Share

CHAPTER 114. HANNAH

Penulis: Ciejill
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-25 20:37:03

Kinabukasan ay nagising si Hannah na maliwanag na ang buong paligid ng kwarto. Nakahiga pa rin siya sa kama pero pansin niyang nag-iisa na lang siya. Wala na si Shane sa tabi niya na kagabi lang ay yakap-yakap siya bago matulog. Wala rin dito ang anak nila.

Sinilip niya ang orasan na nakapataong sa bedside table. Napanganga siya nang makita na pasado alas otso na pala ng umaga. Shit! Tinanghali na siya ng gising. Kaya pala wala na sa tabi niya ang mag-ama.

Napasarap ang tulog niya kagabi sa ininom na gatas, idagdag pa na ang sarap ng mga brasong nakayakap sa kanya kagabi. Oh my...si Shane na ba talaga iyon? Bumait na ba talaga ito sa kanya?

Tuluyan na siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Pinakiramdaman niya ang paa niya pero maayos na niya itong naihahakbang ngayon. Hindi na niya dama pa ang kirot, laking tulong ng pagma-massage ni Shane sa paa niya. Humarap siya sa salamin at inayos na muna siya ang sarili, naghilamos siya at nag-toothbrush na rin saka siya muling lumabas.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 115. HANNAH

    Kinahapunan ay nagyaya si Shane na mamasyal sa mall at mamili na rin ng mga damit ni Heather dahil kakaunti lang ang damit ng bata. "Wow daddy gusto ko po iyon!" turo ni Heather sa playhouse na kulay pink. Bumitaw pa ito sa hawak ng daddy nito ay patakbong lumapit sa playhouse na tinda rito sa mall. Malaki ito at kasya si Heather sa loob. Merong ganito ang kapitbahay nila sa dati nilang tinitirhan at nakikilaro roon si Heather minsan. Ang totoo nga e, pinag-iipunan niya na rin naman na bilhan ng playhouse ang anak niya, dahil gustong-gusto ito ni Heather. Hindi naman kasi siya kagaya ng ama nito na mayaman at ano mang oras ay mabibili ang gusto. Ayaw niya rin na imulat si Heather na sunod sa luho. Pero ngayon na magkasama na ang mag-ama sana lang talaga ay huwag sobrahan ni Shane ang pag-i-spoiled sa anak nila. "Miss, do you have new stock of this pink playhouse?" tanong ni Shane sa saleslady habang tinitingnan nito ang playhouse na ngayon ay nalalaruan na ni Heather. "Yes si

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 114. HANNAH

    Kinabukasan ay nagising si Hannah na maliwanag na ang buong paligid ng kwarto. Nakahiga pa rin siya sa kama pero pansin niyang nag-iisa na lang siya. Wala na si Shane sa tabi niya na kagabi lang ay yakap-yakap siya bago matulog. Wala rin dito ang anak nila. Sinilip niya ang orasan na nakapataong sa bedside table. Napanganga siya nang makita na pasado alas otso na pala ng umaga. Shit! Tinanghali na siya ng gising. Kaya pala wala na sa tabi niya ang mag-ama. Napasarap ang tulog niya kagabi sa ininom na gatas, idagdag pa na ang sarap ng mga brasong nakayakap sa kanya kagabi. Oh my...si Shane na ba talaga iyon? Bumait na ba talaga ito sa kanya? Tuluyan na siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Pinakiramdaman niya ang paa niya pero maayos na niya itong naihahakbang ngayon. Hindi na niya dama pa ang kirot, laking tulong ng pagma-massage ni Shane sa paa niya. Humarap siya sa salamin at inayos na muna siya ang sarili, naghilamos siya at nag-toothbrush na rin saka siya muling lumabas.

