Pagdating nila sa bahay ay may bisitang nakaabang sa bungad ng pinto. Nakatayo ito roon at nakapamulsa. Walang iba kundi ang half brother ni Seb na si Johnson.
Ngayon lang ulit dumalaw ang lalaki sa kanila. Matagal tagal na rin ang huling beses na nakita niya ito.Tulad ni Seb gwapo rin ito, pero syempre mas gwapo ang asawa niya."Hey, bro," bati ni Johnson sa kuya nito at nakipag fist bump."Hi, Abi," baling sa kanya ng lalaki at humalik sa pisngi niya.Lumipat rin ang paningin nito sa batang karga niya."Hindi mo naman sinabi bro, na nagka-anak na pala kayo."Nagkatinginan sila ni Seb. Kaya naman nagsalita ang asawa niya."Let's go inside," aya ni Seb at hinawakan siya sa beywang papasok sa loob.Nagpaalam naman siya na aakyat na sa taas at bibihisan pa niya ang kanilang anak.Tumango naman si Seb, bilang sagot.***GABI na at kanina pa naghihintay si Abi sa pagdating ni Seb. Mahimbing na rin ang tulog ni Gavin. Kanina tumawag ito sa kanila pero saglit lang dahil may meeting pa raw ito. Siguro importante ang meeting na iyon at hindi pa ito umuuwe past nine na ng gabi.Minsan na rin naman itong nangyari kaya hinayaan na lang niya. Hihintayin na lamang niya ang pag uwi ng asawa. Ito lang kasi ang mag isa na namamahala sa kompanya dahil ito ang pinagkakatiwalaan ng ama. Ang half brother naman kasi nito ay pansamantalang inalis sa pwesto ng kanilang ama dahil basta na lamang ito naglabas ng malaking pera noon sa kompanya na hindi pinapa aprubahan. Naging sakit din ito sa ulo kaya talagang si Seb ang pinagkakatiwalaan sa kompanya ng kanilang pamilya.Idagdag pa na anak ito sa labas si Johnson.Nakatulugan na lamang ni Abi ang paghihintay sa asawa niya. Ngunit nagising din nang maramdaman niyang umiyak si baby Gavin. Bumangon siya para kunin ang bata at padedehin dahil baka nagutom ito or ei check and diaper baka puno na. Pero natigilan siya ng makita si Seb at ang anak na nasa sofa. Nakahiga roon ang bata, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mga ito. Napangiti siya nang makita na pinapalitan ni Seb ng diaper ang anak at malapit na itong matapos.Yumakap siya sa likod ng asawa at bumulong. "Thank you, hubby."Binuhat naman ni Seb ang bata at lumingon sa kanya."I love you," anito.Hindi niya tuloy mapigilan ang kiligin. Bumabanat na naman ang asawa niya. Sana palaging ganito.Kinuha niya si Gavin rito at pinadede, hindi rin nagtagal at muling nakatulog ang bata.Nahiga na rin sila ni Seb at magkayakap na natulog.Mahaba haba na rin ang tulog nila ng marinig niyang nagri ring ang celphone ng asawa. Hinayaan niya lang muna ito. Ngunit nakakatatlong ring an ito ay hindi pa rin tumitigil, mabuti na lang at mahimbing ang tulog ng anak nila at hindi naisturbo ang tulog nito. Ganun din si Seb na hindi 'ata naririnig ang cellphone na kanina pa may tumatawag. Sinilip niya ang caller at tanging di kilalang numero lang naman ang nakikita niya. Sino naman kaya ang isturbong ito na kanina pa ayaw tantanan ng tawag ang asawa niya ei madaling araw pa lang.Sa huli, marahan niyang ginising si Seb, niyugyog niya ang balikat nito."Hubby, your phone is ringing. Kanina pa may tumatawag sa'yo," sambit niya sa asawa.Umungol naman si Seb at niyakap ang isang kamay sa bewang niya."Hubby, baka importante 'yong tumatawag sagutin mo muna," pagpupumilit pa niya.Dahan-dahan naman nagdilat ng mga mata si Seb at inabot ang cellphone na nakapatong sa night stand."Isturbo," inis na usal ng asawa niyang naisturbo ang tulog."Shit! What have you’ve done again, Johnson? Bakit ba lagi ka na lang nasasali sa gulo. Ang tigas kasi ng ulo mo!" galit na wika ni Seb sa kapatid nito."No! Matulog ka muna diyan ngayong gabi ng madala ka naman sa mga pinaggagawa mo. Bukas na kita pupuntahan diyan," pinal na salita ni Seb saka nya pinutol ang tawag.Kita niyang napahilamos sa mukha ang asawa niya matapos nitong ibalik sa night stand ang cellphone. Base sa mga narinig niya, kapatid nito ang kausap nito dahil na rin sa pangalang