Share

Chapter 39

last update Huling Na-update: 2025-10-08 17:24:54

Masamang-masama ang loob ni Zion sa kanyang nakikita. Kung nakakamatay lamang ang kanyang matalim na tingin, baka kanina pa bumulagta si Rayver.

Nagtatawanan pa rin kasi sina Kelly at Rayver. Masaya si Kelly sa presensya ng lalaki, bagay na hindi ipinaramdam sa kanya noon ng kanyang asawa. Kung sana ganito lang ka-effort si Zion sa kanya noon, baka sakaling pagbigyan niya pa ito.

Nang maggagabi na, nag-aya ng umuwi si Rayver at ihahatid siya. Doon na lumapit si Zion at hinawakan ang kanyang asawa. Hindi na kasi siya makatiis, baka saan pa dalhin ng gagong lalaki ang kanyang asawa. Kahit naman ongoing ang process ng annulment nilang dalawa ni Kelly, sa mata ng batas ng tao, legal pa rin silang mag-asawa.

“Zion, anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba talaga ako?” gulat na tanong ni Kelly. Kasi nang magkahiwalay sila ng bahay, alam niya na wala na silang pakialamanan sa bawat isa.

“Sinusundo ka,” mariing wika ni Zion.

“Talaga ba? Bakit hindi ka na lang mag-enjoy or buhay binata kagaya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 39

    Masamang-masama ang loob ni Zion sa kanyang nakikita. Kung nakakamatay lamang ang kanyang matalim na tingin, baka kanina pa bumulagta si Rayver.Nagtatawanan pa rin kasi sina Kelly at Rayver. Masaya si Kelly sa presensya ng lalaki, bagay na hindi ipinaramdam sa kanya noon ng kanyang asawa. Kung sana ganito lang ka-effort si Zion sa kanya noon, baka sakaling pagbigyan niya pa ito.Nang maggagabi na, nag-aya ng umuwi si Rayver at ihahatid siya. Doon na lumapit si Zion at hinawakan ang kanyang asawa. Hindi na kasi siya makatiis, baka saan pa dalhin ng gagong lalaki ang kanyang asawa. Kahit naman ongoing ang process ng annulment nilang dalawa ni Kelly, sa mata ng batas ng tao, legal pa rin silang mag-asawa.“Zion, anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba talaga ako?” gulat na tanong ni Kelly. Kasi nang magkahiwalay sila ng bahay, alam niya na wala na silang pakialamanan sa bawat isa.“Sinusundo ka,” mariing wika ni Zion.“Talaga ba? Bakit hindi ka na lang mag-enjoy or buhay binata kagaya

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 38

    Habol-hininga sila nang matapos sa pagpapaligaya sa isa’t isa. Nahiga si Zion sa tabi ni Kelly at niyakap niya ito nang mahigpit.Kinaumagahan, masakit ang buong katawan ni Kelly. Pakiramdam niya para siyang nabugbog ng maraming tao. Babangon sana siya kaso nahihirapan talaga siya kaya nanatili siyang nakahiga. Nang dumilat ang mga mata ni Zion ay nakangiting bumati sa kanya.“Good morning, wife. How’s your sleep?” tanong nito. Tila good mood ang umaga nito.“Okay naman. Masakit lang ang katawan ko.”“Sorry, hindi ko kasi alam. Akala ko–”“Akala mo basta na lang ako bumibigay kunga kanino-kanino, ganon ba? Pangit lang ang katawan ko noon pero maingat ako sa sarili ko,” sagot ni Kelly at parang bumalik na naman sa kanya ang sakit.“H-Hindi... sa ganon iyon,” giit ni Zion.Bumangon siya at nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet, napangiti siya at talagang virgin pa ang kanyang asawa.****Dalawang araw makalipas ang nangyari kina Zion at Kelly ay nagpaalam na sila na babalik na sa Ma