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 113. HANNAH

    "Daddy antok na ako," wika ng anak namin. Halata ngang inaantok na at namumungay na ang mga mata nito. "Halika anak, matulog na tayo," wika ni Hannah sa anak, kahit di niya alam kung saan ang kwarto nila rito sa bahay ni Shane. Pero si Heather umiling lang sa kanya. "You want daddy, baby? Gusto mo ako magpatulog sa 'yo?" malambing na tanong ni Shane kay Heather na agad tumango at lumapit sa ama para magpakarga. Napaismid naman si Hannah, ambilis naman ata nakuha ng lalaking ito ang loob ng anak niya. Kailan lang monster pa tawag ni Heather dito pero ngayon daddy na at clingy na sa ama. "Alright, let's go upstairs," tumayo si Shane habang karga nito si Heather. Akala niya aakyat na ang mga ito at iiwanan siya pero nagulat siya nang lumuhod si Shane patalikod sa kanya. "Ride at my back wife," utos ni Shane. Teka tama ba ang narinig niya tinawag siya nitong wife? Ito iyong pangalawang beses na narinig niyang sinabi ng lalaki. Una sa hospital at ngayon. Shit! Kinikilig siya. Kal

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 112. HANNAH

    "Kaninong bahay 'to sir Shane? Bakit hindi tayo sa mansion ng parents mo, nandoon ang anak ko," wika ni Hannah. Nagtataka kasi siya bakit dito siya dinala ng lalaki sa ibang bahay. Sobrang laki rin ito, isang two storey house at napakaganda. "Anak natin, Hannah," pagtatama nito sa sinabi niya. "Isa pa, pwede bang huwag mo na akong tawagin na sir. Hindi mo na ako amo ngayon, hindi ka na rin naman nagtatrabaho sa akin o sa pamilya ko, nanay ka ng anak ko," dagdag pa nito. Napabuntong hininga naman si Hannah at hindi siya sumagot pa. "And this is my house....our house," saad pa nito, saka binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Nakita niyang nagmamadali itong umikot sa side niya at pinagbuksan din siya ng pinto. Pansin din ni Hannah ang paglapit ng isang bodyguard ni Sir Shane at inihanda ang wheelchair sa tapat niya. "Thank you, you can go, ako na ang bahala rito," wika ni Sir Shane sa tao nito. Hindi naman na kailangan ng wheelchair e. Kahit makirot pa ang paa niya at nahihirapan

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 111. HANNAH

    Nagising ang diwa ni Hannah na tila may nagsasalita sa paligid niya at naririnig niya ang boses ng dalawang tao na nag-uusap. Pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. "Kamusta ang resulta ng mga test ng asawa ko, Doc?" dinig niya na tanong ni Shane sa Doctora. Napakunot naman ang noo ni Hannah dahil sa sinabi ni Shane na 'asawa' at kailan pa sila naging mag-asawa? "Maayos naman ang resulta ng ct scan ng asawa nyo Mr. Ashford, although meron siyang mga bukol sa ulo. At base naman sa x-ray result ng paa niya, wala namang nakitang bali o dislocation sa buto niya. Masyado lang nai-stretch ang paligid ng kasu-kasuan niya kaya nagdulot ito ng kirot at pamamaga," paliwanag ng doctora kay Shane. Nakahinga naman nang maluwag si Hannah dahil sa narinig niya. Unti-unti na rin niyang idinilat ang mga mata niya at nagulat siya nang makita si Cheska na nakaupo sa gilid ng hospital bed. Tumingin naman siya sa gawi ni Shane na nakatalikod habang kausap ang doctora at maya-maya pa ay lumab

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 110. HANNAH

    Sa kabilang banda naman, kanina pa patawa-tawa si Cheska habang nanonood ng reels sa cellphone niya at sumisimsim ng kape na binili niya sa cafeteria malapit sa front desk. Dalawa ang binili niya at tag-isa sila ni Hannah. Pero malapit na niya maubos ang kape niya ay hindi pa rin bumabalik dito sa locker room ang kaibigan niya. "Change bed sheet lang naman at kanina pa iyon e," usal niya sa sarili dahil hindi na umuusok ang kape na kanina lang ay sobrang init. Bitbit ni Cheska ang kape sa kaliwang kamay at kanan naman ay hawak ang cellphone niya. Tumayo siya at nagpasyang puntahan na lang ito sa room 76. "Baka napasarap ang tsismis nito sa guest at nakalimutan na naghihintay siya rito pati na ang kape nito," kausap niya sa sarili. "Ikaw talaga Hannah, makukurot kita sa singit," daldal pa ni Cheska na mag-isa. Ira-radyo niya sana ito pero maririnig sila ng ibang kasamahan kaya pupuntahan na lang niya. Bunganga pa naman niya madaldal at baka ano masabi niya na marinig pa ng iba.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status