Share

CHAPTER 67. S&V

Penulis: Ciejill
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-07 16:53:06
VADEN

Tahimik na nakatayo si Vaden sa harap ng window glass sa loob ng kanyang opisina habang may hawak na baso ng alak.

Mariin niyang pinagmamasdan ang mga building sa labas na nagsisitaasan. Umagang-umaga at sobrang liwanag ng sikat ng araw pero heto siya madilim ang mundo. Hindi niya alam kung magliliwanag pa ba ang buhay niya gayong tuluyan ng natuldukan ang pagsamama nila ng dating asawa.

"Daddy?"

Biglang natigilan si Vaden mula sa malalim na pag-iisip nang may narinig siyang boses ng bata na nagsalita mula sa likod niya. At tama ba ang narinig niya? Tinawag siyang daddy ng bata? Paanong may bata na nakapasok dito sa opisina niya?

"Hello daddy, ikaw ba ang daddy ko?" muli niyang narinig ang medyo garalgal na boses ng bata. Sa tono nito ay parang maiiyak na.

Dahan-dahan na lumingon si Vaden at ganun na lang ang gulat niya nang makita niya ang mukha ng batang kaharap niya na ngayon ay humihikbi na.

"Mr. Sungit?"

"Venice?"

Halos magkapanabay pa nilang sambit. Gulat
Ciejill

Sino ba kasi ang pumirma sa annulment kung hindi ka pumirma Vaden? And yes pretty baby, unli hugas na ng pwet mo ang daddy Vaden mo hahaha.

| 18
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (12)
goodnovel comment avatar
Donna Candoleta-Marte
Kaya nga sinu ang pumirma
goodnovel comment avatar
Maria Angela
pa update miss A thanks
goodnovel comment avatar
Cristy Coronel Higue
baka si vayden ang pumirma
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 102. HANNAH

    "What are you talking about? Anong sex video ang sinasabi mo?" gulong-gulo na tanong ni Shane. Tila ba nawala ang espiritu ng alak sa sistema nito. "Go ahead, Hannah," utos sa kanya ni Sir Seb kaya nagpatuloy siya. "Nakita ko ang video nyo, sir Shane...kayo ni Erika. Sa opisina mo, nakita ko lahat," garalgal na sabi ni Hannah. "Nalaman ni Erika na may tagong relasyon tayo. Kaya sinabi ni Erika na sisirain niya ang pangalan mo sa mundo ng negosyo. Pati na ang pangalan ng kumpanya at pamilya ninyo kapag hindi ako sumunod sa gusto niya na layuan ka," aniya at bahagyang pumiyok ang boses. Kung pwede lang na huwag ng alalahanin pa ang nakaraan na siyang dumudurog ngayon sa puso niya ay hindi niya na gagawin pa. Mas lalo lang siyang nasasaktan sa tuwing naaalala niya ang namagitan kay Shane at Erika. Tumikhim siya muli para alisin ang bara sa lalamunan niya. "May hawak na sex video niyong dalawa si Erika at iyon ang ipinakita niya sa akin na ilalabas niya sa media sa publiko kapag hindi

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 101. HANNAH

    Napabalikwas sa higaan si Hannah at bigla siyang bumangon nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwartong kinaroroonan nila ng anak niya. Doon niya nakita si sir Shane. Kahit na medyo madilim ay nakikita niya ang dilim sa anyo nito. Walang pasabi na bigla nitong binuksan ang lahat ng ilaw kaya nagliwanag bigla ang buong paligid. Tila ba wala itong pakialam na may natutulog at maaaring magising dahil sa ginagawa nito. Tuluyan na ring bumangon si Hannah at umupo sa gilid ng kama. Sa talim ng mga tingin sa kanya ni Sir Shane, kulang na lang ay saksakin siya nito ng buhay. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig nito baka kanina pa siya bumulagta. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Masama ang tingin nito sa kanya pero ang mga mata ay tila namumungay. "Ano pa ang ginagawa nyo rito ng anak mo?" sita nito sa kanya. Natahimik lang siya at hindi sumagot. Mukha kasing lasing ito dahil nalalanghap niya mula rito ang alak na na

