Hindi alam ni Zion kung anong mararamdaman niya sa sandaling iyon. Ang babaing tinawag niyang isang Anghel, at itinuring na future wife niya kagabi sa club, ay ang mismong asawa niya.
Ang asawang ni-reject at ipinadala niya sa ibang bansa pagkatapos ng kasal para hindi siya maobligang pakisamahan ito. Dahil lang isa itong matabang babae at hindi nag-aayos noon.
Ang babaing sinabihan pa niya ng, "Uuwi ka lang nang bansa para sa annulment natin."
He clearly remember that.
Kaya sa halip na ilabas niya ang dala niyang dokumento na parang basura lang na inilagay niya sa bulsa nang umalis siya sa office, natagpuan niya ang sariling nagsisinungaling na lang kay Kelly na hindi niya dala ang dokumento.
Buong magdamag siyang hindi pinatulog ng asawa niyang hindi man lang niya nakilala.
"How stupid of me," inis niyang bulalas sa sarili.
Sa buong durasyon ng pag-uusap nila, hindi na ata gumana ang utak niya.
"Teka... Kelly saan ka..." dala ng pagkataranta niya nang aktong tatayo na ito ay mabilis niyang hinawakan sa kamay.
Baliw na ba siya para maramdaman niyang ayaw niyang umalis ito ngayon sa harapan niya?
At parang naiinsulto pa siya nang mabilis nitong bawiin ang kamay na tila nandidiri sa hawak niya.
Ramdam niya ang usig ng konsensya sa pagkatao niya. He was mean to Kelly kahit unang beses lang silang nagkita sa araw ng kasal nila noon.
Pero ano pa bang magagawa niya ngayon.
"I had no reason to stay."
Tila noon siya natauhan kaya napatitig ulit siya sa magandang mukha ni Kelly.
"Saka may mga gagawin pa ako. Tawagan o i-text mo na lang ulit ako kung ready na ang dokumento."
Tuluyan siyang inatake ng kaba nang tumayo si Kelly. Gusto niya itong pigilan pero paano? Anong idadahilan niya?
"Nice meeting you again Mr. Arcangel." Paalam nito at naglakad na palayo.
Tila may latigong humahagupit ngayon sa kalooban niya kaya nakuyom niya ang kanyang kamao. Nag-uunahan rin ang bilis ng pintig sa loob ng dibdib niya.
Hindi niya alam kung anong gusto niyang gawin ngayon. Hindi niya alam kung para saan, pero isa lang ang sigurado niya. Pagsisisihan niyang aalis si Kelly.
Kaya’t mabilis siyang tumayo at sinundan ito. Walang pagmamadali ang lakad ni Kelly pero pakiramdam niya napakalayo nito at ang hirap abutin.
Ramdam niya ang pagsunod ng tingin sa kanya ng mga lalaking naroon.
"Mukhang break up ang issue nila, sayang!" dinig niyang saad ng isang lalaki.
Muli na naman siyang inusig ng konsensya. For five years, he kept telling everyone and acting like he was a single man. Pero si Kelly, sinabi nito sa mga lalaking iyon na may asawa na siya. He clearly heard that.
Kaya’t lalo siyang inuusig ng guilt na hindi niya alam kung para saan. Binilisan pa niya ang hakbang para maabutan ang asawa niya. At gusto pa niya itong takbuhin nang makita niyang muntik na itong matisod.
Kinabahan siya. Kaya’t mabilis siyang napatakbo subalit bago pa man niya masagip si Kelly, isang lalaki ang bigla na lang sumulpot mula kung saan.
"Careful Miss," dinig niya ang malalim na tinig ng lalaki.
"Sa... salamat," tila nahihintakutang saad ni Kelly na napahawak sa braso ng lalaki.
At kitang-kita niyang nagkatitigan ang mga ito. Biglang sumilay ang magandang ngiti sa labi ng lalaki as if he knew Kelly.
"Kelly Bernardo?" It was like something had hit him nang tawagin ng lalaking iyon si Kelly.
Magkakilala ba sila?
"Fvck who the hell!" di niya mapigilang sambit.
"Kilala ba kita, Sir?" Bakas ang kalituhan sa tinig nito habang napatitig pa sa lalaki.