sinambit ng asawa niya."Hubby, may problema ba?" hindi niya napigilang itanong.Lumingon naman ang asawa sa gawi niya at nginitian siya kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkairita dahil sa balitang natanggap ng dis oras. Huminga muna ito ng malalim saka nagsalita."Si Johnson, nakasagasa raw ng tao. Nakakulong siya ngayon," ani ni Seb.Nagulat naman siya sa ibinalita nito. Kaya pala bigla na lang naging problemado ang gwapong mukha nito."Bakit hindi mo siya puntahan ngayon?" aniya rito."Tsk, hayaan mo siyang matulog doon," balewalang sagot nito. Saka siya kinabig pahiga at niyakap."Let's sleep again, wifey. Huwag mo nang isipin iyon, aayusin ko yon bukas," huling salitang binitawan nito. Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.Naawa tuloy siya sa asawa niya pagod na nga ito sa trabaho binigyan pa ng problema ng kapatid nito. Kaya hindi ito pinagkakatiwalaan sa kompanya kasi hindi makikita sa anyo nito ang pagiging seryoso sa buhay.Ilang minuto pa ang lumipas at nilamon na rin siya ng antok at tuluyang nakatulog.KINABUKASAN, maagang nagising si Abi, naamoy niya nag humahalimuyak na pabango ng asawa. Nakita niya itong nakaharap na sa salamin at inaayos ang suot na necktie. Bumangon siya at sinilip si baby Gavin sa crib pero mahimbing pa ang tulog ng anak. Nagising rin kasi ito ng madaling araw kaya muli niyang pinadede at ngayon mahimbing pa rin ang tulog."Wifey," tawag ng asawa niya."Aalis ka na ba? Sandali lang at paghahanda muna kita ng breakfast mo. Maaga pa naman," aniya.Lumapit si Seb sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi kahit pa bagong gising lang siya."No need, love. Isa pa nagmamadali rin ako ngayon. Pupuntahan ko ngayon si Johnson sa police station. Aayusin ko muna ang problema na ginawa ng magaling kong kapatid.""I have to go, love," paalam ni Seb at muli siyang hinalikan pati na rin ang kanilang anak na natutulog.ELLA "What?!" biglang bulalas ni Ella. "Yes, Ella," sagot sa kanya ng boss niya habang may pilyong ngiti sa mga labi. "But, don't worry, Ella. Tutulungan ko pa rin na maipagamot ang kapatid mo, pumayag ka man sa alok ko o hindi. At huwag ka ring mag-alala dahil hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Gaya ng sabi ko sa'yo, handa akong maghintay," saad sa kanya ni Sir Gavin kaya nakahinga nang maluwag si Ella. Una, inaasar-asar lang siya nito pero ngayon paseryoso nang paseryoso ang lalaki sa kanya. Naglalakbay tuloy sa ibang mundo ang utak niya dahil sa mga narinig niya. Magtatakip-silim na nang umuwe sila ni Ella. Hinatid pa sila ng boss niya dahil nagpumilit ito, kaya naman hinayaan na lang niya. "Pasok po muna kayo sa loob Sir," aniya. "Salamat," anito at sumunod sa kanya. "Kayo lang ba na dalawa ng kapatid mo rito? Sino nag-aalaga sa kanya kapag nasa trabaho ka?" tanong nito matapos umupo sa sofa. "Tatlo kami, Sir, kasama ang tiyahin ko. Pero wala siya rito ngayon at
ELLA "Happy birthday, bunso!" bati ni Ella sa kapatid niya habang inaalalayan ito na nakatayo sa harapan ng mesa na puno ng pagkaing hinanda nila ng tiyahin niya para sa kapatid niya. "Mag-wish ka muna bago mo i-blow ang candle mo ha," kausap ni Ella kay Mikael. "Opo, Ate," sagot nito habang nakangiti. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan kahit pa na hindi nito nakikita ang mga inihanda nila para sa kaarawan nito. "Okay, bunso. Blow your candle na," masayang utos ni Ella at hinawakan ang cake para mahipan ng kapatid niya ang kandila. "Yehey!" "Happy birthday, Mikael!" Palakpakan at kanya-kanyang bati ang mga kalaro ng kapatid niya. "Masayang-masaya si Mikael. Mabait na bata siya, kaya sayang at nagkaroon siya ng kapansanan," wika ni Tita Gianna niya habang pinagmamasdan nila si Mikael na kaharap ang mga kaibigan nitong bata at masayang nagtatawanan. "Kung may pera lang sana tayo na sasapat para maipagamot siya," dagdag pa nito at napabuntong hininga. "Iyan din po ang in
