LOGINJohnson
"Walang hiya ka talaga Seb. Talagang hinayaan mo akong matulog dito sa kulungan," nanggagalaiting wika ni Johnson sa sarili matapos siyang patayan ng tawag ni Seb. Wala siyang magawa kundi ang magtiis dito ngayong gabi kasama ang mga mababahong preso rito. Bukas naman ay makakalaya na rin siya. Umaga na at kanina pa nanghahaba ang leeg ni Johnson sa kakasilip sa rehas na bakal, kung dumating na ba si Seb pero wala pa rin ni anino ng lalaking 'yon. Hanggang sa ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas dumating na rin ito. "Buti naman at dumating ka pa," sarkastikong bungad ni Johnson sa kapatid. Sinamaan naman ni Seb ng tingin ang kapatid. Kararating niya lang kasama ang abogado niya tapos ito ang bungad ng magaling niyang kapatid. Ito na nga ang may kailangan ito pa ang nagmamadali. "Galing ko lang sa hospital kasama si attorney. Swerte ka at buhay pa ang taong nasagasaan mo. At pasalamat ka rin dahil pumayag ang pamilya ng biktima na magpabayad," gigil na sabi ni Seb sa kapatid. "Tsk, kung hindi sana siya tumawid na lang bigla hindi sana siya masagasaan. Kasalanan niya iyon at tatanga tanga sya," pangangatwiran pa nito, kahit mali na ang ginawa ayaw pa ring magpatalo. Sumasakit ang ulo ni Seb sa kapatid nyang to. Matigas talaga ang ulo nito. Kailan ba ito titino? Kaya nag-aalangan ang daddy nila na pagkatiwalaan ito sa kompanya dahil sa ugali nito. Matapos niyang bayaran ang bills ni Johnson ay nauna pa itong umalis kaysa sa kanya. Ni hindi na nga ito nakapag paalam pa. Kahit thank you ay wala siyang narinig. Napa iling-iling na lamang siya. Sebastian Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang humingi ng kape sa bago niyang sekretarya at baka sakaling maibsan nito ang sakit ng ulo niys sa kanyang kapatid. Palagi na lang itong nasa gulo. Noong nakaraan nabalitaan niya na lang na nagwala ito sa isang bar sa sobrang kalasingan at nanira pa ng mga gamit roon. Siya rin ang nag ayos noon sa ginawa nitong gulo. Hindi naman magawang pabayaan na lang ito dahil nakakabit sa lalaking iyon ang apelyido nila. Ano na lang ang sasabihin ng iba lalo na ng mga ka negosyo nila kapag hinayaan niya itong makulong. Baka isa pa ito sa dahilan na makakasira sa imahe ng kanilang negosyo. Matapos makarinig ng katok, agad na bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang sekretarya na dala-dala ang mainit na kape. "Sir, here's your coffee," anito at inilipag sa harap nya ang tasa ng kape. Tinanguan niya na lamang ang sekretarya niya habang hinihilot pa rin ang ulo niyang sumasakit. "Sir, masakit ba ulo mo? Gusto mo ba ng masahe?" Napakunot ang noo niya na napatingin sa babae. Tama ba ang narinig niya? Ilang araw niya pa lang itong naging sekretarya, ito ang pumalit sa dati niyang sekretary na bigla na lang hindi na pumasok at nag-iwan na lang ng resignation letter. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito at maamo ang mukha. Maputi at makinis din, balingkinitan ang katawan at malalaki din ang dibdib na lumuluwa na sa suot nitong damit pang opisina na hapit na hapit sa katawan. Hindi nya nga namalayan na naka lapit na pala sa kanya ang sekretarya niya. Dahil lumalakbay ang kanyang isip sa kabuuan nito. "Magaling akong magmasahe, sir," wika nito sa malambing na boses, kasabay niyon ang paglapat ng malambot nitong mga palad sa noo niya. Napapikit siya sa mga sandaling iyon at ninamnam ang lambot ng mga kamay nitong masuyong minamasahe ang ulo niya. Magaan ang kamay nito at kay sarap sa pakiramdam ang ginagawang pagmasahe sa kanya. "Uhmmn..." hindi niya