CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

last updateHuling Na-update : 2025-09-19
By:  Huling ParalumanIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
44Mga Kabanata
2.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?

view more

Kabanata 1

KABANATA 1

“Ginang Lily, ito lang po ang collection natin nitong linggo. ‘Yong ibang clients po, kahit araw-arawin pa naming balikan, hindi talaga nagbibigay.”

May kabigatang sabi ko habang iniabot ang maliit na puting sobre. Nanginginig pa ang daliri ko habang hawak-hawak iyon. Hindi dahil sa kaba—sanay na ako sa responsibilidad—pero dahil sa bigat ng katotohanang kasamang nilalaman ng sobre ang natitirang pag-asa ko.

Kinuha iyon ni Ginang Lily, pagod ang mga mata n’yang tila pinilit pa lang magising. Isa-isa niyang binilang ang pera, bagamat alam kong kabisado na niya ang laman. Six thousand pesos. Sampung porsyento lang ng kinikita naming koleksyon taon-taon.

Sampung porsyento lang ng kinaya naming kitain dati, sa mga panahong ang tindahang ito’y buhay na buhay. Noon, punô ang bodega. Maingay ang show room. May tumatawang customers, may nag-aaway sa discount, may abalang pahinante. Pero ngayon, isang linggo, isang benta. Isang buwan, isang delivery.

Alam kong palugi na kami. Hindi lang ngayon, matagal na. Pero pilit pa rin akong umaasa. Umaasang baka may milagro. Umaasang baka makabawi pa.

Ako ang in-charge dito. Ako ang nagbabantay mula umaga hanggang sarado. Ako ang nagtutulungan ng kape ni Ginang Lily kapag dumadalaw siya. Ako ang nag-aayos ng delivery schedules, nagpapalista ng utang ng suki, umaasikaso ng supplier. Para ko nang bahay itong tindahan.

Kaya parang kinuyumos ang puso ko nang ibinalik ni Ginang Lily ang sobre sa aking palad.

“Ginang Lily…?”

Napakunot ang noo ko.

Ngunit dumiretso siya sa pagsasalita—mahina ang boses, pero matalim ang tama.

“Yan na ang sweldo mo ngayong kinsenas, Cordelia. At ‘yong sobra… separation f*e mo na lang. Pasens’ya ka na, hija, pero wala na akong ibang magagawa kundi ipasara ang tindahan. Araw-araw nalang akong nagdadagdag ng puhunan pero wala na talagang bumabalik.”

Napatitig ako sa kanya. Hindi ako agad nakakibo. Pakiramdam ko’y nawala ang gravity. Parang bigla na lang akong naitulak palayo sa sarili kong katawan.

“Ipasara mo na lang ‘to kay Raul. Pakisabi, ipadaan na lang niya sa bahay ang susi. Pasens’ya ka na talaga, Cordie. Alam kong may mapapasukan ka pang iba. Mabait kang bata, masipag, maasahan. Alam kong may kukuha sa’yo agad.”

Tumango lang ako kahit ramdam kong nanginginig na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng emosyon.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Galit? Hindi. Lungkot? Oo. Pero higit pa roon, takot.

Takot na mawalan. Takot na wala nang ibang magbukas na pinto para sa’kin. Takot na… baka hanggang dito nalang talaga ang kaya ko.

Pag-uwi ko sa bahay, parang wala nang natira sa katawan kong lakas. Hindi ito simpleng pagod. Hindi dahil sa init ng araw o bigat ng katawan, kundi dahil sa bangin na pakiramdam ko'y hinila ako pababa.

Naubos yata lahat ng lakas ko.

Tahimik akong naupo sa sahig, sa harap ng pintuan, nakasandal sa pader. Pakiramdam ko'y para akong basahan na basta na lang isinampay kung saan.

Paano na ako?

Paano na ang mga bayarin? Paano na ang plano kong bumalik sa pag-aaral? Matagal ko nang gustong ipagpatuloy ‘yon, pero inuna ko ang trabaho, ang pangkabuhayan, ang responsibilidad. At ngayon, pati ‘yon nawala na rin.

