Share

Chapter 4

Author: Ember
last update Last Updated: 2024-12-26 18:38:36

Ang boses na iyon ay nagdulot ng pagtataka at pagbaling ng tingin ng tatlong iba pang tao sa opisina patungo sa kinatatayuan ni Ella. Biglang nahinto ang pag re-report ni Mariz. Dahilan upang tuluyang mabalot ng di-pangkaraniwang katahimikan ang paligid.

Dahan-dahang humarap si Ella, pilit pinanatili ang isang simple at maaliwalas na ngiti, at direktang tiningnan ang malamig na mga mata ni Rico Velasquez.

“Sir, mayroon po ba kayong ipag-uutos?”

Sa unang pagtama ng malamig niyang mga mata sa mukha ni Ella, saglit na lumitaw ang bakas ng pagkabigla dito. Matapos ang ilang segundo ng pagkatulala, inilapag ni Rico ang tasa ng kape at nagsalita sa malamlam na boses. “Ikaw ba ang gumawa ng kape?”

Ang tanong na ito ay parang tumama sa dibdib ni Jasmine Ortiz, na biglang nakaramdam ng pag-aalala. Dati, si Clay ang gumagawa ng kape, kaya naman inisip niyang baka hindi nagustuhan ni Rico ang gawa ni Ella ngayon. At dahil ayaw niyang mapagalitan si Ella sa unang pagkakataon nitong makaharap si Rico, nagmamadali siyang sumingit para magsalita. “Sir, si Ella po ay bagong sekretarya at hindi pa kabisado ang lahat. Kung hindi po ninyo nagustuhan ang kape, ipapagawa ko po ulit kay Clay.”

Ngunit hindi inalis ni Rico ang tingin kay Ella. Sa halip, may kakaibang ekspresyon sa kanyang mga mata. “Siya ang tinatanong ko,” mahinahon nitong saad.

Hindi agad naunawaan ni Ella ang kahulugan nito, ngunit sumagot siya ng tapat. “Ako po ang gumawa ng kape, Sir. Kung hindi po ninyo nagustuhan, gagawa po ako ng bago,” magalang at mahinahon niyang sagot.

Subalit sa kabila ng kanyang kalmado na panlabas na anyo, nagtatakbuhan na ang kanyang isipan. Mapapagalitan kaya siya sa unang pagkakataon nilang pagkikita?

Bagama't malakas ang kakayahan ni Ella na tanggapin ang anumang puna, hindi naman siya masokistang gustong mapagalitan. Isa pa, tama naman ang pagkakasunod ng proseso niya sa paggawa ng kape.

Walang ekspresyon ang mukha ni Rico habang dahan-dahang tumapik ang kanyang mahahabang daliri sa mesa. Ang bawat tapik ay parang bumabagsak sa puso ni Ella. Matapos ang ilang sandali, narinig niya ang mabagal na boses nito. “Pasok sa panlasa ko. Tama rin pagkakakontrol mo sa init. Ganito ulit ang gawin mo sa susunod.”

Dati, malamig ang kape na inihahain sa kanya, ngunit mas gusto pala niya ang may bahagyang init. Gayunpaman, hindi na niya binabanggit ang maliit na detalye na ito. Kaya’t sa pagkakataong ito, nagulat siya na ang simpleng kape ay nagdulot ng malaking impresyon.

Samantala, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Ella. Ang tensyon sa kanyang katawan ay unti-unting nawala.

“Sige po, Sir. Kung wala na po kayong iba pang iuutos, babalik na po ako sa aking desk.”

Pormal na tumango si Rico, at saka lamang niya inalis ang tingin kay Ella matapos nitong lumabas ng opisina.

“Continue,” utos niya kay Jasmine at Mariz, na nagkatinginan ngunit hindi na nagtangkang tanungin ang kinilos ng kanilang boss. Sa halip ay agad nilang itinuloy ang report.

Halos mapasigaw naman sa ginhawa si Ella matapos makalabas ng opisina. Isang himala! Dahil natugma ang simpleng pakiramdam niya na malamig ang panahon ngayon kaya't medyo tinaasan niya ang temperature ng kape. Sino ang mag-aakala na ito pala ang magbibigay ng magandang impresyon para sa kaniyang boss?