Ilang oras na ang lumipas hanggang sa sumapit na ang hapon pero tila tulala pa rin si Ella. Para bang nararamdaman pa niya sa labi niya ang labi ng boss niya. Ang malambot at matamis nitong halik kanina na bago sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na hinayaan niya ito kanina na halikan siya. Tila nawalan din siya ng lakas na pigilan ito dahil ramdam niyang ipagkakanulo rin siya ng sarili niya. Ganun pala ang pakiramdam ng first time mahalikan? Napailing na lamang si Ella. Sa katunayan ay kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya. Malapit na mag-uwian at plano niya sanang magpaalam sa boss niya na absent siya bukas, pero nahihiya siyang humarap dito ngayon dahil sa nangyari kanina. Isa pa naguguluhan din siya sa nararamdaman niya. "Hay, bahala na nga," bulong niya sa sarili bago tumayo. "Sir?" tawag pansin ni Ella sa boss niya pagpasok niya sa loob ng opisina nito. Pero nakita niyang nakatalikod ang lalaki sa desk nito habang nakaupo sa swivel chair at may kausap sa
ELLA Inis na nilampasan ni Ella si Glaiza at bumalik sa pwesto niya. Gigil siya ng babaeng iyon e, no? Pagbintangan ba naman siya na nilalandi niya ang boss niya. Samantalang itong boss nila ang lumalandi sa kanya. Kung alam lang nito. Isa pa, ito na nga ba ang iniiwasan niyang mangyari. Napuna na siya ng isang babaeng pakialamera sa buhay dahil sa boss niyang malandi. Pagdating niya sa desk niya ay nakita niya si Missy na tila hinihintay siya. "Hoy babae! Saan ka naman galing kanina? Hinintay kita sa cafeteria pero hindi ka dumating," sita nito sa kanya. "Sabi ni Jack, kasama mo raw si boss Gavin. Kaya ayon, walang gana na kumain kanina ang manliligaw mo," dagdag pa nito. Natampal ni Ella ang noo. Nakalimutan pala niyang i-message ito kanina. Paano kasi kakamadali niya sa akala niyang meeting kuno ng boss niya, pero wala naman pala. "Ah, e, sorry na. Sabi kasi kanina ni Sir Gavin may lunch meeting daw siya sa labas at kailangan kong sumama," wika niya. "Daw?" ani nito.
"Yes, Sir. You have a meeting today, but it's schedule after lunch," sabi niya. "Narinig mo naman ang sinabi ko di ba? May lunch meeting ako ngayon at kailangan kita roon," tila naiinis na sagot ng boss niya. Napatingin si Ella kay Jack at kita niyang ngumiti ito sa kanya at tumango. "Ella, go," wika ni Jack at may ininguso sa likuran niya. Napalingon naman si Ella at nanlaki ang mga mata niya nang makita na malapit na sa vip elevator si Sir Gavin niya. "Shit!" mura niya sa isip. Mabilis na hinablot niya ang shoulder bag saka patakbong nagtungo sa vip elevator na ngayon ay nagbukas na at pumasok ang boss niya. Muntik na siyang masaraduhan kung hindi pa niya binilisan ang takbo. Langya naman! Sinulyapan niya ang boss niya at nakita niyang ngingiti-ngiti pa ang loko. Kaya hindi niya napigilang irapan ito. "Cute," mahinang sambit nito na narinig niya. "Cute mo mukha mo," aniya at naunang lumabas pagbukas ng elevator. Narinig pa niya ang tawa nito sa likod na na tila
ELLA "Hi, Ella." Napatingin si Ella sa lalaking nagsalita sa harapan niya. Si Jack, kapwa niya empleyado at sa marketing department ito naka-aasign. Matamis na nakangiti sa kanya ang lalaki kaya nginitian niya rin ito pabalik. Isa itong si Jack sa mga lalaking nagpapansin sa kanya rito sa trabaho. Meron pang isa, si Ethan. Pero wala na rito sa kumpanya ang binata dahil ang alam niya ay inilipat ito sa isang kumpanya na pagmamay-ari rin ng Ashford company. Masugid niyang manliligaw noon si Ethan kahit ilang beses na niyang binasted. Sa ngayon ay wala na siyang balita rito. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero kung ganda lang din naman ang pag-uusapan ay may maipagmamayabang naman siya. Maputi siya at makinis, matangkad at malaki rin ang hinaharap niya. Pero gaya ng sabi niya, kapatid muna niya bago lovelife. Ngayon naman ay si Jack ang nagpapalipad hangin sa kanya. Mabait naman ang lalaki, gwapo rin ito at palangiti. "Ang ganda-ganda mo talaga Ella," papuri ni Jack kaya n