Share

The Billionaire's Unfulfilled Love
The Billionaire's Unfulfilled Love
Author: HMAESTORIES

Prologue

Hershey Point Of View

"Eto ang halagang limang bilyon! Iwan mo ang anak ko!" malakas na sigaw ng Mommy ni Yuan. Salubong ang manipis nitong kilay at gigil ang labi.

"Ayoko po, walang katumbas na halaga ang pagmamahalan namin!" hindi ko mapigilang maluha at magtaas ng boses sa sobrang galit. Sobrang baba ng tingin nito sa'kin na halos isampal na sa pagmumuka ko ang isang bag na pera.

"Hindi ba kailangan ng iyong ama magpagamot? Sobra sobra na iyan para sa dialysis!" mapagmataas itong tumingin sa'kin na may nanlilisik na mga mata. She's beautiful pero hindi ang ugali nito. Malayong malayo sa anak nila.

"Huwag niyo pong idamay ang Papa ko, alam kong kailangan namin ng pera. Pero hindi ibig sabihin na tatanggapin ko ang perang 'yan. Magkaiba iyon, hindi pwedeng idamay ang pangangailangan sa tunay na pag ibig." diretsuhang sabi ko.

"Wala akong pakielam! Kung tunay man ang pag ibig niyo sa isa't isa. Layuan mo ang anak ko! Kung ayaw mong idaan ko sa marahas na pamamaraan!" banta nito. Nanginig ako sa galit. Bakit may mga ganitong tao? Tuluyan ng tumulo ang luha kong kanina ko pang pinipigilan. Hindi pa rin pala sila kuntento na pinatalsik ako sa De LaSalle University-Dasmariñas. Gusto pa nilang ipamuka sa'kin na nangangailangan kami.

I gritted my teeth. "Hindi ko po iiwan ang anak niyo..Hangga't hindi siya ang nagsasabi niyan sa'kin.. Hindi magbabago ang desisyon ko!" pagmamatigas ko. Sa galit nito ay nasampal ako nito ng sobrang lakas.

Halos tumabingi ang aking muka sa lakas ng impact noon. Nangilid lalo ang luha sa mata ko. Sobrang sakit dahil buong puwersa ako nitong sinampal. Ni minsan, hindi pa ko nasasampal ng mama ko. Kaya sobrang sakit sa kalooban na ang gagawa noon ay ibang tao at nanay pa ng lalaking pinaka mamahal ko.

Napahawak ako sa aking pisngi. Bigla itong namanhid at tila namaga. Pihadong mamumula ito.

"You! Ginagalit mo talaga ako! Hindi ka nababagay sa anak ko! Yuan is rich! Walang wala ka sa kalingkingan nito. Nababagay lamang siya sa kapwa niya mayaman at may sinabi sa lipunan. Ang mga katulad mo ay nararapat lamang sa kapwa mo dukha!" diretsuhan nitong sikmat. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa mga katagang binitawan nito. Sobra sobra ang pananapak nito sa aking pagkatao.

"Hindi sukatan ang estado sa buhay para sa pagmamahalang totoo. Hindi kayang bilhin at suklian ng pera ang tunay na pag ibig." makahulugan kong tugon. Ngumisi ito, ngising nakakapanindig balahibo.

"Sa antas ng pamumuhay naming maharlika, hindi mahalaga ang pag ibig. Ang benepisyo ng kapwa namin mayaman ang tinitimbang. Hindi ang pag ibig na panandalian lang. Hindi ka mapapakain ng pag ibig na yan!" saad nito sa mataas na boses.

"Sa inyong maharlika, subalit hindi ganoon si Yuan. Tanggap niya kung ano at sino ako. Kaya naming magsikap para sa sarili namin nang hindi umaasa sa yamang meron kayo."

