa lahat," natatawang giit ni Kelly.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpalitan na sila ng number ni Kaeden. Ihinatid rin siya nito hanggang sa entrance ng hotel. Kaya't masaya siyang nakabalik sa unit niya. Pakiramdam niya siya ang may pinakasuwerteng kaibigan dahil nakatagpo siya ng totoong mga tao tulad nina Kaeden at Tess.
Pagkatapos niyang gawin ang ilang design para sa upcoming winter event ay nakaidlip siya.
****
"Sir, nasa isa sa mga hotel na pag-aari n’yo nakatira ang asawa n’yo," napatuwid si Zion ng upo sa sinabi ng detective.
"Sa Silvero Dove Hotel po," anito na ikinangisi niya.
"Good. Salamat Gian," excited na saad ni Zion saka tinapos ang tawag.
Mabilis siyang nagtungo sa residence niya para maligo ulit at magbihis. Naka-ilang palit pa siya ng damit. Para siyang tanga. Iyon ang pakiramdam niya.
"Sir may meet—"
"Cancel all my meeting today, Secretary Romelly."
"Sir... pero..." dinig pa niya ang protesta ni Romelly pero hinayaan na lang niya. Mas mahalaga na makita niya ang asawa niya ngayon.
Nagkagulo ang lahat nang dumating siya sa hotel. Pati ang hotel manager ay napatakbo pa para salubungin siya.
"Sir, masaya kaming madalaw n’yo ang branch namin," anang ni Mr. Locsin na pinunasan pa ang nangingintab na noo nito.
"Actually hindi ako dumalaw para sa business matter. Nandito kasi ang asawa ko," pabulong na saad ni Zion.
"Talaga, sir? May asawa—"
"Sshh!" sinenyasan niyang tumahimik si Mr. Locsin. "Make sure to give her special treatment habang nandito siya. May kaunting misunderstanding lang kami kaya umalis siya ng bahay."
"Ah sige sir, ihahatid ko na ba kayo sa unit niya, sino pala ’yong misis mo?" usisa nito.
"Unit 680. Kelly Bernardo Arcangel. She's my wife. Make sure she's comfortable while she's here," ulit niya saka siya iniwan.
Gusto niyang matawa sa sarili niya. Noon halos ipagsigawan niyang single siya. Pero ngayon siya pa mismo ang nagkakalat na may asawa na siya.
"Pambihira! Barya lang naman ang ten million na pustahan namin pero kapag natalo ako pride ko naman ang masasaling at iyon ang hindi ko matatanggap," isip niya.
Papasok na siya sa lift nang napahinto siya.
"Sir?" takang tanong ni Mr. Locsin na nakasunod pala sa kanya.
"Kailangan ko pa ba ng bulaklak?" bigla siyang ngumiti sa tanong.
****
Naalimpungatan si Kelly sa katok sa pinto. "May room cleaning na ba?" Inaantok na bumangon siya. Nagpatong lang siya ng bathrobe saka lumapit sa pinto.
Subalit ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang isang bouquet ng bulaklak na ikina-atra niya. Base sa tindig ng taong may hawak noon ay mukhang matangkad at matipuno ang katawan nito. Nanunoot rin sa ilong niya ang panlalaking amoy nito. Mabango iyon at hindi masakit sa ilong. Pero kumati ang ilong niya dahil sa mga bulaklak.
Lalo na nang ibaba nito iyon. Natakpan pa niya ang bibig at ilong niya dala na rin ng pagkagulat nang makita niya si Zion.
"Surprise!" anito sabay kindat. At basta na lang pumasok sa unit niya.
"Teka, paano mo nalamang nandito ako? Saka ano'ng ginagawa mo—" hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang bumahing.
"Achoo!" sunod-sunod ang bahing niya. "Please... alisin mo ’yan..." pakiusap niya sa kanya sa maluha-luhang mata. At sunod-sunod na siyang napabahing.
Tarantang kumilos naman si Zion at inilabas ang bulaklak. "Sorry, may allergy ka pala sa flowers," dinig niyang saad nito pero hindi na lang niya pinansin.
Kinuha niya ang gamot sa bag niya at mabilis na uminom. Kumuha na lang siya ng panyo para takpan ang siguradong namumula niyang ilong. May severe allergy siya sa pollens simula pagkabata.
