Share

Chapter 16

Third person point of view

"Do you love me?" Tanong niya habang nakatingin siya kay Connor.

Hindi niya maiwasan na umaasa pero kaagad niyang kinastigo ang sarili dahil alam niya na masasaktan lang siya.

Ngumisi ito at nagkibit-balikat.

"Connor!" Nakakunot ang noo na maktol niya dito.

"Magpahinga ka na at huwag ng makulit!" Saway nito sa kaniya pero may ngiti na nakapaskil sa labi.

Napanguso siya at nagsimulang bumulong.

"Ako daw yung sinisigaw ng sistema pero hindi naman masabi na mahal niya ako," bubulong-bulong na maktol niya.

"May sinasabi ka?" Nang-aasar na tanong nito.

Tinarayan niya ito.

"Wala!" Galit na sagot niya at umalis sa kandungan nito.

Nahiga siya sa hospital bed at nagtatampo na tinalikuran ito.

"Hey!" Sambit nito.

Umingos siya at naghalukipkip pero hindi niya pa rin ito hinarap.

Hinawakan nito ang balikat niya. "Hey! Galit ka ba?" Tanong nito habang pilit siyang pinapaharap.

"Tch, hindi ako galit," sagot niya pero iba naman ang pinapakita niya sa sinasabi niya.

"Oh Fl
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status