hello, darlings! i would like to use this chance to express my gratitude to you all. super thank you po sa mga nagbabasa, silent readers man or active commentors. pati na rin po sa mga nagbibigay ng gems, grabe super thank you! and pati na rin po sa follows niyo sa akin. as a treat, gumawa po ako ng trailer nitong story ko, yes po parang movie trailer. nakapost po siya sa aking FB account: Peneellaa GN. yung naka-pinned post po. thank you so much!! < 3
They said time flies when you’re happy or in love. Nagiging mabilis daw ito lalo na kapag mas gusto mo pang mapabagal ang oras. It’s ironic. Kung kailan naman gusto mong mapabilis sa oras, iyon naman ang pagkakataon na mabagal ito.Sloane and Saint can attest to that. It’s been five months since their problems have been finally put to an end. Limang buwan na pero pakiramdam nila ay kahapon lang ito. Marami na rin ang nangyari sa mga panahong iyon. Isang buwan pagkatapos makulong nina Samantha, Lawrence, at Nicolette, namatay ang lalake sa selda dahil sa lason. Pinaimbestigahan ito nina Saint at Rocky ngunit wala na silang nakuhang ebidensya maliban kaunting likod ng muriatic acid sa baso nito bago ito namatay.Iniisip nila na baka sinadya itong lasunin ngunit dahil wala silang nakuha na kahit anong lead, idrinop agad ang kaso pagkatapos ng isang buwan. Si Nicolette naman ay hindi kinaya ang pag-iisa sa presinto. Nagkaroon ito ng psychological illness na halos muntik na siyang makapa
“Ano na ang nangyari sa kaso, Saint?” tanong ni Sloane nang bumisita si Saint sa ospital. Mag-iisang linggo na ang lumipas simula nang magising si Evony, sa makalawa ay pwede na silang lumabas kapag nag-negative ang test results na isasagawa sa kanya bukas. Saint reassuringly smiled at her. “They've been caught, Sloane. Nahuli na silang dalawa.”Muntik ng mapasinghap nang malakas si Sloane ngunit tinakpan niya kaagad ang bibig niya upang hindi magising si Evony. Mahinang tumawa si Saint. “S-seryoso ba?” Sloane still couldn't believe it. “They were arrested yesterday,” Saint proudly stated. “Matagal din namin silang hinanap dahil nagawa nilang makapagtago. Pero dahil nahuli natin si Lawrence, wala siyang choice kundi sabihin ang kuta nina Samantha at Margaux.”Napakurap si Sloane. Hindi niya alam kung ano ang unang magsi-sink in sa kanya—kung ang pagkahuli ba ng dalawang babae o ‘yung casual na pagtawag ni Saint sa pangalan ng nanay niya na para bang wala na siyang koneksyon dito.
Dalawang araw ang nakalipas bago tuluyang nagising si Evony. Maayos na ang pakiramdam nito at bumalik na rin ang kulay ng kanyang buong katawan. Tinanggal na rin ang ilang aparato sa kanya at ngayon ay nasa recovery stage na. Sloane was the happiest when her daughter woke up. Muntik pa siyang umiyak sa tuwa at napaluhod agad upang magpasalamat. Ngayon ay salitan ang pagbabantay nina Sloane at Saint kay Evony. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng babae kung ano na ba ang nangyari pagkatapos noong gabing iyon. Wala rin naman siyang balak tanungin dahil gusto niya munang mag-focus sa recovery ni Evony. “How are you, baby? May masakit ba sa ‘yo? May gusto ka bang kainin?” sunod-sunod na tanong ni Sloane nang magising mula sa pagkakatulog si Evony. Her daughter just smiled softly and shook her head. “Nothing, mommy. I just want to talk to you.”“Well, what do you want to talk about, baby?”“I wanna know what happened after that night, mommy…”Natigilan si Sloane at napakurap. Sinusu
Halos matawag na ni Sloane lahat ng santo habang papunta sila sa hospital. Yakap niya si Evony na duguan pa ang katawan. Nag-kulay pula na ang kaninang pink dress na suot nito, taliwas sa namumutla nitong labi.“P-pakibilis po, parang awa niyo na!” histerikal niyang pagmamakaawa.Nanunuyot na ang lalamunan niya sa kakasigaw sa driver na bilisan nito ang pagmamaneho dahil sa bawat segundong lumilipas na wala sila sa ospital ay siya namang unti-unting pagbagal ng hininga ni Evony. “Calm down, anak. Evony will be fine. I assure you,” Mary attempted to console Sloane but it was no use.“No, Tita! Hindi ako kakalma hanggang hindi nadadala sa ospital ang anak ko,” umiiyak na sigaw nia. “Kuya, pakibilis, please!”Dahan-dahang huminto ang kotse. Nilingon sila ng driver na puno ng guilt ang mukha.“I-I’m sorry, ma’am… nagkaroon po ng car accident sa kabilang kanto, traffic po.”Sloane felt like her life was being thrown away without a single chance of fighting for it. Nanghihina siyang humikb
Suot ang kanilang earpiece, iyon ang ginamit nina Saint at Sloane upang makipag-usap sa mga pulis na ngayon ay kabila-kabilaang nagpapaputok ng baril. Hindi nila alam kung paano at kailan ngunit mas marami pa pala silang kalaban na nasa venue. Akala nila ay sapat na ang nakita nilang mga armed businessman pero mas marami pa pala ito. Masakit man aminin ngunit alam nina Sloane at Saint na lugi na sila pagdating sa kalaban. They don’t have enough bodyguards. Kahit na nagpadala ng baong set ng mga pulis si Officer Axel, siya rin namang pagdagdag ng mga kalaban nila na hindi nila alam kung saan nanggaling—it’s either another businessman or their bodyguards. “What’s the update about Samantha and Nicolette, chief?” hinahapong tanong ni Saint habang nagtatago sila nina Sloane sa natumbang mesa. “They’re nowhere to be seen now. Ipinapahanap ko na sa mga tao ko. Nag-conduct na rin kami ng search operation para maisara itong lugar at hindi sila makatakas,” sagot ni Officer Axel at muling
Nagsimulang kumilos ang mga pulis nang ang mga kasamang armado ni Samantha ay kumilos na rin. Sabay-sabay silang naglabas ng mga baril at nagpaputok, humahalo sa sigaw ng mga tao. Naroon na si Nicolette na handang i-rescue si Samantha ngunit napigilan sila ni Evine. “You are not getting away from your crimes, Samantha! Makukulong ka!” he threatened. “Pakawalan mo ako kundi dadanak ang dugo rito!” Samantha struggled to get away from Evine’s tight grip. Hila-hila din siya ni Nicolette palayo. "No, Samantha! I've had enough of you!" Evine tightened his grip around her arms even more. "Matitiis ko pa kung niloko mo ako, pero hindi ko mapapalampas ang ginawa mong pagnanakaw sa mga kumpanya ni Saint! Dangal iyon ng isang Irvine, parte iyon ng legasiya namin!" "Wala akong pakialam sa legasiya na sinasabi mo! Iyan ang dahilan kung bakit naitali ako sa walang kwentang kasal na 'to!" Evine scoffed bitterly. "Ilang taon na ang lumipas pero baliw na baliw ka pa rin sa ama ni Sloane," panunuy