"Pasensya na!" may emosyong dumaan sa mata nito. "May kaibigan ako noon na may allergy rin sa bulaklak," saad ni Zion na ikinatitig niya dito. "Malaki na siguro siya ngayon," tila nangangarap na dagdag pa nito.
"Anong ginagawa mo dito? Saka paano mo nalamang nandito ako?" sunod-sunod na tanong ni Kelly. Hindi niya sinabi sa kanyang Lolo Wilfred ang pangalan ng hotel na tinutuluyan niya.
"I have my ways, Kelly."
"So, bakit pumunta ka pa dito? At may pabulaklak ka pang nalalaman? Para saan naman ’yon? Hindi mo naman siguro akong planong suhulan dahil hindi naman ako tutol sa annulment na gusto mo," usig ni Kelly.
Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagkasira ng guwapong mukha ni Zion.
"Huwag kang mag-alala hindi naman kita tatakasan. Tatawagan mo lang ako kung hawak mo na ang mga dokumento. Or I can get it for you kung busy ka," dagdag pa niya.
"Bakit parang bigla kang nagmamadaling makipaghiwalay ngayon, Kelly?" usig ni Zion na ikinatawa niya, saka kinusot ng panyo ang ilong niya.
"Ako ba ang nagmamadali? For all we know ikaw itong diring-diri sa akin noon nang ipakasal ako sa’yo ng Lolo mo. Hinding hindi ko nakakalimutan ang sinabi mo noon. At hindi ba kaya mo nga ako pinauwi ng madalian? Magpapakasal ka na ba sa isa sa mga babaing idinidate mo?"
Muntik na itong masamid sa sinabi niya.
"Huwag kang mag-alala, hindi na rin naman ako interesado pa. Narealize kong sayang lang rin ang efforts ko. Alam mo ba kung bakit pumayag akong magpakasal sa’yo noon?" tanong nita na ikinatitig nito sa kanya. "Gusto kasi kita, kaso hindi mo ako gusto."
Kitang-kita niyang nanlaki ang mata nito at namula ang mukha ni Zion.
"Yan, nasabi ko na. Naisip kong tama lang ’yon para magaan sa pakiramdam ko." Inginuso niya ang pintuan. "May gagawin pa ako kaya kung puwede..."
"N-Nggayon... hindi mo na ako gusto?" parang batang tanong ni Zion sa kanya.
"Hmmp... I clearly heard you say na single ka nang gabing ’yon. I realized I just wasted my time on you. Pero hindi mo naman kasalanan ’yon, nagkataon lang na mataba kasi ako, hindi nag-aayos at hindi ’yon pasado sa standard mo."
Para sinisipa ni Kelly kay Zion ang bawat bigkas nito ng salita. Pumayag itong magpakasal dahil gusto siya noon?
"Gusto mo na talaga ako noon?" wala sa sariling tanong ni Zion.
Ngumiti si Kelly. "Ano pang saysay ng nakaraan kung nandito na tayo sa kasalukuyan. Pero dahil naman sa’yo kaya nagsumikap akong baguhin ang buhay ko. Kaya sa tingin ko, karapatan nating pareho ang lumaya sa kasal natin. Iyon na rin ang gusto ko ngayon."
Sumilay ang ngiti sa magandang labi nito.
Habang siya, parang dinudurog ng pison ang pagkatao niya nang ngiting ’yon.
"Why the hell am I feeling this pain? Bakit masakit na ayaw na sa kanya ni Kelly?" Iyon ang tumatakbo sa isip niya na hindi niya alam kung bakit.
"Kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na," taboy nito sa kanya.
"Kelly kasi... Iyong tungkol sa annulment. Galit na galit sa akin si Lolo at—"
"Don’t worry. I’ll talk to Lolo Enrile. Galit lang iyon kasi nahihiya ’yon sa Lolo ko. Ako nang bahalang magpaliwanag pag-uwi ko."
"Siguro sa’yo hindi magagalit ’yon. Pero sa akin... Sabi niya kukunin raw niya ang shares niya kapag natuloy ang annulment at ipapamana niya doon sa isang apo niya na hindi ko pa nakikilala. Kaya..." Hindi niya alam kung anong pinagsasabi niya ngayon. Mukha siyang desperado sa harap ni Kelly.
