Share

Kabanata 1

Chapter 1

WARNING R18_SPG

"Nasaan ako?"

'Yan ang tanging salitang lumabas sa aking bibig nang imulat ko ang aking dalawang mata. Sobrang dilim, wala akong makita. Nahihirapan rin akong huminga, napakainit ng aking pakiramdam. Tila nag iinit ang aking buong katawan. Nakaramdam rin ako ng matinding uhaw. Gusto kong uminom, gusto kong maghubad ng aking damit at higit sa lahat gusto kong maligo. Parang sinisilaban ang aking katawan.

Bakit ganito?

Doon ko lang naalala ang nangyari..

Flashback

Magkasama kami ni Miles mag Bar, since Sabado ngayon at walang pasok. Minabuti kong samahan nalang ito para kahit papaano ay maibsan ang aking kalungkutan at problema. Sabi nga nila, alak ang sagot sa sugatang puso. Hindi pa man kami naghihiwalay ni Yuan ay sobrang hirap na ng pinagdaraanan ko. Walang araw na hindi ako napasok sa Part Time Job para lamang may mai-abot na pera kay Papa pang dagdag sa dialysis. Halos kulangin nga iyon dahil tatlong beses ang session niya, higit tatlong libo pa ang halaga ng gamot na iniinom niya sa loob ng tatlong araw. Naglalabada na si Mama, para lang makatulong sa'kin. Namimiligro pa ang aking pag aaral dahil pinatalsik ako ng Pamilya ni Yuan sa La Salle. Nagbabalak akong pumasok sa Cavsu-Indang kaya lang nakaramdam ako ng pag aalangan dahil siguradong pati roon may koneksyon ang pamilya nila. Baka hindi na ako makapag aral ng tuluyan. Paano na ang aking kapatid?

"Miles, may alam ka bang pwede applyang trabaho?" tanong ko sa aking kaibigan.

Nilingon niya 'ko habang nainom sa hawak niyang baso ng alak.

"Wala e. Alam mo namang hindi ako nagtatrabaho. Saka na kapag nakatapos na ako." aniya sa seryosong tono.

"May alam kang hulugan na pwedeng mahiraman ng pera?" paglalakas loob ko.

"May alam ako, kaso baka mapasubo ka." aniya sa nababahalang tono. Nagtaka naman ako.

"Bakit? ilang porsyento ba ang sakanila?" taka kong tanong.

"60% sa isang libo," diretsuhan niyang sabi. Halos mamilog ang aking mata sa sinabi niya.

"Ano?!" hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes, ganoon kalupit iyon. Sa 15000 mong uutangin 6,000 ang tubo kada isang buwan." paghahalimbawa niya.

Nanlumo ako sa aking narinig. Sa tubo palang parang imbes na makatulong ilulubog ako lalo sa lupa. Lubog na lubog na nga ako sa putik. Tatapak tapakan pa 'ko.

"Kung makakahingi lang sana 'ko ng pera kay Daddy. Sana napahiram na kita. Kaso mahigpit si Dad sa pera. Lalo siya ang nagpapakahirap mag trabaho sa'min." seryosong sabi niya.

Malungkot akong ngumiti. "Naiintindihan ko." sabi ko nalang, kahit na sa loob ko. Narealize ko lang na hindi lahat ng kaibigan ay matutulungan ka sa oras ng problema. Kahit pa, kapag sila ang namoblema ay napakabilis nating lapitan. Kung gaano tayo kabilis umaksyon para tumulong ganoon sila kabagal hingian ng tulong pag tayo na ang nasa sitwasyon. Karamay lang natin sila sa saya. Dadamayan nila tayo verbally at emotionally, kumpara sa'tin na hindi na halos makatulog para lang matulungan sila.

Napabuntong hininga nalang ako at ininom yung alak na nasa baso.

Maya maya pa ay may dumating na waiter at sinabing "Mga Ma'am bagong labas pong branded na alak. Baka gusto niyo pong tikman. Free taste po." aniya sa genuine na tono. Ngumiti lang ako at umiling. "Hindi na, ayos na sa'kin ito." sabi ko. Tuwang tuwa naman si Miles at sinabing "sige! patikim ako!" inabutan naman siya ng waiter. "Ma'am, try niyo po wala namang mawawala. Pakibigay na rin po ang feedbacks." pangungulit nito sa'kin. Naubos naman ni Miles yung isang basong maliit.

