Tila ba ay mga tuod sina Sloane at Saint nang magkatabi sila sa kama. Parehas silang nakatihaya, magkalayo ang mga brasong dikit na dikit sa mga katawan na para bang takot silang mahawakan ang isa’t isa, at kapwang nakatitig sa kisame, nagpaparamdaman kung sino ang unang babasag ng nakabibinging katahimikan.Their deep breaths were the only ones they could hear across the room. Ni walang kahit anong tunog maliban na lamang sa aircon at ilang ingay ng aso mula sa labas. Katamtaman din ang dilim ng ilaw na tanging ang night lamp lamang ang nag-iilumina sa mga mukha nila.Hindi alam ni Sloane kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla niya na lang pinatabi si Saint sa kanya. Okay na nga sa kanya ang nilipat siya nito sa kama—pero deep inside, alam niyang mas okay kung magkatabi silang dalawa.Maybe—just maybe—she missed his presence next to her. She missed his warmth enveloping her body during cold nights. She missed how Saint would hug her tightly while whispering soft “I love you’s” to
Dahil sa tulong ng connections ni Saint, mabilis nilang naampon si Radleigh nang legal at walang hassle. Kahit na hindi maganda ang background ng bata dahil sa krimeng ginawa ng mga magulang nito ay mabilis namang napaikot ni Saint ang batas kaya naampon niya ang bata. Kahit hindi punahin ni Sloane, nakikita niya sa mukha ni Radleigh na masaya ito at naginhawaan. Kaya naman pagdating nito sa kanilang bahay ay agad nila itong binigyan ng maliit na welcome party. Kasama nilang nagplano si Evony na mas excited pa kina Sloane at Saint nang malamang magkakaroon na siya ng kapatid. “Hello, kid! I’m Evony!” Inilahad niya ang kamay niya kay Radleigh na may nahihiyang ngiti sa labi. “What’s your name?” “I-I’m Radleigh…” Napanguso si Evony dahil hindi niya narinig ang mahinang boses ni Radleigh. Palihim naman na natawa sina Sloane at Saint habang pinagmamasdan na mag-usap ang dalawa. “Can you please speak louder? I can’t hear you kasi,” halos pabebe na wika ni Evony. “M-my name is Radlei
They said time flies when you’re happy or in love. Nagiging mabilis daw ito lalo na kapag mas gusto mo pang mapabagal ang oras. It’s ironic. Kung kailan naman gusto mong mapabilis sa oras, iyon naman ang pagkakataon na mabagal ito.Sloane and Saint can attest to that. It’s been five months since their problems have been finally put to an end. Limang buwan na pero pakiramdam nila ay kahapon lang ito. Marami na rin ang nangyari sa mga panahong iyon. Isang buwan pagkatapos makulong nina Samantha, Lawrence, at Nicolette, namatay ang lalake sa selda dahil sa lason. Pinaimbestigahan ito nina Saint at Rocky ngunit wala na silang nakuhang ebidensya maliban kaunting likod ng muriatic acid sa baso nito bago ito namatay.Iniisip nila na baka sinadya itong lasunin ngunit dahil wala silang nakuha na kahit anong lead, idrinop agad ang kaso pagkatapos ng isang buwan. Si Nicolette naman ay hindi kinaya ang pag-iisa sa presinto. Nagkaroon ito ng psychological illness na halos muntik na siyang makapa
“Ano na ang nangyari sa kaso, Saint?” tanong ni Sloane nang bumisita si Saint sa ospital. Mag-iisang linggo na ang lumipas simula nang magising si Evony, sa makalawa ay pwede na silang lumabas kapag nag-negative ang test results na isasagawa sa kanya bukas. Saint reassuringly smiled at her. “They've been caught, Sloane. Nahuli na silang dalawa.” Muntik ng mapasinghap nang malakas si Sloane ngunit tinakpan niya kaagad ang bibig niya upang hindi magising si Evony. Mahinang tumawa si Saint. “S-seryoso ba?” Sloane still couldn't believe it. “They were arrested yesterday,” Saint proudly stated. “Matagal din namin silang hinanap dahil nagawa nilang makapagtago. Pero dahil nahuli natin si Lawrence, wala siyang choice kundi sabihin ang kuta nina Samantha at Margaux.” Napakurap si Sloane. Hindi niya alam kung ano ang unang magsi-sink in sa kanya—kung ang pagkahuli ba ng dalawang babae o ‘yung casual na pagtawag ni Saint sa pangalan ng nanay niya na para bang wala na siyang koneksyon
Dalawang araw ang nakalipas bago tuluyang nagising si Evony. Maayos na ang pakiramdam nito at bumalik na rin ang kulay ng kanyang buong katawan. Tinanggal na rin ang ilang aparato sa kanya at ngayon ay nasa recovery stage na. Sloane was the happiest when her daughter woke up. Muntik pa siyang umiyak sa tuwa at napaluhod agad upang magpasalamat. Ngayon ay salitan ang pagbabantay nina Sloane at Saint kay Evony. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng babae kung ano na ba ang nangyari pagkatapos noong gabing iyon. Wala rin naman siyang balak tanungin dahil gusto niya munang mag-focus sa recovery ni Evony. “How are you, baby? May masakit ba sa ‘yo? May gusto ka bang kainin?” sunod-sunod na tanong ni Sloane nang magising mula sa pagkakatulog si Evony. Her daughter just smiled softly and shook her head. “Nothing, mommy. I just want to talk to you.” “Well, what do you want to talk about, baby?” “I wanna know what happened after that night, mommy…” Natigilan si Sloane at napakurap.
Halos matawag na ni Sloane lahat ng santo habang papunta sila sa hospital. Yakap niya si Evony na duguan pa ang katawan. Nag-kulay pula na ang kaninang pink dress na suot nito, taliwas sa namumutla nitong labi. “P-pakibilis po, parang awa niyo na!” histerikal niyang pagmamakaawa. Nanunuyot na ang lalamunan niya sa kakasigaw sa driver na bilisan nito ang pagmamaneho dahil sa bawat segundong lumilipas na wala sila sa ospital ay siya namang unti-unting pagbagal ng hininga ni Evony. “Calm down, anak. Evony will be fine. I assure you,” Mary attempted to console Sloane but it was no use. “No, Tita! Hindi ako kakalma hanggang hindi nadadala sa ospital ang anak ko,” umiiyak na sigaw nia. “Kuya, pakibilis, please!” Dahan-dahang huminto ang kotse. Nilingon sila ng driver na puno ng guilt ang mukha. “I-I’m sorry, ma’am… nagkaroon po ng car accident sa kabilang kanto, traffic po.” Sloane felt like her life was being thrown away without a single chance of fighting for it. Nanghihina siyang