napigilan at napaungol siya, dahil medyo gumaan-gaan ang pakiramdam niya. Naramdaman na lang din nya na unti-unting bumababa ang mga kamay nito sa bandang dibdib niya at masuyong humahaplos doon. Ramdam niya rin ang pagdikit ng dalawang malalambot na bagay sa likod niya. "Masarap ako magmasahe di ba, sir?" bulong nito sa kanya sa malambing na boses. Ngunit agad naman siyang bumalik sa katinuan ng magsalita ito. Hinawakan niya ang mga kamay ng babae para patigilin ito. Hindi maari, mali ito. Baka kung saan pa mapunta itong ginagawa sa kanya. "That's enough, Sandra. Go back to your work now," utos niya sa babae. "Hindi mo ba nagustuhan, sir?" anito. " Sandra, I said go back to your work now!” "Okay sir," anito at humakbang na papunta sa pintuan. Ngunit napamura siya sa isip ng bigla itong tumuwad at may pinulot na nahulog sa sahig. Maiksi lang kasi ang suot nitong palda at kita nya halos ang panty nitong suot lalo pa at wala itong suot na stockings! Maputi ang mga hita ng babae at makinis din ang balat nito. Parang nag-init tuloy ang pakiramdam niya dahil sa nakita. Lumingon pa sa kanya ang sekretarya at binigyan siya ng matamis na ngiti.ELLA Kinabukasan ay maagang nagising si Ella para pigilan sa pagpasok sa shop ang tita Gianna niya. Maaga rin umalis si Gavin at sinabi nito na magkita na lang daw sila mamaya. "Happy birthday, tita!" masayang bati niya nang makita ang tita Gianna niya na lumabas ng kwarto. Bagong ligo it at maaliwalas ang mukha pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Mabilis niya itong nilapitan at hinalikan sa pisngi saka niyakap nang mahigpit. "Thank you, anak," pasasalamat nito sa kanya. "Tita, for you po," aniya at inaabot dito ang isang paper bag. "Ano ito anak?" tanong nito at tinanggap naman ang ibinigay niyang regalo. "Buksan nyo po tita," utos niya. "Wow! Ang ganda. Teka bagay ba sa akin 'to?" tanong nito at sinukat-sukat pa sa sarili ang dress na binili niya para rito. Ito ang ipapasuot niya rito saka sila pupunta sa salon para paayusan ito ng buhok at ipa-manicure, pedicure. "Yes of course. Bagay na bagay sa inyo mama," wika niya at tinakpan ang sariling bibig.
ELLA "I miss you so much Gabriel, anak. Kung nasaan ka man ngayon sana nasa maayos ka lang na kalagayan. Sobrang miss ka na ni mama. Sorry, dahil ilang taon na ang lumipas hindi pa rin kita nahahanap." Napahinto sa paghakbang si Ella nang marinig niya ang salitang iyon ng tiyahin niya. Nakita niyang nasa sala pa rin ito at nakaupo sa sofa. Hindi siya nito nakikita dahil nakatalikod ito sa gawi niya. Maingat siyang humakbang palapit dito at nakita niyang hawak-hawak at hinahaplos-haplos ng palad nito ang larawan ni baby Gabriel. "Kung sino man ang taong nakakuha sa'yo anak sana inalagaan ka nila ng maayos. Sana tinatrato ka nila ng tama at minamahal. Sana hindi ka nila sinasaktan," kausap pa rin nito sa litrato sa medyo garalgal na boses. Medyo nakaramdam ng guilty si Ella sa puso niya. Alam na niya ang totoo pero hindi pa masabi-sabi sa tiyahin niya. Ayaw niyang masira kasi ang moment bukas na para rito at kay Gavin. "Konting tiis na lang tita este mama, makikita mo na ang taong
