共有

CHAPTER 76.

作者: Ciejill
last update 最終更新日: 2025-06-15 13:01:14
KURT

Masaya si Kurt habang nakatingin sa magandang bride na naglalakad papunta sa groom nitong naghihintay sa altar.

Masaya siya para kay Sofie sa babaeng mahal niya. Pero sa kabila nun ay parang may punyal na tumatarak sa puso niya. Akala niya dahil nagparaya na siya ay hindi na siya masasaktan, masakit pa rin pala na makita ang babaeng pinakamamahal mo na lumuluha sa kaligayahan para sa lalaking mahal nito.

At sino siya para pigilan at hadlangan ang kaligayahang iyon ng mahal niya. Sadyang hindi sila ni Sofie ang inilaan para sa isa't isa. Pero kumapit siya noon sa pag-asang mamahalin din siya nito. Kahit pa alam naman niya sa simula pa lang na mahal pa rin nito si Vaden.

Hinayaan niyang pumatak ang mga luha niya nang makita na iniharap na ni Vaden si Sofie sa altar. Kasabay niyon ay ang pagtalikod niya at pag-alis sa lugar. Naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang makahinga.

Sumakay siya sa kotse niya at pinasibad ito papunta sa bar. Kailangan niya ngayon ng alak
Ciejill

May isang chap pa si Sofie at Vaden, bago ko simulan ang kay Kurt at Myles.

| 18
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (4)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
ayy were? sila talaga!!malamang masalimuot din kwento nila,kc Alam ko si Myles talaga kilig n kilig Kay prof hahaha,
goodnovel comment avatar
Maria Angela
tama nga ako yung Kyrie's coffee shop name ng anak nila myles and Kurt
goodnovel comment avatar
Reese Lee
Salamat miss a...
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 106. HANNAH

    "Tingnan mo ang dalawang bata Hannah, talagang magkasundong-magkasundo sila," masayang wika ni Ate Sofie sa dalawang bata habang hinahaplos ang tyan nitong malaki na ang umbok. Yes ate Sofie na tawag niya rito kasi matanda naman ito sa kanya ng tatlong taon. Ilang araw na rito natutulog ang mga ito, at kung minsan naman daw ay doon sa mansion ng parents ni kuya Vaden. Nakakatuwa nga raw e, dahil ang sariling bahay ng mga ito ay minsan na lang nauuwian. Halos ayaw kasing pakawalan ng mga magulang nila ang mga ito kapag nasa mansion. Lalo na rito na si Venice ang naging unang apo nina tita Abi at tito Seb. Pangalawa na rin ngayon si Heather. Nasa may pool sila ngayon at nakaupo sila sa poolside habang ang mga paa nila ay nakalubog sa tubig. Nasa mababaw na parte lang naman ang mga bata at naglalaro ito sa tubig kasama ang bantay na si Gigi. After mag-breakfast kanina, nagpahinga lang saglit at nagyaya si Venice kay Heather na maligo sa pool kaya heto halos dalawang oras mahigit na sil

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 105. HANNAH

    SHANE "S-Shane, ano ba, let m-me go," pagpupumilit ni Erika na makawala mula sa pagkakasakal niya sa leeg nito. Pabalyang itinulak ni Shane si Erika sa sofa. Gulo-gulo ang buhok nito at namumula ang mukha lalo na ang leeg na tila bumakat ata ang mga daliri niya roon. Mabilis naman na tumayo ang babae at humarap sa kanya. "Now tell me, where is the fucking video?!" sigaw niya sa babae dahilan para kabahan ito. "I don't know what are you talking about, Shane. Wala akong alam sa sinasabi mo!" bulyaw rin nito pabalik sa kanya kaya tila nagpantig ang tainga niya. Talagang magde-deny ito. Pero wala siyang plano na tigilan si Erika hanggat hindi ito umaamin sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niya na muling nilapitan si Erika at idiniin ang katawan nito sa wall. "Huwag ka ng magmaang-maangan pa Erika, dahil alam ko na lahat. Paano tayo nagkaroon ng sex video gayong hindi ko naman pinapatulan ang mga paglalandi mo sa akin. So tell me, where is the fucking sex video?" mariing tanong niya

