looking for mangyayakap kay Samantha... sa leeg BWAHAHAHHAAHAHHHHAAHA
“Kumalma ka, Sloane. Don’t let your emotions cloud your judgement.”Pilit na pinapakalma ni Rocky ang galit na galit at naghi-histerikal na si Sloane pag-uwi nito galing sa meeting. She did not even waste any time and cried immediately. She cried violently, not because of pain, but because of too much anger that she felt like she would explode any minute now. Napatakip siya sa bibig niya upang pigilan ang hikbing gustong kumawala rito para hindi magising si Evony sa kwarto nila. Inabutan siya ni Rocky ng tubig na mabilis niya ring ininom, mahigpit ang hawak sa baso na halos mabasag na ito.“Hey. Look at me,” Rocky commanded sternly. Kinuha niya ang baso mula sa nanginginig na kamay ni Sloane at mariin itong tiningnan. “I said look at me, Sloane.”Sloane finally looked at him. Parang nahugot ni Rocky ang hininga niya nang makita ang umaapoy na galit sa mga mata ni Sloane kahit na natatakpan ito ng luha. Anger is not enough to describe what she’s feeling right now. All those years of
Nakarinig ng mahinang singhapan sa paligid ni Sloane mula sa mga board member ni Saint. Syempre magre-react talaga sila lalo na’t alam naman nilang magkakilala talaga ang dalawa.And Sloane acting like she never knew Samantha was a hard blow to Saint and to her mother. Kahit na nagngingitngit sa galit si Samantha ay pinanatili niya ang ngiti niya sa labi.“I’m Samantha Irvine, Saint’s mother.” And then they shook their hands firmly, like a threat was about to come out.“Oh.” Sloane mockingly chuckled. “Yeah, I’m sorry I forgot.”Napataas ang kilay ni Samantha. “You forgot?”“Yeah, I did.” Binawi ni Sloane ang kamay niya at pinakita talaga kung paano niya ito pinunas sa blazer niya. “You know, too much information. My brain tends to forget those people and things that are not even relevant.” Saint felt a little bad, not because of Sloane’s insult, but because he was goddamn happy by how she insulted his mother.Sa kaloob-looban niya ay natutuwa siya dahil for the first time, may naka
“Do you think it would benefit the residence?”“How about the disaster-prone area?”“That cannot be considered, Mr. Irvine. Ikaw na mismo ang nagsabi, residents ang target market ng mga lupain mo.”“Well, how about the benefits of your real estate agents?”Ilan lamang ‘yan sa mga tanong ni Sloane pagkatapos ng presentation ni Saint. Nanginginig sa kaba ang board members ni Saint dahil kitang-kita nila ang pagiging strikto at metikuloso ni Sloane.She was merciless. Wala siyang pinalampas ni isang detalye mula sa presentation—at kung meron man, hinahanapan niya kaagad ng butas. On the other hand, kalmado lamang si Saint at matagumpay naman na nasasagot ang mga tanong ni Sloane. “We also provide an abstract of titles for every transaction made for transparency,” wika ni Saint. Napataas ang kilay ni Sloane. “Every real estate companies does that, Mr. Irvine,” supladang sagot ni Sloane.Palihim na kumuyom ang kamao ni Saint at tumango, nagngingitngit ang ngipin. “Of course, Ms. Alvare
“Are you ready, Saint?” tanong ni Nicolette sa lalaki habang pinapanood ito mag-ayos sa harap ng salamin.Saint sneered and responded gruffly, “Yes.”Alanganing ngumiti si Nicolette dahil sa loob-loob niya ay nagwawala na siya lalo na noong sinabi sa kanya ni Samantha na si Sloane ang kikitain nitong CEO.Kahit siya ay hindi makapaniwala na matagumpay na ngayon ang babae sa kabila ng hirap na dinanas nito noon. Habang siya… well, sunud-sunuran pa rin kay Saint at nagmamakaawang bigyan ito ng kaunting pagmamahal o kahit atensyon man lang. Malaki na rin ang anak nilang si Radleigh, malapit na magsimula sa Kindergarten. Pero sa mga lumipas na taon ay tanging ang bata lamang ang pinagtuunan nito ng pansin.Saint grew colder and more distant. Naging mailap siya sa lahat kahit sa ibang Irvine. Ang tanging nakakausap niya nang maayos ay ang anak niyang si Radleigh at mga kasama sa kumpanya. Nilampasan lamang ni Saint si Nicolette nang walang paalam at humalik sa ulo ni Radleigh.“I’ll go n
“What was that?” Napahinga nang malalim si Sloane pagpasok nila sa malaking hotel na nilaan sa kanila ng Tito Roen nila. “Now I know why Dad insisted me to come with you,” wika ni Rocky at pinaupo si Evony sa couch, halata ang pagod sa mukha ng bata.“Pero sasama ka naman talaga kahit hindi ka niya pinilit, ‘di ba?”Tumango si Rocky. “Of course. Nagduda lang ako kung bakit pinilit pa ako ni Dad, ‘yun pala ay may balak siyang pa-welcome sa ‘yo.”Sloane scoffed in disbelief. “I should’ve known Tito Roen would pull that trick. Akala ko naman ay biro niya lang ‘yung sinasabi niyang red carpet noong nakaraan.”Nilapitan ni Sloane sa Evony sa couch at pinaupo sa kandungan nito.“Are you okay, baby?” she asked softly. Hindi sanay si Evony sa public kaya natatakot siyang baka naapektuhan ito sa nangyari kanina. Buti na lang kabila-kabilaan ang mga bodyguard kaya walang nagtangkang lumapit sa kanila.“What happened, mommy? Who are they?” mahinang tanong ni Evony.“They were reporters, baby,”
“Yes, Dad. Malapit na rin kaming mag-land,” sabi ni Sloane habang katawagan ang tiyuhin niya.Papunta na sila sa Pilipinas gaya ng sinabi ng tatay niya. Katabi niya si Evony at sa tabi naman nito ay si Rocky na chill lang na natutulog. “Basta pagbaba mo, just smile and don’t answer their questions,” tugon ni Tito Roen niya na nagpakunot ng noo ni Sloane.“What do you mean, Tito?” Her Tito Roen just chuckled mysteriously. “I’ll be watching you here. Mag-ingat kayong tatlo,” tanging sambit lamang nito at ibinaba ang tawag.“Hello, Tito?” Naibaba na lamang ni Sloane ang cellphone niya dahil wala na rin naman nang sumagot sa kabilang linya. Napasandal na lang siya sa upuan niya at sumulyap sa bintana. Malapit na mag-alas sais ng gabi at kitang-kita niya ang pagkinang ng mga building.She sighed nervously. Ilang minuto na lang ay magla-land na sila kaya ginising niya na sina Rocky at Evony. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang misteryosong mensahe ng kanyang Tito.‘Just smile and