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 37

    Maayos naman ang buhay nila Zion at Kelly sa probinsya. Hindi pa rin naman natigil si Zion sa panunuyo sa kanyang asawa kahit na may nararamdaman ito. Ang hindi alam ni Kelly ay medyo bumubuti na rin ang kalagayan ng paa ni Zion pero inililihim lang nito. Natakot kasi ito na baka iwan siya ni Kelly kapag nalaman na may magandang progress na nangyayari sa mga paa niya.Kagaya kanina nagpautos siya na bilhan sa bayan si Kelly ng bungkos na mga bulaklak.Pagkagising ni Kelly may bulaklak na sa ibabaw ng table niya. Nang maupo siya at kunin ito binasa niya ang nakasulat sa notes.“To my dearest, baby Kelly...”Ayon lang ang laman ng notes. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman kung kanino galing ang bulaklak. Para tuloy siyang tanga na pangiti-ngiti habang hawak ang bulaklak.Nag-ayos na siya ng kanyang sarili at pinuyod na lamang niya ang kanyang buhok.Pagbaba niya sa sala wala roon si Zion. Napaisip siya kung saan nga ba nagpunta ito. Nasanayan na rin naman siya na hindi na ito nagpap

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 36

    Habol ni Kelly ang kanyang paghinga dahil kanina pa kabog ng kabog ang kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang biglang magtama ang kanilang mga mata. Batid naman niya na mahal niya noon ang asawa, dahilan lamang na ang galit sa puso niya ang nanaig.Nang pinadala siya nito sa ibang bansa, halos isumpa niya si Zion. Pero malaking pasasalamat niya rin rito dahil kung hindi siya pinadala nito sa ibang bansa, hindi niya babaguhin ang kanyang sarili, na para rin naman sa kanya.Nang matapos si Zion sa paggamit ng comfort room, tinawag siya nitong muli.“Baby,” pang-aasar nito.Lumapit siya at inalalayan ito. “Sinabi ko na sa’yo, Zion, huwag mo akong matawag-tawag na baby. Hindi na tayo mag-asawa pa ngayon. Baka nakakalimutan mo na ikaw pa mismo ang nanghiling ng kalayaan mo,” inis na wika ni Kelly at talagang naiirita siya sa asawa.“Bakit ka ba sa akin laging nagagalit, huh? Look, hindi pa ba sapat na binuwis ko ang buhay ko para sa kaligtasan mo? Hindi pa ba

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 35

    "Mamaya o bukas makakatayo ka na nang maayos, pero iwasan mo munang magbuhat ng mabigat at huwag pabigla-biglang kumilos. May naipit na ugat kaya hirap ka maglakad. Hindi kasi naniniwala ang mga doctor sa hilot-hilot eh," paliwanag ni Aling Susan matapos hilutin si Zion."Ito, Iha. Pahiran mo nito ang balakang at likod ng asawa mo bago matulog, saka masahiin mo na rin ng kaunti. Pero huwag madiin para makarecover agad ang asawa mo," baling nito kay Kelly habang pinanood niya ang paghihilot kay Zion.May alam si Kelly sa pagmamasahe dahil na rin kay Aling Susan. Lumaki siya sa bahay na may hilot, kaya hindi na bago sa kanya ang ilang galaw.Nag-aalangan man siya, ibinigay pa rin nito sa kanya ang bote na may langis. Mabango ito at minty ang amoy, parang pinagsamang peppermint at basil. Mula raw ito sa pinaghalu-halong halamang gamot na niluto sa langis ng niyog.Hindi maintindihan ni Kelly kung bakit mas pinili ni Zion na manatili sa kanyang kuwarto kaysa umuwi sa kabilang bahay, kung

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 34

    Nakauwi sila kinabukasan. Nasermunan si Zion ni Lolo Enrile dahil hindi na raw nito iginalang si Oscar. Parang apo na rin kasi ang turing nito sa anak ng dating katiwala. Si Lolo Enrile rin kasi ang nagpaaral kay Oscar bilang isang Agricultural Engineer.Pero sa kung anong dahilan, hindi gusto ni Zion ang atensyong ibinibigay nito sa asawa niya."Huwag mong pag-initan si Oscar, naiintindihan mo ba." Pinalo pa ni Lolo Enrile ang tungkod nito sa sofa sa tabi niya. "Malaki ang naitutulong niya sa hacienda natin. At hanggang ngayon ay isa siya sa pinaka maaasahan dito.""Nang-iinis kasi siya," asar na sambit ni Zion dito. "Sinasadya niya akong magselos! Alam naman niyang may asawa na si Kelly, dumidikit pa rin siya!""Bakit, nagseselos ka ba?" nakangisi nang saad nito na ikinabigla ni Zion. Siya? Di niya mapigilang mapatawa ng pagak."Ako, nagseselos... wala sa bokabularyo ko ang ganyan," giit niya dito. "I'm not the type to get jealous, for Pete’s sake and he’s too old for Kelly, at hind

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status