Nakakatawa, pero habang iniisip ko kung pa’no na ako kikita, sumagi sa isip ko ang lotto.

Sana manalo ako sa 6/42, kahit ngayong linggo lang.

Pero napailing ako. Paano ka mananalo, Cordelia, kung ni minsan hindi ka pa tumaya?

Isinubsob ko ang mukha ko sa palad ko. Para na talaga akong bida sa isang teleserye. Lahat ng malas, sinasalubong ako. Lahat ng sakuna, sinusundan ako.

Pero wala rin naman akong choice kundi ang magpakatatag. Kailangan kong maghanap ng ibang paraan. Kailangan kong bumangon. Kahit sa dami ng sugat, kahit bitbit ko pa rin ang bigat ng pagkatalo.

“Oh, Cordie! Bakit nakasalampak ka lang d’yan?”

Bigla akong napatayo.

“Auntie, nandito po pala kayo.” Agad akong lumapit sa kanya at nagmano.

Si Auntie Teresa. Ang matandang dalagang pinsan ni Mama. Siya na ang tumayong tagapag-alaga ko nang pumanaw si Mama. Siya ang dahilan kung bakit kahit papaano, may tahanan pa rin akong inuuwian. Kahit luma, kahit tahimik, basta andito ang mga alaala.

Pero bihira lang kaming magkita. Isang beses sa isang buwan lang kung umuwi siya mula sa karatig probinsya. Doon kasi siya naninilbihan bilang mayordoma sa isang marangyang pamilya—ang mga Romano. Sikat ‘yon sa lugar nila. Luma at may dugong maykaya.

“Oo, pauwi lang ako. Pero bukas ng umaga, balik na rin ako sa mansion. Nasabi kasi sa’kin ni Malyn—‘yong kapitbahay nating kasamahan mo—na isasara na pala ang tindahan ni Ginang Lily?”

Tumango ako at umupo sa tabi niya habang inilalapag niya ang mga dala niyang pagkain sa lamesa.

“Kaya nga ho, Auntie. Wala na ako ulit trabaho. Pero okay lang. Maghahanap po ako ng bagong mapapasukan.”

Ang totoo, hindi niya alam ang tunay kong plano. Hindi ko pa kayang amining gusto kong ituloy ang pag-aaral. Kasi minsan ko na siyang binigo noon. Pinag-aral niya ako, sinayang ko lang.

Ngayon, gusto ko nang bumawi. Pero ayokong abalahin pa siya.

“Halika na, Cordie. Kumain na tayo. Nagdala ako ng adobo at kanin.”

Napangiti ako kahit papaano. Sa mga panahong ganito, kahit simpleng hapunan lang, parang grasya na.

Habang kumakain kami, bigla siyang nagsalita.

“S’ya nga pala, kung gusto mo… ipapasok na lang kita kay Señorito Cassian. Naghahanap siya ng mag-aalaga sa anak n’ya.”

Napatigil ako sa pagsubo.

“Ho?” halos mabulunan ako. “Nanny po ako?”

Napaismid ako nang bahagya. Hindi dahil sa tingin kong mababa ang trabaho—sa totoo lang, okay naman sa’kin iyon. Pero… kay Señorito Cassian?

Si Señorito Cassian Romano.

Hindi ko siya kilala ng personal, pero ang daming kwento tungkol sa kanya. Laging nakakunot-noo, laging galit sa mundo, laging tahimik. Isa siyang misteryosong lalaki na parang may itinatagong bangungot. Maginoo, oo, pero hindi mabiro. Antipatiko. Walang bahid ng kalambingan.

At ngayon, ako raw ang gusto niyang alaga sa anak niya?

Lord, bakit parang ang teleserye ng buhay ko ay parang ayaw ko nang ituloy pero may bagong twist na naman?

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Alas Gatacelo
Sna bigyan n author NG ending to ang ganda p nman sna
2025-09-16 11:09:04
0
44 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status