pasensya na po late, halos kauuwi ko lang po. early and double update po tomorow. salamat!
“Are you ready, Saint?” tanong ni Nicolette sa lalaki habang pinapanood ito mag-ayos sa harap ng salamin.Saint sneered and responded gruffly, “Yes.”Alanganing ngumiti si Nicolette dahil sa loob-loob niya ay nagwawala na siya lalo na noong sinabi sa kanya ni Samantha na si Sloane ang kikitain nitong CEO.Kahit siya ay hindi makapaniwala na matagumpay na ngayon ang babae sa kabila ng hirap na dinanas nito noon. Habang siya… well, sunud-sunuran pa rin kay Saint at nagmamakaawang bigyan ito ng kaunting pagmamahal o kahit atensyon man lang. Malaki na rin ang anak nilang si Radleigh, malapit na magsimula sa Kindergarten. Pero sa mga lumipas na taon ay tanging ang bata lamang ang pinagtuunan nito ng pansin.Saint grew colder and more distant. Naging mailap siya sa lahat kahit sa ibang Irvine. Ang tanging nakakausap niya nang maayos ay ang anak niyang si Radleigh at mga kasama sa kumpanya. Nilampasan lamang ni Saint si Nicolette nang walang paalam at humalik sa ulo ni Radleigh.“I’ll go n
“What was that?” Napahinga nang malalim si Sloane pagpasok nila sa malaking hotel na nilaan sa kanila ng Tito Roen nila. “Now I know why Dad insisted me to come with you,” wika ni Rocky at pinaupo si Evony sa couch, halata ang pagod sa mukha ng bata.“Pero sasama ka naman talaga kahit hindi ka niya pinilit, ‘di ba?”Tumango si Rocky. “Of course. Nagduda lang ako kung bakit pinilit pa ako ni Dad, ‘yun pala ay may balak siyang pa-welcome sa ‘yo.”Sloane scoffed in disbelief. “I should’ve known Tito Roen would pull that trick. Akala ko naman ay biro niya lang ‘yung sinasabi niyang red carpet noong nakaraan.”Nilapitan ni Sloane sa Evony sa couch at pinaupo sa kandungan nito.“Are you okay, baby?” she asked softly. Hindi sanay si Evony sa public kaya natatakot siyang baka naapektuhan ito sa nangyari kanina. Buti na lang kabila-kabilaan ang mga bodyguard kaya walang nagtangkang lumapit sa kanila.“What happened, mommy? Who are they?” mahinang tanong ni Evony.“They were reporters, baby,”
“Yes, Dad. Malapit na rin kaming mag-land,” sabi ni Sloane habang katawagan ang tiyuhin niya.Papunta na sila sa Pilipinas gaya ng sinabi ng tatay niya. Katabi niya si Evony at sa tabi naman nito ay si Rocky na chill lang na natutulog. “Basta pagbaba mo, just smile and don’t answer their questions,” tugon ni Tito Roen niya na nagpakunot ng noo ni Sloane.“What do you mean, Tito?” Her Tito Roen just chuckled mysteriously. “I’ll be watching you here. Mag-ingat kayong tatlo,” tanging sambit lamang nito at ibinaba ang tawag.“Hello, Tito?” Naibaba na lamang ni Sloane ang cellphone niya dahil wala na rin naman nang sumagot sa kabilang linya. Napasandal na lang siya sa upuan niya at sumulyap sa bintana. Malapit na mag-alas sais ng gabi at kitang-kita niya ang pagkinang ng mga building.She sighed nervously. Ilang minuto na lang ay magla-land na sila kaya ginising niya na sina Rocky at Evony. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang misteryosong mensahe ng kanyang Tito.‘Just smile and
“Ano ba sa tingin mo ang makabubuti, anak?”Napahinga na lang nang malalim si Sloane sa tanong ng Tita Mary niya. Pumunta pa ito sa kwarto niya para kausapin siya one-on-one, babae sa babae, at nanay sa nanay. Nalaman na kasi nito ang tungkol sa encounter ni Rocky at ni Saint kaya wala siyang nagawa kundi ikwento na ang buong detalye rito simula sa umpisang-umpisa kung saan inalok siya ng contract marriage hanggang sa paternity results. Halo-halo ang naging reaksyon ni Tita Mary pero sa huli ay nanaig sa kanya ang pag-aalala sa mag-ina. “Kung sa tingin mong dapat ka ngang bumalik muna sa Pilipinas pansamantala, edi ‘yun ang gawin mo,” patuloy pa nito. “Alam mo namang nandito lang kami nina Tito Roen mo at Rocky para suportahan kayo ng apo ko.”Napangiti nang malungkot si Sloane sa tinuran ng Tita Mary niya. Her Tita never failed to warm her heart with her words of wisdom. Parang lagi nitong alam ang sasabihin niya para mapabuti ang pakiramdam ni Sloane. For once, naramdaman niyang
“Bakit ganyan ang reaksyon mo? Daig mo pa nakakita ng multo,” puna ni Rocky at inihain ang pasta na niluto niya.Samantala, tulala naman si Sloane sa island counter habang mahigpit ang hawak sa baso ng inumin. Hindi siya makapaniwala. Ayaw niya maniwala. “Imposible! Hindi lang naman siya ang Saint sa Pilipinas. ‘di ba? Kalma, Sloane. Baka naman kapangalan lang,’ pagkausap niya sa isip.Pero hindi, mas lalong imposible. Isa lang naman ang Saint na kilala niyang nagmamay-ari ng isang aviation company sa Pilipinas na may kumpanya rin sa Italy. Nakaramdam siya ng kaba sa isiping lumiliit na ang mundo nila. Sigurado pa siya sa sigurado na hindi magtatagal ay muli na silang magkikita—bagay na kailanman ay hindi siya handa. It’s only been five years. Kung tutuusin ay kulang pa ‘yun para gumaling ang mga sugat niyang binigay ni Saint. At ano na lang ang sasabihin nito kapag nakita si Evony? Lalo na ngayon na kahit papaano ay nakikitaan na ang bata ng features na galing sa ama niya. Mins
Sa mga sumunod na araw, mas lalong naging busy si Sloane sa pagpapatakbo ng kumpanya at sa pagiging nanay kay Evony. Limang taon na rin ito at syempre, nagsisimula na ring maging madaldal at magtanong-tanong sa paligid. Sa susunod na pasukan ay ipapasok niya rin ito sa kindergarten school rito sa Canada kaya naman doble na rin ang pagtatrabaho niya para kahit papaano ay magkaroon siya ng extrang time sa oras ng pasukan ni Evony.It’s surreal how time quickly passed by. Parang kahapon lang ay iniiyakan niya pa si Evony nang itakwil ito ng ama niya, pero ngayon ay marami nang nagmamahal sa kanya at may itinuturing na ring ama.“Mommy, when I go to school po, can you go with me?” nakangusong tanong ni Evony.Bumaling si Sloane sa anak na may kunot-noong ekspresyon sa mukha pero may maliit na ngiti sa labi. Nasa office siya ngayon sa bahay nila and si Evony ay hanggang ngayon dilat na dilat pa rin ang mga mata.“What do you mean, baby?” Sloane replied. “Like, you want me to go to school