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 100. HANNAH

    Kinagabihan hanggang sa pagsapit ng dinner ay hindi pa rin umuuwe si Shane. Mukhang tinotoo nito ang sinabi kanina na hindi uuwe rito sa mansion hanggat nandito sila ng anak niya. Nasa dining area sila ngayon at sabay-sabay na kumakain ng hapunan. Ayaw sana sumabay ni Hannah kasi nahihiya siya, pero mas nakakahiya kung tatanggihan niya. Saka aarte pa ba siya eh siya na itong nakikitira. "Kain ka pa marami, Heather. Kita mo ako dami ko kain kaya taba ko na," wika ni Venice. Katabi nito sa upuan si Heather habang kumakain. Naging malapit at magkasundo agad ang dalawa. "Sige, kakain din ako marami para tumaba rin ako gaya mo," sagot naman ni Heather sa pinsan nito. "Ang swerte mo Hannah at ang bait ng anak mo, buti at di nagmana sa daddy niyang masungit," saad ni ma'am Sofie. Nakangiti sila habang pinagmamasdan si Heather na ngayon ay maganang kumakain at sinasabayan si Venice. "Bakit sa akin mommy hindi ka swerte? Eh mabait din naman ako, kasingbait ni daddy ko," sabi ni Venic

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 99. HANNAH

    HANNAH Mahigpit ang kapit ni Hannah sa kamay ng anak niya nang makarating na sila sa mansion ng mga Ashford. Kinakabahan siya sa maaring pagkikita nilang muli ni Shane. Pero sa ngayon ay wala pa rito ang lalaki at nasa ibang bansa raw. At ayon sa mommy nito at kay Sofie ay hindi pa raw nito alam ang tungkol kay Heather. Hahayaan daw nila na siya ang magsabi rito. Pero hindi niya alam kung matatanggap ba nito ang anak niya. Kinakabahan talaga siya sobra. "Pakidala na lang ng mga gamit sa loob, salamat." Utos ni mam Abi sa dalawang bodyguard nito. "Ano po ito mama? Mall po ba ito? Punta tayo sa mall?" tanong ni Heather sa kanya. Nakatingala ang anak niya na nililibot ng tingin ang mansion na sobrang laki. "Hindi anak, ito ang mansion ng lola at lolo mo. Dito sila nakatira," sagot niya rito na siyang ikinamilog ng mga mata nito. "Talaga po? Sobrang laki naman ng bahay na ito mama, para talaga siyang mall," wika pa ng anak niya. Natawa naman siya sa sinabi ng anak niya, maging sina

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 98. HANNAH

    "Ba-bye mama, ingat po kayo," wika ni Heather kay Hannah. Palabas na siya sa inuupahan nilang bahay para pumunta sa pinapasukan niyang hotel nang bumulaga sa kanya ang dalawang mukha ng babae. Ang dati niyang mga amo noong kasambahay siya sa mansion ng mga ito. Biglang kumabog ng husto ang puso niya at gusto niyang pumasok ulit sa loob ng bahay nila pero tila na magnet ang mga paa niya sa sahig. "Hannah?" "Mama, sino po sila?" Napalingon si Hannah nang marinig niya ang boses ni Heather na nagsalita sa likuran niya. Mabilis itong nakalapit sa kanila at ngayon ay nasa unahan na niya ito habang titig na titig sa kanila ni Ma'am Abi at Ma'am Sofie. Pinapasok na muna ni Hannah ang mga ito sa loob ng munti nilang bahay. "Hello po, my name is Heather. Kayo po sino po kayo?" bibong tanong pa nito sa harapan ng dalawa. Walang kamalay-malay ang anak niya na lola at tita nito ang kaharap. "Mama ang ganda po nila pareho," puno ng paghanga na sambit ng anak niya sa mga ito. Hind

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 97.

    Nasa may gate na si Hannah kasama ang anak niya at nag-aabang ng tricycle na dumaan. Uuwe na lang sila ng anak niya at sa susunod na lamang sila magsisimba. Na sakto kasi na may ginaganap na kasal doon sa simbahan. Ngunit bigla siyang kinalabit ni Heather sa kamay sabay turo nito sa nagtitinda ng ice cream na nasa gilid lang nila. Wala pa namang tricycle kaya binilhan na muna niya ang anak. "Tsokolet lang po, mama," request sa kanya ni Heather. "Okay po." "Manong, pabili po isang cup ng ice cream chocolate flavor po," wika ni Hannah sa ice cream vendor. Habang naghihintay ay muling napalingon si Hannah sa simbahan. Hindi pa rin tapos ang kasal sa loob. Pero saglit siyang natigilan nang makita niya ang isang pamilyar na mukha. Ang mukha na kapareho sa mukha ng lalaking minsan niyang minahal at ama ng kanyang anak. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Sofie ang nakikita niya ngayon at nakatingin ito sa gawi nila. Lalo na sa anak niya. Nagsimula na rin itong maglakad, pero hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status