Totoong may pinsan siyang hindi pa nakikilala kahit minsan, at totoong ililipat daw ni Lolo Enrile ang mamanahin niya sa pinsang iyon kapag hindi niya pinakasalan noon si Kelly kaya wala siyang choice noon kundi ang sumunod at pumayag.
"Kaya..."
"Bakit nagdesisyon kang makipaghiwalay kung ganun pala?" sansalang usig nito. "At ano naman ang pakialam ko sa mamanahin mo. Mayaman ka na kaya okay lang kahit ipamana ni Lolo Enrile sa iba ang shares niya. Hindi ba, Mister Billionaire?" patuyang saad nito na para bang alam niyang nagsisinungaling si Zion.
Updated pala ito tungkol sa status niya. A year ago na-feature siya sa Elite magazine at binigyan ng nickname na Mister Billionaire nang manalo at mapili siya bilang Young Business Entrepreneur ng Asia.
Pero knowing Kelly’s being aware of his career the past years, parang gusto na niyang yakapin ito. Naantig ang puso niya.
Masamang-masama ang loob ni Zion sa kanyang nakikita. Kung nakakamatay lamang ang kanyang matalim na tingin, baka kanina pa bumulagta si Rayver.Nagtatawanan pa rin kasi sina Kelly at Rayver. Masaya si Kelly sa presensya ng lalaki, bagay na hindi ipinaramdam sa kanya noon ng kanyang asawa. Kung sana ganito lang ka-effort si Zion sa kanya noon, baka sakaling pagbigyan niya pa ito.Nang maggagabi na, nag-aya ng umuwi si Rayver at ihahatid siya. Doon na lumapit si Zion at hinawakan ang kanyang asawa. Hindi na kasi siya makatiis, baka saan pa dalhin ng gagong lalaki ang kanyang asawa. Kahit naman ongoing ang process ng annulment nilang dalawa ni Kelly, sa mata ng batas ng tao, legal pa rin silang mag-asawa.“Zion, anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba talaga ako?” gulat na tanong ni Kelly. Kasi nang magkahiwalay sila ng bahay, alam niya na wala na silang pakialamanan sa bawat isa.“Sinusundo ka,” mariing wika ni Zion.“Talaga ba? Bakit hindi ka na lang mag-enjoy or buhay binata kagaya
Habol-hininga sila nang matapos sa pagpapaligaya sa isa’t isa. Nahiga si Zion sa tabi ni Kelly at niyakap niya ito nang mahigpit.Kinaumagahan, masakit ang buong katawan ni Kelly. Pakiramdam niya para siyang nabugbog ng maraming tao. Babangon sana siya kaso nahihirapan talaga siya kaya nanatili siyang nakahiga. Nang dumilat ang mga mata ni Zion ay nakangiting bumati sa kanya.“Good morning, wife. How’s your sleep?” tanong nito. Tila good mood ang umaga nito.“Okay naman. Masakit lang ang katawan ko.”“Sorry, hindi ko kasi alam. Akala ko–”“Akala mo basta na lang ako bumibigay kunga kanino-kanino, ganon ba? Pangit lang ang katawan ko noon pero maingat ako sa sarili ko,” sagot ni Kelly at parang bumalik na naman sa kanya ang sakit.“H-Hindi... sa ganon iyon,” giit ni Zion.Bumangon siya at nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet, napangiti siya at talagang virgin pa ang kanyang asawa.****Dalawang araw makalipas ang nangyari kina Zion at Kelly ay nagpaalam na sila na babalik na sa Ma
Maayos naman ang buhay nila Zion at Kelly sa probinsya. Hindi pa rin naman natigil si Zion sa panunuyo sa kanyang asawa kahit na may nararamdaman ito. Ang hindi alam ni Kelly ay medyo bumubuti na rin ang kalagayan ng paa ni Zion pero inililihim lang nito. Natakot kasi ito na baka iwan siya ni Kelly kapag nalaman na may magandang progress na nangyayari sa mga paa niya.Kagaya kanina nagpautos siya na bilhan sa bayan si Kelly ng bungkos na mga bulaklak.Pagkagising ni Kelly may bulaklak na sa ibabaw ng table niya. Nang maupo siya at kunin ito binasa niya ang nakasulat sa notes.“To my dearest, baby Kelly...”Ayon lang ang laman ng notes. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman kung kanino galing ang bulaklak. Para tuloy siyang tanga na pangiti-ngiti habang hawak ang bulaklak.Nag-ayos na siya ng kanyang sarili at pinuyod na lamang niya ang kanyang buhok.Pagbaba niya sa sala wala roon si Zion. Napaisip siya kung saan nga ba nagpunta ito. Nasanayan na rin naman siya na hindi na ito nagpap
