Napansin ni Rico ang kanyang kilos bago nagsalita sa malinaw na boses, “Hindi mo ba gusto ang pagkain? Kung hindi mo gusto, mag-order ka pa ng iba.”
Habang sinasabi iyon, handa na ito para tumawag ng waiter. Agad naman siyang pinigilan ni Ella, umiling at sinabing, “Ayos lang po. Siguro nagka-trangkaso lang ako nitong mga nakaraan. Medyo nasusuka ako at hindi makakain ng karne.” Sa loob ng dalawang araw, tila hindi niya matiis ang mamantikang pagkain. Siguro ay dahil ito sa biglaang pagbabago ng panahon. Mabuti na lang at hindi naman ito malala, kaya hindi niya masyadong inintindi. Bahagyang namang kumunot ang noo ni Rico, tinitigan siya ng ilang sandali nang tahimik, at saka tumawag ng waiter. “Pakihanda ng brown sugar ginger water. Huwang mong kalimutang tanggalin ang luya bago i-serve.” “Opo, sir,” sagot ng waiter sabay alis. Napatingin si Ella kay Rico, hiyang hiya dahil tila naabala pa niya ang boss niya. Mukhang nabasa naman ni Rico ang iniisip nito kaya't ngumiti nang bahagya. “Ang kalusugan ang puhunan sa trabaho. Kung bumagsak ka, sino ang gagawa ng trabaho mo?” Nawala ang pagkabalisa ni Ella, pero nagpapasalamat pa rin siya sa pagiging maasikaso ni Rico. “Huwag kang mag-alala, sir, magtatrabaho po ako nang husto para sa Velasquez Group hanggang sa aking huling hininga. Hindi ko po kayo bibiguin.” Habang sinasabi ito, halata ang pagkalma niya. Umuuli naman sa malalim na mga mata ni Rico ang isang ngiti. Talagang masaya siyang asarin si Ella ngayon. “Kalma lang. Huwag mo nang isama ang hanggang kamatayan. Trabaho lang nang mabuti.” “S—sige po.” Ang pagkain nilang iyon ay hindi naging mabigat o awkward gaya ng inaakala ni Ella. Sa halip, tila mas napalapit sila sa isa’t isa. Pagbalik sa opisina, may sampung minuto pa bago magsimula ang trabaho. Kailangan niyang maghanda ng notes para sa meeting sa hapon, kaya nagdala siya ng tasa papunta sa tea room para gumawa muna ng honey water. Pagka-buhos pa lang niya ng honey sa tasa, biglang sumiklab muli ang hindi komportableng pakiramdam sa kanyang tiyan. Bago pa siya makakilos, naramdaman niya ang pag-akyat ng kung ano sa kaniyang sikmura. Yumuko siya, at napaiyak habang nagtatangkang pigilan ito. Matapos masuka ng dalawang beses, napansin ni Ella ang isang tisyu at butuhang kamay na iniaabot sa kanya. Bahagyang lumitaw ang mga ugat dito, na tila kakaiba ang ganda. Napatingin siya pataas, at sa kabila ng malabong imahe ng lalaki sa kanyang paningin, alam niyang si Rico ito. Ngunit hindi gaanong malinaw ang mukha ng lalaki sa usok ng tea room. Ang matitigas na anggulo nito’y tila nagtatago sa dilim ng gabi. Isang kakaibang pakiramdam ng pagiging pamilyar ang naramdaman niya. Bahagya siyang nahiya dahil dalawang beses siyang nakita ng kaniyang boss sa ganitong sitwasyon sa loob ng isang araw. Kinuha ni Ella ang tisyu mula sa kanyang kamay at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang boses nito malapit sa kanyang tainga, at tila sumabog ang kanyang ulo sa kaba. “Hindi ka kaya… buntis?” tanong ni Rico na bahagyang nag-aalinlangan, walang ekspresyon sa kanyang mukha, ngunit bahagyang kumunot ang kanyang noo. Ang pagsusuka nang paulit-ulit sa isang araw ay maaaring hindi simpleng trangkaso lamang. Napako si Ella sa kinatatayuan, nanlaki ang mga mata, at unti-unting lumitaw ang takot sa kanyang paningin habang naaalala ang hindi kapani-paniwalang nangyari noong gabing iyong dalawang buwan na ang nakalipas. Pero, nasisiguro naman niyang uminom siya ng gamot pagkatapos nun! Pinutol ni Rico ang pagkatulala niya para mag salita. Dahan-dahan, napunta ang tingin nito sa flat na tiyan ni Ella, at medyo seryoso ang boses nang tanungin, “Gaano na katagal mula noong huli kang dinatnan?” “Ha? Ahm- Hindi po, uminom naman ako ng—” Naputol ang sinasabi niya nang ma-realize niyang nasa