In fairness may hitsura rin naman ito kaya lalo siyang natethreaten. Teka, siya na threaten? Never. Hindi naman ito kilala ni Kelly.
"Kaeden, Kaeden Verdad!" Excited na usal ni Kelly na natakpan pa ang bibig.
Lalong nag-iinit ang ulo niya ngayon.
"Long time no see, tumangkad ka na ngayon ah," biro pa ng lalaki na hinawakan ang ulo ni Kelly.
Bakit parang masyado ata silang close?
****
Muntik nang mayakap ni Kelly si Kaeden nang makilala niya ito. Isa ito sa pinakamalapit niyang kaibigan noong high school pa siya bago siya tumigil sa regular school. Dahil nag-homeschooling na lang siya noong nagsimulang lumaki ang katawan niya. Pero kahit ganun, dinadalaw pa rin siya ni Kaeden at Tess. Sila lang ang maituturing niyang totoong kaibigan niya noon.
Pero pinadala si Kaeden ng pamilya nito sa ibang bansa at bigla na ring naputol ang komunikasyon nila.
"Natutuwa akong makita ka ulit, nagpunta ako sa Buenavista noong makabalik ako three years ago pero sabi ni Lolo Wilfred nasa New Zealand ka na daw. At nag-asawa ka na." May gumuhit na lungkot sa mata nito na hindi maintindihan ni Kelly.
Guwapo na si Kaeden noon pa man. Kaya hindi niya alam kung bakit mas pinili nitong maging close sa kanya na chubby at hindi nag-aayos, gayong maraming babae ang nagpapacute dito noon.
"Ang lungkot naman, wala na 'yong chubby cheeks mo." Natatawang saad nito na umangat pa ang kamay para pisilin ang mukha ni Kelly na madalas nitong gawin.
Pero bago pa man mahawakan ni Kaeden ang pisngi niya ay isang kamay ang tumabig sa kamay ni Kaeden.
"Kamay mo, pare!" anang iritadong tinig na nasa tabi niya.
Kita ni Kelly ang madilim na anyo ni Zion nang lingunin niya ito, bagay na ipinagtaka niya.
Bakit parang galit ito?
"Sino ka naman?" halatang asar ring saad ni Kaeden.
"I'm her husband!" Deklara ni Zion na ikinagulat ni Kelly. Hindi niya inaasahang sasabihin nito 'yon. Kailan pa ito naging proud na ipakilala ang sarili bilang asawa niya, samantalang kagabi ipinagmamalaki pa nitong single siya.
"Ah... ikaw iyong sinabi ni Tess na ipinadala si Kelly sa New Zealand after ng kasal n'yo."
"Nagkita na kayo ni Tess?"
"Sa airport kahapon pauwi ata siya sa Cebu. Galing rin ako doon, may binibili kasi akong property doon." Paliwanag nito. "So hatid na kita. Saka ko na lang pupuntahan 'yong sadya ko dito."
"Hindi mo na kailangang ihatid ang asawa ko. I can do that myself." Sa ikalawang pagkakataon ay nilingon ni Kelly si Zion. Dalawang beses na niya itong narinig na ina-address siya bilang asawa nito.
May munting kasiyahan sa puso ni Kelly pero kaagad niya ring sinaway ang sarili. Dalawang bagay lang ang naiisip niyang dahilan kaya umaakto si Zion na parang may pakialam.
Una, dahil payat na siya at maganda, at ikalawa, ang pride nito. Sigurado siyang iyon lang ang dahilan kaya ginagawa ni Zion ang kilos niyang iyon.
Lakas loob niyang hinarap si Zion.
"Mr. Arcangel, magkita na lang ulit tayo kapag handa na ang dokumento para sa annulment. Wala namang dahilan para ihatid mo ako." Lakas loob na saad niya na ikinagulat nito kasunod ng pagtangis ng bagang nito.
"Kung ganun, ako nang maghahatid kay Kelly Chubby." Pabirong saad ni Kaeden na inakbayan pa siya.
****
Gusto nang magwala ni Zion sa galit sa sandaling iyon. Siya mismo nireject ng asawa niya sa harap ng ibang lalaki. Who even call her chubby.