Napaisip siya, “Siguro naman, nakapuntos ako sa unang araw.” Ngunit agad ring napailing at sinabi sa sariling huwag siyang pakasigurado. Bumalik siya sa kanyang mesa na naguguluhan habang naghihintay naman si Trixie roon.

“Kamusta? Wala bang nangyaring masama?” tanong nito.

“Siguro naman wala,” sagot ni Ella bago muling iniukol ang sarili sa trabaho. Naiwang nagtataka naman si Trixie.

“Ano naman ang ibig sabihin ng ‘siguro naman wala’?” bulong nito.

---

Malapit na ang tanghalian, ngunit abala pa rin si Ella sa trabaho. Tinanggihan niya ang imbitasyon ni Trixie para kumain at nag-order na lamang ng pagkain. Habang naghihintay, abala siya sa pagta-type ng isang dokumento na kailangang maipasa kay Rico sa hapon.

Ngunit biglang nagambala ang kanyang pag-iisip nang may malinaw na boses ang nagsalita sa likoran niya. “Hindi ka pa kumakain?”

Sa sobrang gulat, tumigil ang kanyang mga daliri sa pagta-type, at isang maling pindot ang nagdulot ng magulong teksto sa kaniyang ginagawa. Dahan-dahan siyang lumingon, at natigilan ng makita si Rico. Naka-puting polo ito, bahagyang nakabukas ang dalawang butones, at nakarolyo ang manggas hanggang sa kanyang mga bisig. Ang suot niyang itim na suit ay nagbibigay-diin sa malamig na liwanag ng relo sa kanyang pulso.

Napatulala siya. Nang mapansin ito ni Rico, saglit na kumislap ang dilim sa kanyang mga mata. “Lunch break na. Mahirap magtrabaho ng maayos kung gutom. Kumain ka na,” kalmado niyang pag-uulit.

May dalawang oras at kalahating lunch break ang kompanya, ngunit alas-dose na, at lampas kalahating oras na ang nakalipas.

Sa harap ng ipinakitang pag-aalala ni Rico, nakaramdam si Ella ng kaunting pagkailang. Pakiramdam niya, dapat ay isang masungit at mapangilag na boss si Rico, at hindi ganitong tila malumanay at maalalahanin.

“Salamat po sa alok, Mr. Velasquez, pero umorder na po ako ng pagkain, paparating na po siguro iyon,” sagot ni Ella na may ngiti sa labi, pero malinaw ang pagtanggi.

Dahil gawa sa salamin ang kaliwang bahagi ng kanilang opisina at malapit ang lamesa niya sa pintuan, kitang-kita ng mga dumadaan ang bawat galaw niya.

Siya ang huling dumating sa opisina kaya’t ang ganitong uri ng pwesto ang napunta sa kanya. Hindi na rin nakakagulat na siya agad ang makita ni Rico pagkatapos ng trabaho. Gayunpaman, iniiwasan niyang kumain kasama ang boss dahil natatakot siyang mawalan ng gana.

Ngunit parang hindi narinig ni Rico ang kanyang sinabi at tumingin ito sa screen ng computer niya. “Quarterly summary report ba ito?”

“Opo, malapit na rin po itong matapos,” sagot ni Ella habang bahagyang kinagat ang kanyang ibabang labi.

Ang quarterly summary ng bawat departamento sa kumpanya ay kailangang ipunin ng kanilang opisina at iharap kay Rico. Ito ang pinakamahalagang trabahong napunta sa kanya, kaya’t hindi siya pwedeng maging pabaya.

“Basta ipasa mo na lang sa akin ang dokumento bago matapos ang araw. Hindi naman kailangang madaliin.” Tumitig si Rico sa mga kamay niyang naglalaro sa dulo ng kanyang ballpen at nagsalita nang kalmado, “Halika, libre kita ng tanghalian. Pagkakataon na rin ito para magkakilala ang boss at empleyado.”