"Ows? Sa tingin mo ba ay mapapakain mo si Yuan ng mga pagkain ng dukha? Ang halaga ng pagkain ni Yuan ay sinasahod lang ng iyong ama noong Civil Engineer pa siya! Wala kanang mapapagkuhanan ng pangtustos sa pagpapagamot sa kanya. Pinag aral ka niya sa magandang eskwelahan pero nagagawa mo siyang tiisin? Alam mong kailangan niya pang mabuhay at makina nalang ang makakapag pa-buhay sa kanya. Ang halaga ng pagpapadialysis ay hindi mo kayang tustusan lalo at estudyante ka lang. Mamili ka ngayon din!" aniya. Nanlumo ako sa sinabi nito. Tunay ngang kailangan ng aking ama magpagamot. Pero ayokong iwanan si Yuan. Hindi ko kaya.

"Hindi ko po matatanggap ang pera niyo! kahit maghirap kami. Gagawa ako ng sarili kong paraan para sa Papa ko." umiiyak kong sagot rito.

"Siguraduhin mo lang, dahil handa akong pahirapan ka hanggang sa lumuhod ka mismo sa aking harapan! Para lang hingiin ang perang ito." saad nito sa malumanay pero malamig na boses. Nakaramdam ako ng matinding kilabot roon.

Umalis ito at naiwan akong tulala sa kawalan. Kasabay noon ang pagbagsak ng malakas na ulan. Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang pag iibigan namin. Hahamakin ang lahat para lang panindigan ang aming pag ibig. Hanggang kailan ko ba mapapanghawakan ang aking pangako? Ngayong bilang nalang sa daliri ang bilang ng buhay na itatagal ng aking ama?

Magagawa ko pa ba ang mga pangarap naming dalawa? O hanggang dito nalang ang aking magiging pasya?

Tila sinusuntok ang aking dibdib at tuluyan na itong nanikip. Dalawang beses akong napalunok dahil nagbabara na rin ang aking lalamunan. Gusto kong isigaw sa buong mundo kung bakit napaka unfair ng trato nito?

Nawala sa'kin si Alex dahil may sakit ito sa puso at umalis para magpagamot. Ngayon naman ay si Yuan ang gusto nilang iwanan ko, dahil sa langit at lupa na estado ng pamumuhay namin. Hanggang kailan magiging hadlang ang estado ng pamumuhay sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan?

Paano na ang aking ama na ginawa ang lahat para lang makapasok ako sa magandang eskwelahan? Ang aking ama na ibinigay lahat sa'kin simula't sapul, hindi ako pinabayaan.

Paulit ulit kong tinapik ang aking dibdib sa tindi ng sakit na nararamdaman. Parang ibig ko nalang mamatay sa dami ng problema. May kuya pa akong nasa kulungan dahil ginamit ang perang hindi sa kanya at pera ng kompanya.

Higit sa lahat paano na ang aking kapatid na bunso na nag aaral sa Senior High? Sino ang magbibigay ng baon rito araw-araw gayong si Mama ay nasa bahay lang.

Napasabunot nalang ako sa aking ulo. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nagsimula na rin akong lamigin nang biglang tumigil ang pagpatak sa aking puwesto.

Dalawang pares ng paa ang tumigil sa aking harapan.

"Pasensya kana, kung hadlang ang buong angkan ko sa'tin. Gagawin ko ang lahat para sayo. Para sa pagmamahalan natin. Langit at lupa man ang agwat hinding hindi kita iiwan." malumanay na saad ni Yuan. Tila hinaplos nito ang nanlalamig kong puso. Ni-level niya ang kanyang katawan sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"Huwag mo kong bibitawan, mangako ka." aniya sa seryosong boses.

Tuluyan na akong napahagulgol sa bisig nito. At niyakap siya pabalik. Hindi ko magawang sagutin ang kanyang sinabi. Hindi ko magawang mangako. Para akong sinaksak sa mga salitang binitawan niya. Imbes na kilig ang dulot ay sakit na walang kapantay ang aking nararamdaman. Ang katapangan kong pinakita kanina ay tuluyan ng naglahong parang bula.

"Bakit? Bakit ang hirap mong mahalin?" malungkot kong tanong sa pagod na boses.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status