Share

Chapter 4

ISA

MATAGAL akong nakatitig sa mukha ng doctor na kumausap sa akin. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya.

"Pero doc, ang akala ko po, normal lang ang sakit ng anak ko? Bakit ngayon, sinasabi n'yong puwede niyang ikamatay ito?"

"Hija, nagkamali ang huling doctor na nakausap n'yo. Mabuti nga't nadala mo rito ang bata. Maaagapan pa natin ang sakit niya."

Hindi kumbinsidong umiling ako sa kaniya. "Hindi pa mamamatay ang anak ko, doc! Bawiin n'yo ang sinabi n'yo!"

"She will not die, pero kailangan niyang sumailalim sa bone marrow transplant. May rare blood disease ang anak mo, hija. Kapag hindi ito naagapan, manganganib ang buhay niya."

Wala sa sariling hinampas ko nang paulit-ulit ang dibdib ko nang mahirapan akong huminga.

"Ang dami nang pinagdaanan ng anak ko! Pagod na pagod na siya."

Naaawang tiningnan ako ng doctor. Hindi ko alam kung anong sakit ang tinutukoy niya, pero wala akong balak mawalan uli ng anak.

"Doc, iligtas n'yo po ang anak ko! Nakahanda akong pasukin ang lahat ng klase ng trabaho! Kung gusto n'yong ibigay ko ang sarili kong buhay, gagawin ko! Mabuhay lang ang anak ko!"

Tinanguan ako ng doctor. Pinaliwanag niya sa akin ang kalagayan ng anak ko at ang mga dapat naming gawin.

"The bone marrow produces blood cells that our body needs to survive. In your daughter's case, her bone marrow is injured and doesn't produce enough healthy blood cells. We need to find a donor to give her a bone marrow, asap."

"Sinasabi n'yo po bang... hindi kami matched ng anak ko?"

"Yes, hija. Actually, siblings are much more likely to be matched than parents. Mahihirapan tayong maghanap ng magiging donor niya. So, kung may kapatid si Heart, mas mabuti dahil may 30% na chance na matched sila. May kapatid ba ang anak mo?"

Sandali akong napapikit habang pinoproseso ang lahat.

"Opo... " wala sa sarili kong sabi.

"Good. Ang kailangan na lang natin gawin ay mag-conduct ng test para ma-determine kung talaga ngang match sila."

***

"Bone marrow transplant? Naku naman! Pagkamalas-malasan n'yo namang mag-ina! Nagkasakit pa nang ganiyan si Heart!"

Napaupo si Alicia sa tabi ko at naiiling na tumitig sa malayo. Alam kong ramdam niya ang bigat ng loob ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Magkano naman daw ang lahat ng magagastos?"

"Mahigit kumulang dalawang milyong piso."

"Ano? Diyos ko! Dalawang milyon? Dalawang libo nga, wala tayo!"

Napapikit na lang ako ng mga mata habang iniisip ang mga problema. Mula sa squatters area naming bahay, naglakad ako papunta sa hospital.

Habang nasa daan, panay balik sa akin ang naging pag-uusap namin ng doctor ni Heart. Isang bagay lang ang nasa isip ko—ang anak kong kinuha sa akin ng mga Cavallaro.

Hindi ko alam kung saan kamay ng Diyos ako kukuha ng dalawang milyong piso, pero ang anak ko... si Heart. Kailangan niya ng donor. Kailangan niya ngayon ang kakambal niya.

***

Sa tulong ni Mami Madonna, nagawa kong makuha ang address ni Uno dito sa Manila. At ngayon nga, nakatayo ako sa mismong harap ng gate ng mansion nila.

Lumapit ako sa gilid at matagal na tiningnan ang doorbell. Nagdadalawang-isip ako kung pipindutin ito o hindi. Isa na sa mga dahilan ko si Senyora Celestia. Paano kung makita niya ako at malaman niya ang totoo? Baka kunin niya sa akin si Heart!

"Ikaw ba iyong mag-a-apply na bagong katulong?"

Gulat akong napalingon sa boses na nagtanong. Ang nakangiting mukha ng isang babae ang bumungad sa akin. Sa palagay ko, nasa trenta anyos pa lang ito.

Ilang beses akong tumango. "O-opo!"

"Mabuti naman at dumating ka na. Ako nga pala si Edna, tawagin mo na lang akong Ate Edna. Ako ang magtuturo sa iyo ng mga kailangan mong gawin dito."

"Ako naman po si Isa! Nice to meet you po, Ate Edna!"

Agad akong tinuruan nito ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Kung ano lang ang puwede kong hawakan at ano ang hindi. At kung saan lang ako dapat tumuntong at kung saan hindi dapat maabot ng aking mga paa.

"Oh, alam mo na ang mga gagawin, ha? Bawal ka sa itaas. Dito ka lang maglilinis sa baba."

Inikot ko ang paningin ko sa malaking sala. Kahit parang mansion sa sobrang laki ang bahay na ito, mukhang hindi naman ako mapapagod sa paglilinis dahil kumikintab na sa linis ang sahig at mga kagamitan sa loob.

"Bago mag-alas-sais ng umaga, dapat nakahanda na ang breakfast. Hindi umuuwi sa tanghali si Sir kaya hindi na natin kailangan maghanda ng lunch para sa kaniya. Sa gabi naman, madalas ay late na siya kung umuwi kaya—nakikinig ka ba?"

Mabilis kong binawi ang paningin ko mula sa pangalawang palapag at tumingin kay Ate Edna.

"Pasensya na kayo, ate. F-first time ko kasing makakita nang ganitong kalaking bahay. Parang palasyo."

Tinanguan niya lang ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ang totoo niyan, hinahanap ko ang anak ko. Kasama kaya siya ni Uno rito? 

"Huwag kang mag-alala. Hindi mahirap ang trabaho rito dahil maliban kay sir, wala na tayong ibang aasikasuhin."

"Ibig n'yo pong sabihin, walang ibang kasama ang amo natin sa malaking bahay na ito? W-wala po ba siyang pamilya?"

Umiling si Ate Edna. "Kasama ni Sir iyong pasaway niyang anak. Si Alas."

Malakas na kumabog ang dibdib ko sa narinig. Ang anak ko? Nandito ang anak ko? At Alas ang pangalan niya?

Hindi ko alam kung paano malalapitan ang anak ko, kaya nang malaman kong naghahanap ng bagong katulong sina Uno, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at agad na nag-apply. Ngayon ay halos maluha ako sa tuwa. Nasa iisang bubungan na kami ng anak ko! 

"Wala pang asawa si Sir, pero ikakasal na siya sa susunod na buwan."

Napatingin ako kay Ate Edna sa sinabi niya. "Ikakasal na ho siya?"

"Oo, doon sa long-time girlfriend niya. Si Ma'am Gwen."

Napalunok ako sa pangalang narinig. Isa-isang nagbalik sa akin ang mga hindi magagandang alaala mula sa kahapon.

"Pero sa tingin ko, baka hindi rin matuloy ang kasal ng dalawang iyon."

"Paano n'yo naman po nasabi?"

"E, kasi itong si Sir Uno, ilang araw nang may hinahanap na babae."

"Babae?"

"Oo. Iyong stripper daw na kinuha sa birthday niya, gusto niyang mahanap."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Adora miano
Hahaha ano bayan abot kamay na
goodnovel comment avatar
Missy F
bwisit kang Uno ka, sa sama ng ugali ng Gwen mo, binalak mo tlgang pakasalan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status