Pagkatapos ay tumingin ito nang tuwiran sa mga mata niya na agad nagdulot ng kakaibang tensyon. Dahil naman sa mga sinabi nito, wala nang nagawa si Ella kundi tumango at sumang-ayon. Nang kunin niya ang kanyang bag at telepono, halos mahulog pa ang huli sa sobrang kaba.

Napapaisip siya nang tuluyang makasakay sa sasakyan ni Rico.

“Kailangan ko bang tulungan kang magsuot ng seatbelt?” tanong nito habang ang isang kamay ay nasa manibela, at may bahagyang umuuling ngiti sa labi.

“A-Ah,” nauutal na sambit ni Ella na bigla namang namula ang mukha. Dali-dali niyang kinuha ang seatbelt at isinara iyon, ngunit halos hindi niya maikabit nang maayos dahil sa kaba.

Bagamat nagpapakita si Rico ng pagiging approachable, pakiramdam niya ay may kakaiba pa rin. Lalo na simula nang ihatid niya ang kape kaninang umaga.

Paglabas ng sasakyan sa underground parking lot, nagtanong si Rico habang nakatingin sa kalsada. “Ano ang gusto mong kainin?”

“Kahit ano po, bahala na po kayo, Mr. Velasquez,” sagot ni Ella, ramdam ang kaba habang pinagmamasdan ang boss na nagmamaneho.

Sa isip niya, hindi pangkaraniwang ang boss mismo ang magmaneho para sa empleyado. Nag-alok pa nga siyang siya na ang magmaneho, ngunit tumanggi si Rico. Sinabi rin nitong hindi na kailangang maging pormal pagkatapos ng oras ng trabaho. Hindi naman siya nagpumilit pa dahil sa totoo lang, takot din siyang magmaneho ng sasakyan ng boss, baka magasgasan niya ito at magbayad pa ng malaki.

“Okay ba ang hotpot? Tama ang panahon ngayon—hindi masyadong mainit o malamig,” mungkahi ng lalaki, bahagyang sinusulyapan si Ella na tila nag-iisip nang malalim. Napangiti siya nang bahagya ngunit agad ding binawi iyon.

Wala namang pagtutol si Ella kaya’t agad siyang tumango. Ngunit napagtanto niyang hindi iyon kita ni Rico, kaya’t mabilis siyang nagsalita, “Okay lang po. Hindi naman po ako mapili sa pagkain.”

Nakahanap si Rico ng malapit na hotpot restaurant, ngunit puno ito ng mga tao. Ngunit dahil kalahati na ng lunch break, hindi na sila naghintay ng lamesa. Sa halip, pumunta sila sa isang pribadong kainan.

Nang dumating ang pagkain, hindi napigilang lunukin ni Ella ang laway niya. Hindi dahil mababaw ang kanyang pananaw at hindi pa nakakakain ng masarap na pagkain, kundi dahil gutom na gutom na siya.

Ngunit dahil hindi pa kumakain ang kaniyang boss, hindi rin siya makapagsimula. Samantalang abala namang tumitipa si Rico sa kanyang hawak na telepono, nang mapansin nitong hindi pa si Ella nagsisimulang kumakain. Agad naman niyang naunawaan ang dahilan.

Ibinalik ni Rico ang telepono sa mesa, kumuha ng chopsticks, at kumuha ng bamboo shoot, pagkatapos ay kinain iyon nang maingat.

Nang makita ito ni Ella ay agad narin siyang nagsimulang kumain. Tila nagsasaya ang kanyang tiyan sa tuwa dahil sa dami ng pagpipilian. Matapos tikman ang ilang magagaan na putahe, kumuha siya ng ribs na may makapal at malinamnam na sauce. Ngunit sa unang subo pa lang, biglang kumulo ang kanyang tiyan.

Nakaramdam siya ng pagkahilo at sinukuan ang pagkain ng ribs. Inilagay niya ito sa lalagyan ng buto at uminom ng ilang baso ng tsaa upang maibsan ang pagkaduwal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 151

    Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 150

    Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 149

    Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 148

    Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 147

    Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 146

    Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status