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 104. HANNAH

    Nang makita ni Shane na pababa na ng hagdan si Hannah kasama ang anak nila ay agad siyang nagkubli sa poste na katabi ng malaking halaman na tanim ng mommy niya. Sinundan niya ng tingin ang dalawa at nakita niyang nagtungo ang mga ito sa kusina. Gustong-gusto niya sana na muling lapitan ang anak niya pero ayaw nito sa kanya. Kasalanan naman kasi niya at nasisigawan niya ito at pinandilatan ng mga mata niya. Pero mas kasalanan ito ng isang tao na sumira sa kanya kay Hannah. Ang buong akala nya iniwan siya nito at pinagpalit sa dating ex boyfriend nito pero, hindi. Kagagawan iyon lahat ni Erika! Naririnig niya ang daldal na boses ng pamangkin niyang si Venice na kinakausap ang anak niya. Mabuti na lang talaga at super daldal ng pamangkin niya, mana sa mommy nito. 'Kain ka hotdog Heather, masarap 'yan. Niluto 'yan ni daddy Shane....ng daddy mo pala. Pero daddy rin kasi tawag ko sa kanya, okay lang ba?' dinig pa ni Shane na tanong ng pamangkin niya sa anak niya. Daldal talaga nitong pa

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 103. HANNAH

    SHANE Tuliro na lumabas si Shane sa silid na kinaroroonan ni Hannah at ng batang wala siyang kamalay-malay na anak pala niya. Dumeretso siya sa baba at mabilis na nagtungo sa mini bar counter nila. Kmuha siya ng alak at doon uminom. Nakakailang shot na siya nang dumating ang daddy niya at narinig ang boses nitong nagsalita. "Now that you already know the truth. It's time for you to do what is right. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin, son," wika ng daddy niya. Lumingon si Shane at tinitigan ang seryosong mukha ng dad niya. Alam niya ang nais ipahiwatig nito kaya iyon ang gagawin niya. "I know, dad," aniya at muling ininom ang alak sa hawak na baso. Hindi naman na nagsalita ang daddy niya, bagkus tinapik-tapik siya nito sa balikat bago umalis. Parang gusto niyang sumigaw at magwala pero pinipigil niya ang galit na nabuhay sa loob niya. Kaya ibinunton na lang niya ito lahat sa pag-inom ng alak. Hindi man lang niya namalayan na ang batang pinapaalis niya sa mansion n

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 102. HANNAH

    "What are you talking about? Anong sex video ang sinasabi mo?" gulong-gulo na tanong ni Shane. Tila ba nawala ang espiritu ng alak sa sistema nito. "Go ahead, Hannah," utos sa kanya ni Sir Seb kaya nagpatuloy siya. "Nakita ko ang video nyo, sir Shane...kayo ni Erika. Sa opisina mo, nakita ko lahat," garalgal na sabi ni Hannah. "Nalaman ni Erika na may tagong relasyon tayo. Kaya sinabi ni Erika na sisirain niya ang pangalan mo sa mundo ng negosyo. Pati na ang pangalan ng kumpanya at pamilya ninyo kapag hindi ako sumunod sa gusto niya na layuan ka," aniya at bahagyang pumiyok ang boses. Kung pwede lang na huwag ng alalahanin pa ang nakaraan na siyang dumudurog ngayon sa puso niya ay hindi niya na gagawin pa. Mas lalo lang siyang nasasaktan sa tuwing naaalala niya ang namagitan kay Shane at Erika. Tumikhim siya muli para alisin ang bara sa lalamunan niya. "May hawak na sex video niyong dalawa si Erika at iyon ang ipinakita niya sa akin na ilalabas niya sa media sa publiko kapag hindi

  • The Billionaire's Unloved Wife   CHAPTER 101. HANNAH

    Napabalikwas sa higaan si Hannah at bigla siyang bumangon nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwartong kinaroroonan nila ng anak niya. Doon niya nakita si sir Shane. Kahit na medyo madilim ay nakikita niya ang dilim sa anyo nito. Walang pasabi na bigla nitong binuksan ang lahat ng ilaw kaya nagliwanag bigla ang buong paligid. Tila ba wala itong pakialam na may natutulog at maaaring magising dahil sa ginagawa nito. Tuluyan na ring bumangon si Hannah at umupo sa gilid ng kama. Sa talim ng mga tingin sa kanya ni Sir Shane, kulang na lang ay saksakin siya nito ng buhay. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig nito baka kanina pa siya bumulagta. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Masama ang tingin nito sa kanya pero ang mga mata ay tila namumungay. "Ano pa ang ginagawa nyo rito ng anak mo?" sita nito sa kanya. Natahimik lang siya at hindi sumagot. Mukha kasing lasing ito dahil nalalanghap niya mula rito ang alak na na

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status