"Damn it!" Asar siyang nag-drive patungo sa residence niya.
"Buwisit!" Gigil na lintaya niya at sa inis na nararamdaman, sinipa pa niya ang dulo ng sofa na ikinamura niya ng malakas dahil tumama ata sa matigas na bagay ang kuko niya. Kulang na lang maihi siya sa sakit. "Damn it!"
"Anong problema mo?"
"Pùtang ina!" Bulalas ni Zion nang biglang sumulpot si Spade mula sa kitchen.
"Ano ba kasing nangyari? Mukhang badtri na badtri ka, ah? Hindi ba natuloy ang annulment niyo?" Natatawang saad nito na naglakad dala ang niluto ata nitong crackers. "Yulo, iyong beer." Tawag nito kay Yulo na dala ang can ng beer.
"Bahay n'yo ba 'to?" Pikang sikmat ni Zion nang buksan pa ni Spade ang TV sabay taas ng paa sa sofa. At home na at home ang luko.
"Bakit ba bad mood ka, noong isang gabi lang nagse-celebrate ka pa para sa freedom mo?" Usisa ni Yulo na binuksan ang beer nito.
Pa-ika-ika siyang naglakad sabay kuha ng beer na binuksan nito. Nagpupuyos ang kalooban ni Zion sa sandaling iyon.
"Paano niya nagawang ipahiya ako sa harap ng ibang tao!" Lintaya niya sabay kuyumos ng can ng beer na sinaid niya ang laman.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Iyong asawa ko, mas pinili niyang sumama sa isang ugak na lalaki kaysa sa akin! The hell!" Lalo siyang napikon nang pagtawanan siya ng mga ito.
"Kaya pala ganyan ka. Pero di ba makikipaghiwalay ka na, so anong masama kung ibang lalaki ang samahan niya. Sabi mo nga wala ka namang pakialam sa asawa mo. Unless nagbago ang plano mo?" Lintaya ni Spade.
"Bigla ka bang na-inlove sa asawa mo nang magkita ulit kayo? Paano na si Angel mo?"
"Ang asawa ko at ang babae sa club ay iisa..."
"What?!" Sabay na bulalas ng mga ito.
"Sira ka ba? Ano 'yon hindi mo kilala ang babaing pinakasalan mo?" Tuya ni Yulo na ikinasimangot niya. "Teka ibig mong sabihin, hindi mo talaga kilala ang asawa mo?" Di makapaniwalang saad nito.
"That's explain it! At dahil hindi ka nag-efforts na makilala siya noon, nagsisi ka ngayon. Dahil ang magandang babaing tinawag mong future wife ay asawa mo pala. Tadhana nga naman. Mahirap 'yan. Kung ako 'yong babae, bakit ako magkakagusto sa asawa kong hindi man lang naging interesado sa akin. Syempre doon ako sa lalaking handa akong sambahin." Di maitago ang pangaasar sa mukha ni Spade.
"Kung ganun, I'll make her fall for me. Hindi ako papayag na basta na lang matapos ang lahat ng ganito lang. I win her heart no matter what!"
"Pustahan tayo pare, hindi mo makukuha ang asawa mo in six months." Si Yulo.
"Make it three months! Wala pang babaing tumangi kay Zion Arcangel," diing saad niya.
"Okay, five million each," pagsang-ayon ni Yulo. "Makukuha mo ang ten million kapag nanalo ka, pero kapag talo ka sampung milyon ang ibibigay mo."
"Wow! Cool, go ako d'yan!" Excited na sang-ayon ni Spade.
"Deal!" Seryosong saad ni Zion.
Kumpiyansa siyang makukuha niya ang gusto niya. At kapag nangyari 'yon, saka siya makikipaghiwalay kay Kelly. Hindi niya matatanggap na kaya nitong piliin ang ibang lalaki kaysa sa kanya.