"Wow! Ang sarap ng lasa! Kakaiba, parang matamis na may sipa kapag nasa lalamunan mo na." tuwang tuwa na puri ni Miles. Siniko niya 'ko saka sinabing "Go on, safe..Uminom ka para matikman mo, sayang habang libre!" pangungulit nito. Kaya wala akong nagawa kundi kumuha ng isa at ibigay ang feedbacks.

"Totoo nga, ang sarap. Pero bakit may mapait?" taka kong tanong. Natawa si Miles sa tanong ko. "Gaga! malamang alak 'yan e!" exaggerated niyang sabi.

"pero..akala ko ba sabi mo matamis?" kuryoso kong tanong.

Nagpaalam naman ang waiter at nagpasalamat sa'min. Hindi na niya sinagot ang tanong ko.

Nakailang inom na kami ni Miles at nagsimula na siyang mag ayang magsayaw sa dance floor. Umiling naman ako dahil na aaning ako sa ganoon.

"CR lang ako. Naiihi ako." sabi ko, natawa naman siya. Saka marahang tumango.

Habang naglalakad..

Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Nanlalabo rin ang aking paningin. Parang hindi ko na kayang ihakbang ang aking paa. Sobrang init pa ng aking pakiramdam.

Hanggang sa bigla nalang akong nawalan ng malay. At ito na ang kinahinatnan.

"Damn It!" napamura ako. Hindi kaya may Aphrosidiac iyong ininom ko?

Natigilan ako sa pag iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Lumabas roon si Dj, iyong katrabaho ko sa Cafè. Nakangisi ito habang malagkit na nakatingin sa'kin.

"Alam mo bang sobrang tagal kong hinintay ang gabing ito? Hershey..." aniya sa malanding boses. Nanindig ang balahibo ko sa takot. Hindi na rin ako mapakali, hindi ko halos maigalaw ang aking kamay at paa dahil nakatali ito sa kamang kinahihigaan ko. Damn!

"Matagal na kitang gusto, matagal ko ng pinagpapantasyahan 'yang katawan mo. Gusto kong marinig ang ungol mo. Alam mo ba iyon?" tila nababaliw na sabi nito. Nangilabot ako roon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagsimula ng mag unahan ang pagpatak ng aking luha. Natatakot ako. Kinakabahan.

Nasaan na ba kasi si Miles?!

"Huwag kang lalapit! Parang awa mo na. Huwag mong ituloy kung ano man 'yang binabalak mo!" umiiyak kong sigaw.

Para itong sabog na nakatingin sa'kin. Namumula ang mata at naglalaway ang labi.

Nakakadiri siya!

"Ito ang chance na binigay sa'kin ni Mrs. Guerrero. Bonus pa na binayaran ako ng isang Bilyon para lang galawin ka." nakangisi niyang pag amin. Nakaramdam ako ng matinding poot sa aking puso. Hindi ko akalaing aabot sa sukdulan ang kasamaan ng Mommy ni Yuan. Wala itong puso! Gagawin niya talaga ang lahat para lang magkahiwalay kami ng anak niya.

"No! please.. Parang awa mo na.." umiiyak akong nagmakaawa rito. Pero agad niya kong nilapitan at sinira ang aking damit. Pinunit nito ang suot kong blouse at natira ang aking two piece. Tuluyan na 'kong pumalahaw ng iyak.

"NO!!!"

Hindi ito nakinig at sinampal pa ko ng ubod ng lakas. Halos mabingi ako sa lakas ng sampal nito. Umiiyak akong nagmakaawa na "please, huwag ako.." hanggang sa ngumisi siya. "Ikaw ang gusto ko. At wala ng magagawa ang Yuan mo." nakataas ang kilay na sabi nito. "WAG! PAKIUSAP!" napasigaw ako ulit sa takot at kabang nararamdaman kaya sinuntok ako nito sa sikmura. Halos tumalsik ang laway ko sa sakit noon. Namilipit ako sa pagkakatali ko. Napadasal na lang ako at hiniling na sana dumating si Yuan.

Huhubarin na sana nito ang aking suot nang biglang siyang tumilapon sa sahig. Tinadyakan ito ni Yuan at pinagsusuntok sa muka. Hanggang sa sumuka na ito ng sariwang dugo.

"Touch her body and I will put you six feet below the ground!" malamig na sabi ni Yuan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status