Sensya na po busy lang sa work at masakit ulo ko kahapon. Update ako ulit mamaya if di busy, salamat sa patuloy na pagbabasa.
"Ba-bye mama, ingat po kayo," wika ni Heather kay Hannah. Palabas na siya sa inuupahan nilang bahay para pumunta sa pinapasukan niyang hotel nang bumulaga sa kanya ang dalawang mukha ng babae. Ang dati niyang mga amo noong kasambahay siya sa mansion ng mga ito. Biglang kumabog ng husto ang puso niya at gusto niyang pumasok ulit sa loob ng bahay nila pero tila na magnet ang mga paa niya sa sahig. "Hannah?" "Mama, sino po sila?" Napalingon si Hannah nang marinig niya ang boses ni Heather na nagsalita sa likuran niya. Mabilis itong nakalapit sa kanila at ngayon ay nasa unahan na niya ito habang titig na titig sa kanila ni Ma'am Abi at Ma'am Sofie. Pinapasok na muna ni Hannah ang mga ito sa loob ng munti nilang bahay. "Hello po, my name is Heather. Kayo po sino po kayo?" bibong tanong pa nito sa harapan ng dalawa. Walang kamalay-malay ang anak niya na lola at tita nito ang kaharap. "Mama ang ganda po nila pareho," puno ng paghanga na sambit ng anak niya sa mga ito. Hind
Nasa may gate na si Hannah kasama ang anak niya at nag-aabang ng tricycle na dumaan. Uuwe na lang sila ng anak niya at sa susunod na lamang sila magsisimba. Na sakto kasi na may ginaganap na kasal doon sa simbahan. Ngunit bigla siyang kinalabit ni Heather sa kamay sabay turo nito sa nagtitinda ng ice cream na nasa gilid lang nila. Wala pa namang tricycle kaya binilhan na muna niya ang anak. "Tsokolet lang po, mama," request sa kanya ni Heather. "Okay po." "Manong, pabili po isang cup ng ice cream chocolate flavor po," wika ni Hannah sa ice cream vendor. Habang naghihintay ay muling napalingon si Hannah sa simbahan. Hindi pa rin tapos ang kasal sa loob. Pero saglit siyang natigilan nang makita niya ang isang pamilyar na mukha. Ang mukha na kapareho sa mukha ng lalaking minsan niyang minahal at ama ng kanyang anak. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Sofie ang nakikita niya ngayon at nakatingin ito sa gawi nila. Lalo na sa anak niya. Nagsimula na rin itong maglakad, pero hin
Isang buwan at kahalati pagkatapos mag-proposed ni Kurt ay natagpuan ni Myles ang sarili niya na nakatayo sa simbahan. Nakaharap sa altar habang pinapakinggan ang madamdaming wedding vow ni Kurt sa kanya. "Sa kakahanap at kakahabol ko noon sa babaeng akala ko para sa akin, ay hindi ko napansin na meron na pala na isang ikaw. Ikaw na matagal na pala na ibinigay at nakalaan para sa akin. Ikaw na tahimik lang na naghihintay kahit na nasasaktan na. Ikaw na hindi napagod na mahalin ako mula noon hanggang ngayon. And I am so very lucky na meron akong isang ikaw. Isang Myles sa buhay ko. My love, from the moment you walked into my life, everything changed. You brought light into places I didn't even know were dark, and peace to parts of me I hadn't yet understood. You are the calm to my storms, and the heartbeat I didn't know I was missing. Loving you has been the most natural thing I've ever done. And now I'm standing here in front of you today feels like everything in my life has
"Nila? Who?" "My surprise." Napakunot ang noo niya. Akala ba niya ito na ang surprise nito ang dating mansion nila. Pero mukhang meron pa. Inakay na siya ni Kurt papasok sa loob ng mansion at nagpatianod na lang siya sa lalaki. Napasinghap si Myles nang pagbukas ng pinto ay tumambad sa paningin niya ang kanyang mommy at anak na si Kyrie. Naroroon din ang mommy at daddy ni Kurt. Kaya gulat ang lumarawan sa mukha niya. Naroon din ang mga staff niya sa Kyrie's cafe at ang bestfriend niyang si Ally. Wala nga lang si Sofie at nasa honeymoon pa ito. Sa harapan ng mga ito ay naka-display ang bawat led letter na "WILL YOU MARRY ME?" Marami ring nakakalat na red petals sa sahig. Masayang-masaya ang mga ito na nakatunghay sa kanya. Lahat nakangiti, at kinikilig, habang siya ay naiiyak na naman sa saya. "Mommy look daddy at your back!" sigaw ng matinis na boses ni Kyrie. Unti-unti naman pumihit si Myles sa likuran niya. Napakagat labi siya nang makita niya si Kurt na ngayon ay
Nang makaalis ang parents ni Kurt kasama si Kyrie ay naiwan silang dalawa sa mansion. May important call na natanggap si Kurt sa kumpanya nito kaya nagpaalam muna sa kanya ang lalaki na magtungo sa mini office ng daddy nito. Dito lang din sa loob ng mansion. "Saglit lang ako, love," ani Kurt at ginawaran siya ng masuyong halik sa labi. "Take your time, love. Aakyat na muna ako sa taas," paalam niya na tinanguan nito. Pagpasok ni Myles sa kwarto ni Kurt ay niligpit na muna niya ang mga kalat nila roon. Ang mga damit nila ni Kyrie ay nilagay na niya muli sa bag. Uuwe na sila mamayang gabi sa condo niya. Dahil iyon ang usapan nila ni Kurt. Anytime naman pwedeng pumunta roon ang lalaki. Ang iniisip lang niya ngayon ay si Kyrie. Masyado na itong malapit sa daddy nito. Well, pwede naman doon matulog si Kurt kapag gusto nito, iyon nga lang walang bembangan at wala silang privacy roon. Haist....ano ba tong naiisip niya, bembangan na naman. Na bembang na nga siya kagabi kaya nga happ
"Dito pa daddy, lagyan mo rito lotion saka rito," dinig na dinig ni Myles ang matinis na boses ng anak niya na kausap ang ama nito at nagpapalagay ng lotion. Nakahilata pa siya sa kama at inaantok pa siya pero nagising siya sa ingay ni Kyrie. Teka anong oras na ba at ang aga naman ata nagising nitong anak niya. Idinilat niya ang isang mata at nakita niya ang mag-ama niya na nasa sofa. Mukhang bagong paligo si Kyrie at nilalagyan ito ni Kurt ng lotion sa katawan. "Dito ba baby, saka rito pa?" "Ay! Ay! Kikiliti mo 'ko daddy eh," tili ni Kyrie at tawa ito nang tawa. "Sshhh baby, tulog pa si mommy baka magising siya," ani Kurt sa anak nila. "Yes, daddy," tugon naman ni Kyrie na mas hininaan ang boses. Natawa naman si Myles sa bulungan ng mag-ama niya. Hindi alam ng dalawa na kanina pa siya gising, na nakikita at pinapakinggan niya ang mga ito. "Good morning," nakangiting bati niya sa mag-ama. Agad na napalingon ang dalawa sa kanya. Nananatili siyang nasa kama at nakatagil