Hindi alam ni Zion kung anong mararamdaman niya sa sandaling iyon. Ang babaing tinawag niyang isang Anghel, at itinuring na future wife niya kagabi sa club, ay ang mismong asawa niya.Ang asawang ni-reject at ipinadala niya sa ibang bansa pagkatapos ng kasal para hindi siya maobligang pakisamahan ito. Dahil lang isa itong matabang babae at hindi nag-aayos noon.Ang babaing sinabihan pa niya ng, "Uuwi ka lang nang bansa para sa annulment natin."He clearly remember that.Kaya sa halip na ilabas niya ang dala niyang dokumento na parang basura lang na inilagay niya sa bulsa nang umalis siya sa office, natagpuan niya ang sariling nagsisinungaling na lang kay Kelly na hindi niya dala ang dokumento.Buong magdamag siyang hindi pinatulog ng asawa niyang hindi man lang niya nakilala."How stupid of me," inis niyang bulalas sa sarili.Sa buong durasyon ng pag-uusap nila, hindi na ata gumana ang utak niya."Teka... Kelly saan ka..." dala ng pagkataranta niya nang aktong tatayo na ito ay mabilis
Sinadya ni Zion na malate sa meeting nila ni Kelly. Ganti niya iyon sa hindi pagsasabi ng babae na dumating na siya ng bansa.Casual na t-shirt at pants at white rubber shoes ang pinili niyang isuot. Sa isang restaurant na malayo sa office building na pag-aari niya piniling makipagkita sa asawa niya. Hindi matao sa restaurant na iyon kapag umaga kaya iyon ang pinili niya. Ayaw niyang may makakita sa kanya na kasama ang isang babaeng kasing laki ng drum at hindi man lang marunong mag-ayos. Inimagine niya ang itsura nito limang taon mula nang huli silang magkita. Sigurado siya na mas triple pa ang laki ni Kelly ngayon.Napangiwi tuloy siya dahil doon. Pagpasok pa lang niya sa entrance ay umagaw na agad ng atensyon niya ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng restaurant. Halos mabilaukan siya nang mapatitig sa magandang babaeng pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon."My Angel," excited na saad ni Zion. Kaagad siyang napangiti sabay lunok. Pero nasira rin ang i
"Drinks on me tonight, mga bro!" Deklara ni Zion sa mga kaibigan niyang kasama niya sa club ngayon.Siyempre, he was having his party celebration para sa nalalapit niyang kalayaan. Itinaas niya ang basong brandy at mabilis na tinunga iyon."Wooo... dude hinay-hinay lang bro, ano bang meron?" tanong ni Spade sa kanya, habang umindak-indak pa ito sa saliw ng malakas na music sa bar."Well, I am finally getting my annulment.""What!" bulalas ng dalawang kasama niya sa mesa.Natawa siya sa reaksyon ng mga ito. Kaibigan niya sila, yes. Pero walang alam ang mga ito na kasal na siya. Malamang, paano niya naman ipagmamalaki ang babaing pinakasalan niya sa mga kaibigan niya. Kaya pinili niyang huwag nang magkuwento pa sa kanila."Langya ka, may asawa ka na?" hindi pa rin makapaniwalang saad ni Yulo. "Sino? Bakit di namin kilala?" sunod-sunod na usisa nito."Oo nga naman, para namang hindi mo kami kaibigan niyan. So since when?" usisa ni Spade."Five years ago," sagot ni Zion na ikinabuga ni Yu
Nagising si Kelly sa malakas na vibrate at ring ng kanyang cellphone. Halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Isa lang ang mata niyang kalahating nakabukas nang sulyapan niya ang digital wall clock sa kuwarto."Hello," malamig ang tinig mula sa kabilang linya, mas malamig pa sa simoy ng winter na paparating ngayong Pasko.Napabalikwas siya ng bangon dahil sa tawag na iyon. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso."Y-Yes..." Napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang hindi sinasadya."Kelly, it’s me... Zion..." malamig na saad mula sa kabilang linya na lalo pang nagpalamig sa kanyang pakiramdam.Si Zion Arcangel, ang CEO ng Arcangel Global Enterprises. Ang kanyang asawa. Ang lalaking pinili niyang mahalin. Naroon ang halo-halong kaba, excitement, at takot na alam naman niya kung bakit.Excited siyang marinig ang boses ni Zion, pero batid niyang kakaiba ang dahilan ng tawag nito. Baka kasama na naman nito ang Lolo nila. Kaya tumikhim siya ng mahina, nagkunwaring masaya."B-Ba