Habol ni Kelly ang kanyang paghinga dahil kanina pa kabog ng kabog ang kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang biglang magtama ang kanilang mga mata. Batid naman niya na mahal niya noon ang asawa, dahilan lamang na ang galit sa puso niya ang nanaig.Nang pinadala siya nito sa ibang bansa, halos isumpa niya si Zion. Pero malaking pasasalamat niya rin rito dahil kung hindi siya pinadala nito sa ibang bansa, hindi niya babaguhin ang kanyang sarili, na para rin naman sa kanya.Nang matapos si Zion sa paggamit ng comfort room, tinawag siya nitong muli.“Baby,” pang-aasar nito.Lumapit siya at inalalayan ito. “Sinabi ko na sa’yo, Zion, huwag mo akong matawag-tawag na baby. Hindi na tayo mag-asawa pa ngayon. Baka nakakalimutan mo na ikaw pa mismo ang nanghiling ng kalayaan mo,” inis na wika ni Kelly at talagang naiirita siya sa asawa.“Bakit ka ba sa akin laging nagagalit, huh? Look, hindi pa ba sapat na binuwis ko ang buhay ko para sa kaligtasan mo? Hindi pa ba
"Mamaya o bukas makakatayo ka na nang maayos, pero iwasan mo munang magbuhat ng mabigat at huwag pabigla-biglang kumilos. May naipit na ugat kaya hirap ka maglakad. Hindi kasi naniniwala ang mga doctor sa hilot-hilot eh," paliwanag ni Aling Susan matapos hilutin si Zion."Ito, Iha. Pahiran mo nito ang balakang at likod ng asawa mo bago matulog, saka masahiin mo na rin ng kaunti. Pero huwag madiin para makarecover agad ang asawa mo," baling nito kay Kelly habang pinanood niya ang paghihilot kay Zion.May alam si Kelly sa pagmamasahe dahil na rin kay Aling Susan. Lumaki siya sa bahay na may hilot, kaya hindi na bago sa kanya ang ilang galaw.Nag-aalangan man siya, ibinigay pa rin nito sa kanya ang bote na may langis. Mabango ito at minty ang amoy, parang pinagsamang peppermint at basil. Mula raw ito sa pinaghalu-halong halamang gamot na niluto sa langis ng niyog.Hindi maintindihan ni Kelly kung bakit mas pinili ni Zion na manatili sa kanyang kuwarto kaysa umuwi sa kabilang bahay, kung
Nakauwi sila kinabukasan. Nasermunan si Zion ni Lolo Enrile dahil hindi na raw nito iginalang si Oscar. Parang apo na rin kasi ang turing nito sa anak ng dating katiwala. Si Lolo Enrile rin kasi ang nagpaaral kay Oscar bilang isang Agricultural Engineer.Pero sa kung anong dahilan, hindi gusto ni Zion ang atensyong ibinibigay nito sa asawa niya."Huwag mong pag-initan si Oscar, naiintindihan mo ba." Pinalo pa ni Lolo Enrile ang tungkod nito sa sofa sa tabi niya. "Malaki ang naitutulong niya sa hacienda natin. At hanggang ngayon ay isa siya sa pinaka maaasahan dito.""Nang-iinis kasi siya," asar na sambit ni Zion dito. "Sinasadya niya akong magselos! Alam naman niyang may asawa na si Kelly, dumidikit pa rin siya!""Bakit, nagseselos ka ba?" nakangisi nang saad nito na ikinabigla ni Zion. Siya? Di niya mapigilang mapatawa ng pagak."Ako, nagseselos... wala sa bokabularyo ko ang ganyan," giit niya dito. "I'm not the type to get jealous, for Pete’s sake and he’s too old for Kelly, at hind