ELLA Alas-diyes na ng gabi nang makarating sila Ella sa bahay ng tita Gianna niya. Ipinarada muna ni Gav ng maayos ang kotse sa gilid ng apartment bago sila bumaba. "Hubby, iyong sinabi ko sa'yo okay?" paalala niya sa asawa nang nasa tapat na sila ng pintuan. Kinausap na kasi niya ito kanina magpanggap muna na walang alam tungkol sa tunay nitong pagkatao. Ramdam kasi niya ang kasabikan sa asawa niya na makilala ang tunay nitong ina. Pero kailangan muna nilang magtiis para hindi masira ang surpresa nila para sa birthday ng tita Gianna niya bukas. All is set na ang lahat. "Sure, boss. No problem," sambit ni Gav at ninakawan na naman siya ng halik sa labi sabay ngisi. Kanina pa ito nakaw nang nakaw ng halik sa kanya, hindi na niya mabilang. At ano raw "boss" baliktad na ata at siya na ang tinawag na boss. "Let's go inside," aniya at hinawakan sa kamay si Gavin bago sila pumasok sa loob. Nandatnan nila sa sala ang tiyahin niya na nanonood ng tv. Kasama nito ang kapatid niyan
GAVIN "Mom and Dad. I just want to tell you that I have already found my biological mother" aniya sa mga magulang na kaharap niya ngayon sa sala. "Kung bakit napunta ako sa bahay-ampunan at napunta po ako sa inyo." "Oh, that's good news, Son," wika ng Daddy niya at tinapik siya sa balikat. "But how?" dagdag pa nito. Humugot muna nang malalim na buntong hininga si Gavin at sinimulang ikwento sa mga magulang niya ang lahat ng nalalaman niya. "My goodness!" tanging nasabi ng mommy niya matapos nitong marinig ang kwento niya. Thanks to his PI na talagang maasasahan this time. At lahat ng sinabi niya ngayon ay galing iyon mismo sa totoo niyang ina na siyang nalaman ng PI niya. "Where is she? Bakit hindi mo siya inimbitahan dito anak para makilala namin siya ng daddy mo," anang mommy niya. "Actually mom, wala pa siyang alam tungkol sa akin. Plano ko pa lang na magpakilala sa kanya," aniya. "I wanted to surprise her." "That's a good idea, anak," sabi ng mom niya. "And do you know wh
ELLA "Saan tayo pupunta hubby?" tanong ni Ella sa asawa niya habang hawak siya nito sa kamay. Sa ngayon ay nasa sa basement parking na sila kung saan naka-park ang kotse ni Gav. Wala kasi siyang idea kung saan sila pupunta e alas-singko pa lang naman ng hapon. Maaga pa para mag-uwian. Sana na kasi siyang laging takip-silim na kung umuuwe at sinisgurado niyang maayos ang trabaho niya. Pero ngayon iba na dahil asawa na niya ang boss niya at ito ang masusunod. Agad siya nitong pinagbuksan ng pintuan at inalalayan na makasakay sa loob. Saka naman umikot sa kabilang side si Gav papunta sa driver seat. "Pupunta tayo sa mansion, baby. Haharapin natin ang family ko ngayon at sasabihin kay Mommy ang tungkol sa atin," saad ni Gav at dumukwang sa kanya para ikabit ang seatbelt niya. Mabilis din siya nitong ninakawan ng halik sa labi sabay ngiti na tila batang kinikilig. "As in ngayon na ba?" tanong niya dahil nakaramdam siya ng kaba. Lalo na kung haharap siya sa mga magulang ng asawa niya.
ELLA Agad na napatingin si Glaiza sa kanya pagkalabas niya sa office. Dali-dali siya nitong sinalubong at laking gulat niya nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. "Ma'am Ella, I'm so sorry po. Please help me naman po ma'am, please," wika ni Glaiza na biglang umiyak habang nakaluhod sa harapan niya. "Tumayo ka diyan, Glaiza. Hindi ako Diyos para lumuhod ka sa harapan ko," aniya sa babae. Sa nakikita niya sa mukha nito ngayon ay hindi na mababakas ang kamalditahan sa anyo. Ngayon para itong inosenting tao na hindi nakagawa ng mali sa kapwa. Pero kahit naman na ginawan siya nito ng hindi maganda ay hindi pa rin tama na lumuhod ito sa harapan niya. Gaya ng sabi niya tao lang din siya at hindi Diyos. "Ma'am Ella, sorry po talaga sa nagawa ko. Hindi ko na po uulitin ma'am. Please, tulungan nyo naman po ako na huwag matanggal sa trabaho. Kailangan na kailangan ko po itong trabaho at may sakit po ang mama ko. Please, Ma'am Ella," walang katapusan na pakiusap sa kanya ni Glaiza. Pero