harap niya ang boss niya. Agad siyang tumahimik, ngunit halata ang pagkunot ng noo. Bakit nga ba kailangan niyang magpaliwanag dito? Nabasa naman agad ni Rico ang iniisip ni Ella. Bahagya siyang napailing. Noong gabing iyon, nagawa pa nitong pilitin siya nang hindi man lang siya nakikilala. Sobrang tapang pero hindi iniisip ang magiging resulta. Nanahimik ang tea room. Makalipas ang ilang sandali, binalot ng mabigat na atmosphere ang paligid habang nagsalita si Rico nang mabagal, “Hindi mo ba naaalala kung sino ang tumulong sa’yo noong gabing iyon?” Biglang nanigas ang katawan ni Ella. Napatingala siya sa gulat, tumingin nang diretso sa mahinahong mga mata ng lalaki. Kumalabog ang baso sa kanyang kamay, at nabasag ito sa sahig dahilan upang magkalat ang pira-pirasong bubog. Siya ba ang lalaking nasa kotse noong gabing iyon??? Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y kinakagat ang kanyang puso ng libu-libong langgam. Halos huminto ang pintig ng kanyang dibdib. Bumaba ang tingin ni Rico sa nagkalat na pira-pirasong bubog sa sahig. Inabot nito ang mahabang braso at niyakap ang manipis na baywang ng babae. Napasigaw si Ella sa gulat, pero buhat siya nito gamit ang isang kamay, inilayo mula sa kalat sa sahig, at maingat siyang ibinaba sa isang ligtas na lugar. “Pumunta ka muna sa opisina ko. Aayusin ko ito. Pag-uusapan natin ang iba mamaya.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinaplos niya ang magulo nitong buhok at itinuro ang pinto gamit ang kanyang baba bilang hudyat na lumabas na ito. Nanatili si Ella sa kinatatayuan, tulala, bago tumalima na parang naengkanto. Pumunta siya sa opisina nito na parang zombie, umupo nang maayos sa sofa, at nag-isip. Kaya pala pamilyar ang boses niya. Kaya pala inimbita niya ako sa pagkain. At kaya pala ganito ang reaksyon niya sa pagsusuka ko. Hindi siya makapaniwala. Siya pala ang lalaking pilit niyang pinagsamantalahan noong gabing iyon? Sa puntong iyon, naramdaman niyang parang nalalapit na ang katapusan ng buhay niya. Kung nagawa niyang pagsamantalahan ang boss niya, baka hindi na niya makita ang araw kinabukasan! At sa totoo lang, hindi pa siya dinatnan sa loob ng dalawang buwan. Madalas siyang irregular kaya hindi niya ito napansin. Napatingin siya sa kanyang tiyan, natatakot na baka may bata nga sa loob. Paano niya bubuhayin ang isang bata kung wala siyang pera? Samantala, pinatawag ni Rico ang cleaning lady para ayusin ang tea room. Pagkatapos, tumawag sa kaniyang Assistant na si Cedric Danceco. “Boss,” sagot ni Cedric. “Kailangan ko ng pregnancy test kit. Dalhin mo agad rito sa opisina. Maghanda ka na rin ng prenuptial agreement,” malamig na utos ni Rico. Natigilan si Cedric sa kabilang linya. Ilang sandali bago ito nakapagsalita ulit. “Ano po ang pangalan ng babae?” “Ang bagong sekretarya, si Ella Gatchalian,” sagot ni Rico. Nanahimik ulit si Cedric bago nagtanong, “Kailangan po bang manatiling lihim ito?” “Sa ngayon, oo,” sagot ni Rico habang nakatingin sa matataas na gusali sa labas ng salamin. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Ella, kaya mas mabuting panatilihing pribado ito. “Sige po, gagawin ko agad,” sagot ni Cedric. Pagkababa ng tawag, isinilid ni Rico ang isang kamay sa kanyang bulsa at tumitig sa bintana. Bumalik sa isip niya ang absurdong nangyari sa loob ng kotse noong gabing iyon, at tila naririnig pa niya ang mahihinang ungol sa kanyang alaala. Makalipas ang ilang minuto, bumalik siya sa tea room, gumawa ng panibagong tasa ng honey water, at dinala ito sa opisina.Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo
Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